Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ipinipilit na Magdasal ng Rosary

Status
Not open for further replies.

Chichun

The Loyalist
Advanced Member
Messages
534
Reaction score
0
Points
26
Okay. Hindi ako against sa rosary but naalala ko noon Katoliko ako, ngayon, ayoko na talaga---noon, derecho ako nagdarasal kay God pero ang tao sa amin, hindi masatisfied na hindi ako magdasal ng rosary.

Lagi inaalala sa akin na mapupunta daw ako sa hell. Kapag itinatanong ko, it is not enough raw ang pagdasal ko kay God na derecho sa kanya. Mapupunta raw ako sa purgatory.

What!!??

Meron pang ganun-ganun iyon?

Parang ipinalabas na wala saysay ang pagdasal ng God directly to him at kailangan mandatory na magdasal ng rosary.

Ang akala ko ba either meron rosary man o wala basta you are praying to God ay credit na iyon?

Meron pa sila level-level na kapag praying rosary ay go to heaven then without praying to God is hell then purgatory if without praying the rosary but choose to pray to God.

Papaano nila nalaman kung saan ako mapupunta kapag namatay ako e tao lang sila?

Ngayon, umalis ako sa pagiging Catholic ay ganoon pa rin ang dinidikta sa akin. Magdasal ng rosary kapag nakikita na hindi ko ginagawa iyon.

Pagkatapos kapag tinatanong ko kung ano ang gusto mangyari at bakit namimilit. Ang isasagot ay sige hahayaan raw ako, kaya lang mapupunta ako sa hell sa ginagawa ko.

What!!??

Nakakainis talaga. Alam ko concern ang tao sa akin o ano pero damn... ang hirap kapag napapalibutan ka ng religious environment.

Yung mga activities na hindi religious ay nasisita.

Nagkataon kase na nakita ako na nanonood ako ng anime nang madaling araw.

Then i remember noon, nakapasok lang ako sa CFF o CCF ba iyon? Whatever.

Ang dami rin sinabi sa akin.

Nang nagpunta ang pinsan ko madalas sa CFF o CCF dahil ininbita siya, wala sinabi kungdi, Catholic lang ang totoo simbahan raw.

Mapupunta daw siya sa impyerno sa ginagawa niya then nag explain ako para maunawaan niya tungkol sa ginawa ng pinsan ko (dahil ininvite lang naman siya e) ay tinawag ako heretic at mapupunta rin daw ako sa hell sa ganoon pag-iisip ko na keyso pang devil na raw iyon.

Haha. Sorry. Hindi ko na matiis. Kailangan ko siya erelease.

Feel ko wala na ako ginawa tama pero naniniwala naman din ako sa heaven. Minsan napapaisip ako mag atheist pero ayoko.

Ang dami-dami kase nangyayari na ewan.
 
Last edited:
Anong relihiyon yang mandatory na magdasal ng rosary? Kasi sa catholic hindi ganyan. Siguro sa mga monghe at mongha oo pero sa mga members? Palagay nyo? Sa mga katoliko dyan? Catholic na yata pinaka maluwag na relihiyon. Na sayo kung magsimba ka o magdasal ka ng rosaryo o hindi.
 
Anong relihiyon yang mandatory na magdasal ng rosary? Kasi sa catholic hindi ganyan. Siguro sa mga monghe at mongha oo pero sa mga members? Palagay nyo? Sa mga katoliko dyan? Catholic na yata pinaka maluwag na relihiyon. Na sayo kung magsimba ka o magdasal ka ng rosaryo o hindi.

Binyag ako bilang Roman Catholic. Ngayon, ayoko na. Lahat ng members of my family is Roman Catholic. Ang ilaw ng tahanan namin ay nabubukod tangi siya nagpapainpluwensya sa amin lahat pagdating sa traditionalist at sa pagiging religiousity.


Ayaw niya ng modern Roman Catholic church kaya puros traditional ang sinisimba-simba namin. Tipo meron pa dress code at naka-veil na kinakailangan ang mga babae, and extremely nakapalda na lampas tuhod. Bawal na bawal din ang seductive dress---basta marami.

Meron friend si ina ng mga traditionalist at religious din. Pansin ko ang ipinag-uusapan nila is issue sa simbahan. Yung mga issue ng mga pare, yung mga issue ng iba government. Kasama doon ang issue ng members ng organization nila sa church... mga ganun-ganun lang at issue ng mga tao katulad na kapitbahay na naglilive in, bakla sa kapitbahay... mga ganun. Lalo sa modern Roman Catholic church ay nasisita rin nila iyon---yung mga pare at mga members na sa katunayan, same sila Catholic.

Kamag-anak namin isa ay extremist traditionalist na always nag-uupdate sa amin at once na hindi ayon sa paniniwala nila ay sobra sila galit na galit.

Like for example ng malaman na gay ang cousin ko ay automatically hate na nila ang cousin ko. Yung kamag-anak namin na lalake sa iba bansa ay automatically ay hindi pumunta sa kasal nito.

Ang rason is nagkasala raw siya sa pagdivorce ng asawa nito at ikakasal uli.

Nakakairita at nakakailang minsan na parang paulit-ulit o minsan ipinalalabas na we are not worth to go to heaven porke we do some modern stuff o tipo pa-easy easy kami porke madalas ang hawak namin ay mga gadgets katulad ng computer at tablet.

And of course umaasa siya na magdasal raw kami ng rosary. Hindi ako against talaga. Nagkataon lang na simple prayer lang ang akin noon kaya siguro ang ikli at dahil maikli ay hindi niya ako nakikita magdasal noon.

Kahit sabihin ko na finish na ako magdasal ay gusto niya rosary ang idasal namin dahil iyon daw ang magsasaved sa amin.

E di parang not enough nga.

Feel ko gusto niya tumulad kami sa kanya na lahat kami ay magdarasal ng rosary gabi-gabi.
 
Last edited:
Nandito ang sagot TS libre makinig dyan ^_^
http://angdatingdaan.org/katoliko/a...o-bible-tungkol-sa-panalangin-na-paulit-ulit/

MATTHEW 6:7-8

But when ye pray, use not vain repetitions, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking.
Be not ye therefore like unto them: for your Father knoweth what things ye have need of, before ye ask him.

LUKE 20:46-47

Beware of the scribes, which desire to walk in long robes, and love greetings in the markets, and the highest seats in the synagogues, and the chief rooms at feasts;
Which devour widows’ houses, and for a show make long prayers: the same shall receive greater damnation.
 
Anong trade to paninira.....i will kick u ....sabe nga ne duterte...patayin kita dyan .......dude magresearch ka naman dude....may google naman about rosary eh.....so huwag kang gagawa ng trade na ikakasira ng iba.....babala sau....madali kang pupunta sa langit yan...! |:0...isa lang ang rason kung bakit mo to nagawa ay tamad kang magrosary.....hahaha....hnd ka dapat manghusga..or gagawa ng ganitong trade...para hnd ka ma ano...hahaha...:slap::slap::slap::pray::pray::pray::pray:
 
Last edited:
bawal ganito na tread nung ako nag comment about sa religion na but hurt ata ung iglesia na puna ng puna ng catholic aun ban isa kung acct.... porket itong si manalo sugo daw kuno hahahaha
 
Hnd ka na kac katoliko kaya hnd mo naiintindihan......ito....kung mamatay ka tiyak ko magpapadasal ka sa amin.....meron dito sa amin inc noong namatay ang kanilang anak pumunta sya sa katoliko upang magpadasal para sa kaluluwa ng kanyang anak.....tapos nagtaka ang katoliko sabi ng inc katoliko ako....kac alam ng katoliko kung may mamatay sa inc....ay walang magseserbesyo sa patay nila.....ang totoo dyan.....wala silang prayer about sa soul......ang inc...
 
Hnd ka na kac katoliko kaya hnd mo naiintindihan......ito....kung mamatay ka tiyak ko magpapadasal ka sa amin.....meron dito sa amin inc noong namatay ang kanilang anak pumunta sya sa katoliko upang magpadasal para sa kaluluwa ng kanyang anak.....tapos nagtaka ang katoliko sabi ng inc katoliko ako....kac alam ng katoliko kung may mamatay sa inc....ay walang magseserbesyo sa patay nila.....ang totoo dyan.....wala silang prayer about sa soul......ang inc...

kahit ilang beses mo pa ipagdasal yan useless lang, kung namatay kang makasalanan ikaw ay huhusgahang makasalanan,.

revelation 20:13 And the sea gave up the dead which were in it; and death and hell delivered up the dead which were in them: and they were judged every man according to their works.
 
prayers is for our soul
hindi mopo makikita ang rosary sa biblia
im not really against as long as para kay God
i do asked it sa isang pastor sabi nya wala daw naman yun sa biblia para gawing mandatory
sabi na lang nya if its for God only ok lang pero kung mag idolize sa kahit anong bagay mali na
wag na lang tayo mag away away dito every one has opinion just saying
peace out
 
Anong trade to paninira.....i will kick u ....sabe nga ne duterte...patayin kita dyan .......dude magresearch ka naman dude....may google naman about rosary eh.....so huwag kang gagawa ng trade na ikakasira ng iba.....babala sau....madali kang pupunta sa langit yan...! |:0...isa lang ang rason kung bakit mo to nagawa ay tamad kang magrosary.....hahaha....hnd ka dapat manghusga..or gagawa ng ganitong trade...para hnd ka ma ano...hahaha...:slap::slap::slap::pray::pray::pray::pray:

Iho thread at hindi trade...trade=nakikipagpalitan
 
Anong trade to paninira.....i will kick u ....sabe nga ne duterte...patayin kita dyan .......dude magresearch ka naman dude....may google naman about rosary eh.....so huwag kang gagawa ng trade na ikakasira ng iba.....babala sau....madali kang pupunta sa langit yan...! |:0...isa lang ang rason kung bakit mo to nagawa ay tamad kang magrosary.....hahaha....hnd ka dapat manghusga..or gagawa ng ganitong trade...para hnd ka ma ano...hahaha...:slap::slap::slap::pray::pray::pray::pray:

Papaano naging paninira? E personal experience ko nga? Papaano ako naging mapanghusga e experience ko nga e noh sa amin. Amin lang ho. Hindi naman ibig sabihin na ang experience ko ay experience rin ng Catholic sa buo mundo.

Sabi nga ng isa dito na malalaya naman raw ang Catholic. Sa amin ay iba. So ang itinutukoy ko ay amin lang. Amin lang ang naiba kaysa sa tao na Catholic na moderno.

Hindi naman din ako nagtatanong about rosary kaya no need to research dahil sabi ko nga ay hindi ako against sa rosary. Remember? Kapag gusto ko magdasal ay talaga magdarasal ako ng rosary dahil hindi ako against. Kung choice ko talaga.

Alam ko lahat about Catholic stuff. Nagkataon lang na I choose different way ng pakikipag-usap kay God dahil kompotable ako, free or maybe my personality na rin at siguro easy lang sa akin na meron ako kausap na human being. Ganun.

Aaminin ko, if iyon ang ginagawa ko ay nakakapagmeditate ako ng masinsinan. Pwede naman ang rosary na emeditate at iyon din ang gawin ko dahil meron chanting meditation katulad ng rosary na paulit-ulit.

Nagkataon kase na mahilig ako sa natural stuff. Ganun. Tipo simple pero epektibo. Hindi ko sinasabi na useless ang rosary ha? Pero totoo lang, kapag lahat na kami ay nagdarasal ng rosary ay lumilipad na ang isip ko.

Hindi ako makafocus at hindi ko makayanan na emeditate ang ganoon chanting prayer dahil nadadapuan ako ng antok dahil anong use ng rosary sa kakadasal ng paulit-ulit kung naaantok din naman ako. Mahaba kase. Ang mga eksperto lang ata diyan tulad ng mga monghe at mongha o mga madre sa ministeryo ang pwede kayanin ang ganun chanting meditation prayer na iyon dahil layo sila sa outside world. Hindi rin ako religious.

You see I am not against. Gusto ko lang talaga ma perfect ang spirit ko. Meron inner peace at meron love within. Mga ganun lang. Iyon ang reason kung bakit ang pinaka simple at effective ang ipinili ko dasal na tipo makakapagconcentrate ako.

Catholic ako noon at umalis ako. Umalis ako hindi dahil ang Catholic is not true o ano but gusto ko on my own na eenhance ang sarili ko spirit na maging perfect.

Because of my situation ay naisip ko na magsarili without religion dahil kapag nasa loob ako ng relihiyon ay mas lalo naguguluhan ang utak ko dahil meron sinusundan written law.

Iyon lang.

Pangit kaya magdasal ng rosary habang natutulog ang tao. Hindi tayo aware sa ipinagdarasal natin. Kailangan healthy ang mind, healthy ang spirit at healthy ang physical.

Naaantok talaga ako. Hindi ako tamad. Kailangan ng focus at meditation. Kahit nga mismo statue ni Blessed Virgin Mary ay kailangan emeditate iyon.

Lahat as in, na kahit nagtatrabaho tayo for example na meron tayo ginagawa online ay ememeditate natin ang computer na kaharap natin para matapos ang dapat natin matapos.

Ang hirap kaya?
 
Last edited:
Dami mo na post na halos puro focus para sa iyo.

Kung kaya mo magmeditate at sabi mo nga hindi ka naman against dito(rosary) eh bakit hindi mo kakayanin?

Also it is more correct to say praying rather than chanting.
 
Dami mo na post na halos puro focus para sa iyo.

Kung kaya mo magmeditate at sabi mo nga hindi ka naman against dito(rosary) eh bakit hindi mo kakayanin?

Also it is more correct to say praying rather than chanting.

It is because we are not perfect po so it is a reason why naghahanap po tayo kung saan po tayo madali maka-access. Ang dami different meditation na pwede pagpilian po kung saan at ease ang isa tao. Marami factors or reasons po. Tao lang po ako. Driven purpose ika nga and everything has its own reason.

Talaga lang po. Wala naman perfect sa mundo and if it is perfect po, e di lahat ng 1 billion tao o sabihin natin na lahat na tao ay nagdarasal ng rosary na perfect na perfect talaga. Tipo 100%.

Ginagamit ko ang chanting dahil ang praying is another form of meditation po. Then rosary is also tool for meditation at uri ng meditation ng rosary is chanting.

Repeated words kase siya o rhythmic tones po kase siya.

And of course, I am not religious. Ang akin lang ay minsan pero hindi madalas ay madali sa akin ang magmention ng spiritual terminology kaysa religious terminology.

Pasensiya na sa mga Catholic members ha? Lalo na sa mga devoted in religion o sa mga religious kung nakaka-offend ang sinasabi ko o ang ginawa ko thread dito.
 
Last edited:
ang muslim nga may rosario eh baka d nyo alam ginagamit nila un pag darasal nila kasi itong inc na to logic lang eh ginaya ang bawal sa muslim at ibang religion pinag samsama may religion na sila maka puna sa roman catholic pero muslim d kaya tirahin hahaha ku g galit kayo sa catholic wag nyo gamitin biblia namin at gumawa kayo ng sarili nyo na biblia kung tingin nyo mali kami at kayo tama nakiki biblia rin naman kayo eh..... wag catholic punahin nyo lagi dami religion jan kasi dati na nag serve si manalo sa catholic nung nakita nya malaki kinikita sa abuloy un nag tatag na sya ng sarili nya biblia mas mali ung tao ang nag tatag ng religion dahil sa greedy kesa sa amin
 
nice thread....pro, marami lang talagang tao di pa alam doctrine ng religion nila.... hhheeh, maraming catholic na di alam teaching ng religion nila..kung nanaisin, doctrine ng catholic ang pinakamahirap sundin..kaso di stricto....
 
Ano ba purpose mo na puro mga post mo eh laging patungo para sa iyo?
 
TS na trap ka lang sa traditions have a direct prayer to GOD only ganyan ginagawa ko kahit makasalanan pa rin ako paulit ulit ako nagdadasal directly to GOD i read the bible there is no rosary in it and if you think common sense lang ha bakit ba magdadasal sa any saints theyve done their service to GOD and not to pray to them to get us to GOD. ikaw pwede kang maging isang saint kahit sino bastat ang iyong buhay ay para lang sa panginoon walang INC ROMAN CATHOLIC o kahit anong religion pa yan.....kahit yung anghel nga sinabihan c saint john na wag kang lumohod sa kin pareho lang tayo servants of GOD....complicated kasi ang religious ways ngayon dahil kay satanas he pollutes and mix the traditions to let us pray to anyone or anything other than GOD..... there is no religion before but many people were saved because of their direct relationship to GOD HIS SON JESUS CHRIST....kaya kahit wala kang religion o tradition na sinusunod bastat kay JESUS CHRIST ka lang manalig kahit walang rosary no offense or any saints....Mother Mary was a servant too as the Mother of GOD in flesh.......wag kasi kayo pa trap sa mga traditions o religious sects ask GOD the truth and He answers really well in HIS ways......P.S kahit yung isang magnanakaw na nakasabay ng Panginoon sa pagpako sa krus ay naniwala lang kay JESUS at napunta na siya sa langit instantly the time when you believe in GOD HE will not leave you no matter how great your sin is and always repeating it HE is always waiting for you rooting for you to come back to HIM...

kung nagtataka kung ano basihan ko yung BIBLE mi confirmation kasi from GOD pag nagbabasa ka ng Bible through your heart not your mind not and not with your lips, theres the warmth sensation that keeps you reading the bible until to the end at nalaman kulang na ang warmth sensation na yun ay ang HOLY SPIRIT pa la yun...BORN AGAIN through the spirit not the religion kaya kahit anong kasalanan pa yang nasa kamay at isip mo wag mo kalimutan ang panginoon kahit anong sakit pa yan pasalamat ka pa rin sa panginoon dahil because of PAIN you will see beyond...things that cant be seen by knowledge alone but by GOD ONLY.
 
Last edited:
Ano ba purpose mo na puro mga post mo eh laging patungo para sa iyo?

Ang purpose ng ginawa ko thread ay… well… patungkol nga sa akin. Siyempre, my personal experience sa loob ng amin tahanan. If ano nangyayari patungkol sa akin galing sa tao nakakapaligid ko. Meron ako emotional upset ng Sunday January 29 dahil ganoon ang sitwasyon ko naranasan nang madaling araw ako nanonood ng Fullmetal Alchemist Brotherhood anime series nang bigla ako nabulabog ng isa pagbukas na pinto sa kuarto then---

boom!---sabay magsasalita na nagdasal na ba ako?---na wala raw kami dasal-dasal---na kailangan magdasal ng rosary kungdi mapupunta kami sa impyerno.

Kahit malugod na sagutin na I am done praying na po ay it seems na hindi pa makuntento kaya iniinsist na praying rosary is easy to go to heaven daw.

Human being lang ako para maranasan ko ang ganoon kakaiba pakiramdam na nagkaroon ako ng emotional upset through gritted teeth.

Kinabukasan, Monday January 30 ay hindi ko matiis ang hinaing ko dito sa loob ng puso ko so isinulat ko ang personal experience ko sa forum para makatulong sa akin to release my emotional distress ng madaling araw.

Iyon nga ang rason kung bakit meron forum. Totoo. Patungkol sa akin na associated on my family upbringing.

P.S.

Hindi lahat ay patungkol sa akin. Ang iba ay about society and culture. Ito lang thread na ginawa ko na patungkol talaga sa akin.

It is now or never.

Kailangan po siya erelease.


nice thread....pro, marami lang talagang tao di pa alam doctrine ng religion nila.... hhheeh, maraming catholic na di alam teaching ng religion nila..kung nanaisin, doctrine ng catholic ang pinakamahirap sundin..kaso di stricto....


Mahirap talaga sundin ang doctrine pero kung traditionalists o religious ang tao mismo ng Catholic ay alam ko, mala-doktrina sila. Experience ko lang ito ha? Ang family upbringing ko especially ang ilaw ng tahanan ang taga influence ng religiousity and pagiging traditionalists ay hanggang ngayon ay hindi ako nagpapa-influence.

Oo. Sumasama-sama ako sa gathering pagdating sa mga religious stuff like going to traditional Roman Catholic church dahil I am member of the family pero it does not mean na mahihila talaga ako. Ang rason ko kung bakit sumasama-sama pa ako sa ganoon gathering even though I am not Catholic anymore is dahil vinavalue ko ang paniniwala ng members ng family ko.

Andoon pa rin ang respect kahit hindi ako Catholic kaya nga nang napaamin ako aksidentally na I am not religious at ayoko magpa-influence ay nagalit sa akin. Ang sabi sa akin kung bakit ayaw ko magpa influence. Baka mapunta ako sa impyerno.

Ngayon, hindi ako nagsasalita against sa belief system ng family ko. Tumatahimik ako para lang wala na conflict though gusto ko magsalita pero hindi pwede. Seal my lips ika nga and dahil siyempre ito, ngayon, hindi ko ma seseal ang lips ko.

Ni-release ko siya dito sa forum.

Siyempre, alam niyo na, what it feels sa ganoon environment.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom