Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Is it too late to learn JAVA?

dabah

Professional
Advanced Member
Messages
154
Reaction score
4
Points
28
Hello po, sana may makapansin. Graduate po ako ng 4year non computer related course, adik ako sa mobile games (hindi ML) matagal ko nang nasa isip na magaral ng programming, may nabasa rin ako na JAVA ang dapat ko aralin kung gusto kong pumasok sa Android Programming. 25yrs Old na ako at ok naman ang work ko, pero everytime na nakakakita ako ng code parang gusto ko syang malaman kung paano nangyari yun (sa work ko kasi may onting excel VBA ako na ginagamit). . alam ko na hindi madali ang JAVA sana matulungan nyo po ako na maka avail ng updated na book tungkol sa java yung from zero to advance, gusto ko po sana is actual book ayoko kasi sa ebook magbasa eh. May laptop at internet naman po ako, at mkakapag self study ng 3-5hrs a day. kahit abutin ako ng 2-3 years na self study tyatyagain ko basta matuto ako. Sa tingin nyo? kaya ko kaya?
 
kaya naman lagi sir :) ! ako nga nung nagkatrabaho tska lang natuto mag php sir e.
 
Wala naman pong huli pagdating sa pag-aaral ng kahit anong bagay.
Okay po yung language na JAVA to start kung magfofocus ka sa android development.
Pwede din po C++, C#, Python.
 
Wala naman pong huli pagdating sa pag-aaral ng kahit anong bagay.
Okay po yung language na JAVA to start kung magfofocus ka sa android development.
Pwede din po C++, C#, Python.

Salamat po Sir, may alam po ba kayong Book or Mabibilhan ng book? mas gusto ko kasi book kesa sa ebook eh. Nagiisip nga rin po ako kung JAVA or Phyton po aaralin ko kasi mas madali daw ang Phyton.
 
Salamat po Sir, may alam po ba kayong Book or Mabibilhan ng book? mas gusto ko kasi book kesa sa ebook eh. Nagiisip nga rin po ako kung JAVA or Phyton po aaralin ko kasi mas madali daw ang Phyton.

may mga tutorials po sa Pinterest
 
Hello po, sana may makapansin. Graduate po ako ng 4year non computer related course, adik ako sa mobile games (hindi ML) matagal ko nang nasa isip na magaral ng programming, may nabasa rin ako na JAVA ang dapat ko aralin kung gusto kong pumasok sa Android Programming. 25yrs Old na ako at ok naman ang work ko, pero everytime na nakakakita ako ng code parang gusto ko syang malaman kung paano nangyari yun (sa work ko kasi may onting excel VBA ako na ginagamit). . alam ko na hindi madali ang JAVA sana matulungan nyo po ako na maka avail ng updated na book tungkol sa java yung from zero to advance, gusto ko po sana is actual book ayoko kasi sa ebook magbasa eh. May laptop at internet naman po ako, at mkakapag self study ng 3-5hrs a day. kahit abutin ako ng 2-3 years na self study tyatyagain ko basta matuto ako. Sa tingin nyo? kaya ko kaya?

My answer to your question is, NO. It's not / never too late.

Bata ka pa naman, tsaka advantage mong maituturing yan pagiging graduate mo kahit na hindi siya related sa IT. Kung gusto mo talaga mag-aral mag code and JAVA as your chosen language, do it. Mahaba-habang time na ang 3 - 5 hours a day, tapos may laptop at internet ka pa. You already have the essential tools to start. Pero wag mong madaliin kasi gaya nga ng sabi ko, madami kang oras. Take your time. Do it slowly. Trial and error yang programming, haha. Maganda yan na gusto mo yung physical books kesa sa softcopy / pdf. Parehas tayo. Tsaka sa programming, para sa akin, mas matututo ka talaga kapag ginagawa mo ng ginagawa kesa yung puro ka lang basa. You will learn by doing. Basta wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano pa at i-push mo na yang gusto mo. Keribells lang yan.
 
TS makisingit naman sa thread mo...

pasagot naman po,, eto po specs ko:
Intel Core i3-6100U Processor (3M Cache, 2.30GHz); Memory: 4GB ; Hard Drive: 1TB ; Windows 10 Home Single Language (64bit)

ok lng po ba yan para beginner, hindi po ba yan kulang para sa Java?

walastik po ako sa math, kelangan ba sobrang galing?

30 something nako ts buti ka 25 pa lang hehe, ako sobrang late na..
 
Last edited:

Di ako ang topic / thread starter pero try ko na din sagutin ang tanong mo. Hahaha.

Okay na okay yang specs ng laptop mo para purpose na gusto mo. Pero pag nag-proceed ka na sa pag-dedevelop ng app gamit ang mga IDE kagaya ng Android Studio or Visual Studio, dun mo na mararamdaman.

Di naman kailangan sobrang galing. But it helps a lot if you're really good in Math.

Sa edad, wala naman problema. Kahit na anong edad ka pa, pag may gusto kang matutunan, as long as kaya mo, go lang. Kung graduate ka naman at hindi related sa IT ang course na natapos mo pero gusto mo mag-shift ng career into IT, wala ding problema. Also, its not / never too late.
 
Perfect motivation. Daming salamat sir. Wag na tayo magisip ng kung anu ano ts, start na agad hehe
 
isa ako sa tulad niyo sir, 18 ako nung nag stop ako sa collge it course ko nun maaga ako nakapag asawa kaya nahirapan na ko mag patuloy pa, hanggang sa pinasok ko nalng ang pag wimax noon, pero di padin sapat tapos hangang ngayon nakaka bawe na at nagkapag tayo na ng wifi dito samin di pa uso pisowifi non nung nag self study ako, ngayon tutuloy ko na ulit ang it course ko at mag selfstudy ako, nakapag selfstudy nga ako noon ng pfsense bat di pa ngayon, tatapusin ko lang course ko at sasabayan ko pa ng mga downloaded learning video tutorial ngayon.

ngayon 26, na ako at may 3kids, think positive
 
Last edited:
"The biggest difference between those who are successful and those who aren't isn't intelligence, it's people's willing to just start and fail along the way."

Harry Sanders, 21
SEO (search engine optimisation)

Naranasan ng taong yan kumain tirang pagkain sa basurahan dahil na bankrupt negosyo ng tatay. Kaya ni revive nya.
Kaya din natin hehe
 
Last edited:
isa ako sa tulad niyo sir, 18 ako nung nag stop ako sa collge it course ko nun maaga ako nakapag asawa kaya nahirapan na ko mag patuloy pa, hanggang sa pinasok ko nalng ang pag wimax noon, pero di padin sapat tapos hangang ngayon nakaka bawe na at nagkapag tayo na ng wifi dito samin di pa uso pisowifi non nung nag self study ako, ngayon tutuloy ko na ulit ang it course ko at mag selfstudy ako, nakapag selfstudy nga ako noon ng pfsense bat di pa ngayon, tatapusin ko lang course ko at sasabayan ko pa ng mga downloaded learning video tutorial ngayon.

ngayon 26, na ako at may 3kids, think positive

Salamat Idol, sa totoo lang sa tingin ko motivation ang kulang sakin eh, kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko mag aral, marunong din ako magresearch, medyo nahihinaan lang ako ng loob kasi yun nga may edad na pero tulad ng nsa unang reply na 30 yrs old na pero gusto pa rin matuto, mas lalo akong nabuhayan, hindi lang pala ako ang ganito. maraming salamat.

Sa totoo nyan kumpleto na ako ng gamit eh, libro (HeadFirst Java 2nd Ed.) , laptop, internet pati offline ng w3school meron na din ako. hehehe Start na!!!!!
 
its never too late, limit ka muna sa mga social media like facebook or online games, focus ka lng sa self study mo, mag online courses ka din like udemy...
 
Sa Totoo lang TS sa lagay mo na yan?

Mas madami ka pang matututunan. Bakit?

Meron kang mga Starting Tools, Laptop at Internet. Yan lang pwedeng pwede na eh.

Ako gustong gusto ko matuto. Kaso wala ako nyan sa bahay.

Dito sa Work ko di naman ako pwede mag ganyan at makaka apetko sa work ko as an IT.
Gusto ko din maging programming.

Let me tell some story when i was college.

2nd year college. Turbo C, VB.net.

Nakakapag coding ako ng maayos, diko alam kung bakit. Nagegets ko yung Logic. If, Else If, While, Loop.

Basta na aastigan ako. Tipong ayyy pucha ganito yun para makuha nya yung output na ganito.

Tada!!! Ako una laging natatapos sa mga activities hahaha :D

Ngayon? Isa akong I.T Technical Support hehehe. Gusto ko din talaga matutunan yan eh.

Anyways, Keep it Up for those who want to learn more :)
 
ako rin gusto ko rin matuto mag programming bka mron kayo dyan ebooks and tutorials. Java din gusto ko 2nd option ko C++
 
It's NEVER TOO LATE to learn anything kapatid. Kahit ano pa man yan, mapa Java o pagagantsilyo man yan, kahit ano as long as you commit yourself into it, walang imposible. Go for it! :salute:
 
Kaya mo yan ts mas bata ka panga sa akin eh. Ito ako nagsisimula din mag-aral ng android programming. Kinakamote na nga ako. Haha... Anyways never give up parin ako.
 
Kaya mo yan ts mas bata ka panga sa akin eh. Ito ako nagsisimula din mag-aral ng android programming. Kinakamote na nga ako. Haha... Anyways never give up parin ako.

Sir yan din ang gusto ko talaga pasukin, may idea na rin ako kung ano yung unang app na bubuuhin ko, paano ka po nagstart? anung language po? sa ngayon po may alam na ako sa basic ng programming mga if/else, looping, may basic na rin po ako sa html and css
 
Gamit ko TS yung Android Studio at Java ang language. Balita ko Kotlin na pinapauso ng Google pero nagstay na lang ako sa Java dahil medyo pamilyar na ako doon. Never pa ako nakapagprogram dati for Android. Although marami na din ako nasubukan language noong araw like yang HTML & CSS. Pero paborito ko talaga sa lahat ng nasubukan kong language ay Python. Sayang ngalang parang komplikado magsimula sa android development kung yan ang pipiliin ko. Kase karamihan talaga ng api ngayon eh written for Java.
 
Salamat Idol, sa totoo lang sa tingin ko motivation ang kulang sakin eh, kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko mag aral, marunong din ako magresearch, medyo nahihinaan lang ako ng loob kasi yun nga may edad na pero tulad ng nsa unang reply na 30 yrs old na pero gusto pa rin matuto, mas lalo akong nabuhayan, hindi lang pala ako ang ganito. maraming salamat.

Sa totoo nyan kumpleto na ako ng gamit eh, libro (HeadFirst Java 2nd Ed.) , laptop, internet pati offline ng w3school meron na din ako. hehehe Start na!!!!!

paano yung w3school na offline?
 
Back
Top Bottom