Buti pa kayo. Samantalang ako nangangapa pano ko maayos system ng company namin. Natapos ako ng IT pero feeling ko di talaga ako para dito
Ano ba setup ng system ng company niyo at ano yung problema? Hingi ka lang advice dito. Baka matulungan ka namin.
- - - Updated - - -
Hi Mga Bro.
Any Tips about network administration ?
how to properly mantain implement dns dhcp AD?
Any tips mga bro. best practices din about sa it infrasture.
Hi bro,
Depende kasi sa scope ng DHCP mo bro. Mas maganda kasi kung may scope ka sa implementation at deployment ng DHCP, DNS, AD.
For example sa DHCP:
Make a scope na hindi nag ooverlap yung IP Addresses na inaassign mo kada pc. For sure gagamitan mo ng static IP ang mga devices lang printer to maintain its IP Address and connectivity and aside from that yung mga "important person" devices.
Gamitan mo ng network scanner or gawa ka ng network map mo para hindi ka malito or ma out of sync sa pagmonitor mo ng network/ip address ng end users. Gawa ka rin ng list at make sure na hindi magduduplicate yung ip address upon assigning.
Iseparate mo yung network niyo from guest users.
Kung gumagamit ka ng managed switch idisable mo yung unused ports para maka iwas ng ip conflict sa mga dead connections.
Mag generate ka ng alerts coming from your DHCP Server to check kung sino yung mga unrecognized na gusto kumonek sa network niyo.
Sa DNS naman:
Gumamit ka ng descriptive naming schemes sa mga devices mo para mas madaling mascan or lookup yung user. Best practice ito sa DNS. Para pag magtroubleshoot ka, alam mo na kung saan ka pupunta hindi yung iisa isahin mo or manghuhula ng pc kung anong IP address nila.
Pwede mo din gamiting yung local DNS Address ng server niyo para mas mabilis yung pag access sa resources niyo and make sure to use global dns addresses like google 8.8.8.8
Sa IT Infrastructure:
Gumawa ka ng planning, deployment cases, sizing, performance tuning, installation documentation, upgrade/updates, system administration, and lastly monitoring.
By this method malalaman mo kung hanggang saan yung kakayanin ng IT Infra na binuild up mo.
Sana may iba rin na mag bigay ng best practices para makatulong sa lahat.