Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kailan Tuluyang Matatapos ang mga Labanan?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Chakman

The Devotee
Advanced Member
Messages
330
Reaction score
351
Points
173
Space Stone
Mind Stone
Divine Faith
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
1714013001261.png
“Kailangan ngayon na mabawasan ang tensiyon at huwag hayaang lumala pa ang sitwasyon. Kailangan ngayon nang matinding pagpipigil,” ang sabi ng United Nations Secretary-General na si António Guterres tungkol sa direktang pag-atake ng Iran sa Israel noong Sabado, Abril 13, 2024.
Ang labanan sa Middle East ay isa lang sa maraming labanang nangyayari sa buong mundo.
“Ngayon lang ulit nagkaroon ng ganito karaming mararahas na labanan sa buong mundo mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at 2 bilyon katao—isa sa bawat apat na tao—[ang] apektado.”—United Nations Security Council, Enero 26, 2023.
Kasama sa mga lugar na may mga kaguluhan o labanan ang Israel, Gaza, Syria, Azerbaijan, Ukraine, Sudan, Ethiopia, Niger, Myanmar, at Haiti. a
Kailan kaya tuluyang matatapos ang mga labanan? May magagawa kaya ang mga lider ng mga bansa para maging payapa ang mundo? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Isang mundong may mga digmaan​

Ang mga labanan ngayon ay senyales na malapit nang matapos ang lahat ng digmaan sa buong mundo. Ang mga digmaang ito ay katuparan ng hula sa Bibliya tungkol sa panahon natin. Tinatawag iyon ng Bibliya na “katapusan ng sistemang ito.”—Mateo 24:3.
  • “Makaririnig kayo ng ingay ng mga digmaan at ng mga ulat ng digmaan. . . . Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian.”—Mateo 24:6, 7.
Basahin ang artikulong “Ano ang Tanda ng ‘mga Huling Araw,’ o ‘Katapusan ng Panahon’?” para malaman kung paano tinutupad ng mga digmaan ngayon ang hula sa Bibliya.

Isang digmaang tatapos sa lahat ng digmaan​

Inihula ng Bibliya na matatapos ang lahat ng digmaan ngayon. Paano? Hindi mga tao ang makakagawa nito. Mangyayari ito sa Armagedon, ang “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.” (Apocalipsis 16:14, 16) Pagkatapos ng digmaang ito, matutupad na ng Diyos ang walang-hanggang kapayapaan na ipinangako niya sa mga tao.—Awit 37:10, 11, 29.
Para matuto pa tungkol sa digmaan ng Diyos na tatapos sa lahat ng digmaan, basahin ang artikulong “Ano ang Digmaan ng Armagedon?
a ACLED Conflict Index, “Ranking violent conflict levels across the world,” Enero 2024
 
Back
Top Bottom