Espesyal ang araw na ito. Sa kauna unahang pagkakataon, katabi ko ang aking matagal nang sinisinta. Napaka palad ko talaga at akin ka na. Sobrang tagal kitang niligawan, umabot pa sa puntong ako’y iyong sinasaktan. Di bale, tapos na ‘yon.
Nakangiti akong lumuluha habang pinagmamasdan ang maputi mong mukha. Mas lalo kang gumaganda sa paglalim ng gabi.
Ay, basang basa na pala ang kama... Hayaan mo’t ikakabit ko na yung kalahati mo mamaya.