Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Pritong Isda - Maikling Kwento

"Kanina pito ito 'di ba?" may galit sa boses ni Ama habang itinuturo ang piniritong isda sa hapag kainan gamit ang sigarilyong kakasindi pa lamang, "Nasaan yung dalawa?"

"Tinangay ng pusa," sagot ko. Abala ang aking malay sa panonood ng telebisyon, sa posisyong nakapatong ang dalawang paa sa maliit na bangkito, nakasandal ang ulo sa dalawang palad, "Sinaway ko, kaso ang bilis tumakbo.."

Kung mabilis ang pusa, 'di hamak na mas mabilis ang kamay ni Ama. Hindi ko namalayang kasunod pala ang isang batok kahit hindi pa ko tapos sa pagpapaliwanag. "Punyeta!" wika ni Ama, "Iyon na lang ang gagawin mo hindi mo pa nagawa ng maayos!" Bumalikwas agad ako ng tayo. Sarado ang aking kamao. "Lalaban ka?"

Sa gitna ng sagutan, otomatikang maririnig namin ang boses ni Inay mula sa kwarto. Pahapyaw, mababaw, at puno ng paghihikahos. Pipilitin nitong awatin kami kahit hindi na nya na kaya pang tumayo. Oo, may sakit si Inay, paralisado ang kalahati ng katawan, kung dahil sa kunsumisyon, e hindi ko na alam.

Hindi na yun bago. Regular na kasama sa araw-araw sa amin ni Ama, kumbaga sa teleserye'y alam na ng mga namamanata kung sinong iiyak, maapi, at babangon sa huli. Sa amin, si Ama ang bida, at syempre ako ang kontrabida. Si Inay ang namamagitan. Walang pinipili kung sinong tama at kung sino ang mali. Doon madalas magalit si Ama.

~~~

Hilig ko ang Biology at ayoko ng Algebra. Paborito ko si Mr. Rosette na guro ko sa Sipnayan ngunit hindi nya ko gusto. Ayoko naman kay Mrs. Yadao pero paborito nya kong tawagin sa klase. Dahilan nya na may ibubuga pa raw ako, lalo't pagdating sa paghahati hati ng mga species at kung saang pamilya ba sila nauugnay. Ganon kababaw ang dahilan ko para isuko ang pag-aaral. Hindi ko tinapos ang buhay high school. Tinapos ko ang huling taon sa pagbubulakbol at pagsama sa barkada. Itinakwil at ikinumpara ako ni Ama kay Kuya, na noong panahong iyon ay patapos na sa kolehiyo. At tulad ng nakasanayan, nariyan si Inay para ipagtanggol ang anak nyang nagsisimulang sirain ang sariling buhay.

Bukang-bibig ni Ama na halos wala pa raw ako sa kalingkingan ni Kuya. Sa paraan kung paano mag-isip, sa kilos, at pakikitungo sa kanila. Kahit sa harap ng mga kainuman niya ay hindi ako nakakaligtas sa kanyang kwento. Ginawa nya na raw ang lahat ngunit wala daw akong pagbabago. At sa huli ibibida ang nakakatanda kong kapatid na humahatak na ngayon ng medalyo sa kaniyang pamantasan. Si Inay ay nakikinig lang. "Hayaan mo darating rin ang panahon mo.." aniya. Ngumingiti lang ako.

Maaga rin akong sumabak sa pagbabanat ng buto. Ayokong malumpo sa bahay. Ayokong marinig ang boses ni Ama. Sa likod ng isip ko ang mga salitang "Baka sa kaunting halaga ay kaya na nya akong mapansin", baka lang.

Hindi biro ang pahinante sa katawan kong 'di gaanong kalakihan. Babad sa byahe, batak ang buong katawan. Yung init ng panahon, amoy ng kalye, at usok ng mga sasakyan, sa katagala'y ginagawa ko na lang pananghalian. Kumbaga sisiw na lang kung sanay ka na. Umabot pa sa puntong pang-gabi ang delivery. Kung hindi isang sako ng naipon kong plastic bottle ang aking kayakap ay iyong sapin-sapin ng karton ang aking higaan. Maniwala ka, hindi biro ang sakit ng likod sa lamig lalo't sa loob ka ng truck natutulog.

Kapag masaya si Inay, mas masaya ako. Tuwing linggo ako umuuwi. May bitbit na kita. Bawas ng kaunti para sa ilalaman sa tiyan. Madalas kong maabutan si Ama sa sala. Uso na ang pagmamano, ngunit sa amin ay hindi pa. Bago ko pa mailapag ang aking mga bitbit, isang katutak na mando na ang aking narinig. Mas humihiwa ang mga salitang "O? Buhay ka pa pala?"

Ilang beses ko syang minumura sa aking isip. Ilang beses kong sinasabi sa sariling "Balang araw kakainin mo rin ang pagkaing ihahain ko sa hapag kainan". Pero 'di yun nangyari. Lalabas sya ng bahay at tutungo sa karinderya. Gabi na ang balik. Hindi pantay ang lakad at diretso na sa kama. Pare-parehas na eksena bawat linggo sa loob ng anim na taon. Walang palya.

Ilang taon akong nawala sa loob ng tahanan. Palagi kong naalala si Inay. Alam kong 'di nya gusto ang ginagawa ko. Nais nya yung makapag-aral ako't makapagbago. Hindi nya man ako inihahalintulad kay Kuya, ay ramdam na ramdam ko naman mataas ang hiling nyang gayahin ko ito. Kung hindi lang dahil sa kanya 'di rin naman ako magtitiyagang bumisita sa bahay na wala sa akin ang may gusto.

~~~

Paubos na ang tao noon sa isang mall sa Cubao nang tawagan ako ni Kuya. Kinumusta nya ako. Bagay na hindi normal pero napakasayang pagkakataon. Inusisa nya ang kalagayan ko. Ang mga bagay na pinagkaka-abalahan ko at kung may girlfriend na ba raw ako. Biro pa nya, wag na muna daw akong mag-aasawa. Paunahin daw muna sya dahil sya ang kuya. Natatawa ako sa mga pinagsasabi nya. Napahaba ang aming kwentuhan. Nalibang ako't 'di namalayang may guhit ng ngiti sa aking labi. At may mga luhang nangingilid na sa anumang oras ay babagsak sa aking pisngi.

Iba ang pakiramdam. Masaya, dahil sa unang pagkakataon para bang may nag-aalala sa akin. Malungkot, dahil gustuhin ko mang makita sya sa mga oras na iyon, ay naroon naman ang takot ko na baka sa gitna ng kasiyahan ay baka naroon si Ama. Bumagsak ang aking balikat.

"Makakauwi ka ba bukas?" tanong ni Kuya. Nahinto ako. Ano bang mayroon? Hindi na nya pinahaba, "Maaga ang alis ko sa makalawa papuntang Australia." Hindi ako kumibo. Wala akong maisagot, "Ang gusto ko'y naroon ka kapag ako'y umalis. Ikaw na ang tumingin kay Inay."

Hindi na niya napigil ang pagsasalita. Lumabas ang katotohanang may malalang sakit si Inay. Nais nyang ako ang magbantay at sya susuporta sa gamutan. Masakit sa akin ang balita, ngunit mas masakit dahil huli akong naka-alam. Ayoko man dahil sa nag-iisang dahilan, pero 'di ako pwedeng tumanggi dahil si Inay ang pinag-uusapan. Lulunukin ko ang lahat ng naiiwang pride basta para sa kanya. Gagawin kong almusal ang mga masasakit na salita ni Ama mabantayan ko lang siya.

"Oo, makakarating ako.." sagot ko.

~~~

"Hindi namin kailangan ang tulong mo!"

Ang mga unang salitang binitiwan ni Ama matapos maka-alis ni Kuya. "Imbis na kami, tulungan mo yang sarili mo," dugtong pa nya. Gusto kong sabihing nandito ako hindi para sa kanya ngunit kailangan kong limitahan ang sarili ko dahil kay Inay, na noong oras na iyon ay bagsak na ang katawan at hindi na magawang umawat pa sa kung anong mangyayari sa amin.

Binuhat ko si Inay at inihatid sa kwarto. Ibinulong ko sa kanyang huwag syang mag-alala at kaya kong magtiis. Ngumiti lamang sya. Hindi na nga lang kagaya ng noon na mas masayang pagmasdan.

Tumagal rin ng ilang buwan ako sa bahay. Walang pagbabago. Magka-away pa rin kami ni Ama. Minsan na nga lang iniisip ko na isa siyang bukas na telebisyon. Maingay. At ako naman ang tagapanood. Walang pakialam sa mga satsat at sigaw.

Minsan iniisip ko kung saan ba nagmumula ang galit nya sa akin. Wala pa akong kasalanang mabigat na nagawa para itrato nya akong parang hindi sariling anak. Masakit man sa kalooba'y parang 'di na kami magkaka-ayos at matatawag na mag-ama. Minsa'y sumasagi rin sa isip ko na humingi ng tawad sa kung anumang ikinagagalit nya sa akin. Baka sakaling magbago ang ihip ng hangin. Umaasa akong isang araw ay magigising akong nakalimutan nya na kung paano magalit sa akin. Siguro nga'y totoo ang biro ni Inay na sa takure ako ipinaglihi noong na sa tiyan pa lamang.

Isang umaga ng Lunes ang hindi ko malilimutan. Maaga ang naging sagutan namin ni Ama. Mahirap tandaan kung saan nagsimula pero madaling maalala dahil iyon ang unang beses na nagbuhat na siya ng kamay sa akin. Labis ang pag-aalala ni Inay na baka mapilitan daw akong lumaban. Hindi ako kumibo. Oo, masakit ang suntok, pero mas masakit ang mga salitang hanggang kamatayan daw ay hindi nya ko makikilala.

Bumahid ng husto ang mga kataga.

Masakit at mahapdi.

Malalim ang sugat na kahit piliting tahiin ay 'di na ata gagaling.

"Kanina pito ito 'di ba?" may galit sa boses ni Ama habang itinuturo ang piniritong isda sa hapag kainan gamit ang sigarilyong kakasindi pa lamang, "Nasaan yung dalawa?"

"Tinangay ng pusa," sagot ko. Abala ang aking malay sa panonood ng telebisyon, sa posisyong nakapatong ang dalawang paa sa maliit na bangkito, nakasandal ang ulo sa dalawang palad, "Sinaway ko, kaso ang bilis tumakbo.."

Kung mabilis ang pusa, 'di hamak na mas mabilis ang kamay ni Ama. Hindi ko namalayang kasunod pala ang isang batok kahit hindi pa ko tapos sa pagpapaliwanag. "Punyeta!" wika ni Ama, "Iyon na lang ang gagawin mo hindi mo pa nagawa ng maayos!" Bumalikwas agad ako ng tayo. Sarado ang aking kamao. "Lalaban ka?"

Nakatingin lang sa akin si Inay. Nakasilip sa nakauwang na pinto ng kwartong madilim. Humupa ang init nang bahagya. Malakas ata ang pananalig ni Inay na baka sa isang iglap ay magkaroon ng himala na baka bukas o sa makalawa ay hindi na nya masasaksihan ang mga ganitong bagay.

"Hindi po Itay.." malumanay kong sagot. Tumalikod sya't ibinaling sa pusa ang init ng ulo. Mabilis kong dinampot ang bangkito. Isang hampas sa kanyang ulo. Hindi kulang pa. Ginawa kong dalawa. Hindi ako natuwa. Inubos ko ang aking lakas hanggang humalik sya sa sahig. Umagos ang dugo mula sa kanyang ulo.

Abot langit ang hingal ko. Nakangiti. Nakatitig. Napa-pikit.

Patay na si Ama.

Walang ni isang kibo akong narinig kay Inay. Ganoon pa rin ang posisyon. Luhang dumadagsa lamang ang nagbago. "Walang himalang kayang makapagbago Inay. Hindi ako, hindi si Itay, at lalong hindi kayo." wika ko sa kanya.

Dinampot ko ang natirang isda sa mesa at ibinigay ko sa pusang alam kong wala naman sala.

-wakas
 
Pu*#$ng-ina papatak na ang luha ko dahil halos kapareho ito ng totoong kwento ng buhay ko,relasyon ko sa aking ina at pinagdaanan ko sa buhay dalawang taon ang nakalipas nuong nasa mindanao ako,makatanggap ng mensahe,need umuwe at may sakit na si inay. Hindi ko na natiiis na hindi umuwe nuong si inay na makausap ko sa telepono at ang wika'y ibig nya lang akong makita bago mamatay. Pinipilit nya lang mabuhay pa upang makita man lang ako,ngunit gaya ng kwento may kontrabida sa bahay kaya ayaw kong umuwe samen. Mula umpisa hanggang kalagitnaan at pahuli sobrang nakarelate ako at inakala ko pang kwento ito ng buhay ko nuong nakalipas na dalawang taon,iba lang ang ending nung saken. Oo namatay si inay,magdadalawang buwan pagkauwi ko sa bahay. Nagulat lang ako sa ending haha! Brutal oo brutal din ako. Oldo hindi ko kayang pumatay ng tao pero pakiramdam ko ako ang pumatay kay inay. Nakakagulat ang kwento mong ito! Kaya idol na idol kita eh,alam ko bang akda mo ang kauna unahang nabasa ko nuong nagregister na ako dito sa symb at mapadpad sa lits. Matagal na ako nagsusulat,since elementary pa,pero nung makabasa ako ng gawa mo,naisip ko ah hindi nasabi ko sa sarili ko na gusto ko ding magsulat. Yung pagsusulat ko kasi nuon sa notebook lang,sa sarili ko lang. Sabi ko,gusto ko din ishare sa iba,gusto ko yung pakiramdam nung naiimpluwensyahan ka ng nabasa mo,sa kung papaano ka man naimpluwensyahan wala ng pake ang author duon. Pero bilang isang mambabasa o sa opinyon ko lang,epektib kang manunulat kapag nagkaganun. Godbless,apir!
 
AMP!
Grabe naman, muntik na masaktan yun pusa. :lol:
Kidding aside, maganda yun kwento at talagang tinapos ko. Kaso nalungkot ako sa dulo, wala na si AMA. :weep:
 
isa lang ibig sabihin nyan. ituloy mo application mo :lol: 'di porket may titulo ka na e hindi mo na rin kaya maging normal :naughty:

AMP!
Grabe naman, muntik na masaktan yun pusa. :lol:
Kidding aside, maganda yun kwento at talagang tinapos ko. Kaso nalungkot ako sa dulo, wala na si AMA. :weep:

hangga't maari gusto kong isalba ang pusa, importante yun sa kwentong 'to :lol:
 
isa sa magandang nabasa ko dito, kumbaga sa tindi ng kasimplehan, matindi din ang emosyong naglalaro, kumbaga sa pagkain, walang lasa sa unang kagat, matamis sa pag-nguya, swabe sa lalamunan pero mahapdi sa tiyan. Bukod pa dun, nakapa "unique".
 
maraming salamat sir! :thumbsup:
 
Hala ka ampoy..

Nakatats naman ito.. wala ka paring kupas.. hindi ko inaasahan ang huli.. syet..
 
ganda ng kwentong sinulat mu otoi..may gintong aral..nangyayari ito sa totoong buhay..may mga magulang talaga na minamaltrato mga anak nila kaya minsan nagrerebelde ang anak dahil s galit na kinikimkim..kung galit ang tinanim mu sa isang bata di malayong magsisilbing aral sa magulang ito pagdating ng panahon...lahat ng ginawa natin sa mundo ay may rason at may kaakibat na kapalit maaring di ngayun pero maiisip mu din balang araw kapag ikaw naman ang nakaranas..wag lang magtanim nang galit..mas mabuting umiwas nalang gaya ng kasabihang kapag binato ka ng bato batuhin mu ng tinapay.
 
Hala ka ampoy..

Nakatats naman ito.. wala ka paring kupas.. hindi ko inaasahan ang huli.. syet..

di kukupas kasi di naman beterano haha. pa fs naman dyan :lol:

ganda ng kwentong sinulat mu otoi..may gintong aral..nangyayari ito sa totoong buhay..may mga magulang talaga na minamaltrato mga anak nila kaya minsan nagrerebelde ang anak dahil s galit na kinikimkim..kung galit ang tinanim mu sa isang bata di malayong magsisilbing aral sa magulang ito pagdating ng panahon...lahat ng ginawa natin sa mundo ay may rason at may kaakibat na kapalit maaring di ngayun pero maiisip mu din balang araw kapag ikaw naman ang nakaranas..wag lang magtanim nang galit..mas mabuting umiwas nalang gaya ng kasabihang kapag binato ka ng bato batuhin mu ng tinapay.

actually warning yung kwento para sa nagbabalak hehe. tama yung wag mag tanim ng galit :naughty:
 
Haha di pa ba beterano yan :lmao:

Ayaw ko na kumain ng pritong isda..

Fs ka dyan.. ayaw mo nga ako iadd sa epbi :p :weep:
 
boss amphie nagulat ako sa ending hindi ko inaasahan yun, ang ganda nito sir. :)
hindi na talaga siya nakapagtimpi at ayun pinatay si ama.
 
Haha di pa ba beterano yan :lmao:

Ayaw ko na kumain ng pritong isda..

Fs ka dyan.. ayaw mo nga ako iadd sa epbi :p :weep:

naalala ko lang na ikaw yung nang mabanggit mo dito haha. add mo nalang ulit :naughty:

boss amphie nagulat ako sa ending hindi ko inaasahan yun, ang ganda nito sir. :)
hindi na talaga siya nakapagtimpi at ayun pinatay si ama.

salamat sir :salute:

dafa si ama! :lmao:hahaha ganda nitong story mo bro... :salute:

thanks bro :salute:
 
Grabe to sir amp di na nakatiis ...
 
Back
Top Bottom