Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Kelan kaya ako ulit makakapagsulat?



Kelan kaya ako ulit makakapagsulat?​


Ilang taon na din ako hindi nakakapagsulat, marahil wala ng tumatakbong ideya sa utak ko. Kumbaga sa makina, naubusan na ng gasolina. Ganun talaga. Walang inspirasyon. Walang mapagbalingan ng nararamdaman.

Naalala ko tuloy ang mga panahong pinapatakbo ng pag-ibig. Ang dami ko gusto isulat. Halos hindi makasabay ang mga daliri sa sa paghabol ng mga salita para makasulat lamang ng kwento.

Sa isang titigan lang sa harap ng kompyuter, may naisusulat na ako.
Sa isang upuan lang, tapos na ang kwento.
Sa isang iglap lang, pipindot lang ako ng "post".

Ang tagal ng oras para mag-uwian. Panay hikab na lang ang ginagawa ko sa loob ng opisina. Walang mapaglibangan... Walang maisulat...

Sana may maisulat ako sa mga sandaling ito, bago ako tumayo at tumungong banyo...

...Muli bumalik ako sa kinauupuan ko, tinitignan ang monitor. Wala talaga akong maisulat. Lintek. Kailangan ko ba mainlove ulit para makapagsulat? Pambata lang ang salitang "inlove". Kung "fling" kaya isulat ko? Parang negative ang image ko, "babaero". Kung "currents events" kaya? Naku, makakabasa na naman ako ng mga komentong kala mo eksperto sa pag-aanalisa. Sabagay, mapaghusga talaga ang mga iilan sa social media. May iba, maghahanap lang ng litrato ng nakakaawang tao at lalagyan ng kwento. "Please like, share and type AMEN". Nakanang...

Buti pa sila kahit walang kwenta, productive, ako kaya kelan ulit makakapagsulat?
 
Last edited:
Back
Top Bottom