Ang Bibe!
Sa isang Probinsiya sa liblib na lugar mayroong magkaptid na dalawang lalaki,
sila ay ulila na at tanging ang kanilang Lolo at Lola ang nag aaruga sa kanila.
Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pag-aalaga ng mga bibe sa kanilang bakuran, halinhinan silang magkapatid na mag-alaga ng mga bibe.
Minsan ang kapatid na panganay ang nakatoka na magbantay sa mga alagang bibe..,
Habang hawak hawak ang tirador na pantaboy sa mga hayop .
Naisipan niya dumampot ng bato at sa di maipaliwanag na dahilan ay itinutok niya sa isa sa mga inaalagaan niyang bibe at tinira niya ito..
Bigla siyang kinabahan nang makita niya na tinamaan niya ang bibe at agad namatay,
Sapagkat natakot siya na malaman ng kanyang lolo at mapalo.
Agad siyang lumingon sa kaliwa at kanan, harap at likod, at nag wika ay mabuti na lang walang nakakita haay!! Bulalas pa niya.
Mabilis niyang kinuha ang patay na bibe at ibinaon sa lupa. Nang makahapo na ang mga bibe dahil mag gagabi na, siya ay bumalik na sa bahay.
Nang mag hahapunan sa hapag-kainan habang salo-salo silang kumakain ay nagsalikta ang kanilang lolo;
Lolo: Bunso! ikaw naman ang maghuhugas ng ating mga pinag- kainan ha, ang kuya mo ang nagbantay kanina sa mga bibe.
Bunso: Ay! Lolo si kuya na lang daw po kasi may gagawing pa po ako na mga takdang-aralin.
Kuya: Ha! Wala naman akong natatandaan na sinabi ko yun ah.
Bunso: Sinabi mo yun kuya kanina eh! (biglang may ibinulong sa kuya “Ang Bibe” nakita ko kanina tinirador mo).
Kuya: Ah naalala ko na pala sige po Lolo ako na maghuhugas ng mga pinag kainan.
Kinabukasan ng umaga ay tinawag ulit ng Lolo si Bunso….
Lolo: Bunso parine ka nga ikaw ang mag-iigib ngayon ng tubig sa Poso para gamitin natin sa mga gawain dito sa bahay.
Bunso: Lolo! Si kuya na lang daw po kasi nakiusap ako na hindi pa ako tapos sa aking ginagawa.
Kuya: Ano ako? Hindi ba ikaw ang nakatoka ngayon!
Bunso: (Agad naman may ibinulong sa kanyang kuya) “Ang bibe” nakita ko.
Kuya: Lolo ako na po ag mag-iigib ng tubig
Paulit-ulit ang ganun na sitwasyon pag may iniuutos ang lolo sa bunso ay ipinapasa niya sa kanyang kuya at ibinubulong ang bibe.
Di kalaunan ay nakahalata na ang kuya at napapagod na rin at para bang wala nang respeto sa kanya ang kanyang nakakabatang kapatid.
Kaya naisip niyang ipagtapat na sa kanilang lolo ang maling kanyang ginawa at kanyang napagpasyahang lumapit na sa kanyang lolo.
Kuya: Lolo (habang nakaupo sa sala ang lolo).
Lolo: Ano yun Apo?
Kuya: Lolo mayroon po sana akong ipagtatapat. Nun nakaraang araw ay tinirador ko ang isang bibe at namatay, Sorry po Lolo natakot po ako kaya hindi ko sinabi sa inyo.
Lolo: Mabuti at sinabi mo na, kaya ka inaabuso ng bunso mong kapatid at sana ay may natutunan kang aral sa mali momg nagawa. Hindi na kita papaluin pero pag inulit mo ay makakatikim ka na.
Kuya: Maraming salamat Lolo (Teary eyes) hindi ko na po uulitin.
Lolo: May sasabihin pa ako apo sayo, nakita ko rin nang tiraduhin mo yun bibe at ibaon sa lupa. Hinayaan kita na matuto sa pang-aabuso ng bunso mo at inaantay na magtapat sa akin.
Nang dumating na muli ang gabi maghahapunan na sila muli habang salo-salo silang kumakain ng hapunan ay nag salita ulitang kanilang Lolo..
Lolo: Bunso ikaw ang nakatoka na maghuhugas ng mga pinagkainan natin ha.
Bunso: Ay Lolo si kuya daw po ulit kasi may assignment ako eh.
Kuya: Anong ako ikaw ang nakatoka bunso!
Bunso: sabay bulong sa kuya “yun Bibe!”.
Kuya: wag mo nang ibulong yun bibe, kahit sabihin mo pa kay Lolo. Ikaw ang maghuhugas talaga ng pinagkainan natin.
Lola: ikaw talaga Bunso ang maghuhugas pinagtapat na ng kuya mo sa lolo mo.
Bunso: Ay patay buking na pala.
Conclusion:
Minsan sa buhay natin may nagawa ka bang mali o naranasan na hindi natin kagustuhan. Kaibigan tulad ka rin ban ni kuya sa kwento na itinatago ang maling nagawa subalit nararanasan niya ang mga consequences at nahihirapan o kaya naman hindi maka move-on dahil sa mga nagawang pagkakamali sa buhay.
Pero tulad ng Lolo sa kwento, gayundin ang Diyos handa Siyang makinig sayo. Kung nahihiya ka man ipagtapat sa iba sa Diyos mo idalangin ang mga hinaing mo kaibigan nag hihintay laman sa atin na lumapit tayo sa Kanya.
1 Juan 1:8-9
[8]Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating
sarili at wala sa atin ang katotohanan.
[9]Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan,
maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa
lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
Mga Taga-Roma 10:9-10
[9]Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso
kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
[10]Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa
gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan
ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas.
Ang Sabi po ng ating Panginoong Jesu-Cristo;
Mateo 11:28
[28]“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang
lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
like & share specially to your kids during bedtime or bond time. thanks