Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Know the Truth [C.F.D] WHO REALLY CHANGED THE TEN COMMANDMENTS?

Saan ka po kabilang kapatid?

  • Roman Catholic Church

    Votes: 38 56.7%
  • Ang Dating Daan [Eliseo Soriano]

    Votes: 3 4.5%
  • Iglesia ni Cristo 1914 [Felix Ysagun Manalo]

    Votes: 3 4.5%
  • Born Again Church

    Votes: 15 22.4%
  • Atheist/Agnostic

    Votes: 5 7.5%
  • Others

    Votes: 3 4.5%

  • Total voters
    67

BBCAtomic

The Loyalist
Advanced Member
Messages
500
Reaction score
11
Points
28
:pray: Welcome sa Catholic Apologetics Thread :pray:

Are you a Member of the Roman Catholic Church?
Are you Intrigued or Challenged by Clever Questioned and Malicious Accusations from the Enemies of the Church?

Bakit hindi nag-aasawa ang Pari?
Bakit nag-aayuno ang mga Catholico?
Bakit po ba tayong mga Catholico ay gumagamit ng Rebulto?
Bakit po ba gumagamit ang mga Pari ng Insenso?
Bakit merong Pista at Prusisyon ang mga Catholico?
Bakit paulit-ulit nag dadasal ang mga Catholico?

All your Questions will now be Answered
and
All Doubts Cleared.

Featuring the two prominent Roman Catholic Apologist of the Philippines

Atty. Marwil N Llasos, OP and Rev. Fr. Abe P Arganiosa


In a dynamic tandem to explain, Defend Faith and to Guide as All

10981199_738480789598493_7451378845601176455_n.jpg


10912823_999082116773365_806126767_n-480x250.jpg


Call us @KTTdotPH #Viber Hotline: +639299801010 for your #questions , #suggestions & #feedback .
Dito po pwede ninyo hanapin ang inyong mga katanungan at pwede din po kayo mag tanong at sasagutin po kayo ng ating mga Catholic Apologetics i-click lamang po ang mga Link sa ibaba:

Facebook Fan Page :

Know TheTruth TV Maria Fan Page
Splendor of the Church Apologetic Fan Page

Catholic Apologetic Blog Site

Splendor of the Church Apologetic Blog
Know the Truth Website
Apologete

Youtube Channel

Know the Truth Tv Maria Cedar Media Inc.
Know the Truth Tv Maria Light Stream.
RadioVeritas - Apolohetika on youtube

Watch Know the Truth Tv Maria via LiveStreaming

Here at Children of Light Community


Know the Truth Season 1

Know The Truth Episode 1 - Larawan at Pagsamba
Know The Truth Episode 2 - Si Maria at Pagsamba sa Dios
Know The Truth Episode 3 - Si Pedro ang Unang Santo Papa
Know The Truth Episode 4 - Not By Faith Alone
Know The Truth Episode 5 - Pagdarasal para sa mga Yumao
Know The Truth Episode 6 - Katawan at Dugo ni Kristo
Know The Truth Episode 7 - Pagtawag ng Ama sa mga Pari
Know The Truth Episode 8 - Biblia at Tradisyon
Know The Truth Episode 9 - Once Saved Always Saved
Know the Truth Episode 10 - Kumpisal
Know The Truth Episode 11 - Ang Tanda ng Krus
Know The Truth Episode 12 - Tunay na Iglesia Natalikod?
Know The Truth - Pagpapahid ng Abo Episode 13

Know the Truth Season 2


Know The Truth Season 2 - Pag-aayuno at Pangingilin

Know The Truth Season 2 - Canonization of Saints
Know the Truth Season 2 - Tunay na Iglesia: Ang Apat na Marka
Know The Truth Season 2 - Pista at Prusisyon
Know The Truth Season 2 - Celibacy
Know The Truth Season 2 - Banal na Santatlo
Know The Truth Season 2 - Purgatory
Know The Truth Season 2 - Pagka Diyos ni Kristo
Know The Truth Season 2 - Ark of the New Covenant
Know The Truth Season 2 - Pagninilay sa Banal na Rosaryo
Know the Truth Season 2 - Far East
Know the Truth Season 2 - Dinuguan NEW

The Convertion Story

Member of Ang Dating Daan :

Know The Truth - Bro. Alfie Angeles Conversion Story - Part1
Know The Truth - Bro. Alfie Angeles Conversion Story - Part 2

Member of Iglesia ni Cristo 1914

KTT - From Persecutor to Defender Part 1 (Tatang Larry Mallari Conversion Story)
KTT - From Persecutor to Defender Part 2 (Tatang Larry Mallari Conversion Story)

Born Again

Know the Truth - Pastor Noon, Katoliko Ngayon (Bro. Noe Dora Conversion Story) Part 1 NEW

Bible Study!Sa mga Gusto po makinig ng Bible Study you can watch here :

Who made the Bible?
The Sign of the Cross
Jesus is God
The Blessed Trinity
CHRISTOLOGY
Mary Mother of God Part 1
Mary Mother of God Part 2
Is Changing Faith a Mortal Sin
Bible Study - The Catholic, One, Holy, Apostolic Church
Bible Study - Is there Salvation Outside the Catholic Church?
Bible Study - Existence of Purgatory
Honoring Mary and the Saints
Can we celebrate Christmas? NEW

Symbianize Bible Study :

The Top 25 Biblical Reasons (Why I Have Remained/You Should Remain) a Catholic and Catholicism is The True Religion
Saan ba makikita ang Catholic Church sa Bibliya?
BAKIT PO NAG-SISIGN OF THE CROSS ANG MGA KATOLIKO?
SI CRISTO BA AY TALAGANG DIYOS?
KUNG IISANG DIOS SI CRISTO AT ANG AMA SINO ANG KAUSAP NIA SA BUNDOK AT SA KRUS?
Si Moises at Solomon ang inutusang gumawa ng larawan bakit nakikigawa din ang mga catolico?
Bakit ipinagdarasal natin ang mga namatay? At bakit may pamisa sa patay?
Bakit may bayad ang Binyag, Kumpil at Kasal?
DINUGUAN, MAAARI BANG KAININ?
Why the Bible alone is not enough?
Pangu-ngumpisal sa Pari
Sumasamba ba ang mga Katoliko sa Rebulto?
BIBLE SCHOLARS OVERWHELMINGLY DECLARE ‘KING CYRUS OF PERSIA’ AS THE RAVENOUS BIRD, NOT FELIX YSAGUN MANALO!
Shameful Understanding of INC-1914 about Isaiah 46:11 and their Ignorance of Hebrew
Mary Ever Virgin!
Is it Wrong for Men to Have Long Hair?
WHY DO WE WORSHIP ON SUNDAY INSTEAD OF SATURDAY?
Ating pag-aralan ang Iglesia ni Cristo 1914
Calling the POPE Holy Father
What happened if an INC 1914 knows the TRUTH?
CONVERSION STORY OF AN ATHEIST PROFESSOR: DR. HOLLY ORDWAY
Was TRINITY unbiblical just like some Protestant Churches claims & Trinity was made only by some people in the early Church?
MEET THE LATEST CONVERTS TO THE CATHOLIC CHURCH FROM INC, BORN AGAIN & ATHEISM
IS THE CATHOLIC CHURCH THE WHORE OF BABYLON IN REVELATION 18?
THE KJV VERSUS NKJV: DISCOVER THE ERRORS,OMISSIONS AND OCCULT!
FIVE WAYS OF PROVING GOD’S EXISTENCE
SA PAGANO BA GALING ANG CHRISTMAS TREE AT STAR
Ano ang Itim na Nazareno?
Si Maria ay totoong ina ng ating Panginoong Diyos Jesu-Cristo
THE DIFFERENCE BETWEEN A CHRISTIAN AND A BORN AGAIN
THE TRUTH ABOUT THE POPE UNDER THE INVERTED CROSS OF ST.PETER
WHO REALLY CHANGED THE TEN COMMANDMENTS?NEW

Sa mga may Tanong ipopost ko po dito ang mga Sagot sa Tanong po ninyo. Kung meron po kayong Comment o Feed Back.

Duon po kayo mag Comment sa mga Link na binigay ko na Related sa Question niyo po dahil duon po ay masasagot kayo ng Maayos at hindi po dito.

Para po maiwasan ang mga Gulo na labag sa Rules..Salamat po


 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Q & A

KUNG IISANG DIOS SI CRISTO AT ANG AMA SINO ANG KAUSAP NIA SA BUNDOK AT SA KRUS?

Question by : Leah Esteban

ang sabi God the father ,God the son ,,,holy spirit ay iisa…cnu ang kausap niJesus sbundok bago cia dakpin at cnu ang kausap nyang Ama nung nakapako cia s cross


Answer :

FR. ABE:


[ang sabi God the father ,God the son ,,,holy spirit ay iisa]

YES. HINDI NAMIN INIMBENTO IYAN. GALING IYAN SA BIBLIA:

Matthew 28:19 “Baptize them in the NAME of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.”

As you can see there is only One NAME which refers to the One Being of God but it has 3 Persons: The Father and the Son and the Holy Spirit. That is Trinity in God: One in Three and Three in One. There is unity of Being but there is distinctions of Persons.

IISANG PANGALAN SUBALIT MAY TATLONG PERSONA: AMA, ANAK AT ESPIRITO SANTO.

HINDI RIN NAMIN INIMBENTO ANG ARAL NA SI JESUS AT ANG AMA AY IISA. IYAN AY TURO MISMO NG PANGINOONG JESUS SA BIBLIA:

“The Father and I are one” [John 10:30]

KITAM… MAGBASA KASI NG BIBLIA E PARA MATUTO KA. HINDI IYONG PASTOR O MINISTRO NIO LANG ANG MAY HAWAK NG BIBLIA.

HINGGIL NAMAN SA ESPIRITO SANTO, SIYA ANG ESPIRITO NG DIOS AMA AT SIYA RIN ANG ESPIRITO NI CRISTO. KAYA KUNG SI CRISTO AT ANG AMA AY IISA E DI ISA RIN LANG SILA NG ESPIRITO SANTO:

He is called the THE SPIRIT OF GOD [Gen 1:2/ 2 Chron 24:20/ Is 61:1/ Ez 11:24/ Mt 3:16/ 12:28/ Rom 8:9/ 15:19/ 2 Cor 3:3]

‘The Spirit of the Living God’ [1 Jn 4:2] and

He is the THE SPIRIT OF CHRIST [Rom 8:9/ Gal 4:6/ Phil 1:9/ 1 Pt 1:11]

ANG ESPIRITO MO IKAW YON. KAYA KUNG ANG HOLY SPIRIT AY ANG ESPIRITO NG DIOS E DI SIYA RIN ANG DIOS. KAYA NGA ANG DIOS AY ESPIRITO:

John 4:24 GOD IS SPIRIT [Take note the 'Spirit' there is capitalized to show that it refers to the Person of the Holy Spirit]. And,

2 Corinthians 3:17 THE LORD IS THE SPIRIT.

Deuteronomy 6:4 HEAR, O ISRAEL: THE LORD OUR GOD IS ONE LORD.


[cnu ang kausap niJesus sbundok bago cia dakpin at cnu ang kausap nyang Ama nung nakapako cia s cross]

ANG AMA ANG KAUSAP NI CRISTO NUNG MGA ORAS NA IYON. PWEDE SILANG MAG-USAP DAHIL KAHIT IISA SILA SA PAGKA-DIOS SILA AY MAGKA IBA NG PERSONA. ANG ISA AY AMA AT ANG ISA AY ANAK SUBALIT IISA SILA SA PAGKADIOS:

“Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan ng tulad ng kay CRISTO HESUS, na kahit siya’y likas at TUNAY NA DIYOS” (Filipos 2:5-6)

John 1:18 [NIV] “No one has ever seen God, but GOD THE ONE AND ONLY, who is at the Father’s side, has made him known.”

In Contemporay English Version the translation is even more devastating for your position:

John 1:18 [CEV] “No one has ever seen God. The only Son, WHO IS TRULY GOD and is closest to the Father, has shown us what God is like.”

Philippians 2:6 [CEV] “CHRIST WAS TRULY GOD. But he did not try to remain equal with God. Instead he gave up everything and became a slave, when he became like one of us.”

Right there you are: TRULY GOD!!! He, he, he…

ANG PANGINOONG JESUS AY TUNAY NA DIOS DAHIL SIYA AT ANG AMA AY IISA. IISA SILA SA PAGKA-DIOS. SUBALIT SILA AY NAKAPAG-UUSAP DAHIL SILA AY MAY KAIBAHAN SA ‘PERSONA’ BILANG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO.


If you have FEED BACK and COMMENTS About this post Please Go here :CLICK ME

SI CRISTO BA AY TALAGANG DIYOS?

QUESTION BY : zeejaN

Is JESUS really GOD!!??
Is JESUS really GOD? prove or disprove this. Give me ur answers.

His Thread : http://www.symbianize.com/showthread.php?t=454722

ANSWER BY :

Gerard Francis Sto. Tomas


MABABASA! Eto ang mga patunay…


EXODO 3:13 AKO NGA (DIOS AMA)

JUAN 8:53-59 AKO NGA (JESUS)

MARCOS 14:60-64 AKO NGA (JESUS)

EXODO 3:13
At sinabi ng Dios kay Moises,
AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel,Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.

JUAN 8:56-58

56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
58 Sinabi sa kanila ni Jesus,
KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO,
BAGO PA IPANGANAK SI ABRAHAM, “AKO NGA”.


MARCOS 14:60-64

60 At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote, at tinanong si Jesus na sinabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban saiyo?
61 Datapuwa’t siya’y hindi umiimik, at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Ikaw baga ang Cristo, ang Anak ng Mapalad?

62 AT SINABI NI JESUS, “AKO NGA”; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan
ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit.

63 At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, at nagsabi, Ano pang kailangan natin ng mga saksi?
64 Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo?
“AT HINATULAN NILANG LAHAT NA SIYA’Y DAPAT MAMATAY.”


ISAIAS 44:6 AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI (DIOS AMA)
APOCALIPSIS 1:17-18 AKO’Y ANG UNA AT ANG HULI (JESUS)


ISAIAS 44:6
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo,
“AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI” AT LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

APOCALIPSIS 1:17-18
17 At nang siya’y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot;
“AKO’Y ANG UNA AT ANG HULI”,
18 At ang Nabubuhay; “AT AKO’Y NAMATAY”, at narito, “AKO’Y NABUBUHAY MAGPAKAILAN MAN”, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.

SI JESUS AY DIOS NA TAGAPAGLIGTAS!!

ROMA 9:5
Na sa kanila ang mga magulang,
“AT SA KANILA MULA ANG CRISTO” ayon sa laman,na siyang lalo sa lahat, “DIOS NA MALUWAL;HATI MAGPAKAILAN MAN”. Siya nawa.

1 JUAN 5:20
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo,
“SA MAKATUWID AY SA KANYANG ANAK NA SI JESUCRISTO”. “ITO ANG TUNAY NA DIOS, AT ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN”.

1 TIMOTEO 1:16-17
16 Gayon ma’y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay
MAIPAHAYAG NI JESUCRISTO ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga mag- sisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
17 Ngayon sa
HARING WALANG HANGGAN, WALANG KAMATAYAN, DI NAKIKITA, SA IISANG DIOS, AY ANG KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN MAGPAKAILAN KAILAN MAN. SIYA NAWA.

JUAN 20:27-28

28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya’y sinabi,
“PANGINOON KO AT DIOS KO”.
29 SINABI SA KANYA NI JESUS, “SAPAGKA’T AKO’Y NAKITA MO AY SUMASAMPALATAYA KA”:
mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya.

2 PEDRO 1:1

Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng
“ATING DIOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESUCRISTO”.

TITUS 2:13
Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng
“ATING DIOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESUCRISTO”.

TITUS 2:10
Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay
“ANG ARAL NG DIOS NA ATING TAGAPAGLIGTAS”.

TITUS 1:3
Nguni’t sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala
“AYON SA UTOS NG DIOS NA ATING TAGAPAGLIGTAS”;

JUDAS 1:25

SA ATING DIOS NA TAGAPAGLIGTAS, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

HEBREO 1:2-3

2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito
SA PAMAMAGITAN, NG KANYANG ANAK, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;
3 Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at
“TUNAY NA LARAWAN NG KANIYANG PAGKA-DIOS”, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan,
ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;


HEBREO 1:8

“NGUNI’T SA ANAK AY SINASAB”,“ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIOS”, AY MAGPAKAILAN MAN; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.


If you have FEED BACK and COMMENTS About this post Please Go here : CLICK ME

RELATED THREAD THAT JESUS IS GOD :

CLICK ME
CLICK ME
CLICK ME
CLICK ME
CLICK ME



- - - Updated - - -

Si Moises at Solomon ang inutusang gumawa ng larawan bakit nakikigawa din ang mga catolico?


question by symbianizer : Orangotang

"sino ba inutusan na gumawa si moises oh ang catholico diba si moises lang
kung sa panahon ba natin na toh eh gagayahin ba natin yun diba hinde dahil kay moises na utos yun wala tayo
pakialam dun dahil si moises at ang dios lang ang nag uusap dun .. Kaya nga gumawa ng utos ang dios para
sa atin na bawal sumamba sa diosdiosan na gawa sa kamay"


His Thread here : [url]http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1190370[/URL]

ANSWER by :

Fr. Abe Arganiosa


SI SOLOMON AT SI MOISES “LANG” BA ANG INUTUSAN? BAKIT SI JOSUE NAGPATIRAPA SA ARK OF THE COVENANT [Josh 7:6]? BAKIT SI DAVID NAGPURI SA DIOS SA HARAP NG ARK OF THE COVENANT AT PRINUSISYON PA [2 Sam 6:1-39]?

SAAN SINABI SA BIBLIA NA ANG UTOS KAY KAY SOLOMON AT MOISES LANG? KUNG HINDI BA NAMAN SILA TANGA ANG TEMPLO NI SOLOMON AY NASIRA AT MULING TINAYO NI HARING HERODES. YUNG TEMPLO NA PINAGSASAMBAHAN NI CRISTO AT NG MGA APOSTOL SI HERODES THE GREAT ANG NAGPAGAWA SUBALIT TINAWAG PA RIN ITONG: “TAHANAN NG AKING AMA” NG PANGINOONG JESUCRISTO [Jn 2:16].

ANG TEMPLO NG DIOS AY HINDI LAMANG PARA KAY MOISES AT SOLOMON ITO AY PARA SA LAHAT NG TUNAY NA SUMASAMPALATAYA SA DIOS. KUNG ANG TEMPLO AY PARA SA LAHAT NG SUMASAMPALATAYA GANON DIN ANG MGA IMAHENNG BANAL.

ISA, HINDI NAMAN TALAGA SINA MOISES AT SOLOMON ANG MAY GAWA NG MGA LARAWANG INANYUAN. PINAGAWA NILA SA MGA ARTISTS AT MGA DEBUHISTA NUONG PANAHON NILA. THEY COMMISSIONED THE BEST OF THE BEST ARTISTS OF THEIR TIMES. TULAD NG GINAWA NG IGLESIA CATOLICA NA NAG COMMISSION DIN KINA MICHELANGELO, LEONARDO DA VINCI, RAPHAELLO AT IBA PA. ANG ARTIST NUNG PANAHON NI MOISES NA GUMAWA NG WORKS OF ARTS PARA SA MEETING TENT AY SI BEZALEEL [cf. Ex 37:1-29/ Ex 38:22] AND AHOLIAB [Ex 38:23].

KAYA NAMAN PAG MAY PINAPAGAWANG MGASIMBAHAN DITO SA PILIPINAS E ANG MAGAGALING NA ARTIST O MANLILILOK AT DEBUHISTA MULA SA PAETE, LAGUNA O BETIS, PAMPANGA ANG TINATAWAG O PINAGPAPAGAWAAN DAHIL ANG TALENTO NG MGA ARTISTS AY GALING SA DIOS AT DAPAT GAMITIN SA KADAKILAAN NG DIOS PARA SA KANYANG BANAL NA TEMPLO:

EXODUS 38:21-23 [Magandang Balita]

v21Ito ang listahan ng mga metal na nagamit sa tabernakulo na pinaglagyan sa Kaban ng Tipan. Ang listahang ito’y ipinagawa ni Moises sa mga Levita sa pangunguna ni Itamar na anak ni Aaron.

v22Lahat ng iniutos ni Yahweh kay Moises ay ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, buhat sa lipi ni Juda. v23Ang pangunahin niyang katulong na si Aholiab ay anak ni Ahisamac at buhat naman sa lipi ni Dan. Siya ay MAHUSAY MAG-UKIT, isang DIBUHISTA at MANGHAHABI NG PINONG LINO at lanang asul, murado at pula


If you have FEED BACK and COMMENTS About this post Please Go here

CLICK ME
 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Q & A

Hi Atomic,

Ano po ang pagkakilala ng Roman Catholics kay Maria, ina ni Hesus? maari po ba tayong magadasal at kumausap sa kanya?

Thanks
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Q & A

Hi Atomic,

Ano po ang pagkakilala ng Roman Catholics kay Maria, ina ni Hesus? maari po ba tayong magadasal at kumausap sa kanya?

Thank
s

Answer :

By : Fr. Abe & Atty. Marwil Llasos, Carlo Franco





Ano po ang pagkakilala ng Roman Catholics kay Maria, ina ni Hesus?

Simply, we blieve that:

Mary is not Under the Law of Original Sin, CLICK THIS LINK, CLICK THIS LINK
Ever Virgin, CLICK THIS LINK
Mary is the Mother of God. CLICK THIS LINK

Maari po ba tayong magadasal at kumausap sa kanya?

DAHIL TURO NG BIBLIA ANG LAHAT NG MGA BELIEVERS OF CHRIST AY DAPAT MANALANGIN PARA SA IBANG TAO. ANG TAWAG DUON AY “INTERCESSIONS”. KAYA ANG DOCTRINA NAMING IYAN NA GALING SA BIBLIA AY TINATAWAG NA “INTERCESSIONS OF SAINTS” AT ‘PRAYER OF SUPPLICATION ON BEHALF OF THE NEEDY. ITO AY PINATOTOHANAN NI APOSTOL SAN PABLO:

1 Tim 2:1 [KJV] “I exhort therefore, that, first of all, supplications, prayers, INTERCESSIONS, and giving of thanks, be made for all men”

Read more here : Dito din po kayo mag comment sa mga Link na binigay ko para po masagot kayo ng maayos ng CFD namin. Thanks.

Is Mary under the law of original sin?/
Mary the Mother of God

Read more About Intercession of Saints : Dito din po kayo mag comment sa mga Link na binigay ko para po masagot kayo ng maayos ng CFD namin. Thanks.

Intercession of Saints
Kalabisan ba sa pagiging tagapamagitan ni Cristo ang panalangin kay Maria?


- - - Updated - - -

Bakit ipinagdarasal natin ang mga namatay? At bakit may pamisa sa patay?

10313841_549449408505494_7476568774483398257_n.jpg


Eto ang Isa sa katanungan ng mga kaanib natin sa Iglesia at ibang mga Protestante

KASI TAYO KAHIT PATAY NA ANG ATING MGA MAHAL SA BUHAY AY INAALALA PARIN NATIN ITO SA PAMAMAGITAN NANG ATING MGA PANALANGIN KAYA IPINAGDARASAL NATIN SILA. SAPAGKAT TAYONG MGA BUHAY LANG ANG PWEDENG MAGDASAL PARA SA KANILA.

2 Macabeo 12:45 MBB “Nagpalikom sya ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at ipinadala ito sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa kasalanan. Ginawa ito ni Judas Macabeo sapagkat NANINIWALA SIYA sa MULING PAGKABUHAY NG MGA PATAY. Kung hindi’y magiging kahangalan lamang ang ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil BUO ang kanyang PANINIWALA NA ANG LAHAT NG MGA NAMATAY NA NANATILING TAPAT AY TATANGGAP NG DAKILANG GANTIMPALA. Ginawa niya ang PAGHAHANDOG na iyon upang ang pagkakasala ng mga NAMATAY na itoy patawarin.”

AYAN TULAD NI JUDAS MACABEO. TAYO RIN AY NANINIWALA SA MULING PAGKABUHAY NG MGA NAMATAY NA. KAYA NATIN SILA INAALALA MAGING SA ATING MGA PANALANGIN SAPAGKAT ALAM NATIN AT BUO ANG ATING PANINIWALA NA SILA AY TATANGGAP NG GANTIMPALA MULA SA DIOS SAPAGKAT SILA AY NAMUHAY DIN AYON SA KALOOBAN NG DIOS. KAYA BILANG HANDOG SILAY ATING IPINAGDARASAL PARA SA IKAPAGPAPATAWAD NG KANILANG MGA KASALANAN.

MAGING SI JESUS DIN AY NANALANGIN SA MGA PATAY PARA IPAKITA SA BUONG MUNDO NA MAY NAGAGAWA ANG PANALANGIN KAHIT PAGKATAPOS NG KAMATAYAN.

Juan 11: 41 Kaya’t inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako’y iyong dininig. At nalalaman ko na ako’y lagi mong dinirinig: nguni’t ito’y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila’y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka


SINUSUNOD LAMANG NATIN ANG MGA HALIMBAWA NI JESUS NUNG SIYAY NARIRITO PA SA LUPA. BAKIT KAYA ANG IBA HINDI NILA ITO MAGAWA? DAHIL PARA SA ATING MGA KATOLIKO MAS MAKAPANGYARIHAN ANG PANALANGIN KESA SA KAMATAYAN MAGING SI APOSTOL SAN PABLO AY NANALANAGIN PARA SA KANYANG MINAMAHAL NA SI ONESIFERO NA NAMATAY NA.

2 Timoteo 1:16-18 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka’t madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala; Kundi, nang siya’y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako’y nasumpungan niya. (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw naj yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.

KUNG ITOY GINAWA NANG PANGINOONG JESUS AT MAGING NANG MGA APOSTOL ABAY KARAPAT DAPAT NA TULARAN NATIN ITO.

At bakit may pamisa sa patay?

KAHIT SI SAN PEDRO NA UNANG SANTO PAPA AY NAGSABI NA IPAHAYAG NATIN ANG EBANGHELYO KAHIT MAGING SA MGA PATAY.

1 Pedro 4:6 Sapagka’t dahil dito’y IPINANGANGARAL maging sa mga PATAY ang EVANGELIO, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa’t MANGABUHAY sa espiritu ayon sa Dios.

TIGNAN NGA PO NAMAN NATIN KAPAG PALA IPINANGANGARAL ANG EBANGHELYO KAHIT SA PATAY AY MANGABUBUHAY SILA SA ESPERITU AYON SA DIOS. AT ANG MISA NATIN PARA SA MGA PATAY AY MAY LITURGY OF THE WORD IYAN. COMPLETE PACKAGE NA PAGDARASAL PARA SA MGA PATAY. NASA BIBLIYA IYAN.

1 Juan 5:16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay IDALANGIN SIYA at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

AYAN PO MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW KAYA NAMAN NATIN SILA IDINADALANGIN SAPAGKAT IPINAG UUTOS NAMAN ITO. DAHIL ALAM NATIN NA ANG MGA PATAY AY MAY MULING PAGKABUHAY. MAGING SI APOSTOL SAN PEDRO AY NANALANGIN SA PATAY.

Gawa 19: 40 Datapuwa’t pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at NANALANGIN; at pagbaling sa BANGKAY ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata.


Para sa mga karagdagang kaalaman bisitahin lamang po ang mga Link na nasa ITAAS.. God Bless.!














 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Q & A

Hi BBCatomic,

Ok lang po ba na dito ako sasagot dahil dito po naman nagsimula yung thread.


DAHIL TURO NG BIBLIA ANG LAHAT NG MGA BELIEVERS OF CHRIST AY DAPAT MANALANGIN PARA SA IBANG TAO. ANG TAWAG DUON AY “INTERCESSIONS”. KAYA ANG DOCTRINA NAMING IYAN NA GALING SA BIBLIA AY TINATAWAG NA “INTERCESSIONS OF SAINTS” AT ‘PRAYER OF SUPPLICATION ON BEHALF OF THE NEEDY. ITO AY PINATOTOHANAN NI APOSTOL SAN PABLO:

1 Tim 2:1 [KJV] “I exhort therefore, that, first of all, supplications, prayers, INTERCESSIONS, and giving of thanks, be made for all men”
by BBCatomic

Ito po ang meaning ng the word "Intercession".

in•ter•ces•sion
[in-ter-sesh-uhn]
Show IPA
noun
1. an act or instance of interceding.
2. an interposing or pleading on behalf of another person.
3. a prayer to God on behalf of another.
4. Roman History . the interposing of a veto, as by a tribune.


International Standard Bible Encyclopedia
INTERCESSION
in-ter-sesh'-un (pagha`, "to make intercession"; originally "to strike upon," or "against"; then in a good sense, "to assail anyone with petitions," "to urge," and when on behalf of another, "to intercede" (Ruth 1:16 Jeremiah 7:16; Jeremiah 27:18 Job 21:15 Genesis 23:8 Isaiah 53:12 Jeremiah 36:25). A similar idea is found in enteuxis, used as "petition," and in the New Testament "intercession." The English word is derived from Latin intercedo, "to come between," which strangely has the somewhat opposed meanings of "obstruct" and "to interpose on behalf of" a person, and finally "to intercede." The growth of meaning in this word in the various languages is highly suggestive. In the Greek New Testament we find the word in 1 Timothy 2:1; 1 Timothy 4:5; entugchano, is also found in Romans 8:26-34):


Interceding po used sa taong nabubuhay at hindi po sa namatay. "To interpose in behalf of a person and not a Dead person".

MAGING SI JESUS DIN AY NANALANGIN SA MGA PATAY PARA IPAKITA SA BUONG MUNDO NA MAY NAGAGAWA ANG PANALANGIN KAHIT PAGKATAPOS NG KAMATAYAN.

Juan 11: 41 Kaya’t inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako’y iyong dininig. At nalalaman ko na ako’y lagi mong dinirinig: nguni’t ito’y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila’y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. by BBCatomic

John 11:41-43
41. Then they took away the stone from the place where the dead man was lying. And Jesus lifted up His eyes and said, "Father, I thank You that You have heard Me.
42. "And I know that You always hear Me, but because of the people who are standing by I said this, that they may believe that You sent Me.''
43. Now when He had said these things, He cried with a loud voice, "Lazarus, come forth!''


Nagdasal o nanalangin po si Hesus sa Ama. Itinawag lang po ni Hesus ang pangalan ni Lazaro. Hindi po niya kinausap.


SINUSUNOD LAMANG NATIN ANG MGA HALIMBAWA NI JESUS NUNG SIYAY NARIRITO PA SA LUPA. BAKIT KAYA ANG IBA HINDI NILA ITO MAGAWA? DAHIL PARA SA ATING MGA KATOLIKO MAS MAKAPANGYARIHAN ANG PANALANGIN KESA SA KAMATAYAN MAGING SI APOSTOL SAN PABLO AY NANALANAGIN PARA SA KANYANG MINAMAHAL NA SI ONESIFERO NA NAMATAY NA.

2 Timoteo 1:16-18 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka’t madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala; Kundi, nang siya’y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako’y nasumpungan niya. (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw naj yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.by BBCatomic

2 Tim.1:16-18
16. The Lord grant mercy to the household of Onesiphorus, for he often refreshed me, and was not ashamed of my chain;
17. but when he arrived in Rome, he sought me out very diligently and found me.
18. The Lord grant to him that he may find mercy from the Lord in that Day and you know very well how many ways he ministered to me at Ephesus.


Nagbigay ng dasal po sa sambahayan nila Onesiphorus at hindi personally kay Onesiphorus.

salamat po.
 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Q & A

Bakit may bayad ang Binyag, Kumpil at Kasal?

holy-money-440x330.jpg


Answer By :

Lay Person Scripturist




Madalas sinasabi ng mga tumutuligsa sa Iglesya Katolika na binabayaran daw ang binyag, kumpil at kasal. Lumalabas na sa kanilang ginagawang pamimilipit ay hindi nila naintindihan ang kanilang mga pinagsasabi.

Kahit noon pa man ang mga bulaang propeta ay gumagawa rin ng bagay na iyan. “Kinakalaban nila ang mga bagay na hindi nila nauunawaan.” (2 Pedro 2:12)

Madalas nilang ginagamit ang talatang sinabi ng Panginoong Jesus laban sa Iglesya Katolika, “Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.” (Mateo 10:8)

Kung titignan natin, ano ba ang natanggap ng mga alagad ni Cristo na hindi dapat bayaran? Ito po ay ang mga Kaloob ng Espiritu Santo at hindi nga ito nababayaran at nabibili.

Kagaya ng isang taong umalok ng salapi kay Apostol Pedro at Juan na akala nya ay pwedi nyang bilhin ang tinanggap nila mula sa Espiritu Santo.

“Nakita ni Simon na ang Espiritu’y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya’t inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan.”Bigyan ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap din ng Espiritu Santo, sabi niya.Sinagot siya ni Pedro, Mapapahamak ka, ikaw at ang iyong salapi, sapagkat inakala mong mabibili ng salapi ang kaloob ng Diyos!” (Gawa 8:18-20)

Ngayon, Ang tanong, bakit meron tayong binabayaran sa Simbahan kapalit ng serbisyo sa binyag, kumpil at kasal? Ito ba ay nangangahulugan na binibenta ng mga pari ang kaloob ng Diyos?

Hindi po! Dahil hindi nabayayaran ang kaloob ng Diyos, kundi yung binibigay natin sa simbahan at sa mga pari ay tulong natin yun sa kanilang pangangailangan. Mga tao rin sila na nagugutom, nauuhaw at nangangailangan nga maisusuot. Obligasyon po nating mga Kristiyano ang pagtulong sa kanila para maipagpatuloy nila ang kanilang mga gawain para sa Diyos, “Dapat natin silang tulungan upang tayo’y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.” (3 Juan 1:8)”

Katulad ng Panginoong Jesus at ng kanyang mga alagad, hindi po nila pinapabayaran ang mga kaloob ng Diyos, pero ang mga tao ay tumutulong sa kanila, dahil alam na alam ng mga tao na sila ay nangangailangan din ng makakain at maiinom at para sa kanilang iba pang importanteng pangangailangan.

“si Juana na asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Sarili nilang salapi ang kanilang ginastos para sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.” (Lucas 8:3)

Ang tanong, inutos ba ng Diyos sa mga naglilingkod sa kanya o sa mga pari na tumanggap ng tulong mula sa mga kristiyano para matustusan ang kanilang kabubuhay?

“Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay tumatanggap ng pagkain mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay may bahagi sa mga handog na nasa dambana? Sa ganyan ding paraan, ipinag-uutos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita.” (1 Corinto 9:13-14)

Tayo po na mga kristiyano na tumatanggap ng pagpapala mula sa Diyos, maliit man o malaki ay sikapin nating makatulong sa pangangailangan ng Iglesya at isipin natin na ang sitwasyon ng mga pari ay hindi madali dahil marami silang isinakripisyo para mabigyan ng malaking oras ang pangangailangan ng Iglesya na itinatag ni Cristo.

“Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.” (Galacia 6:6)
Sa atin pong patuloy na pagbibigay para sa pangangailangan ng Iglesya ay ang Diyos na po ang bahalang magbigay sa atin ng nararapat na gantimpala.

“Magbigay kayo at kayo’y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.” (Lucas 6:38)

AGAIN IF YOU HAVE COMMENT AND QUESTION PLEASE GO HERE : Para po masagot kayo ng Maayos. Salamat po.

Bakit may bayad ang Binyag, Kumpil at Kasal? /
 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Q & A

pa bookmark TS> Salamat
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

BAKIT PO NAG-SISIGN OF THE CROSS ANG MGA KATOLIKO?

sign_of_the_cross-247x300.jpg



Answer by :

Fr. Abe Arganiosa, Atty. Marwil Llasos OP, Bro. Apologete Devine Mercy


Bakit nga ba?

SI SAN PABLO PO ANG NAGSASALITA SA GALATIANS 6:14 NA DAPAT PO NATIN IPAGMALAKI ANG KRUS NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO, KAYA PO NAGSISIGN OF THE CROSS ANG MGA KATOLIKO.

Galacia 6:14 (AB)"Subalit huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki maliban sa KRUS NG ATING PANGINOON JESU-CRISTO, na sa pamamagitan nito ang sanlibutan ay ipinako sa KRUS para sa akin, at ako'y sa sanlibutan.

SA KATOLIKO PO IPINAGMAMALAKI PO NATIN ANG KRUS NI KRISTO DAHIL PO SA PAMAMAGITAN NITO NAMATAY TAYO SA SANLIBUTAN, SO HINDI NA TAYO KABILANG KAY SATANAS KUNDI KABILANG TAYO KAY JESU-CRISTO DAHIL KAKAMPI NATIN ANG PANGINOONG JESU-CRISTO.

--------------

AYON PO SA SABI NG BIBLIYA AY KAMANGMANGAN SA KANILA ANG HINDI PAGSALITA NG KRUS AT MGA NANGAPAPAHAMAK. SINO PO BA ANG GUMAGAWA PO NITO AT NAGSISIGN OF THE CROSS ANG MGA KATOLIKO LAMANG PO KASI PO IPINAGMAMALAKI NATIN ANG KRUS NI KRISTO AT SINO PO ITONG NANGALILIGTAS? YUN PONG MAHILIG SA KRUS ANG MGA KATOLIKO PO.

1 CORINTO 1:18 (AB) Sapagka't ang salita ng KRUS AY KAMANGMANGAN sa kanila na nangapapahamak; ngunit ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.

--------------

YUNG MGA AYAW SA KRUS ITO PO'Y KAMANGMANGAN SA KANILA MGA NAPAPAHAMAK. ACTUALLY ANG GOAL NILA DIYAN BINANGGIT NA NI APOSTOL SAN PABLO DITO SA 1 CORINTHIANS 1:17 ISANG TALATA PO LAMANG YUNG NAUNA. IBIG SABIHIN PO SA TALATANG IYAN MAY KAPANGYARIHAN ANG KRUS NI CRISTO AT ITO PO AY HUWAG NATIN LAPASTANGANIN O DI KAYA KAMUHIAN ANG KRUS. SUBALIT ANG MGA KAPATID NATIN SA KABILANG IBAYO PO AY GALIT SA KRUS NI CRISTO AT AYAW PO NILA.

TAYO PONG MGA KATOLIKO AY NAGMAMAHAL AT NAGPAPAHALAGA SA KRUS NI CRISTO.

GANITO PO ANG SINASABI NI APOSTOL SAN PABLO.

1 Corinto 1:17 (AB) Sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbautismo, kundi upang ipangaral ang magandang balita, hindi sa pamamagitan ng mahusay na pananalita, upang ANG KRUS NI CRISTO AY HUWAG MAWALAN NG KAPANGYARIHAN.

--------------

SA GALACIA 6:17 (AB) Buhat ngayon ay huwag akong guluhin ng sinuman; sapagkat taglay ko sa aking katawan ang mga bakas ng paghihirap ni Jesus.

SAAN BA NAGHIRAP SI CRISTO? ANO ANG BAKAS NG PAGHIHIRAP NI CRISTO? YAN ANG KRUS NI CRISTO KAYA ANG MGA KATOLIKO MAPAPANSIN NATIN NAKASUOT AT TAGLAY SA KATAWAN NILA ANG KRUS NI KRISTO, KAYA NGA PO IPINAGMAMALAKI NG MGA KATOLIKO ANG KRUS. AT GINUGULO TAYO NG MGA KAPATID NATIN SA KABILANG IBAYO SUBALIT ANG SABI DIYAN SA TALATA AY HUWAG GULUHIN KAYA ITONG MGA NASA KABILANG IBAYO AY LUMALABAN HINDI LAMANG SA KRUS KUNDI SA SINASABI NI APOSTOL SAN PABLO.

--------------

HINDI PO MAGUGUHO ANG GAWAIN NA YAN NG MGA KAPATID NATIN SA KABILANG IBAYO SAPAGKAT ITO PO AY KATITISURAN AT KAMANGMANGAN SA KANILA, ITO PO'Y BINABANGGIT NI APOSTOL SAN PABLO AT ITO AY SA 1 CORINTO 1:23-24.

1 CORINTO 1:23-24 (AB) Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang CRISTO NA NAPAKO SA KRUS, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay Kamangmangan; ngunit sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.

WALA PO IPINAG-IBA ANG MGA KAPATID NATIN SA KABILANG IBAYO, SA MGA JUDIO AT MGA GENTIL NA ITO'Y KATITISURAN AT KAMANGMANGAN. PERO SA ATING MGA KATOLIKO MGA NANGALILIGTAS ITO'Y KAPANGYARIHAN NG DIYOS AT KARUNUNGAN NG DIYOS.

--------------

Kaya naman makikita natin dito na ang mga NALIGTAS LAMANG ay ang may TANDA NG KRUS..

Ezekiel 9:4-6
(WYC)

4 And the Lord said to him, Pass thou by the midst of the city, in the midst of Jerusalem, and mark thou TAU on the foreheads of men wailing and sorrowing on all [the] abominations that be done in the midst thereof.

5 And he said to them in mine hearing, Go ye through the city, and follow ye him, and smite ye; your eye spare not, neither do ye mercy. (And he said to the others in my hearing, Go ye through the city, and follow ye him, and strike ye them down; do not let your eye spare them, nor have ye any mercy on them.)

6 Slay ye till to death, an eld man, a young man, and a virgin, a little child, and women; but slay ye not any man, on whom ye see TAU; and begin ye at my saintuary. Therefore they began at the elder men, that were before the face of the house (And so they began with the elders, who were in front of the House of the Lord).


KUNG MAPAPANSIN PO NATIN SA IBANG TRANSLATED VERSION NG BIBLIA SA "Ezekiel 9:4-6" AY WALA PO TAYONG MABABASA NA "CROSS" KUNG HINDI ANG MABABASA NATIN AY "MARK" O "TAU". ITO ANG ISANG TANONG NG IBA NATING KAPANALIG SA PANANAMPALATAYA AT IBANG PROTESTANTE NA GUSTONG MALAMAN ANG KASAGUTAN..

TARA AT ALAMIN NATIN..


Alam naman natin na ang Old Testament o ang lumang tipan ng bibliya ay isinalin mula sa wikang hebrew at ang hebrew ay may tinatawag na hebrew alphabet.

Sa hebrew alphabet ang pinakahuling letter ay tinatawag nating tav.


Untitled22.png


Ang nakikita po natin sa itaas ay ang Hebrew Alphabet na Tav mula sa pinakamatandang Tav patungo sa modernong Tav.

Now, ang tanong bakit yung ancient tav ay hugis “+” at yung isa naman ay “x” at yung isa naman ay "
Untitled32.png
" at yung isa naman ay “ת”


Bakit nagkaganun?

Kasi the alphabet changed gradually over thousands of years, so that what were originally images became abstract alphabet characters at yan nga ang nangyari.


Untitled42.png


Now, ipaliwanag pa natin, ang Ancient "
Untitled52.png
" ay isang mark. Maari itong dalawang patpat na nilagay bilang krus katulad ng Egyptian hieroglyph "
Untitled62.png
" na siyang larawan ng dalawang patpat.

Ang letrang ito ay mayroong kahulugan ng mark, sign o signature.

Ang modern hebrew, arabic at greek names para sa letter na tav (taw), ay nagkakasundo na ang tunog ay letrang “T”


Ang early pictograph "
Untitled71.png
" na ay nag-evolved sa "
Untitled81.png
" in the Middle Semitic nagpatuloy na nag-evolve sa "
Untitled91.png
" the Late Semitic Script. Mula sa middle Semitic script naging Modern Hebrew ת.

Ngayon, bakit nasabi natin na ang Sign of the Cross ay tatak ng kaligtasan?

Isa sa mga ginagamit nating batayan ay ang nakasulat sa Ezekiel 9:4 kung saan yung mga taong pinalagyan ng marka o tatak ng Diyos ay hindi napahamak.


“Sinabi niya rito, Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tatak sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon. Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, Sumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santuwaryo. Inuna nga nilang patayin ang matatandang pinuno ng bayan sa harap ng bahay.”(Ezekiel 9:4-6, Magandang Balita Biblia)

Sa hebrew ganito ang nakasulat…


Untitled101.png


Kung titignan natin ang kahulugan ng “tav” sa hebrew lexicon ay ganito ang ating mababasa.

Untitled111.png


Makikita natin na ang kahulugan ng “tav” ay mark (as a sign of exemption from judgment) at ganyan nga ang nangyari noong unang panahon sa Ezekiel 9:4, hindi napahamak yung mga taong may marka.

Kung mababasa natin ang isa sa mga bibliyang gamit nating mga katoliko ang The Jerusalem Bible ay mababasa natin sa Ezekiel 9:4 ang ganito…

“and Yahweh said to him, ‘Go all through the city, all through Jerusalem, and mark a cross on the foreheads of all who grieve and lament over all the loathsome practices in it.’”(Ezekjel 9:4, The Jerusalem Bible)

Untitled121.png


Bakit nga ba may nakasulat na “Mark a Cross” sa The Jerusalem Bible na hindi naman natin mababasa sa mga bibliya na ginagamit ng mga protestante?

Kasi yung ancient hebrew alphabet ng letter na tav ay hugis krus at ang itinatak sa mga tao na hindi napahamak ay Hugis Krus.


Makikita natin na ang Ezekiel 9:4 ng The Jerusalem Bible ay nakabatay sa ancient hebrew text.

Untitled13.png


Yung isa pang gamit nating The New American Bible ay mababasa din natin ang ganito.

and the LORD said to him: Pass through the city, through the midst of Jerusalem, and mark an X on the foreheads of those who grieve and lament over all the abominations practiced within it.”(Ezekiel 9:4, The New American Bible)

Makikita din natin na ito ay sumunod sa Paleo Hebrew Text ng Ezekiel 9:4


Untitled14.png


Now, balikan natin ang The Jerusalem Bible kung saan sa Ezekiel 9:4 ay nakasulat ang “krus” na siyang itatatak sa mga taong hindi mapapahamak.

Ito ay Inscription na natagpuan sa cave located sa Sinai Peninsula. At ang Sinai Peninsula ay “traditional” site ng Mt. Sinai.

Matatagpuan sa Mt. Sinai ay ang Monestary kung saan ang pinakamatandang old Greek translation ng Old Testament ay nakita. Ang translation na tinatawag nating Codex Sinaiticus.


Untitled15.png


Ito ang earliest known Hebrew inscription: From the Gezer Calendar, c. 950–918 B.C.E:

Untitled16.png


Makikita natin yung hebrew letter na tav na hugis krus.

Dahil sa krus na iyan naligtas ang mga tao noong unang panahon sa kapahamakan. (Ezekiel 9:4)

Sa pamamagitan din ng Krus ay iniligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.


17.png


Mababasa natin ang greek word na διὰ τοῦ σταυρο o dia tou stauros na kung babasahin sa english ay Through The Cross.

Kaya yan ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ipinagmamalaki ng mga katoliko ang Krus sa pamamagitan ng Sign of The Cross.


AGAIN IF YOU HAVE COMMENT AND QUESTION PLEASE GO HERE : Para po masagot kayo ng Maayos. Salamat po.

RELATED THREAD ABOUT "THE SIGN OF THE CROSS"
 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

bookmark thread. pinanganak akong katoliko, hanggang kamatayan ako ay katoliko.
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

Saan ba makikita ang Catholic Church sa Bibliya?

1959867_529240783859690_879194657_n.jpg







Answer by :

Fr. Abe Arganiosa





Marami sa mga PROTESTANTE na umaatake sa CATHOLIC na saan makikita sa BIBLIYA ang salitang CATHOLIC? Dahil ang Salitang CATHOLIC ay hindi makikita sa TRANSLATED VERSION. Pero tayo ay nasa ORIGINAL at wala sa TRANSLATED VERSION. Suriin natin ang ORIGINAL GREEK NEW TESTAMENT.
.
.
.
Tanong ng isang Protestante : Ang salitang CATHOLIC ay hindi nag-umpisang gamitan lang nuong first part of the 14th century [1300-1350].
.
.

No, no, no.

The term EKKLESIA CATH’OLES or CATHOLIC CHURCH or UNIVERSAL CHURCH or CHURCH THROUGHOUT ay unang ginamit ni San Lucas sa original na Greek Bible ng New Testament, mas particular saActs 9:31.

Marami pang mga talata ng Biblia na nakasulat ang salitang Catholic. Pero hindi mo ito mamababasa sa wikang English o Filipino na Biblia sapagkat ang salitang Catholic ay GRIEGO o GREEK at hindi ugat na Ingles o Tagalog.

Ito ang mga talatang nagpapatunay na panahon pa ng mga Apostoles ay ginagamit na ang salitang Catholic:

LUKE 4:14 ” .. Ho Galalaia kai pheme exerchatomai KATH’OLES

LUKE 8:39 ”Apelthen KATH’OLES ten polin…

LUKE 23:5 ”Anaseis ton laos didasko KATH’OLES

ACTS 9:42 ”Gnotos de egeneto KATH’OLES

ACTS 10:37 ”Hemeis oidate ho genomenon rhema KATH’OLES

ACTS 4:18 ”Kai kelasantes autos pareggeilan to KATH’OLOU…

and the most significant is,

ITO. MISMONG GALING SA ORIGINAL GREEK NEW TESTAMENT:

Act 9:31 Αἱ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ᾿ ὅλης τῆς ᾿Ιουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχον εἰρήνην οἰκοδομούμεναι καὶ πορευόμεναι τῷ φόβῳ τοῦ Κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ῾Αγίου Πνεύματος ἐπληθύνοντο.

ACTS 9:31 ”He men oun EKKLESIA KATH’OLES …” – the Church is called “CHURCH THROUGH OUT” in greek, “EKKLESIA KATH’OLES” (KATA + HOLOS = KATHOLIKOS).


Bukod sa mga talatang iyan meron pang mga napaka lumang dokomento ang mga unang Kristiano na nagpapakita ng paggamit at pagtawag ng Catholic sa Church. Ito ang research ng sikat na Catholic Apologist na si John Salza:

The Church is called “Catholic” by EARLY CHRISTIAN LEADERS KNOWN AS THE FATHERS OF THE CHURCH [From SciptureCatholic.com by John Salza]

“See that ye all follow the bishop, even as Christ Jesus does the Father, and the presbytery as ye would the apostles. Do ye also reverence the deacons, as those that carry out the appointment of God. Let no man do anything connected with the Church without the bishop. Let that be deemed a proper Eucharist, which is [administered] either by the bishop, or by one to whom he has entrusted it. Wherever the bishop shall appear, there let the multitude also be; by the bishop, or by one to whom he has entrusted it. Wherever the bishop shall appear, there let the multitude also be; even as, wherever Jesus Christ is, there is the Catholic Church.” Ignatius of Antioch, Epistle to the Smyrneans, 8:2 (c. A.D. 110).

“[A]ll the people wondered that there should be such a difference between the unbelievers and the elect, of whom this most admirable Polycarp was one, having in our own times been an apostolic and prophetic teacher, and bishop of the Catholic Church which is in Smyrna. For every word that went out of his mouth either has been or shall yet be accomplished.” Martyrdom of Polycarp, 16:2 (A.D. 155).

“…to be in honour however with the Catholic Church for the ordering of ecclesiastical discipline…one to the Laodicenes, another to the Alexandrians, both forged in Paul’s name to suit the heresy of Marcion, and several others, which cannot be received into the Catholic Church; for it is not fitting that gall be mixed with honey. The Epistle of Jude no doubt, and the couple bearing the name of John, are accepted by the Catholic Church…But of Arsinous, called also Valentinus, or of Militiades we receive nothing at all.” The Muratorian Fragment (A.D. 177).

“[N]or does it consist in this, that he should again falsely imagine, as being above this [fancied being], a Pleroma at one time supposed to contain thirty, and at another time an innumerable tribe of Aeons, as these teachers who are destitute of truly divine wisdom maintain; while the Catholic Church possesses one and the same faith throughout the whole world, as we have already said.”Irenaeus, Against Heresies, 1:10,3 (A.D. 180).

“For it is evident that those men lived not so long ago,–in the reign of Antoninus for the most part,–and that they at first were believers in the doctrine of the Catholic Church, in the church of Rome under the episcopate of the blessed Eleutherus, until on account of their ever restless curiosity, with which they even infected the brethren, they were more than once expelled.”Tertullian, On the Prescription Against Heretics, 22,30 (A.D. 200).

”Whence you ought to know that the bishop is in the Church, and the Church in the bishop; and if any one be not with the bishop, that he is not in the Church, and that those flatter themselves in vain who creep in, not having peace with God’s priests, and think that they communicate secretly with some; while the Church, which is Catholic and one, is not cut nor divided, but is indeed connected and bound together by the cement of priests who cohere with one another.” Cyprian, Epistle to Florentius 66/67 (A.D. 254).

“But for those who say, There was when He was not, and, Before being born He was not, and that He came into existence out of nothing, or who assert that the Son of God is of a different hypostasis or substance…these the Catholic and apostolic Churchanathematizes.” Creed of Nicea (A.D. 325).

“Concerning those who call themselves Cathari, if they come over to the Catholic and Apostolic Church, the great and holy Synod decrees that they who are ordained shall continue as they are in the clergy. But it is before all things necessary that they should profess in writing that they will observe and follow the dogmas of the Catholic and Apostolic Church; in particular that they will communicate with persons who have been twice married, and with those who having lapsed in persecution have had a period [of penance] laid upon them, and a time [of restoration] fixed so that in all things they will follow the dogmas of the Catholic Church…”Council of Nicaea I (A.D. 325).

“Concerning this Holy Catholic Church Paul writes to Timothy, ‘That thou mayest know haw thou oughtest to behave thyself in the House of God, which is the Church of the Living God, the pillar and ground of the truth’” Cyril of Jerusalem, Catechetical Lectures,18:25(A.D. 350).

“[T]he Article, In one Holy Catholic Church,’ on which, though one might say many things, we will speak but briefly. It is called Catholic then because it extends over all the world, from one end of the earth to the other; and because it teaches universally and completely one and all the doctrines which ought to come to men’s knowledge, concerning things both visible and invisible, heavenly and earthly… for this cause the Faith has securely delivered to thee now the Article, And in one Holy Catholic Church;’ that thou mayest avoid their wretched meetings, and ever abide with the Holy Church Catholic in which thou wast regenerated. And if ever thou art sojourning in cities, inquire not simply where the Lord’s House is (for the other sects of the profane also attempt to call their own dens houses of the Lord), nor merely where the Church is, but where is the Catholic Church. For this is the peculiar name of this Holy Church, the mother of us all, which is the spouse of our Lord Jesus Christ, the Only-begotten Son of God.” Cyril of Jerusalem, Catechetical Lectures, 18:23,26 (A.D. 350).

“I believe in the Holy Spirit, the holy Catholic Church, the communion of saints, the remission of sins, the resurrection of the flesh, and eternal life. Amen.” Apostles Creed (A.D. 360).

“And in the Holy Spirit, the Lord, the life-giver, Who proceeds from the Father, Who with the Father and the Son is together worshiped and together glorified, Who spoke through the prophets; in one holy Catholic, and apostolic Church.”Constantinopolitan Creed (A.D. 381).

“Those who from heresy turn to orthodoxy, and to the portion of those who are being saved, we receive according to the following method and custom: Arians, and Macedonians, and Sabbatians, and Novatians, who call themselves Cathari or Aristori, and Quarto-decimans or Tetradites, and Apollinarians, we receive, upon their giving a written renunciation [of their errors] and anathematize every heresy which is not in accordance with the Holy, Catholic, and Apostolic Church of God.” Council of Constantinople I, Canon 7 (A.D. 381).

“We must hold to the Christian religion and to communication in her Church, which is Catholic and which is called Catholic not only by her own members but even by all her enemies. For when heretics or the adherents of schisms talk about her, not among themselves but with strangers, willy-nilly they call her nothing else but Catholic. For they will not be understood unless they distinguish her by this name which the whole world employs in her regard.” Augustine, The True Religion, 7:12 (A.D. 390).

“Inasmuch, I repeat, as this is the case, we believe also in the Holy Church, [intending thereby] assuredly the Catholic. For both heretics and schismatics style their congregations churches. But heretics, in holding false opinions regarding God, do injury to the faith itself; while schismatics, on the other hand, in wicked separations break off from brotherly charity, although they may believe just what we believe. Wherefore neither do the heretics belong to the Church catholic, which loves God; nor do the schismatics form a part of the same.” Augustine, On Faith and Creed, 10:21 (A.D. 393).

“For in the Catholic Church, not to speak of the purest wisdom, to the knowledge of which a few spiritual, men attain in this life…–not to speak of this wisdom, which you do not believe to be in the Catholic Church, there are many other things which most justly keep me in her bosom. The consent of peoples and nations…so does her authority…the succession of priests…[a]nd so, lastly, does the name itself of Catholic, which, not without reason, amid so many heresies, the Church has thus retained; so that, though all heretics wish to be called Catholics, yet when a stranger asks where the Catholic Church meets, no heretic will venture to point to his own chapel or house. Such then in number and importance are the precious ties belonging to the Christian name which keep a believer in the Catholic Church…Now if the truth is so clearly proved as to leave no possibility of doubt, it must be set before all the things that keep me in the Catholic Church…For my part, I should not believe the gospel except as moved by the authority of the Catholic Church…for it was through the Catholics that I got my faith in it; and so, whatever you bring from the gospel will no longer have any weight with me. Wherefore, if no clear proof of the apostleship of Manichaeus is found in the gospel, I will believe the Catholics rather than you.” Augustine, Against the Epistle of Manichaeus, 4:5,5:6 (A.D 397).

“You think that you make a very acute remark when you affirm the name Catholic to mean universal, not in respect to the communion as embracing the whole world, but in respect to the observance of all Divine precepts and of all the sacraments, as if we (even accepting the position that the Church is called Catholic because it honestly holds the whole truth, of which fragments here and there are found in some heresies) rested upon the testimony of this word’s signification, and not upon the promises of God, and so many indisputable testimonies of the truth itself, our demonstration of the existence of the Church of God in all nations.” Augustine, To Vincent the Rogatist, 93:7,23 (A.D. 403).

“Philip the presbyter and legate of the Apostolic See said: There is no doubt, and in fact it has been known in all ages, that the holy and most blessed Peter, prince and head of the Apostles, pillar of the faith, and foundation of the Catholic Church, received the keys of the kingdom from our Lord Jesus Christ, the Saviour and Redeemer of the human race, and that to him was given the power of loosing and binding sins: who down even to to-day and forever both lives and judges in his successors.” Council of Ephesus,Session III (A.D. 431).

“I have often then inquired earnestly and attentively of very many men eminent for sanctity and learning, how and by what sure and so to speak universal rule I may be able to distinguish the truth of Catholic faith from the falsehood of heretical depravity; and I have always, and in almost every instance, received an answer to this effect: That whether I or anyone else should wish to detect the frauds and avoid the snares of heretics as they arise, and to continue sound and complete in the Catholic faith, we must, the Lord helping, fortify our own belief in two ways; first, by the authority of the Divine Law, and then, by the Tradition of the Catholic Church…Therefore, it is very necessary, on account of so great intricacies of such various error, that the rule for the right understanding of the prophets and apostles should be framed in accordance with the standard of Ecclesiastical and Catholic interpretation” Vincent of Lerins, Commonitory for the Antiquity and Universality of the Catholic Faith, 2:4,5 (A.D. 434).

“Wherefore the most holy and blessed Leo, archbishop of the great and elder Rome, through us, and through this present most holy synod together with the thrice blessed and all-glorious Peter the Apostle, who is the rock and foundation of the Catholic Church, and the foundation of the orthodox faith, hath stripped him of the episcopate, and hath alienated from him all hieratic worthiness. Therefore let this most holy and great synod sentence the before mentioned Dioscorus to the canonical penalties.”Council of Chalcedon, Session III (A.D. 451).

AGAIN IF YOU HAVE COMMENT AND QUESTION PLEASE GO HERE : Para po masagot kayo ng Maayos. Salamat po.
Is the Catholic Church is in the BIBLE?

 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

salamat po sa mas malinaw na pagpapaliwanag kung saan matatagpuan ang salitang katoliko. keep on posting sir!
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

boss, ask ko lang bakit hindi bawal sa ating mga katoliko ang dinuguan?

aminado akong dati akong kumakain ng dinuguan at balut pero mula nung mabasa ko ang pagbabawal sa pagkain ng dugo sa acts of the apostles huminto na rin ako sa pagkain. ano ang paliwanag ng ating simbahan ukol dito?
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Dinuguan

DINUGUAN, MAAARI BANG KAININ?

Question BY:paranoia_rebirth
boss, ask ko lang bakit hindi bawal sa ating mga katoliko ang dinuguan?

aminado akong dati akong kumakain ng dinuguan at balut pero mula nung mabasa ko ang pagbabawal sa pagkain ng dugo sa acts of the apostles huminto na rin ako sa pagkain. ano ang paliwanag ng ating simbahan ukol dito?

images1.jpg


Answer By : by Atty. Marwil N. Llasos OP

May mga matalik akong kaibigan na kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC). Tuwing makakasama ko silang kumain, napupuna ko sa kanila na ayaw nilang kumain ng dinuguan. Masarap pa naman sana ang puto at dinuguan. Ngunit talagang hindi kumakain ng dinuguan ang aking mga kaibigang INC.

Sa mga pagkakataong nakakausap ko sila, naitatanong ko kung bakit ayaw nilang kumain ng dinuguan. Napag-alaman ko sa kanilang kasagutan na diumano’y labag sa Banal na Kasulatan ang pagkain ng anumang may dugo. Ibig sabihin nito, hindi lamang ang dinuguan ang bawal kainin kundi kasama na ang tinumis, batchoy, barbecue na dugo ng manok, pinikpikan, at iba. Sa aking pananaliksik sa pananampalataya ng ating mga kapatid na INC, isa pala sa kanilang pangunahing aral ang hindi pagkain ng dinuguan. Saan kaya nag-ugat ang aral na iyan?

May mga talata sa Banal na Kasulatan na binabanggit ang INC bilang patunay sa aral nila ng pagbabawal kumain ng anumang may dugo kagaya ng dinuguan. Ang mga talatang iyan ay ang ating susuriin sa pag-aaral na ito.

Levitico 3:17

Sa Levitico 3:17, ito ang ating mababasa:

“Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.”

Sa talatang ito, lumalabas na hindi lamang dugo ang ipinagbabawal kundi pati taba. Ang mga INC ay kumakain ng barbecue, chicharong bulaklak at kahit na anumang pagkaing may taba. Ang hindi lamang nila kinakain ay ang pagkaing may dugo.

Tanong: Bakit sila namimili kung alin lamang sa utos ang susundin? Sa Levitico 3:17, parehong taba at dugo ang ipinagbabawal na kainin. Dito ay lumalabas na ang INC ay isang samahang panrelihiyong turo-turo o “cafeteria” religion sapagkat sila ay namimili ng kung alin lamang ang gusto nilang panampalatayanan.

Kung bawal ang dugo, bawal din ang taba. Ang INC, dugo lamang ang ipinagbawal kainin taliwas sa sinasabi sa Levitico 3:17: “hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.”

Gawa 15:20; 21:25

Sa Konsilyo ng Jerusalem, matapos makapagsalita si Apostol Pedro ay nagsalita naman si Apostol Santiago. Isa sa mga hatol ni Santiago ay:

“huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios; kundi sumulat tayo sa kanila, na sila’y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.”

Ang hatol na ito ni Apostol Santiago ay isinagawa ni Apostol Pablo na nagsabi:

“Nguni’t tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila’y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid” (Gawa 21:25).

Mapupuna sa mga talatang nabanggit na walang sinasabing bawal kumain ng dugo. Ang sinasabi sa talata ay magsilayo sa dugo o magsiilag sa dugo.

Sapagkat ang pagkasalin ng Ang Biblia sa Gawa 15:20 at 21:25 ay hindi umaayon sa pananampalataya ng INC, minarapat nila na gamitin ang salin ng Magandang Balita Biblia na ganito ang nasasaad:

“Sa halip, sulatan natin sila na huwag kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyusan; huwag makikiapid; huwag kakain ng hayop na binigti, at ng dugo.” (Gawa 15:20, MBB)

“Tungkol naman sa mga mananampalatayang Hentil, isinulat na namin sa kanila ang aming pasiya: huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyusan, ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid.” (Gawa 21:25, MBB)

Tanong: Anong dugo ba ang tinutukoy sa binasa?

Ayon sa konteksto, ang dugong tinutukoy dito ay ang inalay sa mga diyus-diyusan. Maari din na dugo ng tao ang tinutukoy na inalay sa mga diyus-diyusan sapagkat ayon sa Lucas 13:1

“Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito’y inihalo ni Pilato sa mga hain nila.”

Ang dugo rin na tinutukoy ay maaring mga inihandog sa demonyo ayon na rin mismo kay Apostol Pablo:

“Subali’t sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo’y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.” (I Corinto 10:20)

Maliwanag na ang dugong binabanggit ay dugo na inihahain sa mga demonyo at hindi sa Diyos kaya naman pala tayo ay hindi marapat na kumain niyaon sapagkat hindi ibig ng mga Apostol kagaya ni Pablo na tayo’y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonyo.

Batay na rin mismo sa dalisay na aral ng Banal na Kasulatan, mayroon pang mas malalim na kahulugan ang utos ng mga Apostol na magsilayo o magsiilag tayo sa dugo. Sa Bibliya, ang pagbububo ng dugo ay nangangahulugang karahasan kagaya ng pagpatay. Sa Kawikaan 1:15-16, pinapaalalahanan tayo na:

“Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: Sapagka’t ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila’y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.”

Gayundin naman ang sinasabi sa Awit 51:14:

“Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.”

Sa Kawikaan 29:10 naman ay ito ang ating mababasa:

“Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay.”

Ang propetang si Habbakuk naman ay nagsabi:

“Sa aba niya na nagtatayo ng bayan sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!”(Habakkuk 2:12)

Sa Bagong Tipan naman, mismong ang Panginoong Jesus ay nagpaalala sa atin:

“Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.” (Mateo 23:34-35)

Samakatuwid, sapat na ang mga talatang ating hinalaw mula sa Banal na Kasulatan para mapagtanto natin na ang mas malalim na kahulugan ng “paglayo or pag-ilag” sa dugo ay ang pag-iwas sa karahasan kagaya ng pagpatay sapagkat ang pagpatay ay isang kasalanang labag sa Sampung Utos ng Diyos:

Exodo 20: 13; Deuteronomio 5:17: “Huwag kang papatay.”

Nawa’y naunawaan natin na kalooban ng Diyos na tayo ay mangagpahalaga sa buhay:

“Sapagka’t ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka’t ang dugo’y siyang tumutubos dahil sa buhay.” (Levitico 17:11)

Tindig ng Santa Iglesia Katolika

Una sa lahat, hindi pinipilit ng Iglesia Katolika ang sinuman na kumain ng dugo. Nasa sariling pagpapasiya ng mananampalataya kung ano ang kanyang gustong kainin o inumin basta hindi ito nakakasama sa kaniya. Hindi hinuhusgahan ng Iglesia Katolika ang sinuman ng dahil lamang sa pagkain o inumin sapagkat nasusulat: “Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng Sabbath”(Colosas 2:16).

Sa Lumang Tipan, tunay nga na ipinagbawal ang pagkain ng dugo bilang bahagi ng mga palatuntunan ni Moises. Malinaw sa Levitico 3:17 na ang hindi pagkain ng dugo ay isang palatuntunan: “Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.” Ayon naman kay Propeta Malachias, ang mga kautusan ni Moises ay kabilang sa mga palatuntunan:

“Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan” (Malachias 4:4)

Ang mga palatuntunang ito ay hanggang lamang sa panahon ng pagbabago. Kaya naman sa Bagong Tipan ang mga palatuntunang ito ay nabago na sa bisa ng kapangyarihan ng Panginoong Hesus. Ayon sa Hebrew 9:10:

“Palibhasa’y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).”

Malinaw na ang mga kautusan sa Lumang Tipan ay anino lamang ng mga bagay na darating sa Bagong Tipan (Hebreo 10:1; Col. 2:17). Kaya naman pagdatal ng Bagong Tipan, pinawi ang mga usapang nasusulat sa mga platuntunan. Lahat ng mga iyon ay inalis na at ipinako sa krus. Sa Colosas 2:14-16, ganito an gating mababasa:

“Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus; Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila’y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito. Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng Sabbath.”

Sa Lumang Tipan, ang ipinagbawal ng Diyos sapagka’t ito ay iniaalay sa mga diyus-diyusan ng mga karatig bansa ng Israel. Naniniwala naman ang mga Judio ang buhay ay nasa dugo (Levitico 17:11) kaya naman ipinagbawal na inumin o kainin ito sa kadahilanang hindi nararapat ang tao na makiisa sa buhay ng hayop. Sa Bagong Tipan, minarapat ng Panginoong Jesus na tayo ay makiisa sa Kanya sa pamamagitan ng pag-inom ng Kaniyang sariling dugo sa Eukaristiya:

“Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya’y aking ibabangon sa huling araw. Sapagka’t ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako’y sa kaniya” (Juan 6:53-56).

“At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:27-28)

“Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo” (Lukas 22:20)

At siya’y dumampot ng isang saro, at nang siya’y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo’y nagsiinom silang lahat. At sinabi niya sa kanila, Ito’y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami” (Marcos 14:23-24).

Marahil maitatanong sa atin ng ating mga kapatid na INC kung may mababasa ba tayo sa Bibliya na ang dugo ay marapat kainin? Sagot: Mayroon tayong mababasa. Sa katunayan, ito nga ay ipinag-utos pa. Halawin natin ang Levitico 10:18 na ganito ang sabi:

“Narito, hindi ipinasok ang dugo niyaon sa loob ng santuario; nararapat sana ninyong kanin sa santuario, gaya ng iniutos ko.”
Levitico 10:18

Sa talata pong nabanggit, malinaw na ang dugo ay nararapat kainin at iyan ay ipinag-utos.

Ang ating Dakilang Guro, ang Panginoong Jesukristo ay mismong nangaral sa atin na:

“Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao” (Mateo 15:11).

Pinagwikaan din tayo ni Apostol Pablo:

“Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka’t mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila”(Hebreo 13:19).

Sa anong kadahilanan ayon kay Apostol Pablo?

“Sapagka’t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo” (Roma 14:17).

Samakatuwid, huwag tayo makikinig sa mga mangangaral na ang ipinangangaral ay mga patungkol sa pagkain at pag-inom. Ang mga yaon ay sumisira sa mga gawa ng Diyos. Sila ay pinagbalaan na ni Apostol Pablo:

“Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi” (Roma 14:20).

“Nguni’t ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka’t hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan” (Roma 14:23).

Si Apostol Pablo ay nag-utos na: “Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi” (I Corinto 10:25). Kung sa pamilihan ay may ipinagbibiling dinuguan o anumang pagkaing may dugo, maari iyong kainin ayon na rin mismo kay Pablo na apostol ni Cristo. Ipinag-utos din ni Apostol Pablo na:“Kung kayo’y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi” (I Corinto 10:27). Samakatuwid, kung ang nag-anyaya sa atin ay may handang dinuguan, maaaring kainin ito ayon sa utos ni Apostol Pablo. Hindi lamang si Apostol Pablo ang nag-utos nito kundi ang Panginoong Jesukristo mismo: “At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay.” (Lucas 10:7)

Ang Panginoong Jesukristo na mismo ang nag-utos. Nararapat lamang na tayong mga alagad Niya ay tumalima sa Kaniyang ipinag-uutos sapagkat nasa Kaniya ang “mga salita ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:68). Siya nawa!

IF YOU HAVE COMMENT AND QUESTION PLEASE GO HERE

RELATED THREAD NA PWEDE KAYONG MAG TANONG AT MAG COMMENT :

CLICK ME
CLICK ME


 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

Why the Bible alone is not enough?

Bible-Alone-748x250.jpg



Answered by : Apologete Divine Mercy


question.jpg


Ang Bibliya ay Katotohanan…

Sabi ni Cristo, “Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan.”(Juan 17:17)

Ang Iglesya ay Haligi at Saligan ng Katotohanan…

“Upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buhay, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan.” (1 Timothy 3:15)

Para malaman natin ang BUONG KATOTOHANAN, kinakailangan nariyan ang bibliya at nariyan din ang Iglesya na syang sinugo ng Diyos.

Hindi pweding “BIBLE ALONE” lang.

Hindi pwedi yung sabi ng mga protestante, “magbasa lang kayo ng Bibliya, ok na yun”. Kaya may tinatawag tayong Magisterium para patnubayan tayong mga katoliko sa tamang pagkaunawa sa salita ng Diyos.

Sa katunayan merong isang pinuno na nagbasa ng aklat ni Isaias pero hindi nya naunawaan yung binasa nya, kaya tinanong sya ni Felipe kung naunawaan nya ito.

Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?”(Gawa 8:31)

Dyan palang, mali na ang unawa ng mga protestante na, “MAGBASA KA LANG NG BIBLE AY TAMA NA”.

So, paano nya naintindihan ang binasa nya?

Inanyayahan nya si Felipe at ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang binabasa nya. (Gawa 8:31-35)

Bakit naunawaan ni Felipe ang Nakasulat? Kasi pinapatnubayan sya ng Espiritu Santo.

“Sabayan mo ang sasakyang iyon,” utos ng Espiritu kay Felipe. “(Gawa 8:29)

Ang Espiritu Santo, sya ang Espiritu ng Katotohanan. (Juan 16:13)

Kapag hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo ang taong nagtuturo ng banal na kasulatan ay hindi nya talaga maituturo ang buong katotohanan tungkol sa bagay na yan.

“But when He, the Spirit of Truth (the Truth-giving Spirit) comes, He will guide you into all the Truth (the whole, full Truth). For He will not speak His own message [on His own authority]; but He will tell whatever He hears [from the Father; He will give the message that has been given to Him], and He will announce and declare to you the things that are to come [that will happen in the future].”(John 16:13, Amplified Bible)

Pansinin mo ha? “WHOLE TRUTH”, hindi “HALF TRUTH”.

Bigyan kita ng halimbawa bro. para makita mo kung sino ang nagtuturo ng HALF TRUTH at WHOLE TRUTH.

Ang mga anti-katoliko ay sinasabi nilang bawal ang magkaroon ng mga diyusdiyosan, kaya tinutuligsa nila ang Iglesya Katolika sa pagkakaroon ng mga larawan, hindi nila itinuturo na ang bawal lang ng bibliya ay ang mga rebultong ginagawang diyos at hindi ang mga rebultong hindi naman itinuturing na diyos.

Ang Iglesya Katolika ay sinasabi ang buong katotohanan.

The Catechism of the Council of Trent (1566) taught that idolatry is committed “by worshipping idols and images as God, or believing that they possess any divinity or virtue entitling them to our worship, by praying to, or reposing confidence in them” (374).

“Idolatry is a perversion of man’s innate religious sense. An idolater is someone who ‘transfers his indestructible notion of God to anything other than God’” (CCC 2114).

Bakit hindi maunawaan hanggang ngayon ng mga anti-katoliko na ang tinutukoy sa Exodus 20:4 ay “IDOLS” at hindi “IMAGES”?

Sa tagal na nilang nagbabasa ng bibliya bakit hindi pa rin nila maunawaan kung alin ang ipinagbabawal sa talatang yan?

Para maintindihan natin ang buong katotohanan ay kailangan ding patnubayan ka ng Espiritu Santo at para mapatnubayan ka nito ay kailangang matanggap mo ito, at ito ay matatanggap sa pamamagitan ng Sacrament of Confirmation na wala sa mga anti-katoliko.

“Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo.”(Gawa 8:14-17)

Sa madaling salita…

Ang katotohanan na nasa bibliya (John 17:17) ay maiintindihan mo sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyo ng Iglesyang Itinatag ni Cristo na syang isinugo nya sa pagpapalaganap ng katotohanan (1 Timothy 3:15) dahil ang Iglesyang itinatag nya ay nakatanggap ng Espiritu Santo (John 20:22), ang Espiritu ng Katotohanan (John 16:13) at sa pamamagitan ng Iglesyang Itinatag ni Cristo ay maiintindihan mo ang katotohan kung ikaw ay tuturuan. At dahil ikaw ay nasa tunay na Iglesya na nakatanggap din ng Espiritu ng Katotohahan sa pamamagitan ng Sacrament of Confirmation ay madali mong maunawaan ang mga nasusulat sa Banal na Kasulatan. (Acts 8:14-17).

Kaya yung mga anti-katoliko na basa lang ng basa ng bibliya ay hindi nila mauunawaan ang kanilang binabasa dahil wala silang sacrament of confirmation at patnubay ng Iglesyang itinatag ni Cristo.

“Nais nilang maging tagapagturo ng kautusan gayong hindi naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi at ang kanilang ipinagpipilitang ituro.”(1 Timoteo 1:7)

IF YOU HAVE COMMENT AND QUESTION PLEASE GO HERE

RELATED THREAD NA PWEDE KAYONG MAG TANONG AT MAG COMMENT :

CLICK ME
CLICK ME
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics]

Keep on posting apologetics
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Pangungumpisal sa Pari

Meron Bang Mababasa sa Bibliya na may taong nangumpisal sa pari dahil nagkasala siya sa Diyos?


priest%20and%20boy%20in%20confession.jpg


Answered by : Lay Person Scripturist


MARAMING MGA PROTESTANTE NA NAGSASABI NA "BAKIT TAYO NANGUNGUMPISAL SA MGA PARI? GAYO'Y TAO LAMANG SILA AT NAGKAKASALA?

---------------------------------------------------------------------------

Nang nagkasala ang Faraon sa Diyos ay humingi siya ng tawad kina MoiseS at Aaron.

“Dali-daling ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya, “Nagkasala ako sa Panginoon na inyong Diyos, gayundin sa inyo. Patawarin ninyo ako at ipinapakiusap kong ipanalangin ninyo sa Panginoon na alisin na sa akin ang nakamamatay na parusang ito.”(Exodo 10:16-17)

Tulad ng sinasabi ng ating mga kapatid na mga protestante ay dapat daw na ang tamang pangungumpisal ay ang direktang pananalangin sa Diyos at hindi na kailangan pang ikumpisal ito sa mga pari kagaya ng ginagawa nating mga katoliko.

Sa kasunod na talata ay maliwanag na mababasa natin kung ano ang ginawa ni Moises matapos na humingi ng tawad ang Faraon sa kanyang mga kasalanan at kung mali nga ang ginawa ng Faraon ay sana itinuwid na ito ni Moises, pero iba ang ginawa ni Moise para sa Faraon.

Ganito ang mababasa natin sa kasunod na mga talata…

“Iniwan ni Moises ang Faraon at siya’y nanalangin. Binago naman ng Panginoon ang takbo ng hangin. Pinaihip niya ang malakas na hangin mula sa kanluran at tinangay nito ang lahat ng balang papunta sa Dagat na Pula; a isa ma’y walang natira sa Egipto.”
(Exodo 10:18-19)

At kung mali naman ang ginawa ni Moises na nalangin siya para sa Faraon ay hindi rin sana ito pinakinggan ng Diyos, pero maliwanag na pinakinggan ng Diyos ang panalangin ni Moises para sa Faraon.

Sa tuwing nangungumpisal tayo sa pari ay nanalangin sila para sa atin para patawarin tayo ng Diyos dahil sa awtoridad na ibinigay sa kanila ni Cristo (Juan 20:22-23).

Dapat kasing maunawaan ng mga kapatid nating mga protestante na hindi lahat ng klase ng kasalanan ay dapat ipanalangin ng direkta sa Diyos kaya nga may tinatawag tayong “Mortal Sin” at “Venial Sin”.

Nang nagkasala si Elifaz at kanyang mga kaibigan sa Diyos ay dapat idinirekta na sanang ihiningi ni Elifaz ng tawad ang kanyang mga kasalanan sa Diyos dahil nakaharap ang Dios sa kanya, pero ano ang nangyari?

“Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ng Panginoon Sinabi niya, “Matindi ang galit ko sa iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job. Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Dalhin ninyo ito kay Job at sunugin bilang handog. Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan, dahil sa hindi ninyo paglalahad ng buong katotohanan tulad nang ginagawa niya.”(Job 42:7-8)

At bakit matindi ang galit ng Diyos kay Elifaz na Temaneo at sa dalawa niyang kaibigan?

Sapagkat hindi nila sinabi ang katotohanan at ang katumbas nga niyan ay ang pagsisinungaling . Para sa ating mga katoliko ang pagsisinungaling o ang hindi pagsabi ng katotohanan ay isang “Mortal Sin” na dapat ikumpisal sa pari.

Sa bibliya kasi ay merong dalawang uri ng kasalanan at ito ay may kasalanang di hahantong sa kamatayan at may kasalanang hahantong sa kamatayan.

“Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito’y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.”(1 Juan 5:16)

Ang salitang “mortal” ay nanggaling po sa salitang latin na “mors” na nangangahulugan ng “death” at ang salitang “venial” naman ay nanggaling sa salitang latin na “venialis” na nangangahulugan ng “easy pardonable”.

Sa sitwasyon ng Faraon ay nakagawa siya ng malaking kasalanan sa Diyos ganun din si Elifaz at kanyang mga kaibigan kaya kailangan nila ang panalangin ng mga pari ng Diyos upang makamit nila ang pagpapatawad.

Si Moises at Aaron ay mga pari ng Diyos, “Si Moises at si Aaron, na mga pari niya;at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;nang si Yahweh’y dalanginan, dininig naman sila.”(Awit 99:6)

Dapat din maunawaan ng mga kapatid natin na ang pangungumpisal sa pari lalong lalo na ng mga kapatid nating nagkasala ng mortal ay may malaking pakinabang.

1. Sa tuwing may nangungumpisal sa pari ay pinapatawad ng Diyos ang anumang pagkakasala nito mortal man o venial (Juan 20:22-23)

2. Naiintindihan ng mga pari ang kahinaan ng mga nangungumpisal sa kanila dahil dito ay mabibigyan ng mga pari ng kaukulang payo ang mga nangungumpisal sa kanila,

“Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya’y mahina ring tulad nila.”(Hebreo 5:1-2)

3. Binibigyan ng mga pari ng magandang payo ang mga nangungumpisal lalong lalo na ang pagsisisi at pagtalikod sa mga ginagawang mortal na kasalanan.

Si Apostol Pablo ay isang pari (Roma 15:16) at isa sa kanyang mga mensahe para sa mga tao ay ang pagsisisi, “Ipinangaral kong dapat silang magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, lumapit sa Diyos, at ipakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa.”(Gawa 26:20)

Kaya kung napapansin natin, bago pa man ginagawa ng pari ang absolusyon o pagpapawalang-sala sa mga nangungumpisal ay sinasabihan muna ito ng pari na dapat niya pagsisihan ang kanyang mga nagawang kasalanan.

Ang pagsisi po kasi ay malaking bagay at daan po patungo sa ating kaligtasan at ang taong walang pagsisi at hindi ito ipinapakita sa pamamagitan ng mga gawa ay mapapahamak.

Kaya nga ginagamit ng Diyos ang mga pari para maging kasangkapan niya sa pagsunod sa kanyang kalooban at dapat sa kanila sumangguni ang mga tao.Confession

“Tungkulin ng mga pari na ituro ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sila ang dapat sangguniin ng mga tao tungkol sa aking kalooban, sapagkat sila ang mga sugo ng Panginoon na Makapangyarihan sa lahat.”(Malaquias 2:7)

Kung napapansin din po natin ay marami sa mga nangungumpisal ay ang mga nagsasama na hindi pa ikinakasal sa simbahan at ito po ay isang mortal na kasalanan, sa pamamagitan ng pangungumpisal sa pari ay mabibigyan din sila ng payo na dapat magpakasal upang makatanggap ng basbas ng Diyos.

Katulad ni Apostol Pablo na isang pari ng Diyos ay binigyan niya ng payo ang mga taong gustong mag-asawa na dapat magpakasal sa banal na paraan.

“Kalooban ng Diyos na kayo’y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa”(1 Tesalonica 4:3-4)

Kalooban po kasi ng Diyos na magpakasal ang mga mag-asawa sa banal na paraan at tungkulin po ito ng mga pari at sila ang dapat sangguniin ng mga tao tungkol sa mga bagay na ito.

Mahalaga po kasi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.”(Mateo 7:21)

Kaya malaking bagay po ang pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa pari at sa tuwing nangungumpisal po tayo ay natatamo natin ang pagpapatawad ng Diyos, binibigyan po tayo ng gabay sa pagsisisi at sinusunod po natin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagsangguni natin sa mga pari dahil ito ay utos ng Diyos.

Kung ang mga kapatid nating mga protestante ay hindi gumagawa nito ay naiintindihan po natin kung bakit.

“Wala pong makakaalam ng iyong kalooban malibang bigyan mo siya ng iyong Karunungan, at lukuban ng iyong banal na espiritung mula sa kaitaasan. Sa ganitong paraan po lamang naaakay mo ang mga tao sa matuwid na landas. Natututunan po namin kung ano ang kalugud-lugod sa iyo, at naliligtas kami sa pamamagitan ng iyong Karunungan.”(Karunungan 9:17-18)

IF YOU HAVE COMMENT AND QUESTION PLEASE GO HERE

RELATED THREAD NA PWEDE KAYONG MAG TANONG AT MAG COMMENT :

CLICK ME
CLICK HERE




 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Pangungumpisal sa Pari

Pwede naman po dumirekta sa Diyos upang mag confess. Si Hesus nga po ay direktang ipinakikita po sa atin na dumirekta sa Ama nung nagdarasal.

Salamat
 
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Pangungumpisal sa Pari

share lang po. dagdag pampatibay ng pananampalataya nating mga katoliko, watch RadioVeritas - Apolohetika on youtube.
Thank you.. Sige ADD ko sooner or Later. Naka phone lang kasi ako :)

Update :

Now ADDED.. Salamat Brother..

- - - Updated - - -

SUMASAMBA NGA BA ANG MGA KATOLIKO SA REBULTO?

539209_527313527385749_2040712720_n.jpg


Answered by :
Bro. Lay Scripturist


ANO PO BA ANG KAHULUGAN NG IDOLATRIA o IDOLATRY?

Ito ang madalas na paratang ng iba nating mga kapatid sa labas ng bakod o maging sa mga katolikong kulang ang pang-unawa. Alamin natin ang kahulugan nito:

Ang “etymology” o pag-aaral ng kasaysayan ng pagkakalago ng salita ay nanggaling latin na ‘Idol’ at ‘Latria’.

Idol o mas kilalang diyos-diyosan at latria na nangangahulugan ng pagsamba = Pagsamba sa diyos-diyosan.

Ayon sa Webster Dictionary ang ‘idol’ ay may ganitong pakahulugan:

3: a form or appearance visible but without substance

Meriam-webster

Ayon naman sa biblia ito ang kahulugan ng diyos-diyosan:

1 Corinto 8:4 Mabuting Balita Biblia
"Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay [[[larawan ng mga bagay na di-totoo]]], at alam nating iisa lamang ang Diyos."

1 Corinthians 8:4 English Standard Version (©2001)
"Therefore, as to the eating of food offered to idols, we know that “an idol has no real existence,” and that “there is no God but one.”

Maliwanag na ang tinutukoy na kahulugan ng idol o diyos-diyosan ay ang mga larawan ngunit hindi umiral sa mundong ito na ipinagbawal ng Panginoong Diyos ng tanggapin ni Moises ang sampung utos:

Exodo 20 Mabuting Balita Biblia:
3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan."


Inulit ito sa Deuteronomio 5:7-9:
7 ” ‘Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
8 ” ‘Huwag kang gagawa ng [[[diyus-diyosang imahen]]] ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 9 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi."


Nilinaw na ang imahe na walang pag-iral, diyos-diyosan o idol na ipapalit sa tunay ng Diyos ang ipinahahayag sa mga talatang ito. At kung ito ay tatanggapin natin ng LITERAL, LAHAT ng imahe o larawan ay bawal. Maging ang pagkuha ng litrato sa kamera, pinta o anomang may pigura ay labag. Ngunit dapat nating itanim sa ating isipan na ang Diyos ay nag-utos rin na gumawin ng mga larawang inanyuan.

Kaya hindi maaring tawaging diyos-diyosan ang larawan ng ating Panginoong Hesukristo tulad ng imahe ng Jesus Nazareno ng Quiapo, Sto. Niño ng Cebu, Mahal na Birhen ng Antipolo, San Lorenzo Ruiz, San Pedro Calungsod, San Miguel Arkanghel at iba pa. Dahil ito ay “banal na larawan o sacred images” sapagkat sila ay umiral at totoo HINDI KATHANG-ISIP LAMANG katulad ni Zeus, Hera, Poseidon, Athena, Shiva, Picachu, Doraemon at iba pa.

Kaya ang basehan ng biblia maging sa kahulugan ng diksyonaryo upang masabi nating “idol o diyos-diyosan” ay WALANG PAG-IRAL at IPINAGPAPALIT ANG PAGKAKILALA SA TUNAY NA DIYOS SA ISANG LARAWANG INANYUAN.

At wala sa aral ng Santa Iglesia Katolika ang pagsamba sa larawang inanyuan at hindi itinuturo sa mga mananampalataya ang idolatria na malaking kasalanan sa Diyos na may likha ng lahat. Tayong tumanggap ng aral ay may sariling pag-iisip upang gamit at magbigay ng tamang pagtitimbang upang ang isang gawain ay masabi natin masama o mabuti.

“Hindi lahat ng imahe ay diyos-diyosan at hindi lahat ng diyos-diyosan ay imahe.”


HAYAAN NINYO ANG MGA TAONG MATITIGAS ANG ULO AT HAYAAN NINYO ANG MGA TAONG MANGULUBOT ANG KANILANG MUKHA KAKAISIP NA ANG MGA KATOLIKO AY SUMASAMBA SA DIOS-DIOSAN..

KAYA NAMAN MGA KAPWA KO KATOLIKO AT MGA PROTESTANTE NA GUSTONG MALIWANAGAN PWEDE PO NINYO PUNTAHAN ANG MGA LINK SA IBABA AT MAG TANONG SA MGA APOLOGETIC NATIN. HUWAG PO TAYO MATAKOT/MAHIYA NA MAG TANONG KAPATID.. SALAMAT PO

If you have more Question about "STATUE" and "IDOL WORSHIP" you can go Here :

CLICK ME
CLICK ME
 
Last edited:
Re: Know the Truth Page [Catholic Apologetics] Pangungumpisal sa Pari

Exodus 20:4

4. "You shall not make for yourself a carved image, or any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth;
5. you shall not bow down to them nor serve them. For I, the Lord your God, am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers on the children to the third and fourth generations of those who hate Me,
 
Back
Top Bottom