Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay kung ako ay maiimbitahan sa isang graduation speech.

MAGANDANG HAPON! Pasensya na kung sinigawan ko kayo. Kanina pa kasi akong inaantok sa boring na programang na ito( malamang ay kayo rin). Joke lang. Hindi ko alam kung bakit ako. Mas maraming mas magaling at wala pa akong nararating. Siguro ay busy sila. Buti na lang nandito ako. Hindi busy. Pa dota dota lang . Hehe. Salamat.

Noong ako ang nasa kalagayan nyo, na gagraduate din, ayaw na ayaw ko na makaka rinig ng "Congratulations". Bakit? Kasi masyadong generic. Taon taon na lang na naririnig. Wala na bang bago? Isa pa, obligasyon ng estudyante na maka graduate. Trabaho ng estudyante na mag-aral kaya dapat normal lang ang lahat ng ito. Meron na bang nag sabi sa janitor na "congrats! Tapos ka na mag linis ng school"? Meron na bang nag sabi sa labandera na "Congrats! Natanggal mo ang mansta!" O kaya ay sa mag-uuling dahil hindi na abo ang inuuling nya? May nag congrats na ba sa guro dahil naturuan nila kayo mag sulat at mag basa? At lalong may nag congrats na ba sa mga magulang dahil natripan ka nilang pag-aralin at bigyan ng baon kahit na sa pang text lang naman sa kaklase para pag usapan kung ano na update sa kathniel o di kaya ay sa pang dota lang naman mapupunta ang ibinigay nila? Kaya imbis na congrats, salamat, maraming salamat sa inyo mga bata. Katulad ng binabanggit natin sa mga taong nagagampanan ang kanilang tungkulin, Maraming salamat sa inyo dahil nagawa nyo ang inyong obligasyon.

At katulad ng iba na nabigyan ng chance na makapag salita dito ay nais ko din mag pasalamat sa mga ilang espesyal na tao. Wag kayo mag alala, hindi governor, mayor, baranggay capt o sk chairman ang pasasalamatan ko. Ang gusto kong pasalamatan ay yung mga nag titinda ng fishball, puto, sopas, mikmik, palamig na maraming sago(sarap maki pag suplahan) , text, lastiko, tennis ball na ginawa naming pang baseball, sa aking mga naging kalaro at dun sa crush ko. Maraming salamat. Kayo ang dahilan kung bakit ako masipag pumasok.

Ang problema nga lang sa mga pinasalamatan ko ay dahil din sa kanila kaya tamad akong mag-aral. Buti na lang na may roon akong guro at magulang na hindi tinatamad na pag sabihan ako. Minsan may kurot at palo pa. Pero ok lang dahil sa pananaw ko, mas madali matutunan ang bagay kapag nasaktan o bumagsak ka kesa i spoon-feed pa sayo ng ibang tao.

Ok, advice time!
1. Ang buhay ay madaya kaya masanay ka na. Maaring ang ipa recite sayo ng teacher mo sa multiplication ay table of 8 habang ang katabi mo naman ay table of 5. Luge ka sa grade at difficulty pero ok lang yan pwede naman vice versa ang mang yari.

2. Kung pinanganak kang mahirap, kasalanan ng magulang mo yun. Pero wag mo sila sisihin, ayaw nila mang yari sayo yun kaya pinag aaaral ka nila. Bonus tips: magiging magulang ka rin kaya sana wala kang kasalanan sa anak mo pag andyan na sila.

3. Matutong mag basa. Unang tungtong mo pa lang sa paaralan, yan na ang itinuturo tapos simpleng karatula na itapon ang basura sa tamang basurahan hindi mo magawa? Madumi ang baha. Masakit mag budbod ng salycilic Acid sa alipunga kaya please lang naman.

4. Ang utak ay may muscle din kaya normal lang na mahirapan sa pag aaral. Huwag ka tamarin, hindi kasalanan ang maging matalino paminsan minsan.

Ang ilan sa inyo ay ma le late pag pasok, ang ilan ay makakalimutan ang id. Ang ilan ay sasakit ang tyan sa klase. Ang ilan ay ihahatid ni someone. Ang ilan ay gabi na makakauwi ng bahay. Ang ilan ay mag cucutting sa klase . Ang ilan din ay mag tatanong sa sariling "bakit ko ba pinag - aaralan to e hindi ko naman to gagamitin sa pag tanda ?". Hindi ko pa rin alam ang sagot. Sabi ng kaklase ko, baka kailangan daw yun para madali na lang satin pag aralan ang ibang bagay sa totoong buhay. Siguro nga, kasi sa trabaho kailangan mo i memorize kung nasan yung pwesto ng mga sabon o kaya ay listahan ng mga deal sa postpaid plan ng telepono . At least habang nag aaral ka sanay ka na mag memorize.

Maaring ang ilan din ay mabuntis o di kaya ay mag kaka scandal. Ganun talaga ang buhay, malandi. Madaya. Hello nga pala dun sa crush ko. :)
 
ayos to! haha ready ka na agad!
 
bigla ulit akong naligaw sa orig lit
at bigla ko na miss ang pagsusulat

ang ganda ng isang to
simple pero malaman
maraming aral
:thumbsup:
 
Salamat po sa pag babasa at pag comment lalo na kay idol panjo. hehe
 
Up ko lang po para sa nalalapit na graduation.
 
Back
Top Bottom