Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay labstori

Ang bilis naman ng panahon, Parang kailan lang nung nag pasya ang pamunuan ng meebo na isara na yung lugar na pinag tatambayan natin. Madaming nalungkot, maraming nawala, maraming naghanap ng malilipatan pero hindi na katulad ng dati, nag-iba na ang lugar, nagkawatak watak na yung mga araw araw mo nakakasalamuha, hindi na tulad ng dati wala na talaga.

Pini-em mo ako sa Facebook, sabi mo namimiss mo ako, sabi ko ikaw rin hinahanap hanap ko. Kinumusta mo ang magulo kong relasyon, wala na ikako bakit hindi na lang maging tayo biro ko. Binalikan natin yung mga nakalipas na sandali, mga kalokohan natin na nag iiwan ng ngiti sa ating mga labi. Hindi natin namamalayan na nagkakalapit na pala tayo, mga birong nagkakaron na ng halong totoo. Pero parang wala ito sa plano, magpapalipas lang tayo ng oras dito , maghahanap ng kausap habang naiinip sa mabagal na takbo ng oras sa likod ng teklado. Pero mas malakas yung hatak ng pag aasam na hindi lang tayo hanggang sa ganito, yung pangangarap na balang araw magkakaron ng tugon yung kabang nadarama ko. Hindi ko alam kung kailan, pero basta na lang nangyari, isang araw naglakas loob na sabihing ika'y mahal ko. Parang tumigil ang mundo sa pag hihintay ng kasagutan mo, di maipaliwanag na kasiyahan ang nadama ng sabihin mong oo ikaw rin ang mahal ko.

Masarap ang pakiramdam sa tuwinang gigising at papasok sa trabaho, sa kaalamang mayroong taong naghihintay sa pag log-in mo. Mangungumusta kung anong kinain mo at anong ginagawa mo. Makikinig sa mga pangyayari sa totoong buhay mo. Magpapayo sa mga problema at magpapagaan ng kalooban mo. Makakasalo mo sa halakhak sa mga kalokohang kayo lamang ang nakaka alam. Magmamalasakit,Mag aalala at Magmamahal sayo.

Pero sabi nga ng matatanda, walang permanente sa mundo. Nagbiro ang tadhana, nabawasan ang oras na nilalaan sa isa't isa. Sa mga pangyayaring wala tayong magagawa. Dumalang ang kamustahan, ang daming gumugulo sa isipan, marahil kaya ating nakaligtaan. Hanggang sa ang kakarampot na pinag sasaluhang panahon ay nawalang tuluyan.

Matagal na panahon rin ang lumipas ng magtagpo ulit ang ating landas. Kinumusta mo ang magulo kong relasyon, wala na ikako bakit hindi na lang maging tayo biro ko...
 
Back
Top Bottom