Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Lagi Pasimuno Ang Parents

Alodia143

Proficient
Advanced Member
Messages
248
Reaction score
1
Points
28
Tahimik ako. Napapahamak ako madalas. Papaano, ang nagsasuggest, nagcocomment at nagdidisisyon ay parents ko. Like noon, kasama ang parent ko sa doctor. Ang palagi nag uusap ay parent ko at doctor. Nang sinabi ng doctor na tawagin ko daw siya for follow up, ang phone number ng doctor ay nasa parent ko naman.

Kinokontra or magsasuggest na huwag ko daw tawagan kungdi text na lang or parent na lang daw ang magtetext sa doctor. Hindi naman magawa ng parent ko dahil busy, kaya nang nagkita kami, sa tono ng boses niya ay ako ang ipinalalabas na matigas ang ulo ko dahil hindi daw ako tumatawag. Sa tono ng boses ng doctor ay medio naiinis at galit. Lagi na lang ganun.

Then, dumating ang araw na ospital ako, ang lagi nagsasalita ay parents ko. Naalala ko nga na bago ako na admit sa ospital, meron waiver na pinapasign sa akin ang nurse dahil disisyon ko daw ayaw magpa ospital, ang parents ko naman nag decide na eadmit ako.

Rinig ko sa nurse na sabi, "masusunod po ang anak niyo dahil disisyon niya po" ... e 30 years old plus na ako pero na admit pa rin ako. Adult na ako.

Nang na admit ako sa ospital, parents ko pa rin nagsasuggest na keyso tanggalin ang *headlock* ko at minsan, suggestion na tanggalin ang *swero* ko kapag ubos na ang antibiotic.

Kapag sinasabi ng nurse na huwag muna tanggalin ang swero ko sa akin (sa akin sinabi) e ang sasuggest naman ng parents ko tanggalin daw. Hindi ako pwede mag argue or ano dahil talaga kokontra ang parent ko.

Sunod lang ako ng sunod.

Ngayon, wala ako work. Mababa ang emotional ko. Insecure at meron anxiety dahil everytime na nag aapply ako mag work sa call center, dinidiscourage ako ng parent ko na keyso hindi ako papasa at keyso huwag ako magtrabaho. Magbusiness na lang daw kami. Nang sinabi ko na gusto ko pumunta sa Japan, sabi ng parent ko ay hindi matutupad ang pangarap ko. Nakakapagod daw ako.

Now, wala ako work. Wala ako pera. Hanggang nagkasakit ako at nangangapa ang parents ko sa bayarin sa pang ospital sa akin. Retired ang papa ko at nag-aargue sila na wala daw kami stable income. Umaasa lang raw kami sa papa namin. Sabi naman ng mother ko na ang papa ko is lalake kaya siya ang provider daw namin.

Hanggang ngayon nag iisip ako. Feeling ko hindi ko na kilala ang sarili ko.
 
Last edited:
I feel you mam/sir. Ganyan din parents ko dati, sila nagdedesisyon sa lahat hanggang nakasanayan at wala na akong magagawa kasi hindi lang desisyon nila ang aabutin pati na rin negatibo lahat sinasabi sa desisyon ko at nagmumura pa at tinataasan ako ng boses, pati ama ko binabatukan pa ako hanggang hindi na maalis sa akin ang tinatawag na inferiority complex ibig sabihin kung ano ang desisyon mo at kakayahan iniisip mo agad na mali at hindi mo kaya dahil mas may iba pa na magaling sa'yo. Sa akin lang, decide ka kung anong nakakabuti sa'yo at kahit magagalit pa sila, stand up for your side not to them. Why, ikaw na rin nagsabi na adult ka na at 30 plus ka na. Tell your parents na ganun ka na at hindi ka na bata. Magagalit man sila o hindi, you have the right to do what is right for you dahil balang araw mawawala na sila, sino pa ang dediskarte eh di ikaw din at pano na kung wala na sila at nasanay ka na sila ang nagdedesisyon? Makakausap mo pa ba sila kahit patay na? Hindi di ba? Oo, sumusunod nga tayo sa parents pero after becoming an adult, nasa batas po yan na magdedisisyon na tayo sa sarili w/o the consent of parents. Wag ka always pauto sa parents mo, let them guide you but not control you. Ginagawa ka lang tuta ng mga yan. Hindi ko rin sinasabi na gagawin mo ang side mo lahat kahit mali pero kung alam mong tama at hindi nakakasama, why not do your own thing right? So don't be afraid and let your decision at diskarte sa buhay ay mananaig. Hindi ka na bata, may sarili ka na pagiisip. Sabihin mo sila ang magnenegosyo at magtatrabaho ka dahil may plus yun, negosyo at trabaho = laking pursyento ang asenyo panigurado sarado kuwadrado hehe.
 
Last edited:
@ foxboy

Tama ka. Sana magawa ko. Ang pumapasok sa isip ko lang ay gulo sa bahay na alam mo iyon? Nasa poder ako ng parents ko at pagkatapos, dahil sa sitwasyon na nagalit ang parents natin dahil tumayo tayo sa stand natin ay parang......... aura ng negativity sa bahay na meron mixture na sama ng loob sa isa't isa kaya hindi nagpapansinan.

Naalala ko nga na nagalit ang parent ko sa kapatid ko at sabay pinapalayas sa bahay. E wala pa naman pera iyon dahil wala din stable job.

...pero tama ka nga e. Sana maging matapang ako.
 
Thirty plus something then still doesn't have a stable life?
Isa lang naman ang nakikita kong dahilan bakit ka nag kaka crisis. Takot ka sa Parents mo. Takot ka tumayo sa sarili mong mga paa.

Take the leap. Pag katapos na pag katapos maayos ang naiwang bills, mag desisyon ka na para sa buhay mo. Hawak mo buhay mo, hindi sakanila.

Have clear sight of your future. Wala kang pera? Then work things out kung umalis ka sa Poder nila.
 
@ chazzaeigens

Opo. Inaamin ko na natatakot ako sa parents ko sapagkat kung iisipin na palayasin ako sa poder ng parents ko na wala pera, wala work at wala stable life ay sa kalsada ako mag mamalimos ng pera para maka survive or magiging bayaran babae ako upang maka survive.

Wala ako bahay na titirhan at wala ako kaibigan upang meron ako matirhan. Ang resulta, pwede magnakaw ako ng pera pero iyon nga lang ay bawal sa batas iyon at natural, makukulong ako.

Gusto ko talaga tumayo ng sarili ko paa at makakayanan ko naman pero ang iniisip ko kung ano ang kahihinatnan sa akin kapag wala na ako sa poder ng parents ko.

Gusto ko naman din na meron ako clear conscience kapag nasa labas ako ng poder ng parents ko.

Mahirap ang sitwasyon na magkakagalit at hinde nagpapansinan ang ilan miembro ng pamilya sa isa bubong. Ang tangi solusyon ay umalis or lumayas sa poder ng parents pero iyon nga lang, if ever palayasin or lumayas lang ng kusa, ang kahihinatnan ay kung maganda ba ang lifestyle sa labas ng poder ng parents.

Ang financial ay parents ko ang meron authority. Kahit mag-aaply ako ng trabaho, ang pera ay hihingin ko pa rin sa kanila.

Isa lang din ang solusyon na naiisip ko. Magka boyfriend at mag asawa para magsarili pero hinde rin. Sa survey na karamihan na babae na gusto lumayas ng bahay at nakikipag asawa ay hinde raw masaya.

Mas mataas ang frustration, depression at stress nila.

Minsan, naiisip ko si Jennifer Pan. Babae na pinatay niya ang buo family niya dahil lahat ng disisyon ay father ang nasusunod. Kontrolado siya kahit ang adult na niya.

Minsan natutukso ako noon gumawa ng masama pero ngayon, at least, hinde na ganun.
 
Last edited:
TS..
beyond ka na sa limit.
dapat bago ka sumapit ng 25 years old, kaya mo ng panghawakan ang mga desisyon mo sa buhay.
yung causes kung bakit hirap ka pagbuo ng sarili mo ay hindi dahil takot sa kanila, takot ka sa magiging sumbat nila sa iyo.
Wag mong I-wish na sana tumapang ka, ginagawa yan. eh ano kung palayasin ka, eh di magsumikap ka. masyado kang sandal sa kanila kaya manipulado ang buhay mo. kapag ba nawala yung parents mo, kaya mo pa rin bang mag isa?
Gusto mong matigil yang ganyang gawain nila sa iyo? mangarap ka, maghanap ka ng trabaho, magsumikap ka at umalis ka dyan sa inyo.
Andyan man sila o wala, matutuluyan ka rin sa gutom, wala kang objective sa buhay.
Pasensya na TS, it hurts but it is the truth...
 
I understand your point na takot ka umalis sa parents mo. Pero hanggang kelan ka dyan? I think naiisip din ng parents mo na sila ang magdedecide sayo kasi nasa puder kapa din nila.

You need to stand on your own feet and prove to them na kaya mo on your own. Mahirap pero kaya mo yan. :)
 
It is inevitable na mawawala parents mo, at lahat ng kinakakatakotan mo ay mangyayari din nag mag isa ka nalang. ang tanong by that age kaya mo pa ba? antayin mo pa yan para maging free kana mag desisyon sa buhay mo?
 
Sir ganyan din ako dati nung medyo bata bata pa ako na hanggang sa parang inaasar ako na mama's boy daw ako kaya ang ginawa ko e sumusuway palagi ako sa mga gusto ng magulang ko. Palayasin? Okay, may tiwala ako sa sarili kong makakaya ko dahil may gusto ako patunayan. TIWALA SA SARILI ang keyword dyan sir. Have that sir, wag kang panghinaan kagad ng loob kung magkamali.
 
Wag matakot tumayo sa sarili mong mga paa. Ang magulang ay magulang. Walang magulang ang gugustuhin mapahamak ang anak nila. Kung meron man, iilan lang kasi mas nanaig yung pagmamahal.

Isipin mo, bakit nga ba parents mo lagi ang nagdedesisyon para sayo? Natry mo na ba magdesisyon sa buhay at panindigan yun? Baka naman nakita ng parents mo na wala kang kakayahan gumawa ng desisyon? or sinanay mo na sila ang magpatakbo ng buhay mo? Kanino nga bang kasalanan un, sayo o sa magulang mo?

Kung gusto mong may mabago sa buhay mo, kumilos ka. Maghanap ka ng trabahom magipon ng onti at magsarili. Matanda ka na. Dapat kahit papaano, alamo na kung anong direkson sa buhay ang gusto mong tahakin.

Kung gusto may paraan, kung ayaw madaming dahilan.
 
Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon? puro reklamo, wala naman mawawala kung susunod ka iho/iha, mararanasan mo yang pakiramdam ng parents mo pag naging parent ka na rin.

Alam mo bakit sinasabi ng mga parents mo na mag business ka? kase walang umuunlad sa pagiging empleyado, kahit habang buhay ka mag trabaho bilang empleyado hindi ka talaga uunlad, pero pag natuto ka mag business kahit hindi ka umalis ng bahay kikita ka. Panoorin mo kaya si Chinkee Tan.
 
30 ka na pala, try mong mag trabaho sa malayo para mapilitang kang umupa ng tutuluyan.. at matutong tumayo mag isa
 
Nakakalungkot naman po yung sitwasyon mo TS... Sana maayos mo yung situation mo...Siguro ang pwede mo gawin ay gaya ng sabi nila, take the leap. Alis ka sa inyo. Makituloy ka muna sa ibang kaibigan mo, magpaalam kang aalis ka no matter what pero sa magalang na paraan mo sabihin, tapos wag mo sabihin sa parents mo san ka tutuloy. Tapos saka ka mag apply sa call center. Sabi mo gusto mo mag apply dati pero pinipigilan ka ng parents mo. Pag wala ka na sa puder nila, wala na sila masasabi sayo. Wag ka makinig sa negative thinking nila.

May ganyan ako kakilala. Mayaman sila. As in mayaman. Pero tinamaan ng covid yung tatay tapos nag conflict na yung sakit. 7m nagastos sa hospital, kasagsagan pa ng covid nun pero patay parin yung tatay. Ang nangyari, yung nanay lang ang nakinabang sa perang naiwan and properties. Hindi man lang binigyan ng kahit 10 pesos yung anak na babae. Dini-discourage sa mga gagawin. Pero dahil wala na siya pera, umalis siya sa bahay nila tapos nakituloy muna sa kaibigan niya. Nagka-work naman dito, pero nagsara din yung company niya dahil sa pandemic. Yung last money niya pinangbili niya ng ticket papunta sa US since may visa pa siya don (may 7 years pa siya sa visa niya). Nagpunta siya ng US na 100 pesos laman ng pera niya. Nag apply ng work doon as caregiver kahit tourist lang siya. Wala siyang sinabihan kung san siya puntang state o san siya tutuloy kasi tinatawagan isa-isa ng mommy niya lahat ng kilalang contacts dito at pinipilit alamin kung san siya nakatira. Pero dahil umalis siya, nakatayo siya sa sarili niyang paa.

Kaya mo rin yan TS :)
 
3 years ago pa pala 'to... Kamusta na kaya si ts?? :think:
 
Back
Top Bottom