Matagal tagal na din po akong natigil sa paggawa ng tula... inspired lang po ako dito sa section and mga gawa niyo po.
"Langitngit ng Papag"
Malalim na ang gabi
may mangilan ngilang hiyaw
na sinasabayan ng hangin
naghahampas ng ginaw
Pinagbuklod ang palad
upang makawala sa lamig
na nagtatakip ng karanasang
nagdadarang sa tubig
Katahimikan ang nagyakap
kahit ang buwa'y maliwanag
At ang tangi lamang maririnig
ay ang langitngit ng papag.
"Langitngit ng Papag"
Malalim na ang gabi
may mangilan ngilang hiyaw
na sinasabayan ng hangin
naghahampas ng ginaw
Pinagbuklod ang palad
upang makawala sa lamig
na nagtatakip ng karanasang
nagdadarang sa tubig
Katahimikan ang nagyakap
kahit ang buwa'y maliwanag
At ang tangi lamang maririnig
ay ang langitngit ng papag.