Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Lolo Juan

Salamat ulit sa mga nagbasa ng aking mga komposisyon :)

Ang Aking Peysbuk Gerprend: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1400746

Black Jeep: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1399591


Eto nga pala ay isang essay na pinapahiwatig ng isang simpleng tao lamang na nagmamahal ng todo sa kaniyang kinakasama.

Lolo Juan

Ako nga pala si Lolo Juan, di na importante ang aking aking detalye. Gusto ko lang sabihin ang mga naranasan ko. Wag kang magalala, hindi marumi ito o yung tinatawag nilang "dity".

Ako ay may asawa na aking mahal na mahal. Tawag ko nga sa kaniya minsan e sweetheart kahit matanda na kami.

Noong ako'y binata aminado ako na tumitingin ako sa ibang babae at marahil nagkaron din ng humigit kumulang na 10 hanggang 50 nobya. Kahit ganun ang aking kabataan, hindi naman ako dinapuan ng sakit sa kasamaang palad. Ako ay dating, ika nga "playboy".

Pero simula nung makilala ko ang aking may bahay ngayon, e ganire ang aking ginawa. Ako ay sumugal upang sabihin sa aking sarili na ang aking mamahaling babae ngayon ay siya na ang huli. Hanggang ngayon pinapaalala ko sa aking sarili iyon. Araw araw man na may mga naggagandahang dilag at nagseseksihang dalaga sa aking paligid, ang kaniyang prisensya lang ang aking hinahangad at wala nang iba.

Ayoko siyang masaktan gaya ng ginawa ko sa ibang babae dahil alam ko na kapag nakita ko siyang lumuha e nakirot ang aking dibdib at unti unti ding mapaluluha ang aking mga mata dahil nasasaktan din ako. Mayroon ngang pangyayari dati na kahit pasalubungan ko lang siya ng isang pirasong kendi ay mapapangiti ko siya, at ako naman ay sumasabog ang saya sa dibdib.

Masyado niya akong naapektuhan dahil siya na nga ang aking mahal. Sa tuwing siya ay masasaktan sa mga katarantaduhang ginawa ko, iiyak siya at binubuhos lahat ng sama ng loob niya, hindi sa pagbubuhat ng kamay sakin, kundi sa paghagulgol ng iyak sa tabi ko. Sobrang sama ng pakiramdam na naririnig siyang naiyak ng ganun, habang patuloy ang kaniyang pagiyak e ako naman kahit aking pinipigilan e sa tuwing yayakapin at dadamayan ko siya ay napapaiyak din ako.

Para sa mga lalaking nagssyota para lang sa isang bagay at yun ay ang makasiping lang sa kama ang isang babae ay tigilan niyo na yan. Noon ay ginagawa ko din yan ngunit noong naramdaman ko na masasaktan ang aking minamahal sa gagawin kong masama e ayoko na ulit gawin yun dahil nasasaktan din ako kapag siya ay nasasaktan.

Paano kung kami ay nagaaway kamo? Ako lagi ang lumalapit dahil ako ang lalaki. Habang buhay ko siyang liligawan dahil mahal ko siya at yun lang ang dahilan nun. Hindi ko siya pinagbubuhatan ng kamay dahil ako ang nagaalaga sa kaniya.

Paano ba magmahal ng totoo? Simulan mo yan sa pagsabi sa iyong sarili na ang nobya mo ngayon ay iyong magiging asawa pagdating ng panahon. Magkakaanak kayo, magkakaapo at hanggang sa huling hininga ay magkakasama kayong dalawa. Kung hindi mo kayang sikmurain ang ganoong ideya, wag kang magpaasa ng mga dalaga dahil hindi ka tao sa iyong gagawin. Kung tingin mo hindi mo pa kayang magasawa, maghanap ka ng ibang libangan wag ang kama. Magpursigi ka sa buhay upang hindi ka katulad ng iba na salot sa lipunan. Huwag kang gagawa ng masama dahil kita ng nasa taas yan. Ngunit kung ikaw man ay makagawa ng masama ay wag kalimutang sabihin sa kanya. Dahil kung darating na ang araw na haharap ka sa Kaniya, maiisip mo na huli ka na pala.

Bilang isang lalaki tayo dapat ang may lakas ng loob. Kung gusto mong ligawan ang isang babae o siya ay nobya mo na. Pumunta ka sa kanilang bahay at magpakilala sa mga magulang at kapamilya niya. Huwag kang duwag, dahil ang duwag, masama lang ang intensyon sa kinakasama niya.

Sana'y isinadibdib mo ang payo ng Lolo, ngunit ako'y tao lamang na nagbibigay ng gabay. Sarili mo ang susulat sa lahat ng kung anong kapalaran mo kinabukasan.
 
Back
Top Bottom