Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mag reresign po ba ako dapat na akong lumipat?

pcdworld

Recruit
Basic Member
Messages
17
Reaction score
0
Points
16
Hi po sa inyong lahat! Magandang gabi. Tawagin nyo na lang po ako sa aking nickname na "Joy", new forumer nga po pala ako dito. At sana magkaroon din ako ng mga bagong kaibigan dito.

Mayroon po akong isang katanungan sa inyo pong lahat na sana matulungan po ninyo ako makapag-isip o makapag desisyon ng tama. Ako po ba'y dapat ng mag resign sa aking kasalukuyang trabaho o manatili na lamang po?

Ako po ay nagta-trabaho as an IT Helpdesk. Ito po ang mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip akong umalis sa kasalukuyan kong trabaho. 1 year and 2 months na po ako sa aking trabaho. Una, masaya po ako dito. Masaya ako dahil sobrang bait po sa akin ng aking amo. No stress ika nga po. Pangalawa, dahil sa 15mins. away lang po ang aking tinatahak pag pasok sa trabaho. At pangatlo, ay regular na empleyado na po ako dito.

Pero, hindi ko na po talaga mapagkasya ang aking sinasahod. Aaminin ko po sa inyong lahat na naranasan ko na po na ni piso sa aking pitaka ay wala na akong madukot. Totoo po yan. Masaya po ako sa aking trabaho, pero nasasaktan po ako pag nakikita ko pong wala na akong maibigay na pera sa aking pamilya sa bahay pambili ng pagkain o ulam sa araw2. Nasasaktan din po ako na hindi ko po mabili ang mga bagay na nais ko at mga pangangailangan ko pansarili. Hindi ko na din po matustusan ng maayos ang panga-ngailangan namin sa bahay. Mag - eenroll na po ang aking kapatid na bunso sa kolehiyo, at mas lalo na pong walang wala na po akong maibibigay sa aking nanay para pang gastos sa bahay. Dahil tansya ko na po na nasa pag papa-aral ko pa lang po ng kapatid ko, ubos na ang sahod ko.

Sinubukan ko pong mag-apply sa ibang company kung handa na ba akong iwanan ang kasalukuyan kong trabaho. Natanggap naman po ako, at doble ang offer sa akin. Pero bakit po ganuon? Bakit pagbaba at paglabas ko po ng kumpanyang yun, hindi ako masaya? Bakit hindi ako na excite na inoferan ako ng 27k na sahod compare sa sahod ko ngayon na 12k a month?

Sana po ay mabigyan nyo po ako ng advise. Ilang buwan ko na rin po ito pinag iisipan. Maraming beses na rin po, pero nahihirapan pa rin po ako mag desisyon. Huling tanong ko po: Sa kalagayan ko po, ano po mas dapat kong piliin, ang masaya at regular pero maliit na sahod o mas malaking sahod na trabaho?

Sapat na po bang maging masaya ako sa trabaho ko kahit na saglit lang eh ubos na ang aking kinita at bukas wala ng pangkain?

Alam ko pong ako lang ang makaka-sagot at makakapag desisyon nito. Gusto ko lang po makarinig ng ibang side at opinyon ng ibang tao dito sa forum. Sana marami pong makapag-bigay ng kanilang komento. Marami pong salamat sa makapag bibigay sa akin ng advise at kalinawan.
 
Hello Joy, Welcome to Symbianize :)
Palagay ko naman normal lang na mejo may kalungkutan sa paglipat sa ibang kumpanya lalo na at tumagal ka nang 1yr+ at sobrang bait ng boss mo. Palagay ko lilipas din yan at matututunan mo din lumigaya sa bagong workplace mo :)
Tungkol naman sa sahod, diba kaya tayo ngwowork ay para mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya natin at syempre para mapunan ang mga needs natin nang hindi na umaasa sa parents ? so para matupad natin yun, kelangan natin ng sahod at syempre dapat may matira din naman panggastos para sa ating sarili.
We need to be practical ika nga. Sa lahat ba ng oras mapapahiram ka ba ng pera ng prev boss or workmates mo sa mga oras na wala ka na pera? hindi diba? In the long run palagay ko maiisip mo din na maswerte ka at nakalipat ka na ng company na nag-offer sayo ng 27k (WOW, sana saken ganyan din :pray:)
by the way IT helpdesk din ako pero kaka start ko pa lang last month.
good luck satin :)
 
wag kang mag resign .cge ka magsisisi ka.. antayin mo ang buhos ng blessings sau..
mabait na boss.comfortable na place.malapit no hassle ika nga sa work mo. sahod/money lng yan.
baka sa lilipatan mo ndi ka masaya doon.. cge ka....
 
hi , maraming salamat sa sagot nyo po. Pero dun sa trabahong di ko tinanggap, wala po akong pag sisisi. Kasi alam ko naman po na kaya ko rin mag apply ulet sa ibang company na ganun ang offer sa akin. Sobrang nalinawan po ako sa sagot nyo. Salamat.

Mukang tama rin po lahat ng sinabi nyo. Hindi lang po siguro puro Kasiyahan ang dapat kong isipin.
 
kung single ka magastos ka lang kung hindi at may asawa at anak ka na iwanan mu na yung company dahil mamatay sa gutom pamilya mu sa 12k na sahod
 
as a programmer na kumikita ng 13k, pero masaya ako sa work ko at masaya sa mga kaworkmates ko. need mo parin isipin ang sarili mo ate

my pamilya ka ate or wala need muna mag ipon

pero my bf kaba? baka ako na yon hahah joke lang
 
naku sa isang trabaho may tinatawag tayong comfort zone yung nangyayari sayo sa present job. kailangan mo mag level up kasi kalaban mo sa trabaho edad wag ka matakot sa mag explore ganyan sa trabaho umalis ka sa comfort zone mo kaysa magsisi ka kung may edad ka na saka ka lilipat ng iba
 
kung single ka magastos ka lang kung hindi at may asawa at anak ka na iwanan mu na yung company dahil mamatay sa gutom pamilya mu sa 12k na sahod

Hellow po,

opo single po ako. Ang pamilyang aking tinutukoy ay ang aking tatlong kapatid at nanay, tatay sa bahay. Alam ko po sa sarili ko na hindi rin naman po ako maluhong tao. As in yung sahod ko po eh kulang para sa aking sarili at pang araw2. madalas na rin po kami mag away ng nanay ko kasi kulang daw po binibigay ko.
 
as a programmer na kumikita ng 13k, pero masaya ako sa work ko at masaya sa mga kaworkmates ko. need mo parin isipin ang sarili mo ate

my pamilya ka ate or wala need muna mag ipon

pero my bf kaba? baka ako na yon hahah joke lang

thank you sa advise. gusto ko nga po makaipon eh, di ko magawa dito. :(
 
thank you sa advise. gusto ko nga po makaipon eh, di ko magawa dito. :(

ako nga rin tataposin ko contract ko. tapos habang my contrata ako. gumagawa ako ng blog ko.

try mo din mag sideline. like IT jobs. reformat mga ganon kung kaya mo
 
Hi Joy! Good day!
Gusto ko lang din sana magshare ng kaunti.
Sa totoo nyan ayus lang yan na naisip mo na lumipat sa ibang company or work. Ibig sabihin lang nyan e naghahanap ka ng ibang opportunities.
Wala naman masama kung lilipat ka sa bago nong work, tama din sila sa panahon ngayon okay din na practical ka. Sabi nga nagtratrabaho tayo dahil may mga responsibilities or kailangan tayo tustusan. Kung icocompare mo salary mo now and sa next company mo e malaki and diff. which is good! :) Wag kang magalala na baka mas masaya ka sa dati mong company ngayon, siguro kaya mo lang naiisip yan e dahil comfort zone mo na yan, think out of the box. Kung lilipat ka man, sure ako maeenjoy mo rin yan, nasa sayo naman yun. Basta masaya ka sa ginagawa mo, sa new boss mo/team mates at may career growth e sure ako panalo kana sa paglipat mo. Walang masama sa paghahangad ng growth, mas mahirap e yung magtitiis ka nalang kasi may doubts or takot ka sa mga "what if's". Kung sakali man na lumipat ka magpaalam ka lang ng maayos sa prev. employer mo esp. sa boss at workmates mo maiintindihan ka nila. Kung naguguluhan ka, ask God, ask your parents/family sure ako may maiaadvise sila sayo na mas makakatulong sa pagdedecide mo. Good luck and God bless! :)
 
ayos lang yan puwede ka panaman bumalik niyan kong talagang gusto ka nila puwede mo naman sabihin na dahilan yan sa boss mo maging honest kalang maiintindihan ka nila niyan. ikaw ba naman doblehin sahod e
 
Hellow po,

opo single po ako. Ang pamilyang aking tinutukoy ay ang aking tatlong kapatid at nanay, tatay sa bahay. Alam ko po sa sarili ko na hindi rin naman po ako maluhong tao. As in yung sahod ko po eh kulang para sa aking sarili at pang araw2. madalas na rin po kami mag away ng nanay ko kasi kulang daw po binibigay ko.

hahaha nagagalit pa nanay at kulang sahod mo?tsk tsk tsk kawawa ka naman miss,,pero ako sa iyo,mag hanap ka ng mas magandang company at malaki ang pasahod,,ganyan talaga ang nag mmatured na tao,,sakripisyo para sa mga kapatid,hanga ako sau,,take mo na yun offer sau if may chance ka pa...goodluck Ts
 
ako nga rin tataposin ko contract ko. tapos habang my contrata ako. gumagawa ako ng blog ko.

try mo din mag sideline. like IT jobs. reformat mga ganon kung kaya mo

hmmmm, hindi naman po ako skilled IT worker Sir., mga basic pc trouble shooting po ang linya ko. :) but anyway, same to you, nag iisip na rin ako ng iba pang source of income. gusto ko nga po, bisuness eh, kaso mag iipon pa muna ako. :)
 
think about it, panu ka makakaipon if pambigay nga sa mother mo eh nagkukulang ka na, just being practical here :)
kamusta na nga pala TS? :D
 
resign na agad. Mas masya maraming pera kaya ka nga nag apply kase di kana kuntento eh. babalik ang panahon mag hahanap ka ulit ng ibang work at pagsisihan mo opportunity nayan. Goodluck saten Ako nga ma end of contract na sa work ko ngayon.
 
naku sa isang trabaho may tinatawag tayong comfort zone yung nangyayari sayo sa present job. kailangan mo mag level up kasi kalaban mo sa trabaho edad wag ka matakot sa mag explore ganyan sa trabaho umalis ka sa comfort zone mo kaysa magsisi ka kung may edad ka na saka ka lilipat ng iba

****ganun po ba yun? ibig po bang sabihin nun eh, natatakot lang akong umalis dito sa comfort zone ko?
mahirap opo, kasi una nga po, napamahal na ko sa work ko. salamat po sa payo! :)
 
Be praktikal lang TS. sa panahon ngayon dapat mabuhay ka ayon sa nararapat wag magtitiis kung may other choice ka naman. Isipin ang kinabukasan wag ung nakakaraos lang. :)
 
Back
Top Bottom