Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Magkano Na Ba Singil Sa Computer Repair Ngayon?

Ang maganda dyan
range ka from 300 to 500 at depende na din kung may piyesang papalitan.
 
500 sir singil ko per unit . format kasama na install ng anti virus pati games
 
magkano naman singil nyo mga sir ngaun sa mga movie pag nag pa download sila kac sakin singil q pag na download q na ung movie 10 pesos
nalang isa pag fresh download naman 15 pesos isa tama po ba oh lugi po un ???
 
Last edited:
Hello!..

I've been in a computer shop kahit nung nag aaral pa ako nung college. my course is Diploma in computer electronics tech. sa (S.T.I)
madami akong natutunan ever since base from my experience and sa pinag tatanungan ko na comp shop owner din.. Since matanda na sya at ayaw na nya mag home service, ako na ung dinedeploy nya, or lets just say na pinapasa nya na lang sakin ung customer.. at ako na ang tumitira nung work. pero pag malakihan, kasama ko sya. since may motor naman ako.

Anyway. about sa singilan..here's my opinion. at eto din ung nakalatag kong presyo talaga.

Internet Cafe Set up.. (from scratch) meaning no computers no cables no internet pa, but with tables na dapat.. so ibig sabihin ako talaga lahat ang gagawa.. except sa pag subscribesa ISP, kasi sila na dapat dun.. (ung owner)..

~the job includes the ff.~

> Computer Assembly (ung parts is recommended ko) (depende sa budget)
> O.S installation.(windows 7) Activated also Complete Drivers included
> Internet Cafe Software set up ( cafe manila or handy cafe)
> Software installations (mga normal na APPS na nid ng Workstation) ex. Google chrome, firefox, adobe XXX
> Office 2013 Activated at antivirus Activated DeepFreeze
> Networking Cabling Set up / Printer Set up / installation
> Games offline and online HD or any.
> Other Requests..

10 pc + server = 7000php pa miryenda (negotiable)
15 pc +server = 9000php pa miryenda (negotiable)


> sometimes i offer monthly maintenance and check-up. (prefer ko sa umaga) para di istorbo masyado sa customer

** twice a month ang check up (plus ung concern ni owner) at 1 day dun is maintenance / linis..** for 1500, 10-15 computers + server.


Personal PC / Laptop
Home service
all-in Format reinstall all.. 500php (pag malayo padagdag gas na lang) (tas kapag subdivision. minsan may ticket mga 10pesos) charge sa customer)
troubleshooting / check up and then irerepair sya - 300 to 500 depende sa sira.. pag may bibilihing pyesa. ako na bibili pero charge ng gas at budget nya..

pag dinala naman nila ang pc or lappy nila sa shop ko or bahay ko.. maliit na lang.
300 na lang all in format installations..

pag tropa.. inuman na lang while ginagawa si pc or laptop. hahahaha..

ayan.. kung may ibang tanong or kulang pa.. please tell me.. ill answer..
 
Last edited:
mga boss magandang katanongan po ito para sa ating mga technician...

dito po sa area ko. Sagay City, Negross Occidetanl:

Ito po presyo ko:

Reformat (FRESH HINDI TAPAK LANG SA OLD OS):

Desktop = Php 800.00 (package install)
Laptop = Php 1,500.00 (package install)

Windows 7 any 32/64bit
Microsoft Office Choose any of this (MS Office 2007, 2010, 2013)
Mozilla Firefox
Google Chrome
VLC
Media Player Classic
IDM
Adobe Flash Player
Anti-virus (fullversion)
Anti-malware (fullversion)
Anti-spyware... (fullversion)
FREE 3 GAMES (any games you want)
note: additional charge pag may ibaback up kasi dapat ma clean mo din ang files nya para hindi mag cycle o mag contaminate ulit sa system ang virus if ever meron man...

COMPUTER CLEANING (Package): = Php 300.00
Entire PSU
Full cleaning of CPU
Mother Board
Processor palit thermal paste
Processor fan (check kung maayos pa ang ikot, apply singer oil pag mabagal na ang ikot same then sa lahat ng may fan)
memory
video card
front cover case
back cover case
entire casing

"SA AKING OPINION LANG PO MGA KABARO SA TRABAHO"
payong technician lang po, bigyan natin ng magandang serbisyo ang ating mga customer para mas dumami pa ang magparepair sa atin,
at sa professional fee na tinatawag, wag naman po nating masyadong baratin ang singil sapagkat pinaghihirapan po natin yan at hindi biro
ang magrepair, tayo po ay parang doktor sa mga computer, tulad lang yan halimbawa ng isang doktor at isang pasyente... wala pa akong alam
na may pasyenteng humihingi ng tawad sa doktor kapag ito ay nagbigay ng resita. ganon din sana ang maging pananaw ng mga customer natin
kung magiging maayos lang ang ating serbisyong ibibigay sa kanila kapag ito ay tumawad pwede naman pong bigyan nyo ng reasonble price para maprotecktahan naman ang ating halaga sa pagrerepair at iwasan po ninyong manulot at manira ng kapwa ninyo technician sa area nyo lahat tayo ay namumuhay at ito ang ating paraan para tayo kumita. magshare at wag maging madamot lalo na sa kapwa ninyo technician dahil minsan hindi lahat
ng alam natin ay alam nila at hindi lahat ng alam nila ay alam natin (give and take lang hanggat maari). mas maganda sa pakiramdam ang makatulong kisa matulongan..

naway umunlad pa ang inyong kaalaman at lumawak pa ang inyong pag unawa upang maging maayos ang inyong propesyon bilang isang Computer Technician.

SALAMAT AT GOD BLESS YOU ALL...
 
Last edited:
sa mga board level dito magkano singil nyo pag palit pyesa katulad ng capacitor at mosfet
 
350 lang saakin Reformat/ install OS kasama na install lahat ng utilities ..

pero naisip ko mag taaas na din na singil .. ahaha dahil nag tataasan na din mga bilihin :D
 
500 papsi. tapos sa software 100-150. wag masyadong taga madali na lng din kasi magdownload at maginstall ng application ngayon.
 
Ako mga TS dumedipindi ako sa stado ng TAO pag maykaya Standard Price ko: P:700, pag di masyado P:450 set na po yun... sabi ko nalang agad "kayo nalang bahala sakin" pang pa konsensya lang... basta yun lang un...
 
Opinyon ko lang. Sa panahon kasi ngayon ang dami ng competition sa singilan and masyado ng naabuso yung pricing. May mga taong natuto mag basic install / reformat sumisingil ng 50 or kadalasan ok lang sa kanila FREE pa kasi nga gawa ng kakilala ko kaibigan. Wala naman masama dun.

Sa industry kasi na ito dapat medyo nakakaginhawa naman and promote natin yung healthy competition. Sa ngayon stick pa rin ako sa services ko.

Format / OS Installation: 500.
Games Installation: 500 for 5 games.
Essential drivers and softwares (eg. microsoft office, adobe acrobat, all in one media player) 200
Repair depende sa sira. May check up fee ako na 150 pesos.
Minimum ko 350 kapag mininum lang ang sira or hindi alam ng client. Kunwari nagloloko yung mouse, medyo hindi lang nakaplug sa usb port. 350 pa rin yun. Pinapatagal ko lang para magmukhang mahirap. Hindi ko pinapakita na madali lang ang trabahong ganito.

Kapag major damage and involve ang pyesa sa job: Example video card: Magpapabili ako ng video card sa kanya ang mag rerecommend ako ng maganda. Then ang minimum service fee ko is 1,500.

Syempre depende lahat yan sa pakikipag usap. Meron akong konting marketing knowledge na ginagamit sa pakikipag usap and deal sa mga clients.

Unang TiP: Wag masyadong gahaman sa pera. Pag may tanggap, tanggap lang ng tanggap. Learn how to say NO sa mga nangbabarat. Kaya bumababa or lumiliit ang tingin sa atin mga technician kasi pera kagad ang nasa isip natin. Ang thinking dapat dito is maghanap ng problema and give solution. Always smile, laging presentable, and magaling makipag usap.

Pangalawang TIP: Yung mga baguhan sa computer, of course wala pang alam yan lalo na kung family use. Kaya sila bumili ng PC or laptop is to enjoy life. Browse the internet, watch videos, type documents, play games etc etc etc. Ang iba naman para magyabang. Ayun ang targetin natin kung papano pa sila mapapasaya and kung papano madadagdagan yung skill level or confidence nila sa computer. Wag munang pera ang nasa isip. Kausapin mo muna ng maayos ang client mo and huling huli na ang pricing. Kasi maliit man yan o malaking amount na babayaran nya sayo kung masaya sya sa services mo walang problema. Importante masaya sya and may maipagmamayabang sya na wala ang iba.

Last TIP: Ang iba sa atin tumatanggi na kapag ang kausap is may alam sa technical specs and masyadong maraming alam. Feeling nila kasi gugulangan sila. A big NO. Actually sila yung dapat na pagtuunan nyo ng pansin, bakit? kasi sila yung kayang magbitaw ng pera. Pakita mong magaling ka pero wag mayabang. Pakita mo na kayang tapatan ng services mo yung technical knowledge nya.

PS: Stay humble. Wag mayabang and be friendly. Panigurado magtatagal ka sa industriya.
 
Last edited:
mga sir? magkano po ba sisingilin ko kapag magsesetup ako ng isang office? apat na PC. bale ako po yung bibili ng mga unit lahat then installation upto cabling and network? salamat po sa makakasagot. company po ang magbabayad and professionally may national certificate po ako.
 
Well para sakin depende...
Pagmay kaya...
Virus/Malware Removal- 200-300
Software Installation - 300
OS inatallation/laptop or destop 1000-1500

Pag barat o matawad or mababa budget...
Virus/Malware Removal- 200 then last tawad 100-150 depende sa diskarte..
Software Installation - 200 then last tawad 100-150 depende sa diskarte..
OS inatallation/laptop or destop 700 last tawad 500.. heheheh
 
tama yan kung may alam ka, kinakaibigan ka para libre sila....

pero di ako nadadala sa ganun, dapat the price is right talaga...business is business! eh mag aral sila kung gusto nila, mag exprience sila kung kailangan... nagsikap tayo para matuto tapos libre na lang,,,wow ayos din sila.....wala ng libre ngayon
 
base sa experience ko about sa pag ssetup ng computer shop or internet cafe.

usapan nyo reformat lang ng bawat pc or client pc.
pero nun nandun ka na langya di lang pala reformat gagawin mo mag rerepair ka pa ng pc na natenga ng matagal or mga pc na 10 years old na at ayaw pa palitan ng may ari ng shop
tapos mga kulang kulang ang parts ng mga client pc nya mga wala mouse, monitor, keyboard, headset, memory, video card etch. un pambura ko almost nangalahati na agad at madami pang test na gagawin para mapagana ibang client pc nya. tapos pag dating na natapos mo na ang setup at gumagana na lahat tsaka ka babayaran ng presyong reformat lang kada pc at pamasahe.
 
Gusto ko sana bumalik sa pag-aayos ng computers kasi mag-aasawa na ako. Ang problema ko talaga is ang pricing dahil di ko na kabisado ang pricing ngayon kasi sabi ng iba nagbagsakan daw. Eto naman tanong ko.. Para guide din po sa iba. Magkano po ba ang pricing sa following services?

Troubleshooting (general and including software install) -
Internet Cafe Setup (15 computers max) -
OS installation -
File Backup -
Virus / Malware Removal -
Networking (Home LAN) -
Appropriate Drivers Installation -
Laptop repair -
Laptop OS installation -

Kasi dito sa amin Php150 petot lang daw ang basic service at Internet cafe will range between 5 to 10 petot depende how many computers (di naman everyday may magpapa setup ng internet cafe)

Mag Computer Techs jan sagot naman please...


Have a great day!:pray:

Ito yung mga plano kung price:

Reformat 500 package include (MS Office, PDF Reader, Winrar, Video Player, Browser, USB Anti Virus)
Antivirus 100 lang pwede na free
Software Installation 100

Pwede ba yan mga bossing?

- - - Updated - - -

tama yan kung may alam ka, kinakaibigan ka para libre sila....

pero di ako nadadala sa ganun, dapat the price is right talaga...business is business! eh mag aral sila kung gusto nila, mag exprience sila kung kailangan... nagsikap tayo para matuto tapos libre na lang,,,wow ayos din sila.....wala ng libre ngayon

tama ka bro jason84 minsan kase naabuso mga technician... hirap kaya mag aral...
 
reformat 500 lang kaso kapag nanghingi na ng anti virus at iba plus 250
 
base sa experience ko about sa pag ssetup ng computer shop or internet cafe.

usapan nyo reformat lang ng bawat pc or client pc.
pero nun nandun ka na langya di lang pala reformat gagawin mo mag rerepair ka pa ng pc na natenga ng matagal or mga pc na 10 years old na at ayaw pa palitan ng may ari ng shop
tapos mga kulang kulang ang parts ng mga client pc nya mga wala mouse, monitor, keyboard, headset, memory, video card etch. un pambura ko almost nangalahati na agad at madami pang test na gagawin para mapagana ibang client pc nya. tapos pag dating na natapos mo na ang setup at gumagana na lahat tsaka ka babayaran ng presyong reformat lang kada pc at pamasahe.

Na-Experience ko na yan sir!
Ang Gulang nun may Ari ng Company, Ayaw nila palitan yung mga PC dahil daw nagana pa.
KAhit na almost 10 years old na yung mga PCs. Hayy Buhay ...
 
Good morning mga Sir,

Tanong ko lang po, gusto ko kasi magsimula ng business na katulad ng sa inyo, magkano po ba yung budget sa pagpapatayo ng computer repair shop.
Thank you;):)
 
Back
Top Bottom