Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Eh gusto nyo ang mga plano nyo bat di nalang kau mag presidenti...LOL....mas gugustuhin ko si digong kay sa puro nalang korapsyon...at saka sa nakikita ko yung mga adik ngayun di na masyado nagpapakita ng display..tungkol naman sa Isla na tinutukoy nila LOL di nyo naintindihan..makakain mo kaya yang rason nyo kung isang gabi i nuclear nalang tau? bunga-nga nalang malaki nyo pero pagdating sa giyera halatang panay tago nyo...yan ang iniisp ng presidenti wag makipag giyera sa bansang mas malakas sa atin nuclear lang katapat natin booom panis...bakit ikaw nalang ililigtas ng mga kakampi na sinasabi nyo? kung niligtas ka sa akala mo bat hangang nagyun andyan ka padin di ka nga nila kilala ligtas pa kaya?Solid na SOLID 100% never fade...

Halatang halata isa talagang panatiko o di naman kaya ay isang bayaran. Ang dami ng nakasulat dito tungkol sa mga alegasyon mo na wala namang katuturan. Nasagot naman yan lahat pero panay pa rin pababalik balik mong isinusulong. Wala ng kumakagat sa ganyang mga katwiran. Na dapat daw matakot tayo sa mga bansang may nukleyar. Simple lang naman ang challenge dyan, kung totoo yang pinagsasabi mo eh dapat matagal ng inatake ng North Korea ang US sa dami ba naman ng ipinagmamayabang nilang mga armas nukleyar. Bakit di nila magawa? Ang simpleng sagot ay pati sila takot mawala. Pag ginawa ng China ang pag bomba ng nuclear sa Pinas, ano naman ang mapapala nila? Komon sense din minsan ang gamitin, di yong puro imahinasyon at palagi na lang umu oo sa kanilang poon dahil sa pera o fanaticism.

Nasagot na nga yan dito, DI yan GAGAWIN ng China ang paggamit ng nukleyar dahil sa:
1. PAG BINOMBA NILA ANG PINAS MAWAWALAN SILA NG NEGOSYO. MALAKI ANG NAIIAMBAG NG PINAS SA KANILANG EKONOMIYA DAHIL KONSYUMER TAYO NG KANILANG MGA PRODUKTO.

2. PAG BINOMBA NILA ANG PINAS NG NUKLEYAR, MASISIRA LAHAT, MAAPEKTUHAN ANG HANGIN, LUPA, DAGAT, MGA HAYOP SA DAGAT AT LUPA, DAHIL SA RADIATION POISONING. PAANO PA NILA MAPAPAKINABANGAN ANG MGA ISLA NA KINIKIMKIM NILA KUNG TOXIC NA, ABIRR? MAPAPAKINABANGAN LANG NILA YAN AFTER SO MANY YEARS, AFTER NG RADIATION DECAY HAL-LIFE.

3. PAG GUMAMIT SILA NG NUCLEAR, SA TINGIN MO KAYA DI PAPALAG ANG IBANG BANSA? MARAMING MGA BANSA ANG KAKALABAN SA CHINA PAG GUMAMIT NG NUCLEAR. GUSTO BA NG CHINA MASIRA ANG BANSA NILA AT MARAMING MGA TSINO ANG MAGUGUTOM DAHIL SA GYERA? ISIP ISIP DIN PAG MAY TIME.

4. NEGOSYANTE ANG CHINA, ALAM NILA ANG MAGIGING KAHAHANTUNGAN, PAG MALI ANG DISKARTE NILA. YONG HONGKONG NGA DI NILA BASTA BASTA MAPAHUPA ANG GULO KASI NGA BAKA MALAGAY PA SILA SA ALANGANIN.

ISIP ISIP DIN PAG MAY TIME. HUWAG YONG PURO IMAHINASYON NA PARANG ISIP NG ISANG BATA.
 
Kung ako po tatanungin. Di ko po binoto yang si Duterte nung 2016 presidential election kasi to be honest yung personality nya hindi akma sa pagiging presidente. Palamura sya, mahilig sa green jokes etc. pero sino bang taong hindi nagmumura o nag ggreen jokes? Accept the fact. Di perfect ang presidente naten. Ang nagustuhan ko sa kanya, mas may political will sya compared sa mga nakaraan administration. Eto yung ilan lang sa mga proyekto at polisiya na nagawa under his term na talagang nagpabago ng pananaw ko kay Duterte.

1. Boracay Rehab
2. Build, build, build program (pinaka ok is yung NLEX-SLEX Connector)
3. Drug War (for me effective kasi yung mga kilalang addict sa lugar namen wala na)
4. MRT Rehab (on going pa)
5. Unified Terminal ng MRT 3,7 and LRT1 (under construction)
6. LRT Cavite Extension (under construction)
7. MRT-7 (under construction)
8. More airports build and upgraded
9. Metro Manilla Subway (tunneling start in November)
10. New Clark City

yan yung top 10 on my list. Alam naman nateng marami pa di nailista. Pero in the spirit of fairness, eto naman yung mga dapat na bigyang atensyon o sabihin na nteng ayaw ko kay Duterte

1. Using of bad words during public speech
2. Stand nya against China
3. Pace ng AFP modernization medyo slow
4. Support on Sogie bill

Again, sarili ko pong opinyon ito. Hindi perfect ang presidente naten. I STILL SUPPORT OUR PRESIDENT.
 
Kasi kayo sa lahat ng tamang nagawa nya mas napapansin nyo paren ang mga mali na nagawa nya. Pero koreksyon ko lang ha... Mas umunti ang porsyento ng mga mahihirap noong sya ang umupo bilang presidente. Tyaka oo bakit nga ba binenta nalang si pres digong yung mga isla sa insik? Kasi alam nya ang mangyayare. Isipin mo ha, sa tingin mo ba anong mangyayare. China? Gaano ba lakake ang china? Wala ka bang idea? Mas inisip nya lang ang kapakanan ng mga tao o kalahi nya.
 
OO.
Magaling at matapang syang lider.
Galit sya sa corrupt. pero di nya kayang sugpuin mag isa dahil nasa buto at balat na ng pilipino (hindi lahat) ang corruption. pero sinusubukan nya, nag eeffort ang mama.

Sa mga presidente, sa kanya ako bumilib.
Ramos, Erap, Gloria, Noynoy o Duterte? kay Duterte ako.
 
oo,walapa pa naman masmahigit pa sakanya taong vovo lang ang ayaw kay duterte......
 
Whatever it takes.. kung di c DIGONG ang Presidente ngayon, mas lalong worst ang Pinoy, una nation wide na ang druga at legal na.. kung sa ngayong pinpigilan ang illegal drugs, pano pa kaya kung wala nang magpapahinto nito? kung di c Digong cnu? kung di ngayon, kailang? mas malala ang problema ng bansa kung lahat nagdudruga lahat mga sira ulo na.. tsk.. tsk... DIGONG PARIN FOREVER.
 
Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.

weeee? lahat ng sinabi mo copy mo lang eh. mali2 nmn mga sinasabi mo. dpat pinag aaralan mo din kung bakit ganun bakit ganyan :D
 
It's Not published that there was island na ibininta ni Digong sa tsina. Lahat ng may ginawa si digong its declared especially their officials. Theres nothing digong decision not being published. I have noticed the changes of digong Admin. If tax were talking, that is decided not only digong but all the personnel related to that and its is for the future good...im not affected with the tax...it depends of how u deal ur income...
 
unang una wala siya isang salita. kaya hindi siya credible.
Hindi pa patriotic .
Tapos karamihan ng kaalyado niya hindi kuwalipikado .
kaya no siya saken.
 
Maka China yong lider natin. Kita mo pag Chinese ang gumawa ng krimen masyado siyang soft. Pauuwiin lang niya sa China. Pag Pinoy patay kang bata ka. Yong POGO kahit di nagbabayad ng maayos ayon malakas pa rin sa kanya, mahal niya kasi Tsekwa. Hahahaha.

Kahit nga virus basta galing China mahal din niya, imported kasi daw galing Tsina. hehehehe.... Yan ang Presidente maka Tsina :lol:
 
oo naman...yung iba kasi di na ata nakakabenta ng droga kaya galit na galit hehehe... di madali ang pagbabagong gusto nyo mga tol... lugmok ang bansa nyo...matalino ang presidente natin kung alam nyo lang sana...it's not like fighting a fire with fire ika nga... paunti unti lang ...ang kelangan kasi para matapos ang build build build is suportahan padin sya ng susunod na presidente para mangyari ang gusto natin sa susunod...at bilang mamamayan, wag tayong mag asal NPA na palaging umaasa..kikilos din tayo ng naayon sa batas natin at wag maging masamang halimbawa...ok po ba?
 
Si panot at si asong ulol ang nagbenta ng mga isla sa china, outdated ka boy, di ka ba nanonood ng mga hearing sa senado...si Digong na may pinakamaraming naaprubahang batas, at nagawa...gising gising din pag may time..
 
so far so good...solid padin...ang kelangan ay maituloy ang build build build para gumaan ang pamumuhay natin...
 
Taga MINDANAO ako kaya alam ko kakayahan ni digong....
kayong mga matitigas ang ulo magbago na kaayo wala
rin kayong kahahantongan ....:superman::superman:
 
mas magaling parin si pinoy di tulad kay digong build3 pero utang anywhere utang everywhere long term kay pinoy kung may corruption dati e bat walang nkukulong na liberal e corrupt pa yung panahong ni PGMA
 
mas magaling parin si pinoy di tulad kay digong build3 pero utang anywhere utang everywhere long term kay pinoy kung may corruption dati e bat walang nkukulong na liberal e corrupt pa yung panahong ni PGMA

atleast may kinahahantungan yung mga utang, starting from Cory Aquino to Panot nag umppisang mangutang ang ppinas kung saan saan kesyo may project this and that pero wow wala pa ata sa kalhati (baka nga wala pa sa 1/4) yung nagamit at nawala nalang parang bula yung sukli the best talaga after EDSA shit
 
Last edited:
Wala kang maloloko dito #5 mo pa lang halata ng sungaling ka, solid kuno dati, urur. Matagal ng Bastos magsalita si Digong bago pa sya mahalal. Huli ka tuloy, mga pinagsasabe ung mga script ng Yelo. #9 mo term yang ng mga Dilaw. lol

tama ka dyan at dito sa # 1. Palang alam ng dilawan. Hindi panahon ni Duterte ang pagbenta ng mga isla sa china panahon pa yun ng dilawan. wag mong isisi sa administrasyon ngayon ang problema na sinalo nya. half blooded chinese ako in short chinay at alam ko yun dahil isang pure chinese ang mother ko sya ang nag kwento sakin. :dance:
 
Hindi na

gising gising na nga kayo may sarili naman kayo isip hindi lahat ng sasabin ni Duterte ay tama matuto kayo mag criticize sa gobyerno at nagbabayad kayo ng buwis. DIba kahit sa magulang nyo sumsagot kayo pag alam nyong tama...


Ngayon guys kung alam nyo na mali naman na yung mga desisyon pero bakit parang ok parin sa inyo, wag masyado maging idolotirya sa kanya, na parang wala na sya ginagawang mali. Eh sa mga desisyon palang nya andami na palpak. May nagawa sya oo madami pero di ibig sabhin nun laging tama ang gagawinn nya, may sarili tayo utak at alam natin tama at mali kaya amgdesisyon tayo ayon sa sarili nating perspektibo. Mahalin nyo mga kapwa pilipino wag ung Presedente kasi nagkakamali din yan.
 
Ako solid na solid pa rin, Kung i base natin sa survey 82% ang satisfied ka P. Digong at 10 % lang kayo na mga hindi. Excellent yan at wla nyan si PGMA, at PNOY.....kunti na lang kyo na hindi pa nagigising...
 
Back
Top Bottom