Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Dyan ka nagkakamali. Yong #5, nung bago pa si Digong sa pulitika eh hindi naman nagmumura yan pag nangampanya sa Davao pranka nga lang, pero, nung tumanda na at tumagal na sa serbisyo naging bastos na mag salita. Kaya tama naman ang sinabi ko. Kaya nawalan na ako ng gana sa kanya. Pati Pari ng Redemptorist, dahil hindi lang tinanggap yong biscuit at mga bigay nya ay nagalit ito at pinagmumura pa. Wala talagang respeto.

Yon namang #9 ay totoo naman talaga. Kahit magpunta ka sa Davao at tanungin mo ang mga tao doon. Siya nga mismo inamin na niya na may DDS sa Davao. Eh ikaw hindi sumasang-ayon? Syempre pag may DDS may EJK o summary executions. Ang problema sayo eh bulag o nagbubulag bulagan ka sa katotohanan. Kung gusto mo pa malaman ang katotohanan pede mo naman ungkatin yan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga local newspapers doon.

May gamot sa mga taong bulag pero walang gamot sa mga taong nagbubulag bulagan. Kaawaan ka sana ng Dios kapatid, hindi habang panahon tayo ay mabubuhay sa mundo, darating ang araw na tayo ay mawawala at tayo'y huhusgahan ng Maykapal. Pero, ito ang klaro, ang lahat ng sumasamba kanino man malilban sa Dios at ang kumakampi sa kasamaan ay itatapon sa dagat dagatang apoy na siyang walang hanggang kaparusahan. Maniwala ka man o hindi, nasa sayo ang pagpapasya.

number 1 hater ni du30 :rofl:
 
sa mga nagreact dito ayaw kay digong mga bagong account baka naman kahit dito may trolls na rin ng mga dilawan
 
Ang tanong, kelan ba nagsimula ang 'gikan sa masa para sa masa' na program ng ABS-CBN? Imagine 22 years siya naging Mayor, huwag mo sabihin na 22 years din yong programa. At saka buti pa yong sa tv siya nagsasalita dahil may censor pa, pero yong sa mga live speeches niya wala. Tapos dina justify mo pa na siya ay totoong tao dahil nagmumura? Bakit pag hindi ba nagmumura ay hindi na totoong tao? Ewan ko ba sayo kung anong 'values' meron ka. Yong anak ko nga pag nagmumura eh pinapagalitan ko dahil masama nga, pero, ikaw kinokunsente mo pa ata ang anak mo. Di talaga magandang halimbawa yan pag naririnig ng mga bata, kaya hindi ako nanonood ng paborito mong programa na puro kabastosan. At please, huwag na natin ibahin ang usapan, hindi naman pinupunto dito kung sino ang gusto mong maging presidente.

d ko alam ung saktong taon nag simula ang show na yan pero alam ko gnyan na sya..ang pinopoint ko lng nmn atleast ndi sya tulad ng iba na pra bang santo sa harap ng tao un pala ang itim ng budhi..nmn to prang d rin nag mumura lahat nman ng tao nagmumura lalo na pag galit...d ko rin iniiba ang usapan halata kasi na anti duterte ka..porket talo manok mo sa eleksyon?d mo matanggap?...kami nga napaniwala din kami ni Pnoy pero simpleng laglag bala d nila kaya aksyonan...may na pa surrender ba si Pnoy or si Mar na drug addict?
 
tingnan mo lahat ng related topics tungkol sa du30 admin yan laging unang pumuputak e nag popost pa ng mahahabang love letter :rofl:
 
tingnan mo lahat ng related topics tungkol sa du30 admin yan laging unang pumuputak e nag popost pa ng mahahabang love letter :rofl:

hahahaha no 1 hater ni digong sa symbianize...na brainwash cguro ng yellow hahaha..iba na panahon ngaun..
 
wala ka kasi sa pinas kaya iba ang pananaw mo sa karamihang dito.

araw araw may patayan, yan ba ung sinasabi nila na safe...
change is comming daw... pero kelan? eh wala nga xa balak tapusin ung termino nya.

napa ka sinungaling na tao. wala daw DDS, pero ilang ulit nya inamin noon na meron, at inamin nya ulit kelan lang...
Sorry ka boss, 4 months na akong nakabakasyon at now pabalik na ng Saudi ulit.at maraming double barrel na addict sa lugar namin ang pumanaw na.
 
Hindi san makaduterte ako pero okay na din kahit papano ang naging takbo ngayon ng pilipinas laban sa droga, sa tingin ko mas maganda na din ito para malinis at masugpo ang mga kriminalidad at adiksyon sa droga...
 
ang sakit isipin na ung mga batang walang kalaban2 ni rarape ng mga adik atleast ngayon nililinis...at tsaka kung hindi si duterte ung presidente wla yang narco list tao bumoto sa kanila tpos pasarap lng sa buhay ang mga gago...
 
Last edited:
Maka duterye ako pero ayaw ko lang sakanya yung masyado siyang mabilis mag bibig, hahahah. Ayaw ko rin yung style niya na lumalapit sa China, alam na nga niyang greedy masyado yung bansa nayun tapos lumalapit, nako naman. Not wise. Mamatay nalang ako kesa maging komunista ang bayang sinilangan ko.
 
Solid digong parin ts... At mas OK sa akin ang ganito kc wala ng adik dito sa lugar namin.. Lahat nag bagong buhay na.. Go du30
 
my gumawa lang ng thread, tas my mga kasabwat haha, para gawing nega si duterte manood ka ng news.. tingnan mo my free irrigation, sa ofw, sa drugs maraming ng surrender (kung adik ka mgpapasalamat ka 3-4 years from now kc pinagamot kapa nya), yung mga abu gago mauubos na. corruption, tsaka yung leadership nya yung nagustuhan ko kc tumitino mga opisyal at mga tao. yung ky pnoy dati wala syang leadership kaya ini easy easyhan lang sya ng mga druglord at mga corrupt opisyal kita mo pg ngkaka problema sa traffic nung panahon ni pnoy nagtuturuon mga ugok kung sino my kasalanan..at saka kung d si duterte nananlo sino gusto mo? si mar liberal? take note ng vote buying ang liberal last election si duterte kahit pang snack sa watcher nya wala. so saan kukuha ang liberal na pera para makabawi sa gastos nila last election. yung mga ng comment na nega dyan na ipakita nila yung ebidensya para kpani paniwala kc puro hangin lang yan pag wala.. san kaba maniniwala yung nakikita mo na o sa o imbento lang?
 
Anong free irrigation? Eh, talagang free naman talaga yan noong una pa. Kaya nga meron tayong NIA na sangay ng gobyerno para mangasiwa dyan. Yon ngang inappoint niya na maging tagapangasiwa ng opisinang yon na taga Davao din ay nadawit pa nga sa korupsyon. Aba pinaalis lang niya pero di man lang na imbestigahan at nakasuhan.

Syempre, marami talaga ang magvo voluntary surrender sa takot ba naman na itumba at may natumba nga 8,000+ na hindi pa umabot ng 1 year. YOng pag surrender naman na yan ay walang epekto kung nag-ugat lang ito sa takot, dahil pag daan ng panahon, babalik din sila sa dating gawi at nangyari na nga ito sa iba. Ang importante ay hindi lang pag surrender at rehabilitasyon, kung hindi ang paglutas sa kahirapan na ito naman ay ugat kung bakit sila nagkakaganyan.

Abu gago ba ika mo? Wala naman akong nakitang abu-gagong tinutukoy mo na naitumba. Andami nga ring abu gago na nasa poder niya ngayon at wala nga rin siyang paki-alam. Ba't mo naman papakialaman yong mga abu-gago eh natural trabaho nila dumipensa ma druglord man o hindi.

Corruption? Kung totoo yong sinasabi mo bakit naman niya pinapaboran sina GMA at Napoles? AT wala man lang ako narinig na may mga korup na nakasuhan, pinag resign nya lang. hehe....

Tumino? Sinong tumino? Yon nga sa immigration bureau, di nga tumino yong mga tao, absent ng absent para diktahan siya ibigay yong mga gusto nilang increase.

Ini easy easyhan ng druglord? Dami bang druglord na namatay? Sa pakiwari ko si Jaguar, Espinosa, at yong mga maralitang adik lang ang namamatay. Wala nga akong nabalitaan na mga Chinese na drug supplier ang na namamatay. Baka takot siya sa mga Chinese kasi puppet siya ng Tsina. Haha..

Traffic? Hindi ba hanggang ngayong pinag-aaralan pa rin paano luwagan ang traffic? Wala na bang traffic sa Maynila? LOL....

Ang babaw naman ng mga argumento mo, igan... Hehe
 
Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.

Brad sa pag kakaalam ko eleksiyon pa lang yata anti Duterte at nakaka debate na kita dito kasama mo sila Ampatuan. Haha. Di ko nakita sa mga post mo na naging ok ka kay Duterte o nagustuhan ni isa man lang sa plataporma nya. Tagal ko na dito sa symbianize at tambay ako dito sa section na to. :D

- - - Updated - - -

my gumawa lang ng thread, tas my mga kasabwat haha, para gawing nega si duterte manood ka ng news.. tingnan mo my free irrigation, sa ofw, sa drugs maraming ng surrender (kung adik ka mgpapasalamat ka 3-4 years from now kc pinagamot kapa nya), yung mga abu gago mauubos na. corruption, tsaka yung leadership nya yung nagustuhan ko kc tumitino mga opisyal at mga tao. yung ky pnoy dati wala syang leadership kaya ini easy easyhan lang sya ng mga druglord at mga corrupt opisyal kita mo pg ngkaka problema sa traffic nung panahon ni pnoy nagtuturuon mga ugok kung sino my kasalanan..at saka kung d si duterte nananlo sino gusto mo? si mar liberal? take note ng vote buying ang liberal last election si duterte kahit pang snack sa watcher nya wala. so saan kukuha ang liberal na pera para makabawi sa gastos nila last election. yung mga ng comment na nega dyan na ipakita nila yung ebidensya para kpani paniwala kc puro hangin lang yan pag wala.. san kaba maniniwala yung nakikita mo na o sa o imbento lang?

Pati ba dito may mga trolls din brad? Haha. Napapanahon na yata para maghigpit ang mga admin sa mga baguhan at magreregister dito sa symbianize. Hehe
 
Last edited:
solid parin mga tol. alam na this!
 
Last edited:
So 31 na ako ngayung taon na ito ang inabutan kong administrasyon ay kay RAMOS at ever since damang dama pabagsak ang ekonomiya hangang kay AQUINO So masasabi ko sa administrasyon sa ngayon nararamdam ko ang konting pag angat sa maigsing panahon so YES for now and kaylangan na talaga ng panakot na bitay sa mga kriminal
 
Brad sa pag kakaalam ko eleksiyon pa lang yata anti Duterte at nakaka debate na kita dito kasama mo sila Ampatuan. Haha. Di ko nakita sa mga post mo na naging ok ka kay Duterte o nagustuhan ni isa man lang sa plataporma nya. Tagal ko na dito sa symbianize at tambay ako dito sa section na to. :D
.

Hindi naman. Porke ba't pinapahayag ko ang aking saloobin ay anti-Duterte na agad ako o dilawan. Nagkataon lang na pumapabor ako kay Abdul (http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1358070) dahil nga nagkatotoo naman talaga ang mga hula niya. Almost perfect pa nga. Ako naman ay may sentimyento kay Duterte dahil na rin sa mga pinagagawa niya, na salungat sa aking konsensya at sa mga natutunan ko sa simbahan at paaralan. Kung nasundan mo sana yong lahat ng pino post ko dito sa 'Government and Politics' section ng symbianize, makikita mo na may naaappreciate naman tayo sa kanya. Kaya lang marami pa rin ang pinagagawa niya na talagang salungat sa mga prinsipyong ipinaglalaban ko. Ako naman ay nagpapahayag lamang dito at nirerespeto ko naman ang opinyon ng ibang tao. Wala naman akong magagawa kung ayaw ng tao, ba't ko pa ba ipipilit. Yong mga posts ko o di kaya ay mga komento ay para din naman sa ating mga ka symbianize na gustong lawakin pa ang kanilang pag-iisip at maipahayag ang saloobin. Kung lahat ba tayo dito ay 'Pro-Duterte' ay siguro ay nakakasawang pag-usapan pa ang mga bagay bagay at para tayong robot na bigay ng bigay lang ng mga papuri. Mas magandang ikondena ang mga maling gawain at ituloy naman ang mga magagandang nagawa.
 
Last edited:
Back
Top Bottom