Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Hihi...

Puro tayo depensa sa bawat isa
Pero wala naman tayong makukuha
Pagkat ito'y awayan sa pulitika
Ng mga mayayaman at may impluwensya.

Isang oligarkiyang puno ng kalokohan
Tamang buwis man ay ayaw bayaran
Kahit empleyado ay pinapasinungalingan
Mga hayok sa salapi at gahaman.

Sabi ng Pangulo, nilabanan daw niya ang oligarkiya
Di ba't oligarkiya din ang sumuporta sa kanya?
Sa milyon milyong gastos sa kampanya
Imposibleng ordinaryong mamamayan lang ang gumasta.

Bawat panig ay may kanya kanyang kapintasan
Di dapat pumanig kung ikaw ay may kaalaman
Pagkat sa wari mo'y ito ay isang kalokohan
Na sa pag tawid mo ikaw ay masasagasaan.

Marami pa ring bopol
Na hanggang ngayon ay nagmamaktol
Nakikipag bangayan para lang depensahan si Angkol
Asal panatiko na parang isang asong ulol

Ikinahihiya kong ikaw ay ituring na Pilipino
Sa pananalita mo walang pinag-iba sa tiwaling disipulo
Iniidolo pangalan ng isang kumpanya o kilalang tao
Sunugin nawa kayo sa lumalagablab na impyerno.

Sabi nga ng Mabuting Balita, "Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng pagkaalipin.
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin."

Ito'y mga katagang nagpapaalala
Na tayo'y huwag magpapadala
Sa mga walang kwentang pag iidolohiya
Sa katagang gaya ng, "Maka Duterte ka pa rin ba?"
 
Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.

boss yung No. 1 mo mali na si Trillanes ang nagbenta nyan sampo ng kanyang mga kasama si panot saka yung datinf defense secretary......
 
kaibigan tingin mo ba mas maganda ang buhay natin nung nka upo pa ung mga tga dilawan?
tingin mo kung nka opo isa sa dilawan ngaun na may pandemic anu kaya magagawa nila ?
 
kaibigan tingin mo ba mas maganda ang buhay natin nung nka upo pa ung mga tga dilawan?
tingin mo kung nka opo isa sa dilawan ngaun na may pandemic anu kaya magagawa nila ?

edi mag nakaw ng mas malaki. mangutang ng mas malaki. sayang saya ang ABS CBN..
 
ay opo, totoo na ay two sides ang bawat kwento... example ko na din po abscbn, since sinama nyo naman din sa topic haha... panay palabas nila nung sa charity nila di po ba?... yun pala, isa lang sa 'front' nila para ma-mask yung totoong agendas nila... sabi nga po ng iba, maging ng mga congressmen, hindi naman po mali yung ginawa nila na lusutan yung mga technicalities ng rules/batas natin pagdating sa katulad na klase ng negosyo na meron sila... pero sana naman, bilang tao, naging tapat man lang sana sa batas... yung mga taxes na na-deprive ang gobyerno natin na sana nagamit pantulong sa pagpapalago ng ating bansa at pag-tulong sa mga talagang nangangailangan... pero oo nga pala, hindi naman sarado ang abscbn bilang isang kumpanya... pwede pa din naman silang mag-operate, hindi na nga lang gamit ang orihinal nilang frequency... pwede siguro sa ibang media platform gaya ng ginagawa nila ngayon sa youtube... uulitin ko din ulit, hindi kasalanan ng gobyerno/kongreso na ganun ang naging decision nila... sila mismo, ang abscbn ang may kasalanan wala ng iba... at uulitin ko pa din ulit, kung mahal nila at mahalaga sa kanila ang mga empleyado nila na siyang dahilan kung bakit sila kumikita ng napakalaking pera, dapat inisip na nila yung mga posibleng mangyari noon pa man...

dagdag ko pa, hindi po lahat sa amin dito ay anti abscbn... gaya nga po ng sabi ko, ako po ay isang avid fan/supporter ng network na ito dati pa dahil gusto ko sila magdeliver ng content (pwera lang po sa documentaries nila)...

Ang ibig ko po sabihin two sides of the story is halimbawa, yung kontrabida po. Diba po puros masasama ang tingin ng tao po doon? Kapag ginawan ng storya ang kontrabida, mauunawaan po ng mga tao ang kalagayan nito kung bakit kontrabida po siya. Magkakaroon ng thinking na we thought its evil but we understand naman po, dahil mabait pala po siya. Ganun ang ibig ko po sabihin. Wala pure evil ika nga.

Take example po sa anime. Yung mga enemy sa anime. Ang pinagkaiba ng japan anime sa western anime is yung anime ay meron other side of the story kung bakit po sila kalaban and when we know about their story, ma rerealize natin na mabuti tao pala sila. Ganun po.

Take example sa presidente. Diba gusto niya patayin ang mga kriminal, patayin ang mga drug pusher at lahat ng drug sindicate diba? Ang ginagawa po niya is evil because pumapatay po siya ng tao na labag sa human rights po sapagkat meron inosente na nadamay po, its extremely evil but the other side of his story, he just want to save people galing abuse, ganun po, so his story is meron siya good intention kahit evil siya.

Yung abs-cbn po, there is other good story na ayaw tingnan ng mga tao dahil ang iniisip ay pure evil ang company which is wala ganun. We are not to judge na keyso kaplastikan daw na kaekekan po dahil katulad ng marami tao ay meron naman din po natulungan ang ABS-CBN at wala tayo karapatan para magsabi na keyso hinde totoo at keyso plastic lang ang ginagawa ng ABS-CBN dahil wala po tayo sa lugar na kinakatayuan nila. Yung mga mismo nakabenefit, naka advantage sa tulong nila at marami iba po, yung mga witness po, yung mga kakilala ko na meron connection po at marami iba po have their own story. Meron sila story o explanation kung bakit hinde sila agree o they do not believe na meron kasalanan ang ABS-CBN sa mismo radio at sa isa tv na napakinggan at napanood ko. Its their story. Its a reason why todo support po sila dahil kung todo pure evil po siya, e di 100% wala na nagsupport at wala na din nagrarally sa buo nationwide at sa international. E kaya lang meron po bagkus on war pa rin po sila which is I think, mahirap kalabanin ang government. Kung makiride on lang ang ABS-CBN at patapusin lang ang terminolohiyo ni Duterte, saka sila magbalita ng malaya po. Ganun lang naman ang teknik po.

That is what i want to say na wala naman perfect sa mundo kahit sa government po, wala naman po.

Ganun po.

Yan yung two side of the story na sinasabi ko po or else kapag di natin nakikita ang ganda o positive na gawa nito, meaning to say one sided lang talaga ang tao kung mag judge.

Hinde din po ako maka abs-cbn.

P. S.
This is another story. Nasa faith ng tao kung maniniwala po sila o hinde. Yung mga accusation po nila sa ABS-CBN is nasagot po nila. Someone wrote an article at isinama pa po niya ang explanation about expert in law as in. Basta ganun po. Yoko mag explain dahil tamad din po ako.

Pumalpak lang po talaga sila sa constitution law na yun nga po, meron nilabag na batas about franchise. Debatable po siya dahil we are not sure kung na mis interpret ng isa congress ang law doon kung bakit napasara ang ABS-CBN o sadya totoo nga ang intrepretation doon o sadya hinahanapan ng butas para magshutdown po.

So ayaw ko po magjudge as in po. Doon lang po talaga sila pumalpak kaya nagshut down. Ang iba doon is irrelevant na po katulad ng oligarchy which is hinde na po siya napapaloob sa franchise issue unless meron galit pa rin po talaga sa dati aquino po kase nga, from generation is oligarch na po talaga siya. I do not know if its normal o hinde kase parang naging norms na yung pagkakaroon ng oligarchy lalo na sa mayayaman businesses po. Yung mga elite. Parang di maiwasan po pero mas maganda siguro kung wala na mayayaman sa mundo. Gawin na lang po communist. Sure po na wala oligarchy as in po. Yung mga businesses po kase at mga elite, wala na po kase iyan.

Anyway po, Im just calling to those people who are anti abs cbn po. Alam ko po na di lahat is anti abs cbn. Kahit ako di ako nanonood ng abs cbn. Puros netflix lang ako at youtube. Nagkataon kase na meron ako kamag anak, kaibigan, kapatid ng kaibigan na meron connection sa abs cbn kaya i hear their other side of the story. Ganun po.

Kahit nga si bong marcos, has its own story. Anak ni marcos po? Nakausap na namin po yung gusto bumoto kay bong marcos. sabi pa nga niya na bawat aircon ay siya po naglagay sa bawat bahay po. Yun ang other side of the story kung bakit gusto siya botohin ng tao pero di lahat ng tao na kahit tumakbo po siya ay ibig sabihin kapag nalalo po siya ay maaapreciate na po siya ng tao. Meron pa rin mag aayaw sa kanya dahil iba ang nakikita ng mata o napeperceive po nito.

Did Cory and Gloria change a thing? lol... Dipende pa din kung saan partido ka. Politics Politics politics..

Puros babae ang binoto ko po noon. Wala lalake po as in pero meron kulang as in po. Influence po ng dalawa babae ng masculine perspective. D ko sure pero based on my judgment as in. Meron ako hinahanap katulad sa Iceland. Feminine society po siya. Sabi mas pabor ng mga tao ang babae na maging presidente. Sa kanila po. Iba po kase mag isip ang babae po sa pagrule po at depende din po sa behavior ng mga tao po sa lipunan. Masculine society kase po tayo kaya nalalo si Duterte dahil masculine iconic po kase siya. Nagmumura, malakas, tough, patayin yung mga criminal at marami iba pa. Meron pa nga siya isa asawa at isa kabit pero everyone is so happy.

Sa culure at environment factor as in. Kung baga, macho.

Malakas. Malakas po talaga ang lalake sa Pinas. Pati po ako gusto ko na po maging lalake. Joke. Haha.

Ang sunod ata tatakbo ay si Sarah Duterte. Ewan ko lang po kung like father at like daughter yung dalawa po.

P. S.

Magulo sa mundo ng politics at no offence, lahat ng politiko ay currupt. Kaya huwag niyo po sana iaangat ang tao politiko na ang akala natin savior na siya ng Pinas. Pano ko po alam? Tumakbo na po ang father ko sa politiko. Doon po ako namulat sa mundo ng politiko. Pera ang gagastusin at kailangan sobra yaman ang sasali. Bukod po, pera pera lang po siya katulad ng kalaban ng father ko. Nagbibigay siya ng pera sa mga tao. Yung kalaban ay tag 1000 na mas malaki sa kanya. Bukod pa makakaranas pa ng death threat. Ganun kalakas ang kalaban kaya nalalo po sila. Yung pera, tao at ang iba doon ay hidden agenda po. Nasa internet nga yung father ko. Yung kapatid ko ay dalawa kaibigan niya is involve sa politics, dahil yung tatay din ng isa kaibigan ng kapatid ko ay meron hidden agenda. Tanong. Bakit po di sila nahuhuli? Malakas po kase sila. At madami connection as in po.

Ang masasabi ko po di pa rin mauubos ang currupt sa mundo dahil wala perfect sa mundo.

Dagdag no names are mention po.

D pala po magulo. Ganun kadumi pala ang politics.
 
Last edited:
Ano ba ang good side na nakikita mo sa abs cbn? Ang magpasaya ng maraming tao?
 
sa gitna ng napakaraming pagsubok, lalong sinusubok ang katatagan ng isang matandang lider kung papano nya maiaayos ang nasasakupan nya...napakahirap pero kelangan nating suportahan ang pangulo at yun ay sa pamamagitan ng pagsunod sa batas imbes magreklamo sa kung anu ano...
 
sa gitna ng napakaraming pagsubok, lalong sinusubok ang katatagan ng isang matandang lider kung papano nya maiaayos ang nasasakupan nya...napakahirap pero kelangan nating suportahan ang pangulo at yun ay sa pamamagitan ng pagsunod sa batas imbes magreklamo sa kung anu ano...

Ano ba ang pinagsasabi mo? Napakalayo naman yata sa punto. Ang panatiko ay isang bulag na sunud sunuran kahit pa sa ikakapahamak nya.
 
Taga mindanao ako, Cotabato City, sakin sobrang okay okay sakin si Duterte, simula pa nung umpisa suportado kami, dami din kasing nagbago dito samin simula nung umupos siya, yung mga adik dito nagsitabaan isa na dun yung kapatid ko, sobrang laking pagbabago niya,dati kasi pati pamilya nya napapariwara dahil sa bisyo nya, halos mga anak nya dina nya naasikaso, pero ngayon naging mabuting ama na dahil yan kay Pangulong duterte at sa kanyang oplan tokhang.
 
Hindi natin dapat kuwestyonin kahit sinong presidente binoto ntin yan eh suportahan natin khit ndi natin gusto
marami talaga problema sa pilipinas umpisahan natin s barangay linisin kasama tayong mga mamamayan.

Kung sakaling mging federelism na wla n tyo pakialam sa presidente. Sa MAYOR nman tyo mag babantay pababa ng barangay officials

Umpisahan natin sa mababa tyo mga mamayan maging marunong pumili sa brangay captain at officals

gustohin man natin o hindi and presidente kailangan natin syang suportahan.

Almighty GOD bless the phillipines and its people... AMEN
 
Oo naman. Kong di nyo parin ramdam ang pagbabago, ewan ko nalang kong saang kweba kayo nakatira. Yong mga deug lords ang pusher nga ramdam nila ang pagbabago dahil sa hirap na magbenta ngayon eh ��
 
Wala kang maloloko dito #5 mo pa lang halata ng sungaling ka, solid kuno dati, urur. Matagal ng Bastos magsalita si Digong bago pa sya mahalal. Huli ka tuloy, mga pinagsasabe ung mga script ng Yelo. #9 mo term yang ng mga Dilaw. lol

Natawa naman ako rito pinatunayang bastos ang Puno nyang baliw hahaha
 
Opinion nya yon. Hayaan mo sya. Mas okay na yan kesa sa disente kuno pero puno nang kaipokritohan. Remember JIM PAREDES? May pa "look at me" look at me pang nalalaman. Oh di lumabas din tunay na kulay. DOJ secretary, DE LIMA. Sample lang ng mga disente pero ang totoo hindi naman.
 
Oo naman 100% kesa Yelow Tatae TAE... Ginagawa nila lahat para sa bayan . Matigas lang ulo ninyo kaya gumugulo pilipnas:clap:

- - - Updated - - -

Matitigas kasi ang ulo ninyo kaya G U M U G U L O ang Pilipinas.

Isa sa pinaka mahusay na President si Duterte.

masyado lang maraming gustong magpabagsak sa kanya kaya inuulan sya ng paninira

Buti nalang wala syang pakialam sa Bashers hahaha...

Thanks God at hindi sya tinatablan ng panlalait ninyo hahaha

Mahusay sya naka Set na lahat ng mangyayari once natapos ang Term nya

- - - Updated - - -

sakto. hahaha

MISmo hhahaha
 
for me, the best president ever is Duterte.... ang mga masasamang tao lang ang ayaw ng pangulo kasi lumiliit ang mundong ginagalawan nila... hahahaha
 
Back
Top Bottom