- Messages
- 414
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
May naging gf ako nung highschool, year 2006 pero 3months lang ata kami non. Mataray sya, maldita, ayoko ng ganon kaya kami naghiwalay. Wala akong balita sa kanya nung college tapos nalaman ko na nagkaanak na sya tapos yung bf nya that time ay namatay. Single mom na sya ngayon. After college medyo nagkakausap kami. Pero madalang lang. Huling pagkikita namin ay highschool pa. Nung nagtatrabaho ako sa korea biglang nagmsg sya sakin. Isa na pala syang flight attendant sa isang airlines. Nasa incheon daw sya, at ako una nya naalala, gusto nya makipagkita sa incheon. May gf ako ng panahon na iyon. Di ako nakipagkita. Nirepyan ko sya sabi ko di ako pwede sabay blocked ko sa knya. Binlocked ko sya kasi nabubuksan ng gf ko messenger ko. Nitong march 2019 nagkausap ulit kami. Single na ko this time. Ayon, halos daily kami magkachat. Inaupdate nya ko kung san ang flight nya, kung nakalanding na sila. Tapos kpg wala syang flight tumatawag sya sakin. Nagkkwento about sa trabaho nya, sa ex nya. Naging daily habit na nya na iupdate ako sa mga ginagawa nya. Then isang araw biglang di na sya nagchat. Sabi ko suplada na sya. Magrereply pero konti lang. Yung ganito lng "nasa flight", "pagod lang". Tinanong ko sya kung may problema. Tapos ayon, sabi nya naaattach na daw sya sakin. Inaalagan nya daw sarili na wag tuluyang mafall kasi may trauma na daw sya sa pakikiparelasyon. Marupok daw kasi sya (kaya pala sa fb naghlsheshare sya about sa marurupok). Inaamin ko naman na namimiss ko din sya, sinabi ko sa knya yon. Then sabi nya baka bugso lang ng damdamin ko to at baka sya lang nakakausap ko. Iiwasa sya kasi ayaw nya mafall talaga. Chill lang daw muna. This week di ko na sya masyado nirereplyan. Tinarayan nya ko sa huling msg nya sakin. Nagmsg ulit sya, bakit daw parang wala na kong gana. Sorry daw kasi tinarayan daw nya ako. Sabi ko ok lang, sanay na ko (ex ko kasi mataray din e haha). Tapos kung ano ano na nasasabi nya na kung ayaw ko na daw, na wag na lang daw sya magchat sakin. Sabi ko naman busy lang ako ( inaaasikaso ko pagbalik ko ng korea). Bakit daw lagi na kong offline ganon ganon. Then kagabe tumatawag pala sya. Di ko nasagot kasi may ginagawa ako. Tapos nakita ko na inunfriend na ko, inalis na nya ako sa ig nya. Blocked na ko sa telegram. Masasabi kong sya yung first love ko, ayoko lng tlaga ng maldita haha. Mataas na position nya sa isang airlines, parang superior na ata sya. Ako ngayon wala pa ulit trabaho kaso nga focus ako sa pagbalik ko sa korea. Single mom sya, ok lang sakin yon. Kaso yung family ko noon pa lang ayaw na makipagrelasyon o may mapangasawa kaming single mom. Di ko masabi sa knya na di ako pa ko ready sa kanya at pumasok sa isang relationship. Na priority ko e yung future ko sa ngayon. Iniiwasan kong saktan sya. Naaawa rin ako sa knya kasi sa mga past relationship nya di daw maganda ang naging experience nya. Aaminin ko na parang naaattach na rin ako. Kaso maraming what if at iniisip ko na rin yung ayaw ng magulang ko. Iniiwasan ko na rin na wag muna ngayon. Ayoko pa. Palay na yung lumalapit sa manok pero future ko rin iniisip ko sa ngayon. Gusto ko may maipagmalaki ako. Sya na rin nmn may sabi na gusto nya last relationship na nya yung magiging bf. Mayaman din naman pamilya nya at sya mismo. FA tapos stock holder pa sa airlines nila. Ako eto, di pa sure kung makakabalik pa sa korea ulit. Ano magandang gawin, yaan ko na lang na blocked ako sa knya at basta na lang mawala communication namin. O try ko contact-in sya at iexplain ang side ko? Salamat.