Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

may gamot po ba sa nerbyos?

ganyan din mama ko nag med sya kaya dependent na sya d sya makatulog dahil nag nerbyos nung may nakita magnanakaw sa bahay kaya ingat wag mag take gamot agad agad payo ko lang
 
Ganyang-ganyan din ngyari sakin executioner900702 nakita ko sarili ko sayo. Pero mag kaiba lang tayo ng dahilan. Ang galing may kaparehas pala ako akala ko ako lang talaga nag ka ganito sa mundo. Hindi ko kasi alam dati na nerbyos pala nararamdaman ko.

Parehas rin tayo bro, feel ko rin ako rin may ganito sa mundo. Grabe talaga pinakakatakutan ko yung di ko na magalaw kamay ko. Tuwing aatakihin ako feel ko last ko na ito sa mundo. Pero habang tumatagal bro unti-unti namang nakokontrol ko panic attack ko except nalang kung nasa labas na ako nang bahay feeling ko wala na akong matatakbuhan in short wala nang pag-asa hay nakaka inis talaga di ako makalabas nang bahay basta2x.
 
ganyan si mama ko nag take sya gamot mula nuon nawala pagihing masiyahin nya hindi sya nakakatulog pag hindi nag take gamot for me wag na wag ka magbtake ng gamot hangang ngaun dumidepende na sya sa gamot kaya iwasan mo mag take ng anong gamot monthy consultation pa sya sa dr.. dahil sa nerbyos nung may nag nakaw sa amin nakita nya
 
hindi kayo nag iisa marami tayo :lol:
ako rin nahihirapan na lalo na kapag makakasalubong kang tao lalo na mga kapit bahay tapos magtitinginan kayo :lol::lol::lol:
tapos kapag sa maraming tao naman feeling ko nakatingin silang lahat sakin at iniisip ko kaya sila nakatingin kasi para akong may hindi gagawin etc. :lol:

sa tingin ko itong pagiging nerbyoso dulot ito ng maraming masamang pangyayari sa buhay natin
 
Last edited:
ako naman po kakaiba exp ko, kung kelan kasi ibbp ako dun ako ninerbyos habang pasikip ng pasikip ung nasa braso ko nakikisabay din ung dibdib ko umabot ako 160/100 ata un nkakainis lang ang hirap makapasok sa trabaho dahil required medical at doon ako nadadale di ko pa napapa check up sarili ko dahil sa walang pera feeling ko kasi pag nagpacheck up ako drecho admit na dahil sa mataas na bp na makukuha nila saken at di nila ako papalabasin hanggat di bumababa bp ko kaya aun. Naalala ko pa dati nung hs ako varsity kasi ako ng school namin at required medical aun same situation at ang malas di ako pinaglaro :weep: . feeling ko takot ako sa mga hospital facilities at medical equipments kasi pakiramdam ko para akong ooperahan palagi pag nakakakita ako ng mga ganun. haysss
 
Magandang araw po mga ka symbian tanung ko lang po kung may gamot po ba sa nerbyos? kasi po palagi ako inaatake ng nerbyos ko lalo na po pag lalabas lang ako ng bahay namin.. sana po matulungan nyo po ako..

maraming salamat po!

Ativan po ang pwedeng maitake para sa nerbyos
 
Bago lang po ako dito. Ang laking pasasalamat ko po at natagpuan ko itong thread na ito laking tulong po sa akin at sa nararamdaman ko. Gusto ko lang pong ishare yung naging experience kung bakit or kung kailan nag umpisa ang pagiging kabado ko. Ako po ay isang OFW at kasalukuyang nasa bansa ng UAE. Nung akong nasa bansang Turkmenistan year 2015 dun po nagsimula yung pagiging nerbyoso ko nung time na yun halos linggo linggo kaming umiinom ng Beer at Vodka at madalas din akong umiinom ng Kape dahil sa malamig na panahon nung mga panahon na yun. Then, nung nasa work ako bigla na lang nanlabo ung paningin ko at lumakas ung kaba ko. Agad agad akong nagpadala sa clinic at nacheck na tumaas ung BP ko 210/100 kaya binigyan ako agad ng gamot para sa pambaba ng dugo. Simula nun halos gabi gabi na akong hindi makatulog laging puyat at laging balisa. Minsan binisita ako ng Nurse namin para icheck ung BP ko dahil sa mataas ang result nagpanic ang nurse namin at agad akong tinurukan ng Magnesium nagulat ako dahil iba pala ang epekto sa katawan ng magnesium biglang mag iinit ung buong katawan hanggang ulo. Sobrang natakot ako nun dahil first time kong maturukan ng ganun sa katawan ang akala ko ay katapusan ko na at nagdadasal na lang ako sa Diyos na sana malagpasan ko yung paghihirap na yun. Simula nun sa tingin ko dun na nag umpisa yung pagiging nerbyoso ko at laging may kaba sa aking dibdib. Then, pag uwi ko sa Pinas agad agad akong nagpa general check up halos normal naman ung result ng test ko except sa bad cholesterol ko kaya siguro mataas ung BP ko. Sa ngayon dala dala ko parin yung pagiging kabado at natatakot na maging mapag isa iniisip lage na baka pag sinumpong ng stroke ay walang tutulong sayo. Tapos, kadalasan bigla na lang akong kakabahan ng walang dahilan, laging nahihilo, nanlalamig ung mga kamay at nakaramdam ng panginginig sa katawan. Iniisip ko na lang baka stress lang ito dahil sa nature ng work ko na laging kulang sa tulog. Mga kasymbian pano kaya malalampasan yung ganun pakiramdam sa tuwing makaramdam tayo ng matinding nerbyos? Salamat sana marami pang mag share ng experience nila at pano nila nalampasan yung ganitong sitwasyon..
 
Iwasan mo kape at wag ka magbate. Tingin mo nagbibiro ako? Do some research.
 
akala ko ako lang ang may nararamdaman na ganito marami din pala pero paano kaya nangyari di naman ako umiinom ng kape?parati na lang parang may kaba ako na nararamdaman sa dibdib tapos pag sobra na sya umatake nanlalamig sobra nanginginig na kamay ko tapos parang pinipigay ang tyan...
 
Last edited:
Wag ka uminom ng
coffee
cobra energy, etc na may content ng caffeine.
Yun lang po alam ko... Tapos bawang ang kainin mo... No joke.
 
Softdrinks, kape, energy drink, tea = Caffaine = Nerbyos

Google mo side effect of caffaine.

Sa lahat tea ang pinakaless na caffaine.
 
Kung dimo maiwasan magkape yung lingzhi coffee ang inumin mo. .06%caffeine lng. And it will reduce your stress and boost your immune system. Mas madame kang inuming lingzhi coffee mas lulusog ang katawan mo. Tested by me.
 
gnyan dn ako..ngaung year lang ako nagka ganito..pag nine2rbyos ako mamaya maya prang nahi2lo n ako prang matu2mba..bigla bigla nlng akong kakabahan o matatakot pero nagpa ECG ako normal naman..pero nung unang nangyari skin to buong katawan ko nangi2nig tpos parang nanga2wit ung kanang kamay ko..pero pag ng ppnta n ako s doctor o hospital kumakalma n ako..pero ngaun nerbyos tpos prang nahi2lo nlng wla n ung nag kacramps..meron dn b nkakaramdam ng gnito
 
Last edited:
Kain ka lagi ng guyabano or take ka ng supplement na ganun saka wag ka magkape #1 yan nakakanerbiyos.
 
Kain ka lagi ng guyabano or take ka ng supplement na ganun saka wag ka magkape #1 yan nakakanerbiyos.

salamat sau..konting kaba nlng nraramdaman ko ngaun tpos kaumagahan prang nahi2lo gnun..kakainis ung gnitong pakiramdam..anyway slmat sayo..
 
Anxiety po iyan.. Ask ko lang bakit ka nininerbiyos.. anong pumapasok sa isip mo?
 
Back
Top Bottom