Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Medical conditions, drug/s, herbs, etc., na gusto nyo maunawaan

Diego_99

Professional
Advanced Member
Messages
196
Reaction score
0
Points
26
Mag-sesurvey lang po sana ako kung ano para sa inyo ang mga medical condition/s (e.g., disease), supplements, medicinal herbs, treatment, diagnostic test, drug/s (medicine) na gusto nyong mabasa online o interesado kayo. Maaring may kaugnayan po ito sa iniinda ninyong sakit o ng inyong kapamilya, mga iniinom na gamot o niresetang gamot, mga test na pinapagawa sa inyo, mga medicinal herbs na ginagawang teas, juices at smoothies, at iba pa. Gumagawa po kasi ako ng blog, at may fb page narin po ako, na ganito ang tinatalakay. Isa po akong registered nurse, medical researcher at nag-aaral po patungkol sa mga natural medicine, partikular na sa herbal medicine, homoeopathy at ayurvedic medicine, pero hindi po yung pormal na kumukuha ng kurso kundi sa mga libro, articles, seminars at personal encounter lang po sa mga ito. Kung may nais po kayong malaman o itanong na gusto nyong mabasa ang eksplenasyon ay wag po kayong mahihiyang magpost dito.

Nga pala, kung may mga medical professionals (doctor, pharmacist, nurse, physical therapist, etc) po dito na interesado magsulat ng article/s sa ganitong topic ay pwede nyo po akong sabihan. Kung may mga product/s, e.g., supplements, medical equipment, etc., na gustong ipromote sa blog at page ay pwede nyo po akong imessage.

Salamat!
 
Last edited:
Re: [Survey] Medical conditions, drug/s, herbs, etc., na gusto nyo maunawaa

Ito pong nasa ibaba ay sample po ng article na sinulat ko po sa blog. Kung may interesado po sa inyong magpasa ng sinulat ninyong medical articles ay paki message po ako. Ilalagay ko nalang po yung attribution sa inyo. Paki samahan narin po ng maikling impormasyon patungkol po sa inyo. Salamat po sa lahat ng mag-kocontribute ng article/s.




Ang Parsley[SUP]1[/SUP] ay isang klase ng halamang petrogelinum na bahagi ng pamilya ng Apiaceae (dating Umbelliferae). Kalimitan matatagpuan ito sa Mediterranean region, bagaman nililinang narin ito sa iba pang mga bansa sa Europa at maging sa ilang bahagi ng Asia. Sa Britanya una itong nalinang o kinultivate noong taong 1548, at unti-unting nakilala at lumaganap sa mga karatig nitong bansa tulad na lamang sa Inglatera, Eskosya, Alemanya at Pransya. Dito sa Pilipinas, na isang bansang Tropikal, ang paglilinang o cultivation rin ang isa sa mga paraang ginagawa upang maparami ang ganitong klase ng halaman. Marami kasi itong posibleng paggamitan. Ang dahon, buto at maging ang ugat nalang nito, halimbawa, ay pwedeng gamitin bilang pampapalasa sa pagkain, tsaa, langis at maging panlunas sa iba't ibang uri ng karamdaman.


Botany

Katulad ng nabanggit ko sa itaas, ang mga bahagi na pwedeng gamitin sa parsley ay ang dahon, buto at ugat. Maliban pa diyan, ang stem ng parsley, kapag bata pa ang halaman, ay maari ding kainin. Pagdating naman sa mga bulaklak na tumutubo sa paligid ng taniman ay kailangan itong alisin o kalusin dahil sa pinapaikli nito ang productive life nuong pananim.[SUP]2[/SUP]


Constituents

View attachment 208527
Parsley constituents
Mula sa Barnes, Anderson, Phillipson, Herbal Medicine, 3rd ed., p. 457


Ang parsley ay maraming tinataglay na constituents, partikular na dito ang flavonoids (glycosides, luteolin), furanocoumarins (bergapten, oxypeucedanin, 8-methoxypsoralen, imperatorin, isoimperatorin, isopimpinellin, psoralen, xanthotoxin), volatile oils (sa buto nito: apiole, myristicin, tetramethoxyallylbenzene, ketones, alcohol; sa dahon: myristicin, apiole, 1, 3, 8-p-menthatrienes, sesquiterpenes), at pati na iba pang mga vitamins (lalo na ng vit. a, c, k, niacin, riboflavin, thiamine at folic acid) at minerals (zinc, potassium, calcium, magnesium, phosphorus, sodium).[SUP]3[/SUP]


Medicinal uses

Ang parsley ay sinasabing nagtataglay ng carminative, antispasmodic, diuretic, emmenagoge, expectorant, antirheumatic at antimicrobial properties.[SUP]4[/SUP] Maliban diyan, pinaniniwalaan din na ang parsley ay nakakatulong sa mga sumusunod na kondisyon: kidney congestion, nephrolithiasis, jaundice, dropsy, gallstones, tumor, high blood pressure, digestive disorder, hay fever, flatulent dyspepsia, cystitis, dysuria, gonorrhea, blepharitis, conjunctivitis, intermittent fever, cancer, prostate condition, spleen condition, diabetes, colic, edema, at marami pang iba. Ang dahon nito ay magandang nguyain para pang-tanggal ng hindi kanais-nais na amoy ng hininga (halitosis).[SUP]5[/SUP] Nagtataglay kasi ang parsley ng mataas na lebel ng chlorophyll na mabisang panlaban sa pagkakaroon ng mabahong hininga dulot ng mga pagkaing kinain o iniinom. (Duke 1997: 77)


Dosage

Ang pagbibigay ng kaukulang dose sa parsley ay hindi pa ganun nabibigyan ng masusing pagkilatis o pag-aaral ng modernong medisina kaya't pagdating dito ay ibinabase nalang muna o kukonsultahin nalang muna iyong dosage sa mga tradisyonal na rekomendasyon mula sa mga herbal references.[SUP]6[/SUP]



Clinical studies

Ang apiaceae o yung mga kasama sa pamilya ng carrot katulad ng dill (Anethum), celery (Apium graveolens), parsley (Petroselinum crispum) at iba pa, ay mga nagtataglay ng component na kung tawagin ay myristicin. Ang mysristicin ay hallucinogenic principle na tinataglay ng buto ng nutmeg (Mystica fragans), at maging ng mga gulay na maaroma. Base sa mga inilabas na hypothesis, hal., ni Buchanan (1978: 275-293), sinasabing ang myristicin daw ay kinuconvert ng katawan para maging ampethamine. Ang ampethamine, na may chemical structure na C[SUB]9[/SUB]H[SUB]13[/SUB]N, na structurally related sa myristicin, ang s'yang nagiging responsable sa paggaling ng ilang nervous conditons ng komukonsumo nito. Ayon kay Dr. Manuchair Ebadi, ang myristicin ay normal lang daw na matatagpuan bilang compound ng mga pampalasa ng pagkain, hal., ng nutmeg at mace, at pati narin ng paminta. Dagdag pa niya, hindi daw ito makakapagdulot ng hallucination o magiging sanhi ng hallucigenous effect kung hindi naman daw ito kukonsumohin sa malaking bilang.[SUP]7[/SUP]



Sa isa ring pag-aaral na ginawa, base naman sa Natural Medicines, comprehensive database, nakita na ang katas ng Petroselinum crispum ay nakakatulong mapigilan ang pagdami ng Gram-positive at Gram-negative bacteria. Halimbawa nalang natin ang Br. melitensis, E. coli at B. linchiniformis. Sa kahalintulad na pag-sisiyasat, ipinahayag ng Cornell University research study na nasa 72 hanggang 50% daw ng bacteria ang nagagawang labanan ng parsley, kahanay nito ang mga antimicrobial herbs na tulad ng caraway, mint, sage, fennel, coriander, dill, nutmeg at basil.[SUP]8[/SUP]


Side Effects, Toxicity

Ang pagkonsumo ng parsley sa normal nitong dami ay maituturing na ligtas sa tao. Bagaman kapag sumubra ay maari din itong makapagdulot ng ilang hindi kaaya-ayang mga sintomas na pwedeng humantong sa malalang sakit. Kapag sobra-sobra ang gagawaing pagkonsumo sa naturang gulay ay maaring makapagdulot ito sa tao ng pananakit ng ulo, giddiness, kawalan ng balanse, convulsions, pagkabingi, hypotension, pagbaba ng pulse rate, pagkapararalisa, at maging ang pagkakaroon ng problema sa atay at bato. Lahat ng ito ay bunsod ng presensya ng myristicin at apiole sa parsley. Ang pagkakaroon ng constituent na apiole sa volatile oil parsley ay hindi maganda para sa mga nagdadalang-tao o sa mga buntis dahil sa pagkakaroon ng abortifacient action nito.[SUP]9 [/SUP]Kapag ang isang buntis ay kumain o umiinom ng parsley na higit sa normal na antas na inilalagay sa pagkain ay pwede itong magresulta sa foetal tachycardia (G. Lavy 1987: 63-64). Dahil narin ito sa taglay na myristicin ng parsley na pwedeng dumaan o mapunta sa placenta o sa inunan ng ina.




___________________

[SUP]1[/SUP] Ang parsley ay maraming katawagan siyentipiko at ang ilan dito ay Petroselinum sativum, Petroselinum crispum, Petroselinum hortense, Carum petroselinum, Apium petroselinum, at Petroselinum sativum.

[SUP]2[/SUP] A. K. Thompson, Fruit and Vegetables, Harvesting Handling and Storage, p. 294.

[SUP]3[/SUP] J. Barnes, L. A. Anderson, J. D. Philipson, Herbal Medicines, 3rd ed., Pharmaceutical Press, 2007, pp. 4576-458; cf. N. G. Bisset, Herbal Drugs and Phytopharmaceuticals, 1994. Tignan din ang T. Navarra, The Encyclopedia of Vitamins, Minerals and Supplements, p. 147.

[SUP]4[/SUP] Ibid., p. 456.

[SUP]5[/SUP] Tignan ang N. G. Bisset 1994; P. R. Bradley (ed), British Herbal Compendium, vol. 1 1992 at British Herbal Pharmacopoeia, 1990; at R. C. Wren, Potter's New Cyclopedia of Botanical Drugs and Preparations, 1988.

[SUP]6[/SUP] Base sa British Herbal Compendium, vol. 1 1992 at British Herbal Pharmacopoeia, 1990. Tignan din ang "Parsley herb and root," sa Herbal Medicine, Expanded Commision E Monographs at O. P. Brown, The Complete Herbalist, p. 133 para sa mga karagdagang rekomendasyon.

[SUP]7[/SUP] Pharmacodynamic Basis of Herbal Medicine, p. 76.

[SUP]8[/SUP] S. H. Buhner, Herbal Antibiotics, p.66.

[SUP]9[/SUP] Maliban sa pagkakaroon ng abortifacient action ng apiole ay hepatotoxic din ito, kapag ang isang tao ay kumunsumo ng higit sa normal na lebel sa mahabang panahon. Ang pagkonsumo ng higit 10 g ng apiole ay maaring magkapagdulot din ng acute haemolytic anemia, thrombocytopenia purpura at nephrosis.



Mga libro at artikulong kinonsulta


A. K. Thompson, Fruit and Vegetables, Harvesting Handling and Storage, Blackwell Publishing, 2003.

C. D. Meletis, N. Zabriskie, R. Rountree, "Rheumatoid Arthritis: Etiology and Naturopathic Treatments," Clinical Natural Medicine Handbook, Mary Ann Listbert, Inc., pp. 344, 347.

D. G. Barceloux, Medical Toxicology of Natural Substances: Food, Fungi, Medicinal Herbs, Plants, and Venomous Animals, John Wiley & Sons, Inc.,: Hoboken, New Jersey, 2008.

D. Hoffman, Medical Herbalism: The Science and Practice of Herbal Medicine, Healing Arts Press: Rochester, Vermont, 2003.

G. Lavy, "Nutmeg intoxication in pregnancy," J. Reprod. Med., 1987, pp. 63-64.

J. A. Duke, The Green Pharmacy, Rodale Press: Emmaus, Pennsylvania, 1997.

________, Handbook of Medicinal Herbs, Boca Raton: CRC, 1985.

J. Barnes, L. A. Anderson, J. D. Phillipson, Herbal Medicines, 3rd ed., Pharmaceutical Press, 2007.

J. E. Pizzomo, M. T. Murray (eds), Textbook of Natural Medicine, vol. 1, 2nd ed., Churchill Livingstone, 1999.

J. K. Aronson (ed), Meyler's Side Effects of Herbal Medicines, Elsevier B. V., 2009.

M. Ebadi, Pharmacodynamics Basis of Herbal Medicine, CRC Press, 2007.

R. L. Buchanan, "Toxicity of spices containing methylenedioxy benzene derivatices: A review," J. Food Safety, 1978.

S. H. Buhner, "Herbal Antibiotics: Natural Alternatives for Treating Drug-Resistant Bacteria," A Medicinal Herb Guide, Storey Books, 1999.
 

Attachments

  • ParsleyIceCream2.jpg
    ParsleyIceCream2.jpg
    468.9 KB · Views: 1
  • Parsley%u00252B2.jpg
    Parsley%u00252B2.jpg
    29.9 KB · Views: 0
  • parsley.png
    parsley.png
    25.4 KB · Views: 3
  • 200px-Myristicin-3D-balls.png
    200px-Myristicin-3D-balls.png
    21.4 KB · Views: 22
  • 200px-Myristicin.svg.png
    200px-Myristicin.svg.png
    3.7 KB · Views: 21
Re: [Survey] Medical conditions, drug/s, herbs, etc., na gusto nyo maunawaa

Up ko lang po. :-)
 
Re: [Survey] Medical conditions, drug/s, herbs, etc., na gusto nyo maunawaa

I-up ko lang po muli.
 
Re: [Survey] Medical conditions, drug/s, herbs, etc., na gusto nyo maunawaa

Interesting project.I would like to contribute sana but I don't have any time pa...
 
Sa mga interesado pa pong magbahagi ng kanilang kaalamang medikal ay maari nyo po akong iPM. Salamat po! :)
 
I-up ko lang po. :-)
 
Back
Top Bottom