sir macky mcp din kayo diba??? san po kayo nagtraining?? tsaka ano po ang mas indemand ngaun in terms sa corporate world, MCP or CCNA/CCNP???? salamat
Meron akong dalawang MCTS title, and currently aiming for MCSA and other IT Vendor certifications. Sa CNCTC ako nag training, meron silang branch sa Espanya malapit sa UST, meron din sa Buendia Makati cnctc.com.ph. Kung tatanong mo kung alin ang mas indemand between Microsoft Certified and Cisco Certified, hindi ko masasagot yan. Mas maganda siguro malaman kung ano ang mas indemand, System Engineer ba or Network Engineer. Sa palagay ko, mas indemand ng konti ang Network Engineer kesa sa System Engineer. Sa palagay ko lang naman yon, dahil sa company namin mas maraming Network Engineer.
Sa palagay ko, it's a matter of choice, kung alin talaga ang gusto mo.
Konting tips lang:
Kung magiging Network Engineer ka syempre puro network devices ang mahahawakan mo like Cisco, HP, Huawei, and other network devices/appliances. Hindi mo lang i-mamanage physically kundi pati configuration ikaw na din.
Kung magiging System Engineer ka syempre puro servers and storage ang kaharap mo, HP, IBM, Dell, may Cisco Server na rin, etc. Dito hawak mo ang OS ng server at lahat ng application na pinapatakbo nito. Maintenance, Monitoring, Troubleshooting, Commissioning/Decommisioning, upgrade, etc.
Ako ang trabaho ko ay Wintel Systems Engineer, ibig sabihin, ako ang nagmamanage ng mga Windows Server at mga application na tumatakbo sa bawat server. Right now, ang target kong ma-master ay ang Data Center Virtualization, habang maaga nagsisimula na ko. Kaya dapat kayo rin sa field na gusto nyo.
Dapat ngayon palang malaman mo na kung ano talaga ang interest mo, hindi yung nalilito pa kung Microsoft or Cisco. Baka magulat kayo dahil hindi lang yan ang kailangan ng isang IT company,
bukod sa Network at Wintel, kapag nag work kayo sa malalaking IT Industry, meron din silang ganito:
AS400
Unix
Database
BURS
NOC/DC Ops/BMO
Service Desk
Desktop/Remote Desktop/Dispatch
Messaging and Collaboration
AV
ITIL
Good luck sa inyo.