Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Mga saktong Banat Lang

One Liner: Mga saktong banat lang.

Ito naman ang mga linya na hindi na kailangan pahabahin,
sapat na ang maiikling salita para maipahiwatig ang nais ng damdamin.



"Palagi na lang pangalawa sa puso ng iba."


"Minsan kailangan mo maging detalyado sa isang bagay dahil iba ang iniisip mo sa iniisip nila."


"Gusto ng Red Card. Binigyan ko siya ng Red Card."

View attachment 167509


"Chicharon ka ba?! Ang ingay mo kasi habang kinakain kita e!"

View attachment 167510


"Para akong puto. At siya naman ay isang keso. Naging espesyal ako nung dumating siya sa buhay ko."


"Ang hirap nung ginagawa mo lahat para makausap siya. Tapos siya parang wala lang sa kanya."


"Alam mo yung emptiness na nararamdaman mo na hindi mo ma ishare sa tao dahil pati ikaw eh hindi mo maintindihan?"


Define single raw. Sabi ko naman “Living Life to the Fullest”.


"Reserve yourself sa taong makikita kung ano ang meron ka. Yung taong ma appreciate yung meron ka na wala sa iba. Never market yourself sa isang tao. Kasi kung totoong katangian mo yun. Mapapansin nila yun."


"Para tayong screensaver eh. Kapag may gumalaw na iba. Bigla tayong nawawala."


"Nagbigay ka nga ng plastic na rosas. Para kamo hindi malanta. Pero paano kung feelings yung nalanta?" Awtsu! :weep:


"Dami ko raw alam sa Love wala naman daw akong Love life. Sbi ko naman, Nakita ko ang dulo ng Love dahil hanggang huli lumaban ako. Pero iniwan."


"Paano daw maiiwasan na maging rebound sa relasyon? Feel ko hindi mo maiiwasan yun eh. Kasi malalaman mo na rebound ka kapag iniwan ka na eh."


"Yung iba handang maghintay. Para lang mapatunayan na siya talaga at hindi yung taong kinakasama nung taong mahal niya."


"Dadating sa point na magmamahal ka na lang ng magmamahal. Kahit wala ng mangyari. Basta na eenjoy mo lang mahalin yung isang tao."


"Darating sa puntong no choice ka na lang kundi para sumaya. Minsan kasi tayo na lang mismo nag hahanap ng mga bagay na ikakalungkot natin eh. Mas maganda pa isipin na lang na lahat ng bagay na wala sayo eh hindi mo kailangan."


"Ang tinding struggle nung gusto mo pa siyang kausap kaso feel mo ayaw na niya. Hindi mo alam kung paano ulit mag uumpisa."


#KapagSingleKa "Stalk ka lang ng stalk sa taong hindi naman mapasayo."


"Dati ganitong oras eh magkausap lang kami. Ngayon? Wala na. Tulala na. Malamig na ulit ang gabi."


"Hindi ko minadali. Hinayaan ko lang siya. Pinasaya ko siya. Sa huli wala pa rin talaga. Dito ko napatunayan na may mga taong hindi sayo nakalaan."


"Kapag palagi kang nasasaktan. Dadating sa puntong kapag naulit uli yun. Parang wala na lang. Wala ka na ring mararamdaman."


"Siguro nga kulang ka lang sa pinagkaka-abalahan kaya may oras ka pa malungkot."


"Iiwan-iwan tapos kapag masaya na sa iba. Babawiin. Hindi naman kami day care center para ganunin."


"Sana wag mo ko sanaying andyan ka lang. Gusto ko akin ka rin."


"Ayaw mo ng mawala kasi ramdam na ramdam mong siya na eh. Kaya ipaglalaban mo kahit anong mangyari."


"Pag hindi kakamustahin. Hindi ka maaalala."


"Umaasa ka tapos hindi mo alam ikaw lang pala nag-iisip ng ikaka asa mo."


"Di bale ng magulo ang kwarto. At least alam ko hahanapin kung nasaan lahat ng gamit ko."


"Kasi hindi pag momove on yan kung umaasa ka pa rin sa kanya."


"Huwag mong madaliin. Para hindi masayang."​
 

Attachments

  • tumblr_inline_n3ay14Ijt91qabhn5.jpg
    tumblr_inline_n3ay14Ijt91qabhn5.jpg
    9.3 KB · Views: 90
  • tumblr_inline_n35j4i48PT1qabhn5.jpg
    tumblr_inline_n35j4i48PT1qabhn5.jpg
    9.5 KB · Views: 42
Last edited:
boy: email ka ba?
girl: bakit?
boy:kasi i'm attached to you

- - - Updated - - -

tunay pala yung lahat ng sobra ay nakamamatay...

gaya mo...sobra kitang iniisip

yan tuloy...patay na patay ako sayo
 
masisisi mo bang ako'y naging tanga...

kung ang tanging laman ng isipan ko'y ikaw lamang,,,,
 
Para pala tayong papel at ballpen...
Ako yung papel at ikaw ang ballpen kasi...
I'm so plain without you...
 
Salamat TS buhay kapa :)

Ingat kayo! Baka wala may nagsasabi sa inyo! HAHAH
 
"Babakuran ka nila tapos hindi naman sila handa sa commitment.''


''Makita sana ng mga taong mahal ko kung ano ang laman ng puso ko. Kasiyahan lang lagi ang nais ko sa kanilang lahat at never ako nag-isip ng masama para sa kanila. Kung alam lang nila kung gaano ko sila pinahahalagahan, lalo pa nila akong mamahalin.‬''


''Sa oras kasi na masakal yan, may tendency na maglilihim na sayo yan. Kumbaga gagagawa na ng mga bagay yan para ma enjoy niya yung sarili niya. Kasi nasasakal siya sayo eh. Dapat maisip mo din yung tendency na baka madali siyang magsawa. Ganyan pag naging sobrang clingy ka sa kanya. Tipong lahat na lang ng galaw niya eh gusto mong kasama ka sa buhay niya.''

..........''Mag-isip ka rin ng pagkaka abalahan. Para naman hindi sa kanya umikot ang mundo mo.''



"Di na bago sa akin yung biglang nawawala. Kaya kung may dumating na biglang aalis ulit? Baka sabihan ko pa silang mag-ingat. Dumating sa punto ng buhay ko na pinili ko na lang palagi maging masaya at napatunayan kong pwede naman pala. Maarte lang talaga ako dati.'' :lol::lol::lol:


''Reserve yourself sa taong makikita kung ano ang meron ka. Yung taong ma appreciate yung meron ka na wala sa iba. Never market yourself sa isang tao. Kasi kung totoong katangian mo yun. Mapapansin nila yun.'' ---Mutya Buena



“May moment ba sa buhay mo na sinabi mong okay lang mag sinungaling?”

......"Oo. ‘Yong sinabi nilang hindi na nila ako mahal at may mahal na silang iba. Ayon yung araw na sinabi ko na sana nagsisinungaling lang sila. Gusto ko pa nga sabihin na "Uy! Galing mo mag joke ah!” Pero hindi. After nun, hindi na siya ngumiti. Hindi na bumalik yung ngiti, yung tawagan, yung atensyon, yung oras. Gumising ako mag-isa kinabukasan. Walang kausap at naghahanap ng kaibigan. After ng lahat ng 'yon nawala lahat. Walang kami, walang tayo. Pero merong sila.“



"Pinabayaan mo tapos ayaw mong mapunta sa iba? Paano naman siya?''



''Yung hihilingin mo na kapag magsasakripisyo sila eh ikaw naman yung hindi mawawala. Ito lagi eh. Madalas kasi sa pagpipilian. Madalas.. Tayo yung naiiwan.''



''Yung marami ka na palang nagawa pero hindi mo na appreciate kasi walang nakakita nung worth mo. Palaging pinapakita ng mga taong malapit sa ‘yo na hindi ka palaging okay pero matagal ka na palang okay.''



''Magiging masaya ka rin. Yung sayang hindi ka na kakabahan na baka maging sobrang lungkot ka ulit.''



Alam mo yung ginagawa mo lahat para maging positive sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa ‘yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng lesson na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo.





 
There is no such thing as perfect...

That is why we're looking for someone to make that imperfect perfect...
 
Salamat sa update!

- - - Updated - - -

"Masaya kayo noon,
Masaya na siya sa iba ngayon" :weep:
 
Mapa ka ba?

kasi i'm completely lost without you...
 
Ngayon ko lang na realize na hindi lang pala sa bangin pwedeng mahulog...

Gaya ng feelings ko...nahulog sa iyo...
 
Okay lang iwan ako ng mahal ko, wag lang yung symbianize na ginawa kong tambayan. :weep:

May mga pangyayaring di mo inaasahan, kala mo di ka iiwan, bakit symbianize? BAKIT? :weep:
 
Last edited:

Congrats niyo!!! ako kasi masaya ang puso ko kahit walang boyfriend. Dati kasi akala ko ‘yon ang solusyon para sumaya. Tapos maiisip ko na pwedeng pwede pala talaga ‘yon. Pero naghahanap pa rin ako ha? Hahaha! Sana sa malulungkot na tao ngayon, maabot niyo ‘yong phase na happy kayo kasi na-aapreciate niyo lahat ng nasa paligid niyo. Alisin lahat ng negative sa buhay. Be the best you. Gawin mo palagi best mo para mag improve sa lahat ng bagay na ikakasaya mo
 

Congrats niyo!!! ako kasi masaya ang puso ko kahit walang boyfriend. Dati kasi akala ko ‘yon ang solusyon para sumaya. Tapos maiisip ko na pwedeng pwede pala talaga ‘yon. Pero naghahanap pa rin ako ha? Hahaha! Sana sa malulungkot na tao ngayon, maabot niyo ‘yong phase na happy kayo kasi na-aapreciate niyo lahat ng nasa paligid niyo. Alisin lahat ng negative sa buhay. Be the best you. Gawin mo palagi best mo para mag improve sa lahat ng bagay na ikakasaya mo

Mamimiss ko tong thread na to :(
 
It's okay. Hindi mo kailangang magmadali. May sarili kang timeline, may sarili kang timing - timing na inassign ni God sa buhay mo.
Walang deadline ang buhay kaya wag mong ikumpara ang progress mo sa iba. May sarili tayong storyline. "Go lang sa kung saan ka sasaya.''



#DearSelf I hope you're okay now. Well, ganyan talaga ang life, hindi lagi masaya pero I'll tell you this: LIFE IS BEAUTIFUL. Yung mga struggles? Parang spiritual and emotional GYM lang. No pain, no gain. You'll be okay soon.


''So kapag crush kita, dapat crush mo rin ako.'' 😂



''Pag-ibig, napakagandang salita.'' ♥️😊



''Kaya wala na, finished na.''



''Baka kaya hindi ka nagiging masaya kasi hindi mo kayang mahalin ang sarili mo.''



''Eh kung hindi ngayon, kailan? Uy! Sayang ang oras! Push mo na yan, please.'' 🙏🏻💪🏻



''Pahinga muna ang puso mula sa sakit. Pahinga muna mula sa mga nasasayang na oras, mga pag-ibig na hindi pinapahalagahan, mga effort na hindi naa-appreciate. Hindi ako titigil sa pagmamahal, magpapahinga lang muna siguro sa pakikipagrelasyon. Sa ngayon career muna. Priorities muna. Sarili muna.''



''Ang mali kasi sa atin, nagpapaapekto tayo. Dapat push lang. Dapat continue lang. Strong tayo! Focus sa intensyon ng puso, hindi sa opinyon ng ibang tao.'' 💪🏻♥️



Kaya siguro tayo nasasaktan kasi sobra sobra tayong magtiwala sa mga taong inaakala nating rerespetuhin at pahahalagahan ang tiwalang binibigay natin sa kanila. 😭😭😭💔



''Sige ganito na lang, ako ang lalayo, ikaw ang sasaya. Lalayuan kita kasi alam kong wala rin namang pag-asa. Mahirap naman kasing pilitin ang puso mong mahalin ako, di ba?''



''Lumuluha ka hindi dahil mahina ka kundi dahil kailangan mo.''



Napaasa? Naiwan? Niloko? Pinagpalit? Sinaktan?



''Wag kang magmukmok sa loob. Makulay sa labas.''




''Sa lugar kung saan masaya, sa lugar kung saan nahanap ko na siya.'' 💚


 
ayoko ng ikaw at ako...

ang gusto ko eh...maging tayo
 
Paano natin ipaglalaban kung alam natin na mali?
 
"Mababa lang yung chansa pero hindi ibig sabihin non ay wala nang pag-asa."

"Masaya abangan ang kinabukasan kaya huwag mo sukuan."

- - - Updated - - -

Huwag na huwag mong pag tatawanan ang mga pinili ng asawa mo. Tandaan mo, Isa ka sa mga yun.
 
Last edited:
Back
Top Bottom