Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mga tanong regarding INC

Status
Not open for further replies.
mga tanonng ko lang:

kailan po nagsimula ang mga huling araw?


kailangan ba na magsuot ng belo ang mga kababaihan sa tunay na paglilingkod?
 
Mga katanungan lang..

1.Bakit registered ang INC as a business? Ewan ko lang ha, pero eto unang relihiyon na nadinig ko na registered bilang isang corporation.

Ans. ang INC kasi ay pagmamay-ari ng lahat ng miyerbro, di ng isang tao lang at nakalagay din kasi sa biblia nyan

2. Totoo bang kinasuhan si felix manalo ng rape ng kanyang mga alagad sa INC?

Ans. Nasan ?

3. Sabi ng INC ang mga tunay na propeta hindi nagkakasalungat ang mga pahayag. Eh ang dami ko nabasa na pahayag at turo ng INC na contradicting mga statement. Bkt ganun?

Ans. Salita mo lang yan, patunayan mo.

4. Pati ba yung pag aasawa ng dapat eh INC member lang din nasusulat sa bibliya? O paraan lang ito para makapag recruit ng mga member.. (daig pa neto networking ah, dun walang pilitan mag join eh)

Ans. Oo maging ang bayan Israel ay pinagbawalan na mag-asawa ng taga-ibang lahi, tignan mo sa lumang tipan habang naglalabay sila patungo sa lugar ng pangako.

5. Bakit pag nagbabasa ng mga bible verses, minsan di nila tinatapos buong verse para lang suportahan yung point nila.

Ans. nakikinig ka ba sa TV o pamamahayag, diba tinatapos naman, natutulog ka siguro kaya di mo napapansin.
 
Advice lang : Sa mga katanungan ukol sa inc

mga katanungan lang..

1.bakit registered ang inc as a business? Ewan ko lang ha, pero eto unang relihiyon na nadinig ko na registered bilang isang corporation.

2. Totoo bang kinasuhan si felix manalo ng rape ng kanyang mga alagad sa inc?

3. Sabi ng inc ang mga tunay na propeta hindi nagkakasalungat ang mga pahayag. Eh ang dami ko nabasa na pahayag at turo ng inc na contradicting mga statement. Bkt ganun?

4. Pati ba yung pag aasawa ng dapat eh inc member lang din nasusulat sa bibliya? O paraan lang ito para makapag recruit ng mga member.. (daig pa neto networking ah, dun walang pilitan mag join eh)

5. Bakit pag nagbabasa ng mga bible verses, minsan di nila tinatapos buong verse para lang suportahan yung point nila.

6. Kelan na baptismuhan si felix manalo bilang iglesia?

7. Bakit walang record sa "pacific school of religion" si felix manalo? Dito sinasabing nag aral sya ng bible studies pero wala sya sa enrollment list o sa tala ng mga alumni. Kahit mismo ang mga taga inc walang maipakitang katibayan na mapag papatunay sa pangyayaring ito..

8. Bakit inabot ng 8 taon bago pinahayag ni felix manalo na sya ang huling sugo ng diyos? Bakit hindi ito nabanggit nung mismong pagkakatatag ng inc nung 1914.

October 27, 2009

9. Porke ba pinangalanan na iglesia ni cristo ang kanilang samahan, ibig ba sabihin eh sila na ang tunay na iglesia ni cristo? Eh tao lang naman si cristo ayun sa inc. Eh bakit yun pag ang ginawang pangalan? Bakit di na lang "iglesia ng diyos"?

November 2, 2009

napakarami mong katanungan,mga katanungan n hindi na isang bagong bagay,matagal ng sinagot yan ng tama,,kung gusto mo talagang malaman ang tunay na kasagutan sa mga tanong mo o sa mga magtatanong pa,..makinig kayo ng aral sa loob ng inc ,makinig sa mga ministro ng inc.magpunta sa mga kapilya ng inc,at makinig ng aral sa pangangaral ng mga ministro ng inc...
 
Bakit naniniwala ang mga INC sa bible at hindi sa quran? Anong basis nila?
 
Tanong lang po mga kapatid, Bakit pagkain lang po ng dugo yung ipinagbabawal sa inyo?bakit yung pagkain sa baboy ay hindi po bawal?
 
ANO PO MASASABI NYO DITO?
*KAPITULO BERSIKULO Sabi ni Eli Soriano, INC, atbp nilinis na daw ang baboy, totoo kaya ito?



*KAPITULO BERSIKULO Episode 13 Bakit naging Linggo ang Sabado?




 
Last edited:
MAGANDA ANG MGA TANUNG MU BROTHER... my isa lang akung request sayu.. pakibasa po at Saliksiking MAbuti Maraming salamat po.... medyo mahaba po. sana mapagtyagaan mu.. Tutal nagsasaliksaik karin lang naman ^_^


Ganap na naunawaan natin na ang [Anghel] o Sugo na may taglay na tatak ng Diyos ay si Kapatid na Felix Manalo ang tinutukoy ayon sa katuparan ng hula. Walang lumitaw na sugo ng Diyos na tagapangaral ng Ebanghelyo rito sa Pilipinas na lahing Pilipino at kababayan natin noong 1914 kundi si Kapatid na Felix Manalo. Kaya siya ang tiyak na katuparan ng hula ng Diyos, sapagka’t ang panahon at ang dakong lilitawan ng Sugo na may taglay ng tatak ng Diyos ay sa kanya lamang nasusukat.

Nguni’t ang maliwanag at tiyak na katuparan ng hulang ito kay Kapatid na Felix Manalo ay mayroon pa ring nag-aalinlangan at hindi lubos na matanggap ang katotohanang ito. Bakit? Sapagka’t ayon sa kanilang sariling pagkaunawa ay wala na raw Sugo ng Diyos sa huling araw na ito. Totoo nga kaya ang kanilang inaakala at sinasabing ito?

Mayroon Bang Itinalagang
Huling Sugo Ang Diyos?
Sa Isa. 41:4, ay ganito ang ipinakikilala:

“Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga.”

Mayroon bang itinalagang Huling Sugo ang Diyos? Mayroon. Ayon sa Diyos, Siya ang gumawa at yumari ng mga sali’t saling lahi mula nang una. Ang Diyos ay kasama ng mga unang tinawag. Kasama rin ba ang Diyos ng Kanyang tinawag na HULI? Kasama ng huli. Kailan tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Sa Isa. 41:9, ay sinasabi ang ganito:

“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”

Kailan tatawagin ng Diyos ang Huling Sugong ito? Ang Huling Sugo ay tatawagin ng Diyos mula sa “mga wakas ng lupa.” Kailan ang tiyak na panahon ng “mga wakas ng lupa?” Sa pag-alam ng tiyak na panahon nito ay hindi natin maiiwasan na pag-aralan ang pagkakahati-hati ng panahon ni Cristo. Sa ilang bahagi nababahagi ang panahon ni Cristo? Sa Apoc. 5:1, ay ganito ang sinasabi:

“At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.”

Sa ilang bahagi nahahati ang panahon ni Cristo? Sa talatang ating ginamit ay may binanggit na isang aklat na may pitong tatak. Tunay bang aklat o libro ito? Sa Isa. 29:11, ay ganito ang paliwanag:

“At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan.”

Tunay bang aklat o libro ang may pitong tatak? Hindi, kundi mga pangitain na itinulad lamang sa aklat. Ang aklat o pangitain ay may pitong tatak. Ipinakita nga ba sa pangitain ang panahon ni Cristo, mula sa Kanyang pagkapanganak hanggang sa Kanyang pagparito sa paghuhukom? Sa Apoc. 1:10, 19, ay ipinakikilala ang ganito:

“Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

“Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.”

Ipinakita ba sa pangitain ang buong panahon ni Cristo? Ipinakita. Ang buong panahon ni Cristo ay ipinakita kay Juan Apostol sa pangitain at ipinasulat. Ito ang itinulad sa pitong buko ng panahon ni Cristo. Alin sa pitong tatak o buko ng panahon ni Cristo ang “mga wakas ng lupa”? Ito’y nasa dulo ng ikaanim na tatak. Bakit? Sapagka’t ang dulo ng ikaanim na tatak ay ISANG WAKAS. Pagkatapos ng ikaanim na tatak ay simula naman ng ikapitong tatak at ito ang wakas na hati ng panahon ni Cristo, sapagka’t sa dulo nito ay ang paghuhukom. Kaya ang katapusan ng ikaanim na tatak at ang simula ng ikapitong tatak ay DALAWANG WAKAS. Kung gayon, ang “mga wakas ng lupa” ay nagsisimula sa dulo ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo na siyang panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO. Paano natin matitiyak kung kalian ang panahon ng “mga wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao? Dapat nating malaman ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak o buko ng panahon ni Cristo. Ano ba ang pangyayaring naganap sa panahong iyon? Sa Apoc. 6:12, 15, ay sinasabi ang ganito:

“At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak…”

Ano ang pangyayaring naganap sa dulo nito?

“At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok.”

Ano ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo? Ang pagtatago sa yungib ng mga hari, ng mga prinsipe, ng mga pangulong kapitan, ng mayayaman, ng mga laya at ng mga alipin. Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao? Sa Jer. 4:13, 19, ay ganito ang pahayag:

“Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.


“Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”

Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo? Sila’y magsisipagtago sa yungib dahil sa magaganap na DIGMAAN. Anong uring digmaan ito? Ito’y isang digmaang makabago, sapagka’t ito’y gagamitan ng mga kasangkapang pandigma na makabago na hindi pa ginamit sa mga digmaang nakaraan. Anu-anong mga bagong kasangkapang pandigma ang gagamitin? Gagamitan ito ng mga karo na sasagupang parang mga ipuipo na umiikot. Ito ang mga tangke. Gagamitan din ng mga kabayong matulin pa kay sa mga agila na may dalang kapahamakan. Ito ang mga eroplano na kung tawagin ng Kasaysayan ay “aerial cavalry” o kabayuhang paghimpapawid. Kapag sumasalakay ang mga eroplano ng mga kaaway ay inihuhudyat o may sirenang tumutunog na babala sa mga tao na sila’y dapat magsipagtago sa yungib. Ang mga tao naman ay magsisipagtago sa “air raid shelter” o sa yungib. Anong uring digmaan ang unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano ? Ayon sa pahayag ng Diyos ang digmaang iyan ay DIGMAANG PANDAIGDIG, sapagka’t ang lahat ng mga bansa at ang lahat ng kanilang mga hukbo ay makakasangkot sa digmaang iyan (Isa. 34:1-2). Mayroon nga bang naganap na Digmaang Pandaigdig na unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano? Mayroon. Alin ito? Ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng mga “wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao ay 1914. Ayon naman sa ating Panginoong Jesucristo, magaganap nga ba ang digmaang ito sa katapusan ng ikaanim na tatak na siyang pintuan ng ikapitong tatak o buko ng panahon ni Cristo? “Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Mat. 24:33). Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, kapag nakita na ang digmaang ito, ito’y pintuan na. Pintuan ng ano itong digmaan noong 1914? Sa Apoc. 8:1, ay sinasabi ang ganito: “At nang buksan niya ang ikapitong tatak…” Ang digmaan noong 1914 ay pintuan ng ikapitong tatak ng panahon ni Cristo. Ang katapusan ng ikaanim na tatak ay siyang pinto ng ikapitong tatak na huling hati ng panahon ni Cristo. Kaya ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak na tinatawag na “mga wakas ng lupa” o 1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO ay 1914.


Paano Inihalal Ng Diyos
Ang Kanyang Huling Sugo
Sa Isa. 41:9, ay ganito ang pahayag:

“ Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”

Paano inihalal ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Ang Huling Sugo ay tinawag ng Diyos mula sa mga sulok niyaon. Alin ba ang mga sulok na ito? Ang mga sulok o direksiyon ng lupa. Alin-alin ito? Silangan, Kanluran, Hilagaan at Timugan (Isa. 43:5-6). Sa lahat ba ng mga sulok o direksiyong ito ng lupa tatawagin ang Huling Sugo? Hindi, kundi sa mga sulok. Saan-saang mga sulok o direksiyon ng lupa tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Sa Timugan, sa Hilagaan at sa Silanganan. Paano tinawag ng Diyos ang Sugong ito sa Timugan? Ang Sugong ito, dati’y isang Katoliko. Ang Iglesia Katolika na nasa Pilipinas ay galing sa Roma. Ang Roma, ayon sa mapa, ay nasa TIMOG ng Europa. Pagkaraan ng ilang panahon, ang Sugong ito’y nalipat sa Protestante. Ang Protestanteng nasa Pilipinas ay nanggaling sa Hilagang Amerika. Ang Amerika bagaman at nasa Kanluran ng mundo ay nagkaroon ito ng dalawang lupalop. Ang isa’y tinatawag na Hilagang Amerika (North Amerika) at ang isa nama’y tinatawag na Timog Amerika (South Amerika). Ito’y nakakatulad din ng lalawigan ng Ilocos, bagaman nasa Hilaga ng Luson ay may tinatawag na Ilocos Norte at Ilocos Sur. Alin naman ang tiyak na dako ng Sugong ito na tinutukoy ng Diyos sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:

“Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

Alin ang dako ng Huling Sugo na tinutukoy ng Diyos sa hula? Ayon sa hula, ang Diyos ay may tinawag na Ibong Mandaragit mula sa silanganan. Ito ba’y talagang ibon? Hindi, ito’y taong gumagawa ng payo ng Diyos. Saan nagmula ang tao? Sa malayong lupain. Sapagka’t ang ibon ay yaon din ang tao at ang ibon ay mula sa Silanganan at ang tao ay mula sa Malayo, kaya ang pagmumulan ng Sugong ito ay sa Malayong Silangan. Saan naman magmumula ang lahi ng Sugong ito? Sa Isa. 43:5-6, ay sinasabi ang ganito:

“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

“Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”

Saan magmumula ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw? Ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw ay magmumula rin sa Malayong Silangan. Pinupuna kami ng aming mga kalaban sa paggamit ng Isa. 43:5-6. Hindi raw kami marunong gumamit ng talata ng Biblia. Bakit? Sapagka’t iyon daw salitang Silangan at Malayo na magkahiwalay ng talata ay pinagsasama at pinaglalapit daw namin. Ang salitang Silangan daw ay nasa talatang 5 at ang salitang Malayo raw naman ay nasa talatang 6. Kung ang salitang Silangan at Malayo sa Bibliang Tagalog na isinalin ng mga Protestante ay magkahiwalay at hindi magkasama sa isang talata ay hindi dapat isisi sa amin. Hindi rin dapat na paratangan kami na hindi marunong gumamit ng mga talata ng Biblia kung aming pagsamahin sa isang talata ang dalawang salitang ito. Bakit? Sapagka’t hindi kami ang nagsalin ng Biblia. Sa Bibliang Ingles ba’y talagang magkasama sa isang talata ang salitang Silangan at Malayo? Opo. Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito ang sinasabi: “From the far east will I bring your offspring…” (Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).

Samakatuwid, ayon sa katuparan ng hula, ang Sugo ng Diyos sa Huling Araw at ang kanyang lahi ay magmumula sa Malayong Silangan. Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan? Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, sa dahong 445, ay ganito ang sinasabi:

“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far East.”

Sa Wikang Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:

“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan.”

Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan? Ang PILIPINAS. Kung gayon, ang Sugo ng Diyos sa huling Araw na ito ay taga Pilipinas o isang Pilipino. Siya’y naging Katoliko muna, pagkatapos ay naging Protestante, at saka pa lamang tinawag ng Diyos sa kanyang bayang Pilipinas na maging Sugo noong 1914.

Paano natin matitiyak at makikilala kung sino ang kinatuparan ng hulang ito? Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mismong taong kinatuparan ng hula. Sino ang nagpapakilalang kinatuparan ng hulang ito? Si Kapatid na Felix Manalo. Tangi ba sa kanya ay may iba pang nagpapakilala na kinatuparan ng hulang ito? Wala na! Bakit naman wala nang iba pang kinatuparan ng hulang ito kundi si Kapatid na Felix Manalo? Sapagka’t ang hula ay tanging ukol lamang sa kanya at para sa kanya! Totoo bang si Kapatid na Manalo dati’y isang Katoliko at pagkatapos ay naging Protestante? Opo. Totoo bang mula sa Protestante ay tinawag siya ng Diyos sa kanyang Bayang Pilipinas noong 1914 upang maging Kanyang Sugo sa Huling Araw na ito? Opo. Ano ang katunayan? Ipinangaral ni Kapatid na Manalo ang Iglesia ni Cristo at ito’y narehistro sa ating Pamahalaan noong 1914. Tunay na Pilipino ba siya? Opo. Kung gayon, si Kapatid na Felix Manalo ang Huling Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito na tinawag ng Diyos dito sa Pilipinas noong 1914!

ETO LANG PO ANG MASASABI KO: IISANG RELIHIYON LANG ANG ILILIGTAS SA PAGDATING NG ARAW NG PAG HUHUKOM...
MAY NAALALA TULOY AKUNG ISANG TALATA SA BIBLIYA SA MATEO: 16:18

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

TANUNG KULANG SINU BA ANG ANG ILILIGTAS NI CRISTO? DIBA ANG KANYANG IGLESIA?
SINU BA ANG ULO NG IGLESIA? DIBA SI CRISTO?
SINU ANG KATAWAN? DIBA ANG IGLESIA?
ANUNG BA SABI NI CRISTO SA ISANG TALATA NG BIBLIYA?
ANG LAHAT NANG PUMASOK SAKIN AY MALILIGTAS

SANA INTINDIHIN MU ETONG MABUTI SALAMAT..... AT SANA LUMIWANAG SA ISIP MU ANG MGA NAKASULAT NATO salamat....
 
Last edited:
^^^

Tanong lang... Ano ba ang tama Iglesa ni Cristo o Iglesia ng Dios???

Nagtitiwala ba kayo kay Cristo??

Tska kelan tinawag na "Far East" ang Pilipinas??? Wala naman po akong nabasang "The Philippines is the Far East" manapa "The Philippines is in the Far East" magkaiba po kasi yung dalawa... ;)

~~~O~~~~~O~~~~~O~~~

Para naman po sa Call for help ni ka Angel Manalo, sino naman po kaya ang nagbabanta sa kanilang mag-ina??? At bakit??? Are they really held hostage by INC's security forces??? Bakit hindi kinakausap ni ka Eduardo Manalo ang kanyang Ina?? :think:
 
dahil wala naman daw hostage na nangyari ayon sa NBI..di natin sila masisisi kung sasabihin ng spokesperson ng INC na hindi totoo ang hostage.sabi nga kung mag aakusa ka ay kailangan mong patunayan..so far daw ay wala pa naman evidence.at napansin ko lang,masyadong loyal ang mga INC sa lider nila.kung sa iba yun, dahil sa kumalat na video ay di na magpupuntahan yung mga yan sa phil arena..kaso kabaligtaran ang nangyayari.nanawagan sila na pumunta sa tandang sora pero mas marami pa ang pumuntang media kesa sa mga tinatawagan nila..ibig sabihin nyan ay HINDI SILA APEKTADO NG NAGAGANAP sa loob ng INC.TULOY TULOY PA RIN SILANG SUMASAMBA,UMAAWIT<NAG AABULOY AT NAGPAPASAKOP sa PAMAMAHALA nila..sana ganto rin ang PILIPINAS..
 
maganda ang mga tanung mu brother... My isa lang akung request sayu.. Pakibasa po at saliksiking mabuti maraming salamat po.... Medyo mahaba po. Sana mapagtyagaan mu.. Tutal nagsasaliksaik karin lang naman ^_^


ganap na naunawaan natin na ang [anghel] o sugo na may taglay na tatak ng diyos ay si kapatid na felix manalo ang tinutukoy ayon sa katuparan ng hula. Walang lumitaw na sugo ng diyos na tagapangaral ng ebanghelyo rito sa pilipinas na lahing pilipino at kababayan natin noong 1914 kundi si kapatid na felix manalo. Kaya siya ang tiyak na katuparan ng hula ng diyos, sapagka’t ang panahon at ang dakong lilitawan ng sugo na may taglay ng tatak ng diyos ay sa kanya lamang nasusukat.

Nguni’t ang maliwanag at tiyak na katuparan ng hulang ito kay kapatid na felix manalo ay mayroon pa ring nag-aalinlangan at hindi lubos na matanggap ang katotohanang ito. Bakit? Sapagka’t ayon sa kanilang sariling pagkaunawa ay wala na raw sugo ng diyos sa huling araw na ito. Totoo nga kaya ang kanilang inaakala at sinasabing ito?

Mayroon bang itinalagang
huling sugo ang diyos?
Sa isa. 41:4, ay ganito ang ipinakikilala:

“sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga.”

mayroon bang itinalagang huling sugo ang diyos? Mayroon. Ayon sa diyos, siya ang gumawa at yumari ng mga sali’t saling lahi mula nang una. Ang diyos ay kasama ng mga unang tinawag. Kasama rin ba ang diyos ng kanyang tinawag na huli? Kasama ng huli. Kailan tatawagin ng diyos ang kanyang huling sugo? Sa isa. 41:9, ay sinasabi ang ganito:

“ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”

kailan tatawagin ng diyos ang huling sugong ito? Ang huling sugo ay tatawagin ng diyos mula sa “mga wakas ng lupa.” kailan ang tiyak na panahon ng “mga wakas ng lupa?” sa pag-alam ng tiyak na panahon nito ay hindi natin maiiwasan na pag-aralan ang pagkakahati-hati ng panahon ni cristo. Sa ilang bahagi nababahagi ang panahon ni cristo? Sa apoc. 5:1, ay ganito ang sinasabi:

“at nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.”

sa ilang bahagi nahahati ang panahon ni cristo? Sa talatang ating ginamit ay may binanggit na isang aklat na may pitong tatak. Tunay bang aklat o libro ito? Sa isa. 29:11, ay ganito ang paliwanag:

“at ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: At kaniyang sinasabi, hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan.”

tunay bang aklat o libro ang may pitong tatak? Hindi, kundi mga pangitain na itinulad lamang sa aklat. Ang aklat o pangitain ay may pitong tatak. Ipinakita nga ba sa pangitain ang panahon ni cristo, mula sa kanyang pagkapanganak hanggang sa kanyang pagparito sa paghuhukom? Sa apoc. 1:10, 19, ay ipinakikilala ang ganito:

“ako'y nasa espiritu nang araw ng panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

“isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.”

ipinakita ba sa pangitain ang buong panahon ni cristo? Ipinakita. Ang buong panahon ni cristo ay ipinakita kay juan apostol sa pangitain at ipinasulat. Ito ang itinulad sa pitong buko ng panahon ni cristo. Alin sa pitong tatak o buko ng panahon ni cristo ang “mga wakas ng lupa”? Ito’y nasa dulo ng ikaanim na tatak. Bakit? Sapagka’t ang dulo ng ikaanim na tatak ay isang wakas. Pagkatapos ng ikaanim na tatak ay simula naman ng ikapitong tatak at ito ang wakas na hati ng panahon ni cristo, sapagka’t sa dulo nito ay ang paghuhukom. Kaya ang katapusan ng ikaanim na tatak at ang simula ng ikapitong tatak ay dalawang wakas. Kung gayon, ang “mga wakas ng lupa” ay nagsisimula sa dulo ng ikaanim na tatak ng panahon ni cristo na siyang panahon ng pagtawag ng diyos sa kanyang huling sugo. Paano natin matitiyak kung kalian ang panahon ng “mga wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao? Dapat nating malaman ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak o buko ng panahon ni cristo. Ano ba ang pangyayaring naganap sa panahong iyon? Sa apoc. 6:12, 15, ay sinasabi ang ganito:

“at nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak…”

ano ang pangyayaring naganap sa dulo nito?

“at ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok.”

ano ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni cristo? Ang pagtatago sa yungib ng mga hari, ng mga prinsipe, ng mga pangulong kapitan, ng mayayaman, ng mga laya at ng mga alipin. Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao? Sa jer. 4:13, 19, ay ganito ang pahayag:

“narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! Sapagka't tayo'y nangapahamak.


“ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”

ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni cristo? Sila’y magsisipagtago sa yungib dahil sa magaganap na digmaan. Anong uring digmaan ito? Ito’y isang digmaang makabago, sapagka’t ito’y gagamitan ng mga kasangkapang pandigma na makabago na hindi pa ginamit sa mga digmaang nakaraan. Anu-anong mga bagong kasangkapang pandigma ang gagamitin? Gagamitan ito ng mga karo na sasagupang parang mga ipuipo na umiikot. Ito ang mga tangke. Gagamitan din ng mga kabayong matulin pa kay sa mga agila na may dalang kapahamakan. Ito ang mga eroplano na kung tawagin ng kasaysayan ay “aerial cavalry” o kabayuhang paghimpapawid. Kapag sumasalakay ang mga eroplano ng mga kaaway ay inihuhudyat o may sirenang tumutunog na babala sa mga tao na sila’y dapat magsipagtago sa yungib. Ang mga tao naman ay magsisipagtago sa “air raid shelter” o sa yungib. Anong uring digmaan ang unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano ? Ayon sa pahayag ng diyos ang digmaang iyan ay digmaang pandaigdig, sapagka’t ang lahat ng mga bansa at ang lahat ng kanilang mga hukbo ay makakasangkot sa digmaang iyan (isa. 34:1-2). Mayroon nga bang naganap na digmaang pandaigdig na unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano? Mayroon. Alin ito? Ang unang digmaang pandaigdig noong 1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng mga “wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao ay 1914. Ayon naman sa ating panginoong jesucristo, magaganap nga ba ang digmaang ito sa katapusan ng ikaanim na tatak na siyang pintuan ng ikapitong tatak o buko ng panahon ni cristo? “gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (mat. 24:33). Ayon sa ating panginoong jesucristo, kapag nakita na ang digmaang ito, ito’y pintuan na. Pintuan ng ano itong digmaan noong 1914? Sa apoc. 8:1, ay sinasabi ang ganito: “at nang buksan niya ang ikapitong tatak…” ang digmaan noong 1914 ay pintuan ng ikapitong tatak ng panahon ni cristo. Ang katapusan ng ikaanim na tatak ay siyang pinto ng ikapitong tatak na huling hati ng panahon ni cristo. Kaya ang unang digmaang pandaigdig ay naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak na tinatawag na “mga wakas ng lupa” o 1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng pagtawag ng diyos sa kanyang huling sugo ay 1914.


Paano inihalal ng diyos
ang kanyang huling sugo
sa isa. 41:9, ay ganito ang pahayag:

“ ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”

paano inihalal ng diyos ang kanyang huling sugo? Ang huling sugo ay tinawag ng diyos mula sa mga sulok niyaon. Alin ba ang mga sulok na ito? Ang mga sulok o direksiyon ng lupa. Alin-alin ito? Silangan, kanluran, hilagaan at timugan (isa. 43:5-6). Sa lahat ba ng mga sulok o direksiyong ito ng lupa tatawagin ang huling sugo? Hindi, kundi sa mga sulok. Saan-saang mga sulok o direksiyon ng lupa tatawagin ng diyos ang kanyang huling sugo? Sa timugan, sa hilagaan at sa silanganan. Paano tinawag ng diyos ang sugong ito sa timugan? Ang sugong ito, dati’y isang katoliko. Ang iglesia katolika na nasa pilipinas ay galing sa roma. Ang roma, ayon sa mapa, ay nasa timog ng europa. Pagkaraan ng ilang panahon, ang sugong ito’y nalipat sa protestante. Ang protestanteng nasa pilipinas ay nanggaling sa hilagang amerika. Ang amerika bagaman at nasa kanluran ng mundo ay nagkaroon ito ng dalawang lupalop. Ang isa’y tinatawag na hilagang amerika (north amerika) at ang isa nama’y tinatawag na timog amerika (south amerika). Ito’y nakakatulad din ng lalawigan ng ilocos, bagaman nasa hilaga ng luson ay may tinatawag na ilocos norte at ilocos sur. Alin naman ang tiyak na dako ng sugong ito na tinutukoy ng diyos sa hula? Sa isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:

“na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

alin ang dako ng huling sugo na tinutukoy ng diyos sa hula? Ayon sa hula, ang diyos ay may tinawag na ibong mandaragit mula sa silanganan. Ito ba’y talagang ibon? Hindi, ito’y taong gumagawa ng payo ng diyos. Saan nagmula ang tao? Sa malayong lupain. Sapagka’t ang ibon ay yaon din ang tao at ang ibon ay mula sa silanganan at ang tao ay mula sa malayo, kaya ang pagmumulan ng sugong ito ay sa malayong silangan. Saan naman magmumula ang lahi ng sugong ito? Sa isa. 43:5-6, ay sinasabi ang ganito:

“ huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: Aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

“aking sasabihin sa hilagaan, bayaan mo, at sa timugan, huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”

saan magmumula ang lahi ng sugong ito sa huling araw? Ang lahi ng sugong ito sa huling araw ay magmumula rin sa malayong silangan. Pinupuna kami ng aming mga kalaban sa paggamit ng isa. 43:5-6. Hindi raw kami marunong gumamit ng talata ng biblia. Bakit? Sapagka’t iyon daw salitang silangan at malayo na magkahiwalay ng talata ay pinagsasama at pinaglalapit daw namin. Ang salitang silangan daw ay nasa talatang 5 at ang salitang malayo raw naman ay nasa talatang 6. Kung ang salitang silangan at malayo sa bibliang tagalog na isinalin ng mga protestante ay magkahiwalay at hindi magkasama sa isang talata ay hindi dapat isisi sa amin. Hindi rin dapat na paratangan kami na hindi marunong gumamit ng mga talata ng biblia kung aming pagsamahin sa isang talata ang dalawang salitang ito. Bakit? Sapagka’t hindi kami ang nagsalin ng biblia. Sa bibliang ingles ba’y talagang magkasama sa isang talata ang salitang silangan at malayo? Opo. Sa isa. 43:5, sa salin ni james moffatt, ay ganito ang sinasabi: “from the far east will i bring your offspring…” (mula sa malayong silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).

Samakatuwid, ayon sa katuparan ng hula, ang sugo ng diyos sa huling araw at ang kanyang lahi ay magmumula sa malayong silangan. Aling bansa ang tinatawag na malayong silangan? Sa world history nina boak, slosson at anderson, sa dahong 445, ay ganito ang sinasabi:

“the philippines were spain’s share of the first colonizing movement in the far east.”

sa wikang pilipino ay ganito ang ibig sabihin:

“ang pilipinas ay naging bahagi ng espanya sa unang kilusan sa pananakop sa malayong silangan.”

aling bansa ang tinatawag na malayong silangan? Ang pilipinas. Kung gayon, ang sugo ng diyos sa huling araw na ito ay taga pilipinas o isang pilipino. Siya’y naging katoliko muna, pagkatapos ay naging protestante, at saka pa lamang tinawag ng diyos sa kanyang bayang pilipinas na maging sugo noong 1914.

Paano natin matitiyak at makikilala kung sino ang kinatuparan ng hulang ito? Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mismong taong kinatuparan ng hula. Sino ang nagpapakilalang kinatuparan ng hulang ito? Si kapatid na felix manalo. Tangi ba sa kanya ay may iba pang nagpapakilala na kinatuparan ng hulang ito? Wala na! Bakit naman wala nang iba pang kinatuparan ng hulang ito kundi si kapatid na felix manalo? Sapagka’t ang hula ay tanging ukol lamang sa kanya at para sa kanya! Totoo bang si kapatid na manalo dati’y isang katoliko at pagkatapos ay naging protestante? Opo. Totoo bang mula sa protestante ay tinawag siya ng diyos sa kanyang bayang pilipinas noong 1914 upang maging kanyang sugo sa huling araw na ito? Opo. Ano ang katunayan? Ipinangaral ni kapatid na manalo ang iglesia ni cristo at ito’y narehistro sa ating pamahalaan noong 1914. Tunay na pilipino ba siya? Opo. Kung gayon, si kapatid na felix manalo ang huling sugo ng diyos sa huling araw na ito na tinawag ng diyos dito sa pilipinas noong 1914!

Eto lang po ang masasabi ko: Iisang relihiyon lang ang ililigtas sa pagdating ng araw ng pag huhukom...
May naalala tuloy akung isang talata sa bibliya sa mateo: 16:18

at sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Tanung kulang sinu ba ang ang ililigtas ni cristo? Diba ang kanyang iglesia?
Sinu ba ang ulo ng iglesia? Diba si cristo?
Sinu ang katawan? Diba ang iglesia?
Anung ba sabi ni cristo sa isang talata ng bibliya?
Ang lahat nang pumasok sakin ay maliligtas

sana intindihin mu etong mabuti salamat..... At sana lumiwanag sa isip mu ang mga nakasulat nato salamat....

tanong lang sir.. Saang talata po sa bibliya cnsabi na ang religion na "iglesia ni cristo" ang ililigtas ng dyos?
 
Question lang po sa mga kapatid na INC.. diba po meron kayong version sa bibliya na sa ika 100 taon ai magugunaw na ang mundo.. naalala kupa yun na sinabi sakin ng mga taga INC at mga ka trabaho ko na INC kayat sumama an daw ako ng maligtas daw ako... 101 na now pero bat parang wala namang ngyari????

Ask lang po mga kapatid na Iglesia.
 
tsaka pag hindi meyembro ng INC masusunog daw sa dagat dagatan apoy pag dating ng panahon teka bakit ganun din sila mag digta, ibig sabihin noon mamatay mga kamag anak ko sininog kaluluwa nila sa empyerno at pati c pope jhon paul 2nd nasunod din sa dagat dagatan apoy... teka tinalo pa ang diyos or sila ang diyos para sa kanila....
 
pumunta k na lng s kanilang simbahan dun k magtanong TS... bka makasuhan ka ng libelo hahaha
 
Bakit 6 years na daw hindi kinakausap ni Eduardo Manalo ang kanyang ina? May sakit at hindi daw ipinagagamot?

Pinuntahan pa nila ka angel sa opisina niya pero pinaalis lang sila???
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom