Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Muli

Muli


Parang walang nagbago sa lugar na ito, ang simoy ng hangin at ang pagkakaayos ng mga bato ay ganun pa rin tulad ng dati. Sa ilalim ng puno ng mangga, sa isang upuan na bakal madalas tayong maglambingan habang pinag-uusapan ang ating kasal. Katabi ko parin ang motorsiklo kong saksi noon sa lahat ng mga nangyari, simula sa pag-init ng kanyang makina na kasing init ng aking hininga na dumampi sa pisngi mo't labi. Inabot na tayo ng lamig ng gabing malalim pero ang ating mga pinag-uusapan ay hindi natin pinagsasawaang balik balikan.

Masaya ang bawat pag-anyaya kong lumabas, susunduin ka at didiretso na sa bilihan ng inihaw. Bibili ng sampung piraso, "Ale pakibalot na rin ng toyo." na hinding hindi mo nalilimutan maliban sa sukli mo. Dala ang pagkain at pagsasaluhan, inihaw at kanin na nagbibigay saya sa bawat subuan. Malakas akong kumain pero sa konting kanin, ang tyan at puso ko'y nabusog na kapag ikaw ang kapiling.

Magsisimula na akong hawakan ang mga kamay mo, hinugasan lang naman ng tubig na tig-pipiso na binitbit natin noong tayo ay naparito. Malamig at sa tuwing iyong iinumin ay tumutingkad ang kulay rosas mong mga labi. Sa mga mata mong kasing bilog ng buwan na nagbibigay liwanag sa atin ngayong gabi, ako'y parang isang lobo na nauulol makita lang ang ganda ng mga ito.

Buong gabi kang nakasandal sa aking mga balikat, buong gabi akong nangangawit pero para sa Prinsesa ko tinitiis ko ang lahat. Buong gabi tayong nagtatalo kung ilan ang mga magiging anak na gusto, kung sa bahay ka lang ba o magtatrabaho. Pero sa lahat ng mga ito iisa lang ang sinisigaw ng ating mga puso, "Tayo hanggang dulo." Lubak man o tuwid ang lahat ng ating dinaraanan alam natin na andito akong magmamaneho at ika'y nakaangkas sa likod ko, sabay tayo.

Ihahatid ka sa inyo pagsapit ng alas dyes ng gabi, "Sana hindi na lang naimbento ang pagtukoy ng oras." na lagi kong sinasabi. Niyayakap mo na lang ako at sasambiting, "May bukas pa naman. Kung pwede ka nga lang sanang iuwi, iuuwi na kita." ramdam ko ang bugso ng damdamin na pigil at ayaw magpakita. Sa kanto, hanggang doon lang tayo. Di na ako puwede pang dumiretso, sa mga mata ng mga tao, ang ginagawa'y mali at huhusgahan ng todo. Masakit pero pinipilit kong kumapit. Mahirap pero kinakaya kong ang sarili'y iharap.

Uuwi na akong mag-isa, ang dating takbo na aabot ng isang daan kapag susunduin ka naging kwarenta sa pag-uwi kong nag-iisa. Halos isang oras din bago ako makarating ng bahay, kasama sa diwa ang mga napag-usapan natin buong gabi, dinarama ang mga kagat mo sa aking mga labi at higit sa lahat inaamoy ang kamay mo sa kamay kong sa ilong sinasagi.

Pero saan nga ba ako ngayon? Andito sa dating tagpuan ngunit walang naabutan. Dito ko gustong mahanap ngunit walang mahagilap, ang hirap. Ang hirap habulin ng mga panahong dapat ay sa atin. Bigla ka na lang nagbago na parang ulat panahon ng mundo. Sa isang iglap ang tayo ay naging ako, ang dating tuwa naging luha at ang dating walang hangganan naging isang masaklap na katapusan. Ikaw ba ay nasaan? Mga "bakit?" na walang katapusan sa aki'y nakapasan.

Hangad ko parin ang iyong makulay na kinabukasan. Sa bawat dasal at plano nating pinagsaluhan na ako na lang ang naiwang tutupad. Sa plano nating tumira sa tabi ng pagawaan ng Krayola para masabi ko lang sayo araw-araw na, "Sa tabi ka ba ng pagawaan ng krayola nakatira? kasi binigyan mong kulay ang araw-araw kong haharapin kasama ka."
 
tapos biglang tutugtog yung kantang "where do broken hearts go? and where there find their way home"

nalungkot ako sa naging wakas ng kwentong ito, tanging tanong na naiwan sa aking isipan e base ba ito sa tunay na buhay? dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat at pag binabasa ko ito e damang dama ko yung emosyon na nakapaloob dito
 
Last edited:
Totoo po lahat.
 
Salamat sa support. :)
 
Back
Top Bottom