Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

Status
Not open for further replies.
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

dagdag ko na din pala ts...kami ng gf ko 1 month ago andun na cxa sa dubai ngayon...gf bf kami for 3years na...sana lang din ako masame sau..kasi sabi daw nya if ako daw ang maunang sumira ng relasyon namin, hanap nlng daw cxa doon at magpakasala agad cxa...kaya same lang kami ngbebehave
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

Hello guys, meron lang akong ishe-share sa inyo tungkol sa amin ng GF ko.

Kagabi kasi habang nagfe-facebook ako may nakita akong buy & sell na page about sa car
na binebenta. So nag post ako ng message "hm?" then, nagreply naman yung nagbebenta
pero yung reply nya wala dun sa normal na "Messages" ng facebook kundi nandun pala sa
may "Other" na sa tingin ko dito napupunta yung mga parang spam na messages o kaya
message sayo nang hindi mo friend.

So nabasa ko nga yung reply "100,000" daw yung second-hand na car. Tapos nagulat nalang
ako meron pa palang mga ibang messages na nandun at meron ngang isang anonymous na
nag send sakin ng 2 PICTURES. Laking gulat ko yung GF ko na halos magdadalawang taon
na kami na ngaun nasa ibang bansa nagtratrabaho bilang isang receptionist sa isang company
eh may kasamang lalaki na nakayakap sa kanya na parang "selfie" lang ang dating. Dito bigla
akong sumabog pagkakita ko palang ng pictures nila. Talagang nanginginig ako sa galit na di ko
malaman ang gagawin ko.

Tas kagabi din na yun saktong nag online sya sa facebook. Sabi ko sa kanya na mag skype kami
kasi may importante lang akong sasabihin sa kanya at pumayag na naman sya agad agad. (Mag-
iisang buwan narin kasi syang mejo matamlay sakin. Hindi na sya parating nag message sakin na
di tulad nung unang buwan nya eh talagang araw araw kaming nag uusap lalot sa skype).

So pagkakita palang nya sakin sa skype umiiyak na ako tas sya ganon parin malamig na sya. Para
ting iritado na mga kilos at pananalita. Tas sabi nya, ano ba yung sasabihin mo sakin kasi mamamalengke
pa ako. So dineretcho ko na sya, pinakita ko sa kanya yung 2 PICTURES nila nung kasama nyang lalaki
sa litrato. Wala syang nasabi sa nakita nya, tas bigla nalang syang napaluha habang ako din ay umiiyak
kasi sobrang nasaktan talaga ako.

Andami kong tanong sa kanya kung bakit nya nagawa yung ganon eh ang alam ko mahal na mahal nya ako.
Na ang buong akala ko eh solid kami. Pero sa totoo lang mahal na mahal ko sya, yung tipong sa kanya lang
umiikot ang mundo ko. Parati pa nga nya akong pinagsasabihan dati nung magkasama pa kami sa apartment
kapag papasok ako sa trabaho na mag bebehave ako sa mga girls kasi nga daw baka malandi nila ako pero
sa totoo lang sobrang faithful ako sa kanya kahit na may mga ibang babae na sadyang flirt lang kung minsan.

Nakita ko sa mukha nya na sobrang nagsisi sya sa ginawa nya at nagawa lang daw nya yun kasi daw yung
ex friend nung bestfriend nya meron lang nilang gantihan. Tas etong lalaki naman sya yung naglakad ng
working visa nya. So hanggang sa mag-celebrate daw sila, sa pagkakataon na yun uminom sya ng alak na tequila
at never pa kaming uminom ng alak kasi hindi nga ako umiinom. Tas dun na lahat nagsimula hanggang sa nag SEX
daw sila (at yun yung pinaka hindi ko matanggap na nangyare). Tas hanngang umabot daw sa punto na tinatakot
na sya ng lalaki na hindi na sya makakabalik pa ng pilipinas.

Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko sobrang gulong gulo ang isip ko na parang sasabok anytime sa sobrang
galit ko sa kanya pero never ko syang minura. Umiiyak lang ako sa harap nya sa skype. At hindi lang ito yung
unang beses na naglihim sya sa akin.

Sa totoo lang mahal ko parin sya despite sa nagawa nya. Kasi sya yung tipong gusto kong pakasalan at makasama
sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa sya, kasi baka anytime maulet ulet yun.

Patulong naman po mga IDOL kung anong nararapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Maraming salamat.

- - - Updated - - -

up ko lang! sana matulungan nyo akong mag desisyon.

- - - Updated - - -

up ko lang! sana matulungan nyo akong mag desisyon.

nabasa ko na to sa facebook....
 
lol nabasa na pla sa facebook.

pero kung ako yan huntingin ko yung lalake tapos tirahin ko para di na sya makatingin ng direcho sa akin mag iwan pa ako ng salita parang movie "tuwing maalala mo gf ko isipin mo araw na to ginawa kitang chix ko" LOL. :lol:
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Pain is inevitable but suffering is a choice.

Desisyon mo kuya kung magsusuffer ka or hindi :D
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Pakita mo sa kanya kung anong pinakakawalan nya in such a way na maiisip niyang "sana hindi pala ako nagloko"
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

iwan mo na yan. walang kakwenta kwenta haha. walang forever
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

ito siguro ang gagawin ng asawa ko na ikakasama ng loob ko ng sobra..

ts. sakit nyan.. saludo ako na nasasabi mong mahal mo pa sya..
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

bilib ako sayo dahil nakikita kong mahal na mahal mo sya sa tingin ko kung mahal mo pa sya alamin mo kung ano naging punot dulo ng lahat saka ka mag decide para mas maging maluwag sa kalooban mo :) total hindi naman ikaw ang nag kulang. pumukaw kasi sakin ito "Tas hanngang umabot daw sa punto na tinatakot
na sya ng lalaki na hindi na sya makakabalik pa ng pilipinas. " baka sakaling matulungan mo pa sya tungkol dito :) sex lang nangyari sa kanila wala yang pagmamahal :ranting:
 
Last edited:
nagyari sakin to ngaun lang december ang sakit nito pre sobra
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

TS habang maaga pa tanggapin mo na lang na di kayo at move on at least habang maaga pa nalaman mo na yung ugali niya. GF mo pa lang nag cheat eh di lalo pa kung wife muna marami pang isda sa dagat. Tandaan mo mas marami ang lalaki kesa sa babae. Ma memeet mo rin yung soul mate after nyan..
 
Pareho tayo ng sitwasyon sir nakitulog din gf ko ksama nya ung sir nyang may gusto sa kanya lasing sila pareho dun xah ntulog sa katrabaho nila hanggang ngaun ndi padin xah umaamin sakin nahihirapan nko gusto ko na sumuko

Sana may apps na hidden trash bin sa text messages para mahuli ko sya kung ano ba talaga nangyari kasi until now mag katext sila at may password pa sila pag magttxt dleted lagi message pag magkikita kami take note live in kami..
masakit to para sa lalaki sana ndi maramdaman to dhil sobrang hirap maka recover ndi nyo kami pde husgahan na bobo kami nag mahal kami ng tama ngunit ito ang ginanti
 
Pareho tayo ng sitwasyon sir nakitulog din gf ko ksama nya ung sir nyang may gusto sa kanya lasing sila pareho dun xah ntulog sa katrabaho nila hanggang ngaun ndi padin xah umaamin sakin nahihirapan nko gusto ko na sumuko

Sana may apps na hidden trash bin sa text messages para mahuli ko sya kung ano ba talaga nangyari kasi until now mag katext sila at may password pa sila pag magttxt dleted lagi message pag magkikita kami take note live in kami..
masakit to para sa lalaki sana ndi maramdaman to dhil sobrang hirap maka recover ndi nyo kami pde husgahan na bobo kami nag mahal kami ng tama ngunit ito ang ginanti

Unang una bakit ka pumayag na makitulog siya kasama ang ibang lalake? Hindi naman na siguro kayo mga bata para mag sleepover at gumawa ng kung ano ano para lang mag sleepover.
 
Mahirap ang sitwasyon mo ts! tama! nga sila dapat hiwalayan mo na yan, paano kung hindi mo nakita yung pictures nila di ba? wala kang kaalam alam sa mga ginagawa nya, umaasa ka lang na tapat sya sayo, pero iniputan ka na pala...hayzt buhay nga naman, ika nga...Hindi lahat ng bagay kailangan mo bigyan ng rason para maging tama, may mga pangyayari lang talaga ng sadyang nangyari para mareliaze mo kung ano yung mali...ONCE A CHEATER IS ALWAYS A CHEATER...:rolleyes:
 
I actually experienced being on both sides. At first, I was the one being Cheated. I felt devastated and I said to myself that maybe these relationship things are really not for me at that point in my life. But after a few months I didn't know that I was a third party to a solid relationship. Never thought that I would have done such a thing.

Paano nga ba nagsimula? 4th Year College. Graduating pa ako noon. I've met this wonderful girl at the gym. She was a head turner. Nice hips and ass. Mas nasesexyhan ako lalo pag suot niya ang kanyang school uniform. We went on dates but since I was about to graduate... Studies first, Love life later. Graduated with only minor concerns to my studies but as regards family problems, it was not minor at all. Two months have passed before seeing her again. It started with some txt message greeting her a happy birthday. I was happy seeing her again. Kaya lang this time, Law Student na ako. Lalo naman naging busy.

Others kept asking kung kami na or hindi pa ba but I said no. May kakaiba kasi akong ugali na akala mo nanliligaw na ako pero it was just my friendly attitude towards others. We go out and are having fun. At least for me it was fun. Di rin naman ako naniniwala sa ligaw ligaw, and so was she. It felt like we clicked together. Kaya lang, yun nga nag aaral ako ng Law. I can't put much time and effort for her. May times nga na siya na gumagawa ng paraan para magkita kami at makalabas but... wala talaga ako time. And so it happened na di ko alam na kami na daw pero according to her kami na daw talaga.

Kawalan ng oras sa kanya somehow pushed us far apart. One week na di kami nagttxt sa isa't isa. Graduating din naman siya at that time ng College kaya di ko na kinukulit. Tapos nagkita ulit kami, di ko alam kung kami na at that time (iba iba ang tao sa relationship baka mahiwagaan kayo). Ang mahalaga para sakin pag kasama ko siya, holding her hands and looking at her face lahat ng problema ko ay parang nawawala na lang bigla. May solusyon na kaagad. Masaya na kaagad ako.

Then nagkaroon siya ng problema, I wasn't there for her. Di na nagttxt. Basta basta na lang siya nawala. It felt horrible. Next thing I knew galit na galit sakin. Lumabas pa ang balita na buntis daw??? Sabi ko impossible na sakin yun. Napakaingat ko na tao. Lumayo na ako ng tuluyan sa kanya. Nakikinig na lang tuloy ako ng kanta ng All American Rejects noon. Sa halip daw na lumapit ako bigla na lang daw ako nagpakalayo. Hanggang sa may nakilala siya ng iba while I was trying to restore what we had. I thought na Ok na kami, then one time nabalitaan ko may kasama siya na iba sa isang hotel. Siya pa daw ang nagbayad. Sobrang broken hearted yata sakin gusto makalimot.

Nasaktan ako pero ano nga magagawa ko? Deep inside I was just a kid that has got to do things. Take care of business once I get things done. Noong una medyo gusto ko pa balikan kasi feeling ko kasalanan ko. And I honestly felt she was a keeper. Pero nawala na ang maganda ko smile sa tuwing nakikita siya. I guess it was time for me to move on.

Then after a month may nakilala na naman ako. Maganda babae pero may boyfriend. Ako yung naging third party. Badtrip siya sa partner niya. tapos ako na palagi nakakausap niya kahit hindi ko talaga siya gusto na makita. Simpleng txt na nauwi sa hindi dapat. She was cheating her boyfriend at ganun din ang boyfriend niya sa kanya. Di naman ako proud sa nangyari. I want to have a woman I could call as my own. yun nga lang nagkaganito. 2 taon na silang nagkakalokohan bago maghiwalay sila.

Thing is if you felt insulted, tama na. wag mo na patagalin yan. Wag mo sayangin buhay sa ganyan.
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Let Go na pre...
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Shit happens . . . You deserve someone better wag mawalan ng pag asa..
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

I want to read all of comment here.. nangyari na kasi sakin ito... both side... ... so i understand Both of you..
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

binasa ko lahat ng commecnt :clap: ano na kaya balita kay ts :think:
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

nabuhay na anamn to hahaha sana mag update si ts
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Napakasakit kuya Edie ang sinapit ni TS...

Pero dahil 7 plus billions ang tao sa mundo bakit kailangan mong masaktan ng paulit ulit sa isang tao? Marami pang babae jan na karapat dapat sayo TS. Let her go, let her go! Makakakita ka pa ng mas karapat dapat sayo!
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom