Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

Status
Not open for further replies.
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

Hello guys, meron lang akong ishe-share sa inyo tungkol sa amin ng GF ko.

Kagabi kasi habang nagfe-facebook ako may nakita akong buy & sell na page about sa car
na binebenta. So nag post ako ng message "hm?" then, nagreply naman yung nagbebenta
pero yung reply nya wala dun sa normal na "Messages" ng facebook kundi nandun pala sa
may "Other" na sa tingin ko dito napupunta yung mga parang spam na messages o kaya
message sayo nang hindi mo friend.

So nabasa ko nga yung reply "100,000" daw yung second-hand na car. Tapos nagulat nalang
ako meron pa palang mga ibang messages na nandun at meron ngang isang anonymous na
nag send sakin ng 2 PICTURES. Laking gulat ko yung GF ko na halos magdadalawang taon
na kami na ngaun nasa ibang bansa nagtratrabaho bilang isang receptionist sa isang company
eh may kasamang lalaki na nakayakap sa kanya na parang "selfie" lang ang dating. Dito bigla
akong sumabog pagkakita ko palang ng pictures nila. Talagang nanginginig ako sa galit na di ko
malaman ang gagawin ko.

Tas kagabi din na yun saktong nag online sya sa facebook. Sabi ko sa kanya na mag skype kami
kasi may importante lang akong sasabihin sa kanya at pumayag na naman sya agad agad. (Mag-
iisang buwan narin kasi syang mejo matamlay sakin. Hindi na sya parating nag message sakin na
di tulad nung unang buwan nya eh talagang araw araw kaming nag uusap lalot sa skype).

So pagkakita palang nya sakin sa skype umiiyak na ako tas sya ganon parin malamig na sya. Para
ting iritado na mga kilos at pananalita. Tas sabi nya, ano ba yung sasabihin mo sakin kasi mamamalengke
pa ako. So dineretcho ko na sya, pinakita ko sa kanya yung 2 PICTURES nila nung kasama nyang lalaki
sa litrato. Wala syang nasabi sa nakita nya, tas bigla nalang syang napaluha habang ako din ay umiiyak
kasi sobrang nasaktan talaga ako.

Andami kong tanong sa kanya kung bakit nya nagawa yung ganon eh ang alam ko mahal na mahal nya ako.
Na ang buong akala ko eh solid kami. Pero sa totoo lang mahal na mahal ko sya, yung tipong sa kanya lang
umiikot ang mundo ko. Parati pa nga nya akong pinagsasabihan dati nung magkasama pa kami sa apartment
kapag papasok ako sa trabaho na mag bebehave ako sa mga girls kasi nga daw baka malandi nila ako pero
sa totoo lang sobrang faithful ako sa kanya kahit na may mga ibang babae na sadyang flirt lang kung minsan.

Nakita ko sa mukha nya na sobrang nagsisi sya sa ginawa nya at nagawa lang daw nya yun kasi daw yung
ex friend nung bestfriend nya meron lang nilang gantihan. Tas etong lalaki naman sya yung naglakad ng
working visa nya. So hanggang sa mag-celebrate daw sila, sa pagkakataon na yun uminom sya ng alak na tequila
at never pa kaming uminom ng alak kasi hindi nga ako umiinom. Tas dun na lahat nagsimula hanggang sa nag SEX
daw sila (at yun yung pinaka hindi ko matanggap na nangyare). Tas hanngang umabot daw sa punto na tinatakot
na sya ng lalaki na hindi na sya makakabalik pa ng pilipinas.

Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko sobrang gulong gulo ang isip ko na parang sasabok anytime sa sobrang
galit ko sa kanya pero never ko syang minura. Umiiyak lang ako sa harap nya sa skype. At hindi lang ito yung
unang beses na naglihim sya sa akin.

Sa totoo lang mahal ko parin sya despite sa nagawa nya. Kasi sya yung tipong gusto kong pakasalan at makasama
sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa sya, kasi baka anytime maulet ulet yun.

Patulong naman po mga IDOL kung anong nararapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Maraming salamat.

- - - Updated - - -

up ko lang! sana matulungan nyo akong mag desisyon.

- - - Updated - - -

up ko lang! sana matulungan nyo akong mag desisyon.

Let her go brader...
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Plea

Hanap ka na iba dude. kung nagawa nya yan, pwede nya pa ulitin yan, masasaktan ka lang ulet
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

LEAVE.

Pero if hindi mo kaya. It's better nag magmeet ka muna ng other women, casually. Pagselosin mo. Kasi yung ganyang klaseng babae, iniiwan. Pero ikaw tong tanga. Kaya sige.
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [HELP PLS]

Walang kwenta yan bro, uulit ulitin nia yan sayo. Marami pang girls na mas deserving pa sayo. Kaya, ipakita mo rin sa kanya na yu g ginawa nia sayo kaya mo ring gawin sa kanya. Kahit ano pa ang mangyari kung mahal ka talaga di yan papatol sa iba kahit takutin pa sya.
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

ang sakit naman nyan ....tatagan mo loob mo ts wag ka padala sa problemang ganyan,ifeel you at wag mong sasabihin na siya lang yung mahal mo kasi ang ganyang babae ay hindi dpat pinagkakatiwalaan ,,,napakalaki pa ng mundo na ating ginagalawan so hanggat may buhay may pag.asa pa wag mo nlang ipilit sarili mo sa kanya masasaktan ka lang dahil kung mahal ka rin niya hindi na siya lalabas pa ng bansa...
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

madali man tong sabihin pero mahirap gawin... iwanan mo na yan bago pa maging totally miserable buhay mo sa kanaya bro...


marami pang iba dyan na worth it sa love mo...
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Sundin mo kung ano ang nararamdaman mo.
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

all you have to do is to say goodbye bro. marami pang iba dyan na mas ok para sayo. wala kwenta yan ganyan babae. ginusto nya din yun kaya nangyari yun mga bagay na d dapat mangyari sa kanila..
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Maraming ganyan bro. Ako nga eh bigla nlang tinabangan. Damantalang wala naman kami problem nung umuwi sya. Un pala may na meet na iba.
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

tsaka mo isettle ang lahat pag balik niya dito, at sino ba naka sex ng gf mo? pinoy ba?

ayan amg problema sa mga ofws eh, mabilis sila madarang sa init ng katawan kase walang matang nakasubaybay sa kanila, sad to say isa ang gf mo sa mga yun, haaayyyssst ang hirap ng kalagayan mo, sino ba yung lalake? sabihin mo nga dito name niya, ng matag sa facebook
 
Last edited:
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Move on bro. masakit man pero ayun ang mas makakabuti!
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

Repa hanap kana nag iba, wag martir bro, ang tunay na ng mamahal repa ay handang magtiis, sa ginawa ng partner mo repa hindi ka nea tunay na mahal kasi nagawa ka nyang lokohin, kung sa tingin mong nagsisisi sya sa ginawa nya, yon ay Awa na lamang nea sayo, hindi na yon pagmamahal repa. Mhirap na ulit pagkatiwalaan ang taong gumawa ng pagkakamali sau, at hindi na mgiging 100% ang tiwala mo sa kanya.. kasi may history na. Masakit talaga yan repa lalo na kung seryoso kna sa kanya. Pero wag mong isiping sya na ang huli sa mundo mo, may makikilala ka pa rin mas hihigit pa sa knya at handang mag sakripesyo alang-alang sa Pag-iibigan nyo. Patawarin mo na lang sya sa nagawa nea at hayaang maging malaya sa iba, kasi kung di mo un gagawin at may balak ka pa din balikan sya, wala ng mangyayari sa inyo repa dahil mauungkat pa rin ang nakaraan na nagawa nya sayo at yon ang masakit na dadalhin mo gang sa pagtanda nyo.

be strong bro :)
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions

bro, if you love her, set her free...if she doe'snt come back then go and get her...

if you love her...set her free if she comes back and you love her still...set her free again..

naranasan ko rin yan bro...PRAYER at FORGIVENESS lng ang paraan para matanggap mo at makapag move on ka. Just wait for the RIGHT one to come..and happiness will always be there..
 
Pauli ulit itong problemang ganito. Hiwalayan mo agad.
 
ganyan talaga ts. bihira yung nagkakabalikan pa pag pumunta ng ibang bansa. move on lang kasi pag ang babae nag loko she meant it. at uulitin pa nya yan. pero pag tayong lalakeng nagloko ok lang kasi lalake tayo walang mawawala. sakanila marami.
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

para sakin hiwalayan muna yan baka matagal na nya yang ginawa
unfaithful yan gagawin at gagawin parin nya yan.
hanap ka nalang ng iba
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

2014 pa po itong thread, move on na kayo guys si otor nakamove on na :giggle:
 
Re: My GF cheated & slept with another guy [Suggestions Please]

baka may asawa na c TS 2014 pa eh:rofl:
 
para po sakn gawa ng nasaktan ka nya at nasaktan kayong dalawa
magbgay ka na lng muna ng konting space mo sa kanya , hayaan mo na muna
siya ngayun kung talagang mahal ka nya talaga ,babalik siya sau at
hihingi yan ng tawad saka nyo pag usapan ang mga bagay bagay,
pero..... pero..... pero........

expect worst scenario just in case na hindi na cya bumalik sayo kailangan mo maging handa
at ipakita at iparamdam mo sa kanya na kakayanin mo at huwag na huwag ka magpapakita
na mahina ka ,kahit alam ko na madali lang to sabihin sau alam ko na napakahirap ito
sa part mo pero kailangan mo gawin at harapin ,kung baga sarili mo ang magiging
kalaban mi dito kapag inatake ka ng lungkot, kapag umabot ka sa ganito , mas maigi na bigyan mo
na lang muna ng time ang sarili mo, spend time with your friends and family and be involve into
sports pwede ka dn mag gym ,mag xbox ka kaht ano na malilibang ka na hindi mo cya gaano
mamimiss , pwede ka dn mag travel kung may budget,kaw po bahala kung ano sa tingin mo
na malilibang ka. Try to make new friends sa ibang girls pero friends lang hanggat maari
huwag ka muna sana ma involve sa relationship kasi baka bigla siya bumalik sau.

sana po ay makatulong ang simpleng advice ko sau
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom