pa help po mga master
nag hang up po cp ko after kong na apply ang int2ext
Hello, ito yung ginawa ko sa akin. I hope gumana din ito sa iyo.
1. nibackup ko muna yung laman ng sd card (16 GB class 10 na cdr king) ko sa pc ko, gamit ng card reader.
2. nireformat ko yung micro sd card ko, tapos nagpartition ako ng 2 gb gamit ang mini tool partition wizard. ext4 ang inassign ko sa partition.
3. binalik ko lahat ng naka-backup na laman sa sd card ko, tapos, kinabit ko na ulit sa phone ko.
4. gamit ko ay es file explorer na naka root explorer (tingnan mo sa settings nito). Binura ko yung mga folder na data2ext (isa sa sd card, yung isa sa /system). Kung may link2sd ka, i-unstall mo.
5. sa init.d folder, binura ko yung isang script ng link2sd. nakalimutan ko yung file name pero may link2sd na nakasulat.
6. kinopya ko yung 40int2ext.sh sa scriptz folder ng sd card. siguraduhin mong walang ibang laman (pwera yung tweak file ng custom rom ni kuya banjo)
7. nag-manual reboot ako (off yung phone tapos on ulit)
8. may mga mag-fo-forced close na apps. ang ginawa ko ay uninstall tapos install ulit.
9. punta ka sa settings, tapos sa storage. tingnan mo kung tumaas ang ram mo (sa akin, 1.7 gb)
10. yung calendar ko, nagloloko, laging nagfoforced close. tinanggal ko yung baterya ng phone ko, tapos kinabit ko ulit at pinaandar yung phone ko. nawala yung probemang yun at maayos na ulit ang calendar.
11. tuwing may user app na nagloloko, uninstall/install lang. pagtyagaan mo hanggang stable na lahat.
so far, so good ang phone ko. mataas na ang RAM. di ko na lang irereboot hangga't kaya saka ichacharge ko na lang na naka-on yung phone ko.
Salamat ng marami kay DJWayne at Michael Campos (sa FB page ng a858 users) para sa mga tutorial nila. May dinagdag lang ako pero much of the credit goes to them.
Good luck.