Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

nagbabalak mag sari sari store help

suicyd619

Amateur
Advanced Member
Messages
143
Reaction score
0
Points
26
mga ka sb help naman at payo nag babalak ako mag sari sari store pero maliit lang ang puhunan namin
san po ba maganda bumili ng ipapaninda san pedro laguna ang location ko po

thanks sa mga mag cocomment

at palagay nlng din kung saan mura tlga at hahanapin ko kung meron dito samin dito kung saan yung bilihan
thanks
 
TS i suggest sa mga ordinaryong groceries ka mamili kasi dyan sa puregold hindi na din nagkakalayo ang price nyan sa Waltermart at SM, hanap ka dyan sa palengke nyo sure meron dyan, ang hanapin mu yung grocery store na hindi nagamit ng aircon sure mura dun, taga dito kasi aku sa Calamba, ang alam ku dito e yung Sara-Hazel Grocery dun yun sa crossing trade sobrang dami ng namimili dun kalimitan mga sari-sari store owner
 
mga magkano pedeng starting ok lng b mga 10k lng mabudyet ko e

kung may pwesto naman kayo kunwari sa bahay nyo okay na okay. Di ko masabi pero maliit ang 10k, madami ka ipamimili. Kelangan mo pa ng Eskaparate(google mo nalan kung di mo alam, basically lalagyan yan ng items mo) Kelangan mo din ng Ref kasi pinakamabili talaga ay softdrinks at alak. Tama din yung sa taas ko, yung mabibili mo kunwari sa puregold ng 50, sa iba mabibili mo ng 45 lang. Dami dyan sa may palengke, sa rebecca mura dun, dun din sa may tapat ng bagong savemore mura paninda dun
 
tip lang ts, kung maliit ang puhunan mo unahin mo mga mabilis maubos ts like cigarettes, softdrinks at beers..then coffees, milk sugar, oil, and canned goods... yung iba decors lang yan para mukhang marami laman like junk foods
 
bat kame nag umpisa lang kame sa 10k nung 2004 ngaun lumago na at nag papautang na din kame parang 5-6 tyaga diskarte lang yan ts
 
Mas mura ba kung palengke, may grocery kasi kami pero puregold at ahente kami kumukuha. Mbenta naman kya ok lang :)
 
Mas mura ba kung palengke, may grocery kasi kami pero puregold at ahente kami kumukuha. Mbenta naman kya ok lang :)

panu kayo nakuha sa ahente?

- - - Updated - - -

kung may pwesto naman kayo kunwari sa bahay nyo okay na okay. Di ko masabi pero maliit ang 10k, madami ka ipamimili. Kelangan mo pa ng Eskaparate(google mo nalan kung di mo alam, basically lalagyan yan ng items mo) Kelangan mo din ng Ref kasi pinakamabili talaga ay softdrinks at alak. Tama din yung sa taas ko, yung mabibili mo kunwari sa puregold ng 50, sa iba mabibili mo ng 45 lang. Dami dyan sa may palengke, sa rebecca mura dun, dun din sa may tapat ng bagong savemore mura paninda dun

sa harap lang ng bahay namin kakaaus lng wla pa kami mga lalagyanan etc. mga 10k- 15k lng kaya ko e . ok n kaya yun pang simula?

oo dun sa abanto ba yun dun daw mura e dun ko balak

- - - Updated - - -

bat kame nag umpisa lang kame sa 10k nung 2004 ngaun lumago na at nag papautang na din kame parang 5-6 tyaga diskarte lang yan ts

siguro iba pa value ng pera nun pre iba n kasi ngayon mahal n ng bilihin eh sna swertehin dn kami

- - - Updated - - -

tip lang ts, kung maliit ang puhunan mo unahin mo mga mabilis maubos ts like cigarettes, softdrinks at beers..then coffees, milk sugar, oil, and canned goods... yung iba decors lang yan para mukhang marami laman like junk foods

di sna ako mag titinda ng mga softdrinks na maliliit like rc etc parang wla ksing tubo dun e malakas pa sa kurynte minsan d p nabalik bote plano ko yung coke mismo lng sna oks n b yun tska malalaking coke etc. tapos sa alak minimize lng siguro ako
 
mga tol tulong naman oh ano ba need ko na mga permit bago mag start ng sari sari store tga san pedro laguna ako sna kayo din thanks
 
Gawin mo nalng 20k puhananan mo tapos tama yun sabi ng iba comment unahin mo un mga mabilis maubos,, need un para umikot agad puhunan mo,, better tlga sa palengke ka nalang bumili kse sa puregold,,
 
Gawin mo nalng 20k puhananan mo tapos tama yun sabi ng iba comment unahin mo un mga mabilis maubos,, need un para umikot agad puhunan mo,, better tlga sa palengke ka nalang bumili kse sa puregold,,

ipag pray pa natin yan tol sna nga umabot ng 20k
 
Any tips on managing a store? Sa mga beterano at lumago ang tindahan pashare naman ng secrets nyo.
 
Try nyo Ultra Mega mas mura dyan kaso kahon kahon ang bili. Worth 5K na mabili nyo malaki po binibigay nilang discount lalo na kung member ka wala nga lang silang free delivery di gaya ng Suy Sing na mura din kaso worth 15K para free ang delivery.

- - - Updated - - -

Any tips on managing a store? Sa mga beterano at lumago ang tindahan pashare naman ng secrets nyo.

Anong klaseng store po? Sari-sari din po ba? Share ko lang alam ko kahit wala akong sari-sari store balak ko din yan kaso busy ako sa work ko. Hehe. Una hanap ka ng pinakamurang makukuhanan na supplier. Dapat magkaroon ka din ng inventory system para ma track mo yung stocks mo araw-araw. Dapat sarili mo din yung space na pagtatayuan mo para di nababawasan yung kita mo monthly sa pag renta ng space. Ang piliin mo din produkto yung mga basic commodities wag yung mabilis mabulok o masira.
 
Last edited:
Any tips on managing a store? Sa mga beterano at lumago ang tindahan pashare naman ng secrets nyo.

iwasan mo lang ang bisyo like pag iinum ng alak at sigarilyo pati sugal. dahil bawat sentimo ay mahalaga pag sari-sari store ang negosyo mo.

at ang pinaka malakas mag palugi sa tindahan ay ang mag pautang kahit sabihin pa na regular naman sila mag babayad .

alam ko yan ako mismo may tindahan nag umpisa lang sa 500 pesos puro softdrinks lang at after ilang bwuan nag loan ako ng 10k para mag lagay ng ibang paninda. 7 years na yung tindahan ko at malaki na ang naipundar ko dahil doon.

magaling mag handle ng pera ang asawa ko kaya isa rin yun sa sekreto wag gagastos ng pera para sa di naman kailangan.

o yung mga bagay na gusto mo lang wag mo bilhin dapat gumastos ka sa mga bagay na kailangan.

isa sa sekreto mag lagay ka ng dalawang mahabang upuan sa tindahan mo magkaharap para humatak ng costumer kahit makiki upo lang jan mapapabili ng softdrinks.
 
1year na ang mini sari sari store namin yeeeheyyy hehehe kahit papano naman tumutubo pang libangan lng ng ermat ko
 
Back
Top Bottom