Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nakakasira daw ng Touch IC pag mag update ka ng iOS with slow internet?

hashrack

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
Nakakasira daw ng Touch IC pag mag update ka ng iOS with slow internet?

Bumili ako ng 2nd iPhone 6s Plus. Default iOS version nya, 11.3, update ko to 11.4. After 2 days use, pag ka lowbatt nya, bigla nalang nag random click. Kahit hindi ko ginagalaw, nag ra-random click siya anywhere sa screen. Kung nag youtube pag nag random click, click lang siya ng click sa kahit anong link na meron sa screen. Kung nasa home screen, kahit anong icon or apps ini open nya, automatically. Nahihirapan din akong e turn off or restart since pag labas ng shutdown slide, automatic din mag cancel. Pero nung na restart ko siya, pag ka enter passcode, nag automatic din siya enter ng random codes. Ang nangyari, na block ang phone ko, mga 2 minutes siguro yun. Kaya turn off ko ulit, then charge ko ang phone.

Pag ON ko ulit, working ulit siya. Walang problema. Pero pag init ng phone, balik na naman random clicking.
Since sabi ng seller na meron 1 week replacement warranty at 1 month service warranty, as long as untouched yung warranty sticker, kaya binalik ko ang phone for warranty. Send din ang phone pabalik sa supplier ng seller ang phone.

Ngayon, humingi ako ng update after ma receive ng supplier ang phone. Ma trace ko kasi kung kailan na receive ng supplier ang phone via sa LBC Tracking #. Sabi ng supplier, na void daw ang warranty dahil daw sa pag update ng iOS. Nakakasira daw ng IC (touch IC) pag mag update ka ng OS lalo na pag mabagal ang internet. Posible daw na nag corrupt ang na download dahil mabagal ang net. Pumalag ang seller dahil wla daw sa kasunduan nila na ma void ang warranty pag e update ang OS ng phone. Sinabi ko, hindi mabagal ang net ko, nag provide pa nga ako ng speedtest. 40 Mbps ang download speed ko. Ang 2gig na update, saglit lang yan e download. Mga 2 to 3 minutes lang yan e download. Sabi ulit ng supplier, "maselan" daw ang update. Yan daw ang nagiging issue pag e update ang OS. Nasisira ang Touch IC.

Nag hihinngi ang supplier ng fee para daw pa repair, Php 2,000. Kahit mag hati nalang daw kami (supplier and buyer), tig 1k. Customer fault daw. Void na daw warranty.

So far, ngayon ko lang na encounter na ma void ang warranty (ng 2nd hand iPhone) kung e update ang OS. Ngayon ko lang narinig na nakaka sira ng IC ang pag update ng OS. Ngayon ko lang narinig na nasisira ang IC pag nag update ka ng OS with slow internet.

Hayzzzz. Nakaka stress. Ako nalang siguro mag papa repair nun, parang wala talagang intention ang supplier na e honor ang warranty. Gusto ng misis ko na ipa refund nalang ang pag bili ko ng phone pero parang imposible mag refund ang supplier. Kung warranty nga ayaw nya e honor, full refund pa kaya.
 
Last edited:
Kalokohan naman na nasisira ang IC pag update ng iOS lol kami sa bahay dati 3mbps lang net namin minsan nga magdamag ang pag update ng iOS hindi naman ganyan. At mas lalong kalokohan na void ang warranty pag nag update ng iOS lol anu un? Jailbreak ang nakaka void ng warranty.

Try mo mag downgrade ng iOS kung open pa ang window nya sa def iOS version. Kapag ganyan pa din. Defected talaga ang iPhone na nabili mo. Baka refurbished yan.
 
Back
Top Bottom