Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naniniwala ka ba sa aswang? Trip to Antique

Buhay na pala uli Symbianize. Sakto Halloween na uli. Up haha!
 
Up natin to!

Naniniwala din ako sa aswang, although hindi pa ako nakakakita in person, pero may weird experience ako na masasabi kong medyo related sa aswang.

Buntis asawa ko nun sa pangalawa naming anak. Siguro around 7-8 months na siyang buntis. Yung lugar na tinitirahan namin nun ay isang resettlement sa Pampanga. Medyo dulong part na siya at sobrang dilim kapag gabi na.

Yung kwarto namin ay walang kisame, bubong agad. Kaya konting kaluskos lang ay rinig mo na talaga. One night, mga bandang 11pm siguro yun, kasarapan ng tulog namin ng biglang may parang bumagsak na mabigat sa bubong namin. Sobrang bigat ng pagbagsak niya kaya alam namin na hindi normal yun. After ilang seconds, biglang may tumunog na parang nag aaway na pusa. So inisip nalang namin na baka nga pusa lang. Pero nung naglalakad na to, ang bigat talaga ng lakad niya sa bubong namin which is impossible dahil kahit aso hindi dapat ganun kabigat. Tapos ang weird pa dahil parang ang lakas lakas ng hangin nun, humuhuni yung parang tunog ng hangin kapag may bagyo. So medyo ninerbyos na kami nun. So ginawa ko kinuha ko yung walis tambo sa kwarto namin tapos sinundot sundot ko sa bubong para kako magulat at umalis na sana kung ano man yung nasa bubong namin. Pero hindi siya umalis at lalong nag ingay na parang pusa na galit na galit, pero hindi normal na tunog ng pusa kasi medyo deep yung boses niya. Ang ginawa ko, nagmura na ako ng nagmura dahil bukod sa natatakot din ako ay nagagalit na din ako that time kasi nga natatakot na din misis ko. Mga ilang minuto hindi pa din umaalis kaya ginawa ko kunwari galit na galit na ako tapos nagbanta ako na lalabas ako at papatayin ko kung ano man siya sa bubong. Kinuha ko ulit yung walis tambo namin sabay padabog na binuksan ang pinto habang nagmumura ako ng malakas. Ayun sa awa ng diyos biglang tumahimik ang palagid at parang umalis na yung nasa bubong. Hindi na kami natulog ng misis ko nun hanggang mag umaga. Hindi rin naman naulit uli yun hanggang sa manganak na yung misis ko.
 
Back
Top Bottom