Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naranasan nyo na bang umibig sa hindi mo ka relihiyon? Nagkatuluyan ba kayo

dapat99

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
Meron akong gustong babae, at gusto din nya ako. Kaso katoliko ako at baptist sya. Ayaw ng mga magulang nya sakin kasi nga katoliko ako at hindi ko kaya magpa convert kasi nga parang mapipilitan lang ako. Pareho na kami nasa wastong gulang at professional sa trabaho. Nasa kanya ang lahat ng hinahanap ko sa isang babae at gustong gusto ko talaga sya. Itutuloy ko pa ba to? Share naman kayo ng experience nyo.
 
Parehas naman kayo nagbabasa ng Bible at naniniwala kay Jesus. You can use that as leverage. AFAIK wala naman masyado pagkakaiba yung Baptist sa Catholic aside sa baptism. Repect mo nalang sila lalo na mga parents nya. If mahal mo talaga you will do anything para maayos situation nyo.
 
relihiyon? bakit ayaw nya sa catholic? alamin mo muna ts bakit ayaw nya sa relihiyon mo at wag kang maki pag debate sa kanya, pag alam mo na sagut nya doon ka gawa ng hakbang.. Kasi pag catholic ang isang tao ika nga, complete sa bisyo, pero hinde sa relihiyon yon, kung di sa taong nag dadala yon. good luck ts.
 
Careful lang bro. Sa experience ko kasi umanib ako sa religion nila. Catholic ako tapos iglesia sya. Everything goes well naman. Siya pa yung may sabi na kpg inc na ko e wala ng makakapaghiwalay saming dalawa. Naging kami kaso bumitaw na sya e. Umayaw na sakin ng walang sapat na dahilan kung bakit. Basta bro nasa sayo naman yan kung mahal mo talaga, mahal na mahal ko kasi talaga yung ex ko. Wag mo lang muna agad ibibigay lahat, hinay hinay lang ha hehe. Goodluck!
 
Seryoso naman talaga ako sa kanya, pumupunta pa nga ako sa bahay nya at kinakausap ang magulang nya, kaso parang sarado talaga isip ng mga magulang nya pagdating sa katoliko, hindi daw kami magkakasundo at mali daw ang turo ng simbahan sakin.

hindi daw kami magkakasundo ayon sa mga magulang nya, wala akong bisyo kya siguro nya ako nagustuhan, kaya lang talagang hindi ako trip ng mga magulang nya. smh

Careful lang bro. Sa experience ko kasi umanib ako sa religion nila. Catholic ako tapos iglesia sya. Everything goes well naman. Siya pa yung may sabi na kpg inc na ko e wala ng makakapaghiwalay saming dalawa. Naging kami kaso bumitaw na sya e. Umayaw na sakin ng walang sapat na dahilan kung bakit. Basta bro nasa sayo naman yan kung mahal mo talaga, mahal na mahal ko kasi talaga yung ex ko. Wag mo lang muna agad ibibigay lahat, hinay hinay lang ha hehe. Goodluck!

ouch bro, yan na nga ang naiisip ko, pano kapag umanib ako sa kanila tapos biglang ganun na hindi pala sya seryoso sakin, pero parang hindi din naman maganda na umanib ako sa kanila na yun lang ang dahilan ko, masyado talagang toxic ang religion ng sangkatauhan
 
Seryoso naman talaga ako sa kanya, pumupunta pa nga ako sa bahay nya at kinakausap ang magulang nya, kaso parang sarado talaga isip ng mga magulang nya pagdating sa katoliko, hindi daw kami magkakasundo at mali daw ang turo ng simbahan sakin.

You could ask kung anong mali sa turo ng simbahan so you could explain yourself. IFAIK same lang talaga iba lang sa application.
 
I would agree kay MikuSE610.

Mag usap kayo, in the end naman kase kayong dalawa ang magdedecide kung iiwan nyo ang isa't-isa, or kung paano nyo iintindihin ang bawat isa about sa differences nyo. Masarap magmahal lalo na't naiintindihan ka sa lahat ng bagay. Na kahit magkaiba kayo, nandon parin yung pagmamahal, dahil yun naman talaga ang mahalaga sa 3 elemento.
 
Meron akong gustong babae, at gusto din nya ako. Kaso katoliko ako at baptist sya. Ayaw ng mga magulang nya sakin kasi nga katoliko ako at hindi ko kaya magpa convert kasi nga parang mapipilitan lang ako. Pareho na kami nasa wastong gulang at professional sa trabaho. Nasa kanya ang lahat ng hinahanap ko sa isang babae at gustong gusto ko talaga sya. Itutuloy ko pa ba to? Share naman kayo ng experience nyo.

I don't believe that switching religion for love is a good idea. It's either both of you keep and respect each others' religion or find someone who has the same religion as you. Switching religion for love is like switching your identity. I believe a person should still has his or her own identity no matter how deeply they love their partner.
 
debate with her

ask her if their religion pay taxes or pay no taxes?
*if she say no, I'm not surprised because religion pay no taxes (RELIGION - MONEY) so if you love each other pwede ba na dahil mahal nyo ang isa't isa? not because with RELIGION...in short MONEY! sakit kasi isipin na naging mag asawa or gf/bf kayo dahil sa religion at second choice lang ang feelings.

ask her if they don't comparing clothes to each other inside their church every sunday or everytime they have worship?
*if she say no, well for me she's a liar because most people inside the church are comparing clothes to each other...inshort PLASTIKAN AT PAYABANGAN (RELIGION - PLASTIC) so bakit di kayo mag mahalan ng walang halong plastikan? inshort kung walang religion na involve masaya diba'?
*but if she say yes marry her she's saying the truth and that's what you need both THE TRUTH (Until old Days) not the BULLSHIT RELIGION
 
my wife is catholic too like you and me is an Adventist but religion is not issue for us, as long as you love each other go brother, In the bible dapat talaga kareligion mo ang hanapin mo, kasi malaki ang chance na masira family mo with diff. beliefs but also bible said kung naging kayo na, huwag mo siyang iwanan babae man o lalaki, ang marriage is between you, girl and God, ikaw at ang asawa mo ay iisa na at nagpakasal kayo sa Diyos, at para naman sa mga magulang ng gf, lahat tayo anak ng Diyos wala yong tinatangi kasi kahit ano pa man religion mo sa mundo kakatok sayo si Jesus Christ para ipaalam ang tamang religion, basta pakinggan mo lang Siya, kung ang magulang niya di ka kayang tanggapin because of your religion it means their religion is not true kasi ang religion ay yong kahit sino kapa ay tatanggapin ka dahil ganon ang Diyos, paalaala nga ng Diyos " Mateo 7 1-6 Ang Paghatol sa Kapwa
7 “Huwag kayong humatol upang hindi kayo mahatulan. 2 Sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo, at sa panukat na gagamitin ninyo ay susukatin kayo. 3 Bakit nakikita mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid, subalit hindi mo napapansin ang troso na nakabalandra sa iyo mismong mga mata? 4 Paano mo nasasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may trosong nakahambalang sa sarili mong mata? 5 Mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa sarili mong mata, nang sa gayo'y makakakita ka nang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid." "Matthew 7:1-5 American Standard Version (ASV)
7 Judge not, that ye be not judged. 2 For with what judgment ye judge, ye shall be judged: and with what measure ye mete, it shall be measured unto you. 3 And why beholdest thou the mote that is in thy brother’s eye, but considerest not the beam that is in thine own eye? 4 Or how wilt thou say to thy brother, Let me cast out the mote out of thine eye; and lo, the beam is in thine own eye? 5 Thou hypocrite, cast out first the beam out of thine own eye; and then shalt thou see clearly to cast out the mote out of thy brother’s eye." sana nakatulong
 
oo pero hindi kami nagkatuluyan :yes: napaisip din ako dati kung sakaling maging kami nung crush kong babae nung college, morena siya tapos sobrang bait, ngiti pa lang kumpleto na araw ko :pacute: kaso naramdaman ko na ayaw sakin :slap: ayun dumistansya na ko sa kanya pero good terms pa rin kami until now :yes:
 
Yup. 4th year high school, naging sweet kame, pero di kami nagdate, nung nalaman kong inc sya (catholic ako) sinubukan kong umattend sa misa nila (di ko tanda e kung ano tawag dun,parang niyayaya nila yung ibang religion to join them pagnagmimisa, di ko nagustuhan, *catholic nga di ko nagustuhan, inc pa*, its better to be atheist than being hypocritical religious person. :)
 
Hi. "Catholic" ako pero hindi ganon ka religious tapos may bf akong INC (buong family nya) 1 year na kami mahigit wala naman problema. Kilala naman ako sakanila at di naman ako pinipilit mag convert o ano, di rin masyado napapag usapan eh. Siguro ang importante pareho kayong may takot sa Diyos at may respeto sa paniniwala ng isa't-isa. Itry mo lang baka mag work wala naman mawawala.
 
Sa 3 colors lang naman may ganyang utos. ginagawa kasi nilang paraan yan para dumami sila. pero sa iba hindi naman big deal yan.
 
uu kaso di kami nagkatuluyan eh.
kc :cry: nalaman nya na hindi na ako single. :cry:
 
kami ngayun asawa ko, Catholic sya at INC ako. almost 1 year na kaming kasal. kase sinabi nya mahal nya din ako so chinalengge ko sya sabi ko if mahal mo ako mag inc ka din .. then 1 day nagulat nalang ako na bautismohan na sya ng wala man lang pasabi ahhaha ang kulet so ngayun going strong kami after 11 years namin mag siyota ^_^
 
Careful lang bro. Sa experience ko kasi umanib ako sa religion nila. Catholic ako tapos iglesia sya. Everything goes well naman. Siya pa yung may sabi na kpg inc na ko e wala ng makakapaghiwalay saming dalawa. Naging kami kaso bumitaw na sya e. Umayaw na sakin ng walang sapat na dahilan kung bakit. Basta bro nasa sayo naman yan kung mahal mo talaga, mahal na mahal ko kasi talaga yung ex ko. Wag mo lang muna agad ibibigay lahat, hinay hinay lang ha hehe. Goodluck!

Agree ako dito
Minsan na ako umibig din sa isang Inc na babae love namin Ang isa't Isa to the point na ready na kami mag settle down for good pero nong nalaman Ng mga friends at family nya na Catholic ako umayaw sila bigla at Ang unang sagot nila ay mag pa convert daw muna ako.
Ang sakin Lang Wala sa relihiyon Yan. Ako willing ako mag pa convert para sa kanya pero eh nadala sya mga sinasabi Ng iba at tuluyang Ng lumayo at nag laho

Think twice Lang vro near 0% Ang nag kakatuluyan at dahil Yan sa religious beliefs
 
Haha see? Eh ako nga nagpacovert na't lahat eh. Pero ok na ko ngayon. 2yrs na rin since iniwan nya ko. May mga tao lang talaha na dadaan sa buhay natin para maging lessons para alam na natin kung ano ang mga dapat nating gawin sa susunod.
 
Back
Top Bottom