Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Needs Advice...IT technician

tigerstuvok

Apprentice
Advanced Member
Messages
50
Reaction score
0
Points
26
gud day and more power mga ka-symb isa po akong computer technician pero base sa experience ko "Hardware Servicing NC2" sa TESDA lang at wala pa tlga ako cert. at mula nung natapos ko yung sa TESDA nagsarili lang ako nagtayo ng shop sa bahay for 6 yrs hindi ako nagapply kung saan, Ngayon po dahil sa mahina talaga ang kita nagapply akong bilang IT Technician sa isang Company dito sa amin, sa awa ng Poong Maykapal eh natanggap po ako. Interview sa umaga, start kaagad sa tanghali. Pero ang problema ko po ay eto:

Bilang isang IT tech hindi ko pa po lubos alam tlga kung anu ang mga gagawin, sa ngayon nagiisa po akong technician nila
hindi ko po masyadong kabisado lalong-lalo na yun Server Handling, sa Data Manipulating etc etc at sa Internet dahil lahat po ng exp ko ay hardware servicing lang tlaga

natatakot po akong baka maglaho nlng bigla ang pagkakataong ito sa buong buhay ko....sana po mabigyan nyo po ng payo lalong-lalo na sa mga kasymb natin dyan na mga IT Prof

thanks
 
i-research mo lahat ng mga need mo matutunan, "everyday you must learn something" at makakaraos ka d'yan ☺
 
pareho tayo TS. pc tech. rin ako nakakuha ako ng NC2..
naka pag apply ako agad sa BPO .. first 1 year hirap talaga.. basta sinabi ko lang sa boss kong ano alam ko.. para alam nila yong capability mo.. tapos sila na ang mag pa try sayo.. basta tip ko sayo.. accept mo lahat mga challenges.. kasi don tayo ma totoo.. to surpass our capability.. dont worry my google at mga furoms na sandalan natin.. una lang mahirap.. ako nga mag 5 years na.. dito as IT support . kahit programming wala ako.. pero ngayon pa handle2x na ng servers pero basic lang hahaha.
 
i-research mo lahat ng mga need mo matutunan, "everyday you must learn something" at makakaraos ka d'yan ☺

pero anu po ba basic po muna, sapat na po ba muna yung skills ko for the meantime na hardware servicing lang?

anu-ano po kaya mga dapat ko i-advance to search sa ngayun?

salamat po..

- - - Updated - - -

pareho tayo TS. pc tech. rin ako nakakuha ako ng NC2..
naka pag apply ako agad sa BPO .. first 1 year hirap talaga.. basta sinabi ko lang sa boss kong ano alam ko.. para alam nila yong capability mo.. tapos sila na ang mag pa try sayo.. basta tip ko sayo.. accept mo lahat mga challenges.. kasi don tayo ma totoo.. to surpass our capability.. dont worry my google at mga furoms na sandalan natin.. una lang mahirap.. ako nga mag 5 years na.. dito as IT support . kahit programming wala ako.. pero ngayon pa handle2x na ng servers pero basic lang hahaha.

ganuun po ba, so ibig sabihin IT support po talag dapat job description ko???

first time ko po talaga makapasok ng trabaho eh... salamat po.
 
pero anu po ba basic po muna, sapat na po ba muna yung skills ko for the meantime na hardware servicing lang?

anu-ano po kaya mga dapat ko i-advance to search sa ngayun?

salamat po..

- - - Updated - - -

ganuun po ba, so ibig sabihin IT support po talag dapat job description ko???

first time ko po talaga makapasok ng trabaho eh... salamat po.

Dapat TS, pag-aralan mo ang basic networking. kung ikaw ay nag-iisang IT dyan, INTERNET ang maging sandalan mo. Basta mahilig ka sa computer, lalong-lalo na sa pag-solve ng problema, madali mong maayos basta wag ka lang bibitaw.

use GOOGLE, YOUTUBE at iba pang sites na makakatulong sayo.
 
Just tackle it heads on using all the resources available TS, Google it and learn from your everyday experience. Be more confident, lahat po ng IT jan nag simula. Be resourceful and always wag kalimutang gamitin si common sense. Good Luck po
 
Mag Youtube ka sir. wala namang bagay na hindi natutunan.
 
TS .. sa panahon ngayon google at youtube na ang sasagot sa iba mo tanong .. ako nga magisa lang din diito sa company na inaplyan ko pero google lang ang sumasagot sa iba tanong ko .. saka importante pakita mo na kaya mo .. ganun lang wag mo sasabhin na di mo kaya .. kaya mo yan ...
 
naiyak na ako.... tnx sa inyo lahat...
 
iLAN Sahod mo TS?

alamin mo lahat ng gamit nila, dahil pagdating mo gumagana pa nman yan, aralin mo sir,
 
TS if like mo add mo ako s skype. pwede kita matulungan lage ako online sa skype.. PM mo lang if interesado ka. send ko sau skype username ko
 
lahat naman ng bagay natutunan e. depende lang yan sa pangangailangan. para-paraan lang yan ts. :) kapag nagkaproblema ka meron naman google youtube at symbianize
 
tama sila TS lahat ng bagay natututunan, pero syempre dapat alamin mo dn kung anong klaseng company yan at kung pano ung flow ng network infrastructure nila, google at youtube lang yan sir, goodluck :salute:
 
tama lahat ng nag comment dito I.T. tayo dapat lahat may solusyon kaya nga andyan si GOOGLE at YOUTUBE confident at lakas ng loob lang at syempre ang diskarteng malufet. charge to experience lang lahat ng di alam at matututunan din yan pag na encounter mo na.
 
tama ang sinabi nilang lahat boss wag ka matakot at panghinaan ng loob lahat yan nadadaan sa tyaga... payo ko lang alamin mo lahat ng resources mo dyan sa company na ginagamit ng previous IT trace every line cable kung may mga tags mas okay, trace mo yung main line from ISP at mga line ng server papuntang main switches alamin mo yung diagram ng network infra nyo pra ndi ka magpanic kpag may nawalan ng connection lalo na kung maraming department..., kung servers ang problem mo mag set up ka ng mga OS sa vmware o mag set up ka ng server sa ibang spare unit para mag explore ng server settings / configuration from youtube at google sila ang pagnalawang sandalan mo syempre una yung kakayahan mo gaya ng pagiging tech nakaya nating mag diagnose ng problem sa board or chip level... after nun mag set up ka ng simpleng network na nakahiwalay sa network na company nyo wag na wag mo icoconnect sa network nyo yung switch na connected sa dummy server mo then alamin mo yung settings ng mga cable from cat 5 - cat 6 kung may mahabang oras kpa lalo na yung straight at cross over... tandaan mo lang na sa lahat ng bagay sa technical kung may daanan ng data dapat may daanan din sila ng electric supply... sa software naman lalo na sa live server nyo unahin mo yung pag back up ng mga data kung pwede ka mag clone gawin mo dahil isa yan sa makakatulong sayo.

kung need nyo ng service ko pra makatulong ayos lang din sakin :D
 
ibenta mo talaga sarili mo sa ganyan pagkakataon at lumapit ka sa panginoon parati para may lakas loob ka galing sa kanya. ganyan ang ginagawa ko parati dahil lahat natutupad at lumalakas ang sarili ko sa lahat ng nangyayari.
 
walang masama dun boss sa reyalidad kung nagiisang IT ka sa company at kung sakali mag re-layout ka ng network at cctv tingin mo kaya mo ng magisa yun lalo na kung may timeline??? at lalo na kung 3 building at pang production area pa? haha kahit sa mga telco may sapat na tao sila pra sa ganun.
 
TS mag simula ka sa troubleshooting and technical supporting muna (hardware,network,software). Wag mo alalahanin ang hindi pa nasira. And then pag may vacant time ka try to study those things na hindi mo pa kabisado live the servers etc.
 
may internet connection naman siguro sa pinasukan mo, try to search na lang if hindi mo alam, ask.com, uncle google and youtube university if hindi naka block ang mga site na yan... Good luck sa iyong career paps! :salute:
 
Back
Top Bottom