- Messages
- 92
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Mga 2 months na po nung nagstart ako magaral magdrive. Medyo nahihirapan pa rin po akong magadjust kasi yung ginamit ko nung nagaaral pa lng po ako is hyundai accent tapos yung sasakyan namin is toyota vios 2004. Nailalabas ko na naman po yung kotse namin kaya lang po eh medyo kinakabahan pa din po ako. May tips po ba kayo kung pano po ndi mamatayan habang nagmamaneho lalo na sa mga bitin (hanging)? Tsaka po sa parking, hindi ko po magamit yung kotse papasok sa school kasi po kinakabahan po ako sa pag park. Kinakabahan din po ako na baka maatrasan ko yung mga nasa likod na sasakyan lalo na sa mga ahon. Bale po ako po ang unang driver sa aming pamilya kaya wala po akong mapagtanungan. Any advice or tips will be greatly appreciated