- Messages
- 104
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
Quick question lang mga SIII users, any known issues for Galaxy SIII?
Baka kasi may iba pa kayong inputs.
Eto mga napansin kong negative sa S3 ko after 2.5 months of use.
1. Madalas mag drop ang wifi connection. Pero may fix naman to. Just update your baseband to DLH1 and above.
2. Ink marks sa screen. Makikita mo lang sya pag nasa madilim kang lugar tapos dark yung color na naka display sa screen mo. Parang may mantsa ng black ink na mapapansin ka sa screen. Pero di naman to masyadong big deal. Kasi nga sa dark area lang sya nalabas at dapat dark din ung image na nasa screen. Once a week ko lang ata sya napapansin sa phone ko. Pag timing na gumagamit ako sa madaling araw at patay lahat ng ilaw sa bahay.
3. Screened door effect sa screen because of pentile matrix. Pag tinitigan mong maigi yung mga pure white images mapapansin mong may maliliit na tuldok. Parang pag natingin ka sa labas ng bahay sa likod ng isang screened door or window. 2 sub pixels lang kasi per pixel ang screen ng S3. Eh need ng 3 kulay (read, green and blue) para makapag produce ng white. Obvious to sa boot logo ng galaxy S3.
4. Finger print magnet yung hyper glazed housing nya. Napilitan tuloy akong bumili ng casing. Ang dungis kasi tingnan after hawakan.
5. Takaw nakaw. Hehe.. Dahil ang laki nya, madali syang mapansin pag ginamit sa public places. At obvious na high end phone sya. Di ko tuloy sya magamit habang naglalakad or nag aabang ng sasakyan.
Anyway, despite these issues, love na love ko pa rin tong S3 ko. Mas maraming positive sa kanya kesa negative.