Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

(OSAS) Once Saved Always Saved

kurungkoy23

Proficient
Advanced Member
Messages
293
Reaction score
18
Points
28
Case #1: Namatay si Kristo para sa ating kasalanan

Tulad ng nababasa sa 1 Cor. 15:3 - "... si Kristo ay namatay sa ating mga kasalanan..."
Lahat tayo ay nagkasala (Romans 3:10) at walang naka abot sa itinakdang pamantayan ng Dyos upang tayo ay hindi mapahamak (Romans 3:23).
Kung ganon, lahat tayo ay nakatakdang mapahamak (Romans 6:23) sa apoy ng impyerno na ikalawang kamatayan (Rev. 20:14).

Case #2: Lahat tayo ay Mamamatay

Ayon sa banal na kasulatan, si Methuselah ang pinakamatagal na nabuhay dito sa daigdig na may edad na 969 taong gulang (Gen.5:27), ngunit sa kabila ng kanyang mahabang buhay, sya pa rin ay namatay.
Meron din namang hindi nakaranas ng kamatayan, tulad nila Enoch at Elijah. Ngunit matapos ang kanilang panahon, nasusulat na lahat tayo at mamamatay (Heb. 9:27).

Case # 3: Ayaw ng Dyos na Tayo ay Mapahamak

Mababasa sa 2 Peter 3:9 na ayaw ng Dyos na sinoman sa atin ay mapahamak. Ngunit nakakalungkot na marami ang magkakaila o aayaw sa biyaya na kaligtasan na ibinibigay sa atin na walang kapalit.
Hindi ang Dyos ang maglalagay sa atin sa impyerno, kundi tayo ang syang pumipili na mapahamak sa impyerno sa oras ating tanggihan ang Kanyang biyaya na kaligtasan (Romans 5:8).

Case # 4: Upang Maligtas, Kinakailang na Maniwala at Manampalataya

Si Kristo ay namatay, inilibing at muling binuhay sa ikatlong araw. Ito ang ebanghelyo na kailangang paniwalaan at panampalatayanan upang maligtas (1 Cor. 15:1-4).

Case # 5: Walang Kinalaman ang Gawa sa Ating Kaligtasan

Ang paggawa ng mabuti ay hindi kinakailangan upang maligtas (Eph.2:8-9), (Gal. 2:16 - tatlong beses na binanggit na "hindi sa pamamagitan ng gawa" sa iisang talata), (Titus 3:5).

Case # 6: Kinakailangan ang Gawa Matapos na tayo ay Maligtas

Isang senyales na tayo ay tunay na naligtas ay tayo'y makitaan ng tuwid na patotoo sa pamamagitan ng ating pananalita, pagkilos at paggawa (Eph. 2:10).
Kung atin pong babasahin ang nakasulat sa aklat ni Santiago (book of James), maaaring tayo ay malito sa isinasaad nito na patungkol sa paggawa ng mabuti. Kung atin pong babasahing mabuti, ang kinakausap po dito ay mga kapatiran na ligtas na at sila'y inaatasan na lumakad sa tuwid na landas.

Case # 7: Minsang Ligtas, Palaging Ligtas (Once Saved Always Saved)

Nang tayo'y naligtas, ay hawak tayo ng Anak (Kristo, Dyos Anak) - John 10:28
Maliban sa Anak, noong tayo'y naligtas ay hawak din tayo ng Ama - John 10:29
At walang maaaring umagaw sa atin sa kanilang mga kamay.
Maging ang mga sumusunod ay HINDI maaaring makapagpahiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dyos (Romans 8:38-39):
- Kamatayan
- Buhay
- Mga Anghel
- Mga Pamunuan
- Mga Bagay sa Kasalukuyan
- Mga Bagay na Darating
- Mga Kapangyarihan
- Kataasan
- Kababaan
- Kahit man Ibang Nilalang

Case # 8: Wala Tayong Nai Ambag Nang Ipako si Kristo sa Krus ng Kalbaryo

Wala tayo ni isang kontribusyon nang si Kristo ay mabayubay sa Krus ng Kalbaryo, kung kaya't nasusulat na 'Gayon na lamang ang pag-ibig ng Dyos sa sanlibutan...' (John 3:16)
Sa biyaya tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa ating sarili, kundi ito'y kaloob ng Dyos (Eph. 2:8).

Case # 9: Ngayon Ang Araw Upang Ikaw ay Maligtas - 2 Cor. 6:2
 
Back
Top Bottom