Guys share ko lang nabuo kong tula ngayong gabi, random thoughts ko lang ito galing sa PUSO
Mga natatagong lihim sa likod ng camera.
Mga bagay na sinadyang hindi ipakita.
Pait at lungkot ang tunay na laman
Sa mga ngiti mong kay sarap balikan
Oras at panahon gusto ko sanang balikan
Mga larawan mong tanging ala ala na lamang
Mga lugar at panahon na nais na mapuntahan
Ngunit isip ko'y tanging ikaw ang laman
Panahon ay lumipas, Kumupas ang larawan
Pagtitiwalang naglaho, di na maibalik kailanman
Sarap ngayong pakinggan ang salitang paalam
Sapagkat ito naman talaga ang katapusan.