Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Paano ko makikilala ang mga bulaang guro / bulaang propeta?

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
774
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
Binalaan tayo ni Hesus na "maraming bulaang Kristo at bulaang propeta" ang lalabas at magtatangkang dayain kahit na ang mga hinirang (Mateo 24:23-27; tingnan din ang 2 Pedro 3:3 at Judas 17-18). Ang pinakamagandang paraan upang bantayan ang sarili laban sa kasinungaligan ng mga bulaang mangangaral ay alamin ang katotohanan. Upang makilatis ang mali, kailangang pagaralan kung alin ang totoo. Ang sinumang mananampalataya na marunong gumamit ng salita ng katotohanan (2 Timoteo 2:15) at masikap na nag-aaral ng Salita ng Diyos ay kayang makilatis ang maling doktrina. Isang halimbawa, ang isang mananampalataya na alam ang ginagawa ng Ama, Anak at Banal na Espiritu sa Mateo 3:16-17 ay madaling malaman ang doktrina na sumasalungat sa Trinidad. Kaya't ang unang hakbang ay pag-aralang mabuti ang Bibliya upang mahusgahan ang lahat ng katuruan sa pamamagitan ng turo ng Bibliya.

Sinabi ni Hesus na makikilala ang isang puno sa pamamagitan ng kanyang bunga (Mateo 12:33). Kung maghahanap ng bunga, narito ang ilang mga pagsusulit upang malaman kung ayon sa kasulatan ang itinuturo ng isang mangangaral:

1) Ano ang itinuturo ng mangangaral tungkol kay Hesus? Sa Mateo 16:15-16, tinanong ni Hesus ang mga alagad "ano ang sabi ninyo kung sino ako?". Sumagot si Pedro "Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay". Dahil sa sagot na ito ni Pedro tinawag siya ni Hesus na "mapalad." Sa 2 Juan 9 ay mababasa natin, "Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak". Sa madaling salita, si Hesus at ang Kanyang ginawanag pagtubos ay napakahalaga. Magingat sa sinumang itinatanggi ang pagiging kapantay ni Hesus sa Ama, na pinawawalang halaga ang ang Kanyang kamatayan o tinatanggihan ang Kanyang pagiging tunay na tao. Sinasabi sa 1 Juan 2:2 "At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman."

2) Ipnangangaral ba ng mangangaral ang ebanghelyo? Ang ebanghelyo ay nangangahulugan ng Mabuting Balita patungkol sa kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli ni Hesu Kristo ayon sa Kasulatan (1 Corint0 15:1-4). Kahit gaano pa kaganda sa pandinig ang salitang "mahal ka ng Diyos", "nais ng Diyos pakainin ang mga nagugutom" at "nais ng Diyos na yumaman ka", ang mga ito ay hindi kumpletong mensahe ng Ebanghelyo. Gaya ng babala ni Apostol Pablo sa Galatia 1:7 "Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Kristo." Walang kahit sino kahit na si Pablo ang may karapatang baguhin ang Ebanghelyo ng Diyos na ibinigay Niya sa tao. "Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil" (Galatia 1:9).

3) Ang mangangaral ba ay nagtataglay ng mga katangian na nagbibigay luwalhati sa Diyos? Sinabi ni Judas tungkol sa mga bulaang mangangaral sa Judas 11 "Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core". Sa ibang salita ang isang bulaang mangangaral ay makikilala dahil sa kanyang kayabangan (gaya ng pagtanggi ni Cain sa plano ng Diyos), kasakiman (gaya ni Balaam na nagpaupa sa kanyang panghuhula), at rebelyon sa Diyos (gaya ng pagtataas ni Core ng kanyang sarili ng higit kay Moises). Sinabi ni Hesus na dapat tayong mag ingat sa ganitong klase ng mga mangangaral. Malalaman natin kung sino sila sa pamamagitan ng kanilang mga bunga (Mateo 7:15-20).

Para sa karagdagang pagaaral, muling balikan ang mga aklat sa Bibliya na isinulat upang bantayan ang maling katuruan sa iglesia gaya ng aklat ng Galatia, 2 Pedro, 1 Juan 2 at Judas. Laging mahirap na makilatis ang mga bulaang guro/propeta. Si satanas man ay nag-aanyong anghel ng kaliwanagan (2 Corinto 11:14).

 
basta tao ang founder, bulaang propeta yun

kasi iisa lang ang simbahan ang iniwan ni Jesus, hindi 43000 plus na kulto at sekta
 
si quiboloy isa sa mga bulaang guro, nagpapakilalang kristo raw siya, eh tao
lang naman, ang kapal ng apog ng kumag.
 
basta mga religion may mga SEC registration yan.

bakit di mo alammin yung sa inyo
 
Last edited:
may religion na noong panahon ni Jesus,
tapos may mga sumulpot na parang mga kabute ngayon. tapos inaako na sila ang totoo?

basa


1 Timothy 3:16Good News Translation (GNT)

16 No one can deny how great is the secret of our religion:

He appeared in human form,
was shown to be right by the Spirit,[a]
and was seen by angels.
He was preached among the nations,
was believed in throughout the world,
and was taken up to heaven.
 
basta tao ang founder, bulaang propeta yun

kasi iisa lang ang simbahan ang iniwan ni Jesus, hindi 43000 plus na kulto at sekta

may religion na noong panahon ni Jesus,
tapos may mga sumulpot na parang mga kabute ngayon. tapos inaako na sila ang totoo?

basa


1 Timothy 3:16Good News Translation (GNT)

16 No one can deny how great is the secret of our religion:

He appeared in human form,
was shown to be right by the Spirit,[a]
and was seen by angels.
He was preached among the nations,
was believed in throughout the world,
and was taken up to heaven.

Paki basa po ito sir.
Ano ang pinakauna/ orihinal na iglesya? Ang orihinal / unang iglesya ba ang tunay na iglesya?
 
bakit di mo alamin yung sa inyo.?

saan nagmula at sino ang founder nyo?
 
bakit di mo alamin yung sa inyo.?

saan nagmula at sino ang founder nyo?

Ok po aalamin ko yan.
Pero po sir hindi ako nag babase kung ano/sino ang naunang Simbahan.
Naka fucos po ako doon sa itinuturo nila kung naaayon po ba ito sa Bible. Lalo na yung sa salvation.
Kung sino po yung nagtuturo ng sang ayon sa Bible, iyon po ang tunay :)
 
nakafocus kayo sa salvation

imbento pala ng doktrina nyo. :lol:
 
nakafocus kayo sa salvation

imbento pala ng doktrina nyo. :lol:

Ako lang po sir. :)
Kahit naman po kasi nasa hula pa ang isang Simbahan kung salungat naman sa Bibliya ang itinuturo nila. Useless lang po yun.
Hindi po ako ang sinasabihan niyo nyan sir,hindi kami ang may gawa ng Bibliya, na pamantayan namin sa pananampalataya, Ang Diyos po. :)
 
Last edited:
Ako lang po sir. :)
Kahit naman po kasi nasa hula pa ang isang Simbahan kung salungat naman sa Bibliya ang itinuturo nila. Useless lang po yun.
Hindi po ako ang sinasabihan niyo nyan sir,hindi kami ang may gawa ng Bibliya, na pamantayan namin sa pananampalataya, Ang Diyos po. :)



sarili mong interpretasyon? naku labag sa bible yan

basa

2 peter 1:20
knowing this first of all, that no prophecy of Scripture comes from someone’s own interpretation



kasama na yung mangangaral na hindi nabigyan ng authority mula sa Diyos
 
Ts mali ang tanong mo..dapat ang tanong kung meron propheta n nabubuhay pa s ngayon at sino ...
 
sarili mong interpretasyon? naku labag sa bible yan

basa

2 peter 1:20
knowing this first of all, that no prophecy of Scripture comes from someone’s own interpretation


kasama na yung mangangaral na hindi nabigyan ng authority mula sa Diyos

Bibliya lang ang dapat na pamantayan sa pananampalataya.

Hay naku po sir, basta may maisagot lang kahit na malayo ang pakahulugan.

Ano pong maipapaliwanag niyo dito sir.
Detalyado po dapat yung paliwanag niyo diyan.
Baka mag popost kananaman po ng kahit na anong verses na galing sa Bible. Basta nakasagot lang.

Tanong: "Naaayon ba sa Bibliya ang paniniwala at mga gawaing panrelihiyon ng mga Katoliko?"

Sagot: Ang tamang pamantayan tungkol sa paniniwala at mga gawaing panrelihiyon ay kung ayon baa ng mga iyon sa Bibliya. Kung ang isang katuruan ay naaayon sa Bibliya, iyon ay dapat tanggapin. Ngunit kung hindi, iyon ay dapat tanggihan. Mas nasisiyahan ang Diyos kung ang isang iglesya ay gumagawa ng Kanyang kalooban at sumusunod sa Kanyang mga Salita kaysa kung ang isang iglesya ba ay totoong nagmula kay Hesus at sa mga apostol. Hindi ni Hesus nais na talikdan ng tao ang katotohanan ng Kanyang Salita at sundin ang tradisyon ng mga tao (Markos 7:7). Hindi likas na masama ang tradisyon. Mayroon din namang maganda sa tradisyon. Ngunit muli, ang isyu ay kung ang isa bang doktrina, gawain o tradisyon ay naaayon sa Salita ng Diyos. Ikumpara natin ang katuruan ng Simbahang Katoliko sa mga katuruan ng Salita ng Diyos.

Kaligtasan: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng binyag at napapangalagaan ng tao sa pamamagitan ng mga sakramento maliban na lamang kung ang isang tao ay nakagawa ng isang kasalanan na pumuputol sa kalagayan ng tao sa ilalim ng grasyang nagpapabanal. Itinuturo ng Bibliya na ang kaligtasan ay sa biyaya na tinatanggap ng tao sa pamamagitan ng pananampalataya (Efeso 2:8-9), at ang mabubuting gawa ay resulta lamang ng pagbabago ng puso na dala ng kaligtasan (Efeso 2:10; 2 Corinto 5:17) at bunga ng isang bagong buhay na na kay Kristo (Juan 15).

Katiyakan ng Kaligtasan: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na hindi magagarantiyahan o matitiyak ng tao ang kaligtasan. Ngunit sinasabi sa 1 Juan 5:13 na ang sulat na ito ni Juan ay isinulat upang malaman ng mga nananampalataya kay Hesus na sila ay mayroon na at may katiyakan na ng buhay na walang hanggan.

Mabubuting Gawa: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na maliligtas ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng mabubuting gawa (na nagsimula sa binyag) at ang kaligtasan ay maiingatan sa pamamagitan ng mabubuting gawa (sa pagtanggap at pakikibahagi sa mga sakramento, pagkukumpisal sa pari at iba pa). Ngunit sinasabi ng Bibliya na ang mga Kristiyano ay naligtas sa Biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi dahil sa mabubuting gawa (Tito 3:5; Efeso 2:8-9; Galacia 3:10-11; Roma 3:19-24).

Bawtismo: Ang bawtismo sa Bagong Tipan ay ginagawa lamang sa isang tao pagkatapos niyang manampalataya kay Kristo. Hindi makakapagligtas ang bawtismo; ang pananampalataya sa Ebanghelyo ang kasangkapan ng Diyos para sa kaligtasan ng tao (1 Corinto 1:14-18; Roma 10:13-17). Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang pagbibinyag sa bata ang nagliligtas, isang paniniwala na hindi matatagpuan sa buong Bibliya. Ang tanging posibleng pagbanggit sa binyag sa Bibliya na maaaring gamitin ng Simbahang Katoliko ay ang pagbawtismo sa buong sambahayan ng bantay bilanggo sa Filipos sa Aklat ng mga Gawa 16:33. Gayunman, hindi binabanggit sa teksto na may batang kasamang nabawtismuhan. Idineklara sa Aklat ng mga Gawa 16:31 na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Nangaral si Pablo sa buong pamilya ng bantay bilanggo sa talata 32 at nanampalataya ang buong sambahayan (talata 34). Ang mga talatang ito ay sumusuporta lamang sa bawtismo para lamang doon sa sumampalataya, hindi sa pagbibinyag ng mga bata.

Panalangin: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na hindi lamang sa Diyos maaaring manalangin, kundi maaari ding manalangin kay Maria at sa mga santo. Hindi sinasang-ayunan ng Bibliya ang katuruang ito. Tinuturuan tayo ng Kasulatan na manalangin tanging sa Diyos lamang (Mateo 6:9; Lukas 18:1-7).

Pagpapari: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na mas mataas ang kalagayan ng mga pari kaysa sa mga karaniwang lingkod sa simbahan, samantalang itinuturo naman ng Bibliya na ang lahat ng mananampalataya ay saserdote ng katas-taasang Diyos at pantay pantay sa paningin ng Diyos (1 Pedro 2:9).

Mga Sakramento: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang mga mananampalataya ay nahahawahan ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga sakramento gaya ng Huling Hapunan. Ang katuruang ito ay hindi matatagpuan saanman sa Kasulatan.

Pangungumpisal: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang tanging paraan upang mapatawad ang kasalanan ng tao ay sa pamamagitan ng pangungumpisal sa pari. Tinututulan ng Bibliya ang katuruang ito sa halip, itinuturo ng Bibliya na tanging sa Diyos lamang dapat na magsisi ang tao sa kanyang mga nagawang kasalanan (1 Juan 1:9).

Maria: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na si Maria ang Reyna ng kalangitan, at nanatili siyang birhen habampanahon, naging tagapamagitan siya sa tao at kay Hesus at umakyat sa Langit. Sa Bibliya, inilalarawan si Maria bilang isang alipin ng Diyos, na naging ina ni Hesus sa laman. Wala sa Bibliya ang anuman sa paglalarawan ng Simbahang Katoliko patungkol kay Maria. Ang ideya na naging kapwa tagapamagitan siya ni Hesus sa Diyos at sa tao ay hindi lamang hindi matatagpuan sa Bibliya kundi salungat sa itinuturo ng Bibliya. Sinasabi sa Aklat ng mga Gawa 4:12 na si Hesus lamang ang tanging Tagapagligtas at Manunubos. Ipinroklama sa 1 Timoteo 2:5 na si Hesus lamang ang tanging Tagapamagitan sa Diyos at sa tao. Marami pang mga halimbawa ang maaaring banggitin. Ang mga katuruang nabanggit sa artikulong ito ay sapat na upang malaman na hindi ayon sa Bibliya ang marami sa katuruan ng Katolisismo.

May mga tradisyon at gawain ng bawat denominasyon na hindi ayon sa itinuturo ng Bibliya. Ito ang dahilan kung bakit nararapat na ang Bibliya lamang ang dapat na maging pamantayan sa pananampalataya at gawaing Kristiyano. Laging totoo at mapagkakatiwalaan ang Salita ng Diyos. Ngunit hindi masasabi ang ganito sa mga tradisyon ng Simbahang Katoliko. Ang ating pamantayan ay dapat na "Ano ba ang sinasabi ng Bibliya?" (Roma 4:3; Galacia 4:30; Gawa 17:10). Idineklara ni Apostol Pablo sa 2 Timoteo 3:16-17, "Lahat ng kasulata'y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain."
 
Last edited:
mga sinaunang pope namin nasa bible din.

sabi ko may mga character at places din involved sa bible

at hindi lang mga puro putol verse
 
mga sinaunang pope namin nasa bible din.

sabi ko may mga character at places din involved sa bible

at hindi lang mga puro putol verse

Hindi po ako kumbinsido sa sagot mo nayan sir.
Putol verse.?
Ano po ang karugtong at tama para sa inyo sir?.Paki explain po ng malinaw sir katulad ng post ko nayan? with supporting verse po.
 
kapag super yaman sila at hindi nila sinasabi kung saan nanggaling ang kayamanan nila,..at bukang bibig lagi ang biyaya sa diyos,..para mauto ang mga taong naniniwala sa kanila, pero sa totoo lang sila lang ang yumayaman
Ang totoong propeta ay hindi yumayaman dahil tinutulong nila sa lahat ang mga nalilikom nilang pera, at purong pangaral galing sa bible ang sinasabi at hindi puro pang uuto na may balik na biyaya ang nanampalataya..
 
kapag super yaman sila at hindi nila sinasabi kung saan nanggaling ang kayamanan nila,..at bukang bibig lagi ang biyaya sa diyos,..para mauto ang mga taong naniniwala sa kanila, pero sa totoo lang sila lang ang yumayaman
Ang totoong propeta ay hindi yumayaman dahil tinutulong nila sa lahat ang mga nalilikom nilang pera, at purong pangaral galing sa bible ang sinasabi at hindi puro pang uuto na may balik na biyaya ang nanampalataya..

very well said sir! :salute:
 
malalaman mo ang bulaang propeta yung sektang tao ang founder. yung iba nga SEC registered,

mga bulaang propeta na yan ni ultimo alpelyido nila wala sa bible



luke 10:16 ►

Then he said to the disciples, "Anyone who accepts your message is also accepting me. And anyone who rejects you is rejecting me. And anyone who rejects me is rejecting God, who sent me."

ang mga apostol ay mga sinaunang pari, bago namatay ang mga apostol, ang mga apostol ay nag ordained din ng kapalit nilang pari, mana mana yan

priest ordain priest.

yung mga pastor, ingkong, ministro. bigla na lang sumulpot. bulaang propeta yan, kasi walang natanggap na authority mula sa Diyos
 
Last edited:
Ts basta para sakin malalaman mo lang ang mga bulaan propeta o guro qng sila ay nag sasabi sa inyo na kau lang na kasama nila sa relihiyon nila ang maliligtas bakit q nasabi na bulaan sya dahil ndi naman sya diyos para sabihin yon,isa pa qng ang sinasabi ng guro nyo na demonyo ang ibang relihiyon o nag sasabi sya ng masama laban sa ibang relihiyon ndi sya mabuting guro umalis kna at wag sumama sa kanila. dhil ang naninira sa ibang relihiyon ay ndi gawain ng mabuting relihiyon tandaan nyo mga ts khit anu pa ang relihiyon mo basta tungkol sa bible ang pinag aaralan nyo yan ay ndi masama mapa catholic ka iglesia o anu pang relihiyon mo na bibilia ang pinag uusapan yan ay ndi masama, makakarinig ka sa ibang mga guro na ang relihiyon na to sila ay mga demonyo dhil madami silang santo pero sa totoo naman ang santo ng katoliko ay makikita din naman nila sa bible nilang ginagamit at binabasa nila, qng iisipin mo kc ang nakaraan nun panahon ni kristo o ilang daan taon o libong tao na wala pang camera kya ginagamit nila ang mga bato o kahoy upang i ukit ang mga sarili nila o mahal nila sa buhay at ito ang mga ginawa ng mga katoliko umukit sila ng mga imahe ng mga santo upang ndi makalimutan ng iba at para sa susunod na henerasyon ay wag makalimot ang mga tao,ang ginawang ito ng katoliko ay ndi masama ang nag papasama lang nito ay ang ibang guro na nag mula sa ibang relihiyon.

Tandaan nyo mga ts khit anu pa ang relihiyon mo ay ndi ka nito ililigtas "ang kaligtasan mo ay nasasayong mga kamay wala sa relihiyon"
 
Last edited:
Ts basta para sakin malalaman mo lang ang mga bulaan propeta o guro qng sila ay nag sasabi sa inyo na kau lang na kasama nila sa relihiyon nila ang maliligtas bakit q nasabi na bulaan sya dahil ndi naman sya diyos para sabihin yon,isa pa qng ang sinasabi ng guro nyo na demonyo ang ibang relihiyon o nag sasabi sya ng masama laban sa ibang relihiyon ndi sya mabuting guro umalis kna at wag sumama sa kanila. dhil ang naninira sa ibang relihiyon ay ndi gawain ng mabuting relihiyon tandaan nyo mga ts khit anu pa ang relihiyon mo basta tungkol sa bible ang pinag aaralan nyo yan ay ndi masama mapa catholic ka iglesia o anu pang relihiyon mo na bibilia ang pinag uusapan yan ay ndi masama, makakarinig ka sa ibang mga guro na ang relihiyon na to sila ay mga demonyo dhil madami silang santo pero sa totoo naman ang santo ng katoliko ay makikita din naman nila sa bible nilang ginagamit at binabasa nila, qng iisipin mo kc ang nakaraan nun panahon ni kristo o ilang daan taon o libong tao na wala pang camera kya ginagamit nila ang mga bato o kahoy upang i ukit ang mga sarili nila o mahal nila sa buhay at ito ang mga ginawa ng mga katoliko umukit sila ng mga imahe ng mga santo upang ndi makalimutan ng iba at para sa susunod na henerasyon ay wag makalimot ang mga tao,ang ginawang ito ng katoliko ay ndi masama ang nag papasama lang nito ay ang ibang guro na nag mula sa ibang relihiyon.

Tandaan nyo mga ts khit anu pa ang relihiyon mo ay ndi ka nito ililigtas "ang kaligtasan mo ay nasasayong mga kamay wala sa relihiyon"


baka hindi mo pa nabalitaan kaibigan na kinalaban ni Jesus ang relihiyon sa panahon niya, kinalaban niya kasi nga nagtuturo na siya ng daang kagaling galingan

aba, eh kung nasa kamay mo ang kaligtasan,,ibig sabihin ay ligtas ka na,,nasa kamay mo na nga di ba? it means, under your possesion...
 
Back
Top Bottom