Paano maiwasan magalit.?
* Mag Focus sa mga bagay na kayang kontrolin at hindi sa bagay na di kayang kontrolin, halimbawa :
* Hindi mo kayang kontrolin ang ulan, kaya kailangan mong kontrolin ang sarili mo. Bakit di ka magdala ng payong o kaya magpatila muna.
* Kumain ka ng tama at nasa oras. Dahil minsan baka gutom lang iyan.
* Iwasan din ang pagpupuyat kung hindi naman kinakailangan, mas mainam ang may maayos na pahinga.
* Minsan kailangan din na tanggapin natin na may mas pogi o mas maganda sayo he he, tawa naman jan o!
Mga Kawikaan 29:11
[11]Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.
Santiago 1:19-20
[19]Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
[20]Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.
Ang Mangangaral 7:9
[9]Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.