Teka lang mga ka TS para sa mga nakaranas na ma denied pwede ko bang malaman ano ano i prenesent nyo na docs sa immigration? ano ung mga tinanong sa inyo?... at ano reason bakit na deny kau?
kasi sa pagkakaalam ko we have the right to travel lalo na na issuehan ka ng passport...
alam naman natin lahat yan. Yun lang nman Immigration dito sa atin ang kakaiba. Sobra sa higpit na hindi mo alam ang dahilan.
Sa experience ko ganito. Yung bayaw ko nag sponsor sakin na mag tourist ako sa QATAR, CUT KO NA STORY, NA DENY AKO SA IMMIG, 2 times. Meron ako VISA, PASSPORT at supporting papers galing sa bayaw ko. Ayon sa Immig, hindi daw pwede kasi hindi ako kamag-anak sa 1st degree(tatay,nanay, asawa, anak, kapatid)
Bakit hindi ko iisipin na money-making sila? Sana bago ka ma-issuehan ng VISA, sana sa kanila muna ang simula ng application pra in the 1st place malaman mo kung makakalusot ka or hindi. No need na mag apply ka pa ng visa at bumili ng plane ticket na parehas malaking pera.
Noon 2006, hindi pa boom ang Qatar sa mga trabaho. Apply k lang ng visa tapos bili ka ticket, makaka alis ka ng walang hasel.
Pupunta sa Qatar as tourist pero layunin eh mag work? Illegal?
Eh ano trabaho ng Philippine Embassy doon? Hindi ba pwede sila mag process incase isang Filipino ang ang tourist tapos nakahanap ng work doon na convert ang tourist to working visa nya?
Napakalaking tulong noon sa bawat Filipino sana kasi kapag dito ka nag apply... baka masangla mo na bahay at lupa mo hindi ka pa maka-alis minsan.
Kapwa natin Filipino ang humihila sa atin pababa....
Dati ang may travel ban ay sa IRAQ at Afghanistan lang pero ngayon halos lahat ng bansa mahihirapan ka makapunta dahil dito pa lang haharangin ka na.
Ako noon bingyan ako ng QATAR na VISA, it means pinapayagan nila ako pumasok sa bansa nila PERO...
yung Immigration dito, hinarang ako, dinaig pa nila yung bansang nag bigay sakin ng karapatan makatungtong sa bansa nila...