Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pag di po ba nakapag-bayad ng bill sa SmartBro Makukulong ka?

di yan TS,may rason ka naman para hindi magbayad ei,dapat ayusin nila serbisyo nila.
 
kung nakakaranas ka ng poor service quality kelangan nung una pa lang naitawag mo na yan, para may basis sila kung sakali na mag demanda man sila, nasa record na talagang nakaka experience ka ng slow connection, pero may paraan sila para patunayan na ginamit mo naman ng maayus ng serbisyo.

may mga tao kase na ginagawang hobby pagpapakabit ng nga internet, una Pldt susunod globe tapos smart sunod wi-tribe... parang nangongolekta lang ng modem.
 
May mga offense yan TS. Kung first offense ka palang di ka man makukulong.
 
pag di ka nag bayad at na proceeded sa court eto ang kaso paglabag sa contract agreement secondary ang fraud at estafa if proven na ginamin mo bandwidth nila . If sa provision nyo in case mag settle ka 3 times ang bayad plus damages like atty fees babayaran mo at may record ka sa nbi pati na hadlang yan sa pag work mo o travel in future . Maaring mo naman pre terminate ang contract mo para at least na inform mo sila o kaya transfer mo. Ang problema ginamit mo ang net na di ka nagbayad sadya o di sadya ikaw ang kawawa sa huli.Mga di nag bayad sa telcos tinatapos lang nila ang batas to get them all misanan pera yan at big company player mga yan di palulugi remember. Gawin mo tama at hwag makinig sa iba na mali ang advise


isa-isahin po natin ang contention mo:

1.) pag di ka nag bayad at na proceeded sa court eto ang kaso paglabag sa contract agreement.

ang mag file pa lang ng kaso sa korte e malaki na ang gagastusin ng smart bukod pa sa mala-usad pagong na justice system ng pilipinas e kelan pa nila mare-recover yung utang mo at magkano? kung sakali man na kasuhan ka ng smart sa di pagbabayad ng bill mo ay civil case lang po yun at wala pong nakukulong sa civil case. granting na nanalo ang smart pero wala ka naman talagang ipambabayad ay korte ang magde-decide kung ano ang terms of payment at yun ay ibi-based sa kaya mong bayaran at hindi sa terms ng smart.

kaya nga ipinapasa ng mga telcos sa mga collection agency para ang collection agency ang mag tyagang maningil sa may utang. ang ginagawa naman ng mga collection agency ay tatakutin ang mga kawawang debtor na kesyo makukulong ka pag hindi ka maka bayad ng utang. ang hindi alam ng mga may utang na kapag tinatakot cla ng mga collector o atty. kuno ay pwede clang mag habla sa korte ng harassment o unjust vexation laban sa mga abusadong collection agency at criminal case yun at yun ang may kulong.


2.) fraud at estafa if proven na ginamin mo bandwidth nila

What is Estafa?

Estafa is a criminal offense wherein a person defrauds another by any of the following means: (1) by unfaithfulness or abuse of confidence; (2) by deceit; or (3) fraudulent means.

Estafa through unfaithfulness or abuse of confidence is done by (1) altering quality, quantity and substance of subject matter of contract; (2) misappropriating or converting goods/property of another; and (3) taking advantage of a signature in blank.

Estafa through deceit or fraudulent acts executed prior to or simultaneously with the commission of the fraud is done by: (1) using fictitious name as means of deceit; (2) altering quality, fineness or weight of anything pertaining to art or business; (3) by issuing unfunded checks or postdated checks; and (4) availing of services of hotel, inn, restaurants etc, without paying therefor.

Estafa through fraudulent means is done by: (1) inducing another, by means of deceit, to sign any document; (2) resorting to some fraudulent practice to ensure success in a gambling game; and (3) removing, concealing, or destroying, in whole or in part, any court record, office files, document and other papers. (Article 315, Revised Penal Code)

sa above mentioned na meaning ng estafa ay malinaw pa sa sikat ng araw na isa lang na elemento ang pwedeng sumakop kay t.s. to constitute estafa. at yun ay ang "using fictitious name as means of deceit". cguro naman ay ibibigay mo ang tunay mong pangalan kung mag a-apply ka lang ng broadband service di po ba?



3.) If sa provision nyo in case mag settle ka 3 times ang bayad plus damages like atty fees babayaran mo at may record ka sa nbi pati na hadlang yan sa pag work mo o travel in future .

kung sakali man mag prosper yan which i doubt ay korte po ang magde-decide nyan at hindi ang smart. yung record po sa nbi ay pang criminal cases lang at hindi kasali ang civil cases.


4.) Mga di nag bayad sa telcos tinatapos lang nila ang batas to get them all misanan pera yan at big company player mga yan di palulugi remember.

kung sakali man na maisa-batas ang sinasabi mong yan ay hindi po pwedeng paatras yan na pwede mong habulin ang mga nagka utang sau dati dahil ang magiging sakop nyan ay yung mga subsequent lang at hindi kasali ang previous.


hindi ko po ini-encourage ang mga may utang na wag nang magbayad ng utang. ang gusto ko lang po na iparating ay may karapatan po clang malaman na inaabuso o nilalabag ang kanilang karapatan kapag cla ay tinatakot na cla ay makukulong kapag di cla nkabayad ng utang. kaya nga ang sabi ko ay bigyang priority ang mas mahalagang pagkaka gastusan kesa sa luho lamang kung di naman kaya para wag malagay sa alanganin. salamat po!

source credited to LAGMALAW: http://www.mylawyer.asia/node/16
 
Last edited:
Tama sila; don't worry di ka makukulong. Panakot lang nila yang attorney para magbayad ka. Madami nang cases na ganiyan -- search ka Google SmartBro sucks, madaming comments sa mga webpages na di daw sila nakapagbayad tas nagpadala daw yung Smart ng letter ng attorney, etc.
 
wag kang matakot dyan dahil nanakot lang sila at kahit naman kami buwisit na busit din sa smart nagbabayad naman kami ng tama.. pero ang connection nila mabagal at nadidisconnect pa minsan.. at isa pang nakakagulat may bar naman ung signal pero minsan di nakakapag connect ang peste.. kaya wag kang matakot.. at costomer k nil.. costomer is always right...
 
Di ka naman makulong ts. Ibibitin ka lang nila sa toktok ng tower nila.
 
tandaan nyo po wala pong nakukulong sa utang guaranteed po ng philippine constitution yan. pero kung nag issue ka ng cheke para ipambayad tapos walang pondo at tumalbog ay criminal case na po yun at dun ka pwede makulong.

yung atty. na tumatawag sau ay hindi taga smart yun kundi sa collection agency na pinagpasahan ng smart para maningil sau at wala din silang magagawa kahit pa sandamakmak na sulat pa o pananakot ang gawin nila ay hindi ka makukulong. ang pinaka matindi lang na mangyaryari sau ay ma blacklist ka ng smart at hindi ka na makaka avail ulit ng kahit anong serbisyo ng smart.

ngaun pag may tumawag ulit sau o magpunta sa bahay nyo at tinatakot ka na pag di ka nakabayad ay makukulong ka ang una mong gawin ay hingin mo ang billing statement mo na galing mismo sa smart na nagpapatunay kung magkano ang utang mo. makipag-usap lang po kau ng maayos at mahinahon at wag kaung matakot. pag tinatakot ka ay kunin mo ang buong pangalan nya pati opisina nya at tanungin mo cya kung alam ba nya na may kulong ang unjust vexation?

wag po kau matakot sa mga pagbabanta ng mga collection agency at baka ma stressed-out lang kau ay mapagastos lang kau sa pambili ng gamot na pampa kalma. at sa susunod po ay piliin nating mabuti ang ating priyoridad na pagkaka gastusan para hindi po tau malagay sa alanganin. sana po t.s. ay nakatulong ako sa iyong problema.

so true:thumbsup:
 
exprience ko nmn sa smart bro... sa ate kung acount un ... pinadalhan kami ng sulat na galing sa attorny nila ... pagkatapos natakot kami in 3 month daw pagdi pa kami kumontak sa kanila kakasuhan na daw ung ate ko then natakot ung nanay ko baka raw makasuhan ung ate ko ...

bayad naman ung ate ko mga 3-4k ung utang ehh .... pero my extra charge pa daw sa di pagbayad ngilang months ka daw ung ngbayad ung nanay ko .. mahingit n 1k ung extra ....

un ang d binayaran ngnanay ko ... ung utang n 3-4k ung utang un lang ...

dami nila alam ... mahina ung signal ung smart bro at ung pinaaus nmin ung athena may pinadalang 4 na workers n maaaus my charge p rin ung tubong kinabit at ung tao mahigit n 1k ung binayad nmin...

naloko yata kmi ung mga gumagawa kasi ung tumawag ako dun sa smart wala daw extra charge dun ....


kaya ngsmart bro kit nalang ako my libre nmn ehhh wag kna na tuwa na ko....
 
di ka makukulong nyan, yan sabi ng kakilala ko na tagasmart dati harrasment lang nila yan para matakot ka at magbayad hahahaha, pramis....tska pede mong di entertain ang calls na nagpapakilalang atty, malay mo kung cnu kausap mo jan, dapat personal ka nilang kakausapin sa mga ganyang bagay
 
Last edited:
haha pinadalhan ka ng letter nhoo ng atty? haha wala yan..panakot lng nila yan cnu makukulong sa 3-7k pesos haha. 3x na ako nakatangap nyn last 4yrs pero d ako nakulong 3x ako ngpakabit at 3x din nila kinuha antena ko pag usb nmn bayad na yan usb kaya d kukunin yan dont wori hehe
 
yung ate ko nga kumuha ng smart plan yung sgy na phone isang beses lng sila nag hulog after nun d na sila nag bayad tas bill nila sa smartgold 500 ata or 800 tinawagan dn sila d cnasagot ng ate ko ayun nag sawa sila sa kaka tawag. hahaha inindyan. :D
 
Wag m nang bayaran.. okay lang un... last. 2010 subscriber ako. ..pero nung wala n akong pmbyad... kinukulit din ako tpos ngsawa... then dis year nagsubscribe ulit ako nkalusot dahil binura history subscription ko dati... eh ngaun may pauso cila FUP... hndi ko n bayaran ulit...pang 4 buwan p lang ako...
 
Back
Top Bottom