Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pagbili ng Bahay sa PAGIBIG, crowdsourcing

sleep04

The Martyr
Advanced Member
Messages
754
Reaction score
2
Points
28
Hello po, bale kase ganito po yun. Nagsimula na po kami ng asawa ko na magisip na magkaroon ng sariling bahay, napapagod na rin kase kami na nakikitira lang sa bahay ng mga magulang namin, ngayon may nakita kami na subdivision na nag oofer ng mga bahay, so ayun na nga last december nag down na kami 10k, tapos amg equity niya is 7.7k every month for 15 months then ang monthly sa pagibig is 6k na lang for 30 years..

Gusto ko lang po sana tanungin kung tama lang kaya na bumili ng bahay sa panahon ngayon? mas makakamura ba pag bumili or pag nag pagawa?

Tsaka sakin po kase nakapangalan ang bahay, what if kung hindi po ako umabot ng 30years? eh di mawawala po lahat ng pinaghirapan namin? ganun po ba yun?

sana po may makatulong or makabigay ng payo or opinion
 
Townhouse ba yan TS? mas mura kc mga ganyan. nasa sa inyo naman yan. Based on experience kung medyo limited ang funds, pwedeng bahay lupa na bilhin mas mahal kc kung bibili ka muna ng lupa tapos saka mo papatayuan ng bahay. Pero pag ikaw ang nagpatayo mas OK kc design mo ung bahay. I mean na sa iyo ung magiging structure ng bahay. Pero pwede din naman na bili ka na nga ng bahay lupa tapos renovate mo nalng pag may extrang pera. Dq lang sure if pwede mo ng irenovate habang hindi mo pa tapos bayaran. Ipon ka din TS tapos biglain mo ung bayad mo sa Pagibig. mataas rebates nyan.
 
Gusto ko lang po sana tanungin kung tama lang kaya na bumili ng bahay sa panahon ngayon? mas makakamura ba pag bumili or pag nag pagawa?

Based sa monthly payment mo e sobrang mura na po yan. Kung pareho kayo may trabaho ang asawa mo hindi sya ganun kabigat sa inyo pareho.

Tsaka sakin po kase nakapangalan ang bahay, what if kung hindi po ako umabot ng 30years? eh di mawawala po lahat ng pinaghirapan namin? ganun po ba yun?

Kung hindi ka umabot ng 30 years (knock on wood), mamanahin po yan ng legal husband or legal children. Kung hindi kaya bayaran pwede nila ibenta yan na mas mataas nung unang bili nyo

Disclaimer: Not a financial/legal advice
 
salamat po, ewan ko ba na paparanoid kase ako eh, siguro dapat isipin ko muna mga positive, thanks anyways
 
Hello po, bale kase ganito po yun. Nagsimula na po kami ng asawa ko na magisip na magkaroon ng sariling bahay, napapagod na rin kase kami na nakikitira lang sa bahay ng mga magulang namin, ngayon may nakita kami na subdivision na nag oofer ng mga bahay, so ayun na nga last december nag down na kami 10k, tapos amg equity niya is 7.7k every month for 15 months then ang monthly sa pagibig is 6k na lang for 30 years..

Gusto ko lang po sana tanungin kung tama lang kaya na bumili ng bahay sa panahon ngayon? mas makakamura ba pag bumili or pag nag pagawa?

Tsaka sakin po kase nakapangalan ang bahay, what if kung hindi po ako umabot ng 30years? eh di mawawala po lahat ng pinaghirapan namin? ganun po ba yun?

sana po may makatulong or makabigay ng payo or opinion

hi po sayang naman po kung naghuhulog na kayo kasi hindi nyo na mababawi yung naihulog nyo, and then paghindi na kayo nakapaghulog ng matagal maaaring magkapenalty na kayo or baka maacquired sa inyo ang bahay nyo, pero kung sa stable naman ang job nyo ok na din yang kumuha ng bahay sa pagibig kesa sa mangupahan.
 
tsaka another question, bare type kase kinuha namin, para makatipid since lalaki naman ako ako na lang ang mag fifinishing ng bahay para hindu na ako mahirapan maghanap ng trabahador, saan po kaya maganda mag aral ng construction, gusto ko kase ako mismo ang hands on sa bahay
 
Youtube mo lang about construction, dami mo matutunan dun budget na lang para sa tools sir hehe.
 
T.s. san ka nakakuha ng bahay? Gusto ko n rn kasi kumuha since 6years na kamk nangungupahan ng asawa ko. Tpos kelan pwede tirhan yang bahay mo?
 
boss, sa Alta Tierra ako dito sa GMA Cavite kumuha ng bahay, 6k lang monthly niya, up and down na, townhouse siya..
 
mas ok kung paunti unti na patayuin ang bahay kesa biglaan at loan. Wala pa interest. Ganyan balak ng kapatid ko at un gf ko nakapagpabahay na within 2 years. 500k lang nagastos 2 storey house pa. Kesa loan at mangkontra eh mapapamahal ka pa.
 
maraming salamat sa inyong lahat mga sir and mam, nung una kase parang alanganin ako sa desisyon ko eh, kase kaya ako nag dadalawang isip kase gawa ng may cancer sa lahi namin, ang tatay ko namatay ng dahil sa colon cancer, tapos ako natatakot ako ng baka hindi ko matapos hulugan yung bahay at mauna ako mamatay... ewan ko ba... haaayys
 
May insurance program naman po si Pagibig regarding sa mga ganyang situations incase na maging incapable po yung borrower..

see here for more info
 
ibenta mo kung sakali dumating ung time na hindi nyo na kaya bayaran, mas mataas na value nyan paglipas ng panahon.
 
Mga bossing may tanong ako sa pagibig.

May bibilhin kasi akong bahay worth 1.2m. Naipasa ko na din ung requirements kaso si Pagibig may sinabi sakin na mag ready ng pera.. nagmamadali kaya hindi ko na din naitanong kung para saan..

Para saan po kaya ung pera na sinabi?
 
Back
Top Bottom