Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Paglisan

PAGLISAN

Ako’y lulan ng sasakyan, patutungo kung saan man,

Pansamantalang lalayo, saglit na ika’y iiwan.

May ngiti sa aking labi, subalit bakas ang hapdi

Pangungulila sa iyo ay lalo nang sumisidhi.



Saiyo ako namulat, gumising sa’king ulirat

Tumulong sa’king makita, ang kanilang mga kalat

Saksi ka sa’king pagbasa, pati na rin sa pagsulat

At tinuro mo sa akin ang aking tunay na balat.



Kung maaari lang sana’y pigilin yari mong luha

Sapagkat ang sa akin din, pumipilit kumawala.

Iyong subukang ngumiti, sikaping maging Masaya

Dahil darating na araw, tayo’y muling magkikita.



Ang aking hiling lang sana, huwag mo akong pigilin.

Nang ang pangarap kong ito ay hindi na mabibitin

Pag ako na ay nagbalik, ika’y aking yayakapin

Ang nag iisang ina ko, ika’y mahalaga sa’kin.​
 
pa iwan na lang po ng comment sa makakabasa .. for improvement :))
 
maganda! hehe mahilig ako magbasa2 ng mga kwento at mga ula. hindi sobrang lalim ng mga ginamit mong words. napakaliteral lang pero akmang akma sa henerasyon ngayon. galing! gawa ka pa marami hehe
 
ganda ts ah? :clap: nakakadala ng damdamin. :salute: sana matulungan mo ang mama mo, bilang sukli ng pagmamahal na iginugogol niya sayo. :)
 
OFW? sa kabila ng mga sakripisyo sa huli may tagumpay na makakamtan at wag lumimot kung sino ang humubog at nagpalaki sa atin. Mahusay na obra. :D
 
astigin tong post na toh! na.inspired ako lalo ipagpatuloy paggwa ko ng mga tula.!
 
ASTIG! RAK N ROLL!!!

MORE MORE MORE!!

GOOD JOB!!

I LUV IT!!!


MWAH MWAH!!!


TSUP TSUP!!

:clap:
 
maganda ang nilalaman ng tula mo. tulad ito ng nababasa ko sa LRT "bersyo ng Metro"

ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat ng tula.
:salute:
 
Newbie here hilig ko talaga magbasa ng ganito. Ganda nang ginawa
 
Tungkol sa siyo at pag layo mo sa magulang tama ba ts, maganda
 
Back
Top Bottom