Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story PS. I Love You Good Bye

Dalawang taon.

Kung ilalarawan ko ang naging relasyon namin ni Mary Joy lahat ay natural lang. Natural ang lambingan, natural ang tampuhan at natural ang takbo ng buhay namin sa araw-araw.
Pero ang araw na ito ang pinaka kakaiba.

"Hello, munch saan ka na?" tila di na nakatiis si Mary sa paghihintay sa isang bookstore.
"Malapit na ako,mga 10 minutes andyan na ako." pagsisinungaling ko.
Ilang dipa lang ang layo ko sa kanya, kung tutuusin madali lang niya akong makikita pero sa tulong ng mga dumadaang tao eh tila anino lang ako na di na halos pansin.

Pinagmamasdan ko siya mula sa kinatatayuan ko.
Ang laki na ng pinagbago niya mula nung una kaming nagkita.
Ang dating kulot at mahabang buhok niya ay straight na ngayon dahilan para lumabas ang natural niyang ganda.
Ang height na di pa rin nagbabago pero bumagay naman sa makurba niyang katawan.
At ang dating maamo niyang mukha dati na ngayon ay parang isang anghel na bumaba mula sa kalangitan.

"Nasaan ka ba munch?" muling tanong niya na sa boses ay talagang inip na inip na.
"tingin ka sa likod."
"wala ka naman e."
"ay mali sa kaliwa pala."
"pinagtitripan mo ko eh bookshelve ang nasa kanan at kaliwa ko.. Pag di ka pa nagpakita uuwi na ko!" inis niyang sabi bago pa niya binaba ang tawag.
Pagkalipas ng limang minuto lumapit sa kanya ang isang security guard ng nasabing bookstore.
"ms.ikaw po ba si Mary Joy?."
"ako nga po,"
"ah pinabibigay pala sa iyo ito ng isang binatilyo dun sa may entrance." at iniabot ang isang sobre, nakalagay dun ang isang sulat na halos buong gabi kong pinagpuyatan.
"siya nga po pala,habilin niya mamaya mo na daw buksan yan pag-uwi,puntahan mo na siya."
"ah salamat po "

Kahit na kita ko sa mukha niya ang pagkasabik na makita ako ay di ko pa din maiwasang humanga uli sa taglay niyang kagandahan nasa anumang oras ngayon ay maari ng magtapos..

"Ikaw talaga munch kung anu-ano talaga yang pakulong naiisip mo.." may inis sa tono ng kanyang pananalita.
"Sorry po,"
"Pasaway ka,so saan tayo?."
"hm.saan mo gusto?"
"ay ikaw na mag decide,munch please."
malambing nitong pakiusap.
"Sa park na lang tayo,pero bago yun halika samahan mo muna ako."

Tumungo kami sa park matapos bumili ng ilang makakain na siya naming titirahin sa park habang nag-uusap.

"Ang bilis ng panahon ano Jim?,parang kailan lang humihingi ako ng tulong sa iyo para makaahon sa problemang hatid ng manyak kong ex."

tahimik lang akong nakikinig sa mga gusto niyang sabihin at tama siya parang kailan lang yun, parang kahapon lang simula ng mangyari yun.

"Alam mo ba Jim, nung unang pagkikita natin, unang pag-uusap natin naramdaman kong mahal na kita, higit pa sa kaibigan, kaso nung mga panahon na yun nakatali ako sa isang relasyong walang halong pagmamahal at ikaw ang taong tumulong sa akin para magkaroon ng lakas ng loob para iwanan ang taong yun."

Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko at ang mga mata niya ay nangungusap ng isang malungkot na pamamaalam, di na kailangan bigkasin pa ng mga labi, puso ng bawat isa ang nangungusap, umihip ang malamig na hangin sa ilalim ng malaking puno ng isang malaking puno kung saan kami nakasilong.

"Oo nga napakabilis nga ng panahon Mary, parang kailan lang ng dumating ka sa akin at sugatan wala akong ibang nais noon kundi palayain ka sa mga kamay niya at sa di ko maintindihan nasasaktan ako ng mga oras na yun sa tuwing nasasaktan ka. Habang tumatagal naramdaman kong mahal nga kita hanggang sa umabot tayo ng dalawang taon akala ko wala na, wala nang magiging hadlang."

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa, naghihintay ang bawat isa kung sino ang unang babasag sa katahimikang ito.

"Hindi ako nagsising sa iyo ko pinagkatiwala ang sarili ko Jim. Dahil alam kong ikaw na ang taong karapat dapat kong pagbigyan nun' pero-"
"Buo na ba talaga ang disisyon mo?"
"Oo dahil kailangan.."
"Kahit masaktan ka?"
"Oo kahit masaktan ako."
"Kahit ba masaktan at iiwan mo ako?"
".."
"Mahal kita.. Mahal na mahal.."
"Alam ko Munch mahal na mahal din kita."
"Munch gusto ko sa oras na maghiwalay tayo ngayon aalagaan mo si lola ha?. At yung mga gamot mo huwag na huwag mong kalilimutan.."
"Maghihintay ako."
"Jim huwag mo akong hintayin."
"Maghihintay ako sa iyo.."
"Hindi rin naman ako babalik."
"Kahit na!"
"Jim pwede bang huwag mo na akong hintayin!. Ikakasal na ako sa susunod na buwan at ayokong maghihintay ka sa wala. Dahil masakit din sa akin yun, alam mo ba kung gaano kabigat sa akin ito?.kaya please kung talagang mahal mo ako huwag mo akong hintayin, dahil gusto kong magmahal ka ng higit pa sa pagmamahal mo sa akin."
"..."

Katahimikan uli ang namayani sa aming dalawa, bawat isa pinipigilang pumatak ang luha dulot ng isang masakit na paghihiwalay.

"Oras na Jim"
"..."
"Uuwi na ako.."
"Ihahatid na kita."

Sabay kaming tumayo at unti-unting naglakad, mabigat ang mga hakbang ng aming mga paa, pasan-pasan ng bawat isa ang sakit at bigat ng paghihiwalay namin.
Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng pakikipaghiwalay sa isang taong minahal ko nang lubos.
Pilit naming pinipigilan pumatak ang luhang kanina pa gustong kumawala.. Ilang hakbang palang ang nailalayo namin mula sa aming kinauupuan nang bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin..

"Gusto kong makita sa huling pagkakataon ang mukha ng taong nagturo sa akin kung paano lumaban sa buhay, kung paano magmahal ng totoo."
".."
"Ang mukhang nakikita ko ngayon na kahit di gwapo,pero sobrang sarap magmahal, di man macho pero sobrang tatag ng paninindigan."
"Mary.."
"Ang taong may pulang mata dahil sa gabi-gabing pagpupuyat para lang mapatulog ako.."
"Yung boses ng taong kahit di galet pero parang galet pa din."
"Lahat yun mamimiss ko sa iyo Jim. Please ingatan mo lagi ang sarili mo."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan at humakbang siya pabalik sa akin at yumakap ng kay higpit, Ito ang isa sa mga yakap na kay sakit tanggapin dahil ito na ang huli.
Ito na ang huling yakap na matatanggap ko sa kanya.

"Sorry Jim sorry." patuloy pa rin ang pag-iyak nito.
"Mary tahan na.."

Sa huling pagkakataon muling nagdikit ang aming mga labi, ito ang halik na kahit kailan ay di ko makakalimutan.
Ang halik na ito ay di ligaya at sarap ang hatid kundi pinaghalong sakit at hapdi ng pamamaalam..
Sampung segundo, ito ang huling sampung segundong na mahahalikan ko ang kanyang mga labi..

"Paalam na Jim, paalam at salamat sa lahat.."

Hindi ko na nagawang magsalita sa huling sinabi niya, tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko siyang pasakay ng jeep..
Bago tuluyang umalis ang jeep muli niyang tinawag ang pangalan ko

"Jim mag-iingat ka!" at kumaway pa sa akin bago tuluyan umalis ang jeep.

Mabigat ang katawan ni Mary Joy na humiga sa kanyang kama kasama ang bigat nararamdaman dulot ng isang malungkot na pamamaalam. Naalala niya ang iniabot ng security guard sa kanya kanina sa bookstore isang sobre na galing sa taong minahal niya na kanina lamang ay kasama niya.

Kinuha niya ito at sinimulang basahin ang isang sulat na nakapaloob doon.


Mahal kong Mary Joy,

Nung umpisa hindi ko inaasahan na sa ganito hahantong ang lahat.
Ang ngiti ay mapapalitan ng luha.
Ang saya ay mapapalitan ng kalungkutan.
Minsan naiisip ko na parang pinaglalaruan lang tayo ng kapalaran

Hindi tayo manalo-nalo at lagi tayong nasasaktan sa huli.
Minsan lang tayo ngumiti at tumawa ng sabay.
Pero ang minsan na iyon ay parang ginto na sa akin.

Yaman na dapat itago, yaman na dapat pangalagaan.
Sabay tayong nalulungkot sa mga bagay na di inaasahang nagaganap.
Yayakapin natin ang isa't isa at sabay iniiyak ang bigat ng ating nararamdaman.

Ang dalawang bagay na ito ngayon ay mag-isa na nating haharapin.
Mag-isa na lang tayong ngingiti sa mga bagay na nakakatuwa.
Mag-isa na lang nating yayakapin ang sarili natin at mananaghoy sa bigat ng ating dinaramdam.

Di man ikaw ang huli kong minahal pero sa iyo ko naramdaman ang ganitong sakit at bigat ng salitang "PAALAM"
Pumanaw na ang nauna sa iyo kasama ng aking panganay
Pero sa iyo ko naramdaman ang sakit dulot ng paghihiwalay.

Sa iyo ako lubos nangulila na halos ikaw lagi ang hanap ng aking mga mata.
Gabi-gabi akong dinadalaw ng mga ala-alang naging saksi ng isang masayang pangarap natin

Na sa pag-gising ko sa umaga ay luha ang aking inaalmusal pagkat hinahanap-hanap ka ng aking mga mata.
Sana sa susunod na magmamahal sa iyo ay di ka na muling luluha pa

Hindi ka hahayaang masaktan.
Hindi ka paluluhain sa mga kasinungalingan.

At

Sana higitan niya pa nang lubos ang pagmamahal niya sa iyo
Higit pa sa nagawa ko.
Higit pa sa kaya kong ibigay.

Alam kong pumapatak ang iyong luha ngayon sa mensaheng ito.
Pero yan na ang huling patak ng iyong luha na ako ang dahilan.
Ito na ang huling pagpapaiyak ko sa iyo.

At ito na rin ang huling pagkakataong sasabihin kong
Mahal na mahal kita.
Mahal ko ang taong lumuluha sa harapan ng papel na ito.
Mahal ko ang taong nagbabasa ng akdang ito na siyang naging magandang parte ng buhay ko.

Mahal ko ang mga ngiti na kaya niyang ibigay kahit kanino.
Mahal ko ang taong sobrang sungit sa tuwing may dalaw siya.
Mahal ko ang paraan niya ng pagseselos at paglalambing
Mahal ko ang lahat ng katangiang meron siya.

Kulang pa ang mga salitang ito para ilarawan sa iyo kung gaano kita kamahal.
Dahil sa huli ang salitang paalam ang siyang mananaig.
MAg-iingat ka palagi mahal ko.


PS. I love you goodbye

"mahal din kita Jim mahal na mahal"
buong gabi lumluha si Mary Joy matapos mabasa ang huling sulat na natanggap niya ka Jimmy.

wakas
 
Last edited:
naalala ko yung one of the best books I've read,
PS. I love you by Cecilia Ahern ;)

Ouch talaga pag sinasabi ang salitang goodbye at naramdaman ko sa post mo na to. Keep writing idol! ;)
 
salamat januaryanne sa pagbasa nito,ito yung tinutukoy ko sa fb.na gusto mong makita hehe.
By the way salamat uli.
:thanks:
 
ang lungkot naman :sigh:
ramdam ko ang mga pangyayari :weep:

----------------------------------------
ang galing naman spade :clap:
 
:thanks: for reading tita, waiting ako sa susunod na poem mo :)
again salamat.
 
Aww.. Naramdaman ko 'to ah, bawat salita, bawat emosyon, ang galing... Pls. More short/stories pa mula sa inyo mr.spade! :)
 
salamat sa pagdaan dito lokalz.
pag nakabwelo gagawa uli ako :)
 
Ang lungkot naman...

:sigh:

produkto ba ito ng bawal na pagmamahalan..

:weep:
 
:weep::weep: ang ganda kahit nakakalungkot

:10:

wala paring kupas :salute:
 
Back
Top Bottom