saludo ako sa honesty mo sa feelings mo. Normal ang pinagdadaanan mo bro sa edad mo.Naniniwala ako nalilipas din yan.Bilang isang nakatatanda na myembro dito sa SB sana makatulong ang mga ipapayo ko sa iyo.
Una, Siguro sa edad mo ay di pa madali na makita lahat mula sa isang perspektibo na kung saan ay mareresolba mo agad ang pinagdadaanan mo.Masasabi ko na dala yan ng edad mo.Kaya bro unang payo ko ay maghanap ka ng makakausap, kailangan mailabas mo ang mga saloobin mo.Makakatulong yan upang maibsan ang nararamdaman mo sa ngayon.Tama din na iiyak mo yan.Napagdaanan ko na ang ganyan at katulad mo matagal ko rin ininda pero isang araw napagtanto ko nalang na kailangan na magmove on.
Ikalawa, Ito noong kaedaran kita hindi ko pa naisip pero importante talaga ang tinatawag nilang "closure".Kaya ang ikalawang payo ko sayo ay kung maari ay makausap mo siya (ex mo) at magkaroon kayo ng malinaw na usapan at paliwanagan tungkol sa kung ano na ba ang mga estado ng mga nararamdaman ninyo sa isa't isa.Maaring isang pagkakataon mo na lamang ito kaya't isipin mo na mabuti ang mga itatanong at sasabihin mo sa kanya bago pa man kayo magkausap.Personal na paguusap ang ipapayo ko na gawin ninyo upang sa ganoon ay pareho ninyo makita at maramdaman ang sincerity ng bawat isa sa mga salitang bibitiwan.Importante rin na ihanda mo na ang damdamin mo na macontrol mo ito sa oras na magkausap kayo.At hindi man madali ay huwag ka na muna umasa na humantong sa pagbabalikan ang paguusap ninyo.
Ikatlo, Ang ikatlo kong maipapayo sa iyo ay maliit na bagay bagkus madali naman gawin."Diversion" ang tawag ng nakararami sa ganitong paraan ng pagmomove on.Nasa sa iyo kung alin libangan ang nais mo simulan upang makatulong sa pagkalma sa damdamin mo.Heto ang ilang gawain na maipapayo ko na pwede mo gawin;
a.) Symbianize - Maglibang ka sa forum games, o di kaya magtambay sa General chat.Marami dito na handang damayan ka sa kalungkutan mo at tinitiyak ko na may makakausap ka.Nalibang ka na, tumaas pa ang ranking mo sa pagpopost.
b.) Magehersisyo o gym - magpagaanda ka ng katawan, makakatulong na sa kalusugan mo nalibang ka pa.
c.) Sports o recreation, music at iba pang libangan- kung sporty ka naman ibuhos mo ang panahon mo sa paglalaro.Makipagcompete ka sa basketball, o chess o kahit anong sports na alam at kaya mo gawin, makinig sa musika, o tumugtog ng instrumento, maglaro ng games sa PC o sa gadgets.Ang mahalaga ay malibang mo ang sarili mo.
d.)Mahal sa buhay - tandaan mo lang na marami ang nagmamalasakit sa'yo, nariyan ang pamilya at mga kaibigan mo.Makipagbonding ka sa kanila at subukan na ibuhos ang attensiyon sa mga tao na higit na nakakakita sa halaga mo bilang isang tao.
e.) Magdasal - hindi ko alam kung relihiyoso ka o may relihiyon.Pero kung sakali man huwag mo rin kaligtaan na tumawag sa Kanya.Makikinig Siya sa lahat ng hinaing mo at nararamdaman Niya lahat ng sakit na nararamdaman mo.Makakatulong ang pananalig mo sa Kanya para malinawan ka at magkaroon ng "peace of mind".
Sa pangkabuuan, nasa sa iyo ang solusyon sa pinagdadaanan mo.Nawa'y isang araw dumating sa buhay mo na maisip mo na di sa isang babae tumitigil at umiikot ang buhay natin.At maisip na sunod sa Diyos ay nararapat na maglaan tayo ng pagmamahal sa sarili natin upang sa ganun ay makita ng iba ang kahalagahan natin.