Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Para kay B: Me quota ang pag-ibig

ChInKyMeLiSsE08

Proficient
Veteran Member
Messages
296
Reaction score
0
Points
126
I just wanna share this.
I just finished a book, a novel entitled "Para kay B"(o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) ni Ricky Lee. Ito'y tungkol sa isang baguhang writer na sumusulat ng limang love stories ayon sa kaniyang teorya, limang pagibig ng limang iba't ibang babae, na sa huli narealize niya mula sa mga character na ginawa ng kanyang imahinasyon na dinadamay niya lamang ang kanyang mga tauhan sa kanyang kalungkutan. Napagisip ako sa mga ilang bahagi nito, ishare ko lang may point kase, o masasabi ko na base sa realidad ang bawat storya, realidad na madalas hindi natin napapansin..

"Para kay B" by Ricky Lee

Alam mo ba ang ibig sabihin ng conjure?
Isa ka bang Capital S?
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya.
Kasama ka ba sa quota?

"May nagsabi na Relative ang pagiging masaya pero hindi ba excuse lang yan ng mga malulungkot.."

Ito ang teorya ng Writer:
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.

Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.

Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at lanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.

**napagisip ako ng librong 'to..
nakakaaliw ang pagkakasulat, painfully real, nakakaloka mga characters, parang ikaw, ako, tayo at pagibig.. :)
 
Last edited:
Re: Me quota ang pag-ibig

Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.

i agree. sabi nga ni barbra streisand sa The Mirror Has Two Faces, "It may only last a moment, an hour, or an afternoon, but that doesn't diminish its value, because we are left with memories that we treasure for the rest of our lives." :)

memories. the scar in our hearts. a constant reminder of a love we never knew would come to end. :D

:sigh: un ung masaya at masakit na parte ng alaala..
masaya kc atleast meron ka pa ring something na hinahawakan kahit na memory lang.. something that you can treasure na hindi makukuha ng kahit na sino sayo..
masakit na part kc hanggang memory na lang ata cya(kadalasan).. yan ung time na minsan naiisip ko if only we can turn back time.. if only we can undo the things that happen.. ung what if's.. ung sana.. :sigh:
minsan you have to decide para matigil na ung sakit, pero pagmalapit ka na, hindi mo maiwasan to look back, tapos hindi ka na makagalaw.. hindi ka na makahakabang.. you wanted to go back to face what you left.. that something/someone you run away from but eventhough you want to, fear of finding noone's waiting makes you think twice.. confuse..
ngayon nasa edge ka na para makarating sa dapat mo puntahan pero hindi ka makadiretso or makabalik.. your in the middle of nowhere.. undecided again.. back to square one..
:sigh: life.. love.. masarap na mahirap pero hindi mo maiwasan..
 
naubos thanks power ko balikan ko mamaya tong thread mo chinkay...

:sleep: na kasi pa subscribe sa isa na namang worth reading na istorya

:thumbsup:
 
naubos thanks power ko balikan ko mamaya tong thread mo chinkay...

:sleep: na kasi pa subscribe sa isa na namang worth reading na istorya

:thumbsup:

sureness memoy.. :missyou:
matulog ka na muna.. :lol:
:salute:
 
Ganda naman nito.. Weird characters pero may sense! Sobra.. Thanks for posting ate... Sarap basahin pag tungkol sa reality about love.. May tanong ako,pano ba hanapin ang sarili?? Pano kung nakakulong ka pa din sa nakaraan? Parang mahirap dahil di mo alam anong uunahin sa alam mong dapat gawin na hindi mo alam kung kelan ang tamang panahon para magawa.. Magulo ata? Am i OT?? Sori..
 
(nagulumihanan ako dun sa nakabold sis dito: Parang mahirap dahil di mo alam anong uunahin sa alam mong dapat gawin na hindi mo alam kung kelan ang tamang panahon para magawa.., pwede paliwanag mo ulit :think:)

weird talaga ung characters.. wait nabasa mo na ba ung book? :unsure: pero ung mga charcters na ginamit nya totoo.. meron mga ganyan sa mundong ito.. ;)worth it ung libro, maganda siya.. first novel pa siya ni ricky lee hintayin ko ung susunod :pacute:

about sa tanong mo :nerd:
Pano ba hanapin ang sarili?? Pano kung nakakulong ka pa din sa nakaraan?
:think: hmmm.. mahirap ung tanong mo.. kase ako rin hinahanap ko pa sarili ko eh.. at kahit ako 2009 na ung utak ko nasa 2008 parin:lmao:.. nagreport na ko sa presito gagawan daw nila ng paraan :rofl: joke..

seriously, finding your self is knowing what you want.. what you need and what is good for you..
minsan kaya tayo nawawala kase ung wants and needs natin hindi natin makuha.. pinipilit natin.. ang problema hindi naman pala un ang dapat para satin.. masyado tayo nakafocus sa mga bagay na akala natin para satin..
mali, unahin mo sarili mo.. matutu kang mahalin at maappreciate ang kung ano meron ka.. pagnakita mo na un at meron parin kulang tska mo hanapin ung kulang.. pero minsan hindi mo na kailagan maghanap kc kusang dumadating ung pupuno dun.. :naughty:

nakulong sa nakaraan:book: anung year girl, joke :rofl:
hindi masamang isipin mo ang nakaraan kc wala tayo magagawa dyan parte na yan ng buhay mo.. pero wag mo hayaan mabuhay ka dyan.. tandaan mo na memories lang yan.. hindi realidad..
un ang malaking diperensya ng nakaraan sa kasalukuyan..
kahit anong isip natin nakalipas na yan.. walang undo, delete o backspace na pwede gamitin para mabago un.. permanent reference lang natin silang maituturing.. hindi mabubura hindi mababago.. unless magkaalzheimer's ka o amnesia(wag naman)..
dapat marealize natin na marami pa pwede mangyari satin sa kasalukuyan.. hindi tumigil ang pagikot ng mundo noong dinekalara ni Bonifacio ang kalayaan nung June 12, 1989.. hindi rin tumigil ang puso mo sa pagbomba ng dugo simula nung nagyari kung ano man un nakaraan na un..
ganto lang yan eh.. life sucks.. sh*t happens.. accept it.. keep the memory and move forward..
kung ngyon nakakulong ka parin sa nakaraan, isa lang pwede gawin dyan "ang gumising"..

ang dami ko sinabi.. hindi ko naman alam kung may katuturan.. :rofl:
 
Last edited:
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at lanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.
[/SIZE] [/COLOR][/FONT]

:yes:
agree on all sides.
all sides???? :unsure: [polygon ba ito?]
any ways. swerte ko mejo close kami ng understanding ng writer, actually hindi bida rito yung isa na nakatagpo ng pag ibig, kung mapapansin niyo na mas may concern siya dun sa apat na natitira, kasi mas nakafocus siya dun sa pinagdadaanang hirap nung apat na patuloy na nakaka-alala at naghihirap dahil sa pag-ibig na hinihintay, inaasam, hinahanap at pinapangarap.

isa itong enlightenment sa makakabasa na, hindi dapat iasa kay tadhana o kung kanino man kung kailan ikaw naman ung magiging isa sa lima na maligaya.
 
:sigh: un ung masaya at masakit na parte ng alaala..
masaya kc atleast meron ka pa ring something na hinahawakan kahit na memory lang.. something that you can treasure na hindi makukuha ng kahit na sino sayo..
masakit na part kc hanggang memory na lang ata cya(kadalasan).. yan ung time na minsan naiisip ko if only we can turn back time.. if only we can undo the things that happen.. ung what if's.. ung sana.. :sigh:
minsan you have to decide para matigil na ung sakit, pero pagmalapit ka na, hindi mo maiwasan to look back, tapos hindi ka na makagalaw.. hindi ka na makahakabang.. you wanted to go back to face what you left.. that something/someone you run away from but eventhough you want to, fear of finding noone's waiting makes you think twice.. confuse..
ngayon nasa edge ka na para makarating sa dapat mo puntahan pero hindi ka makadiretso or makabalik.. your in the middle of nowhere.. undecided again.. back to square one..
:sigh: life.. love.. masarap na mahirap pero hindi mo maiwasan..

sabi nga sa quote na nakita ko, "Moving on is easy, it's what you leave behind that makes it difficult."

so true, diba? :)
 
:yes:
agree on all sides.
all sides???? :unsure: [polygon ba ito?]
any ways. swerte ko mejo close kami ng understanding ng writer, actually hindi bida rito yung isa na nakatagpo ng pag ibig, kung mapapansin niyo na mas may concern siya dun sa apat na natitira, kasi mas nakafocus siya dun sa pinagdadaanang hirap nung apat na patuloy na nakaka-alala at naghihirap dahil sa pag-ibig na hinihintay, inaasam, hinahanap at pinapangarap.

isa itong enlightenment sa makakabasa na, hindi dapat iasa kay tadhana o kung kanino man kung kailan ikaw naman ung magiging isa sa lima na maligaya.

galing mo talaga memoy.. :naughty: un nga pinapahiwatig ng book.. pinapakita nito realidad.. at kung ano tumatakbo sa utak ng mga tao sa mundo.. at binuksan nya ung idea na.. lahat ng tao may choice.. ikaw ang makakahanap at makakapagsabi kung maligaya ka nga o hindi..

sabi nga sa quote na nakita ko, "Moving on is easy, it's what you leave behind that makes it difficult."

so true, diba? :)

true.. minsan we have to make a decision na kahit masakit kailangan natin panindigan.. we cant stay sa isang lugar at maging stagnant na lang tayo dun.. minsan ps ung iniisip mong mahirap pagdating mo pala sa pupuntahan mo hindi pala tulad ng iyong inaasahan.. :)
 
Di ko pa nababasa yung book,parang gusto ko nga bumili kasi maganda yung topic.. Pero totoo nga yung mga weird character,may ganon nga talaga..

don sa bold letters.. Parang mahirap magmove-on after ng break-up kahit alam mo ang dapat gawin para makalimot pero di mo magawa kasi utak mo nasa past pa,kaya di mo alam kung kelan mo magagawa yung tama.. Ayy.. Lalong gumulo! Hahaha..

pero ganyan nga yun! Hirap mag explain pero siguro may makakaintindi nyan. Hehe..
 
ahhh moving on.. well wala naman madali bagay pagnainlove diba? lahat may komplikasyon, lahat masarap an mahirap..
At oo hindi ko idedeny na mahirap magmove on.. lalo na hindi ganon daling mawala at kalimutan ung nararamdaman mo.. kung nahihirapan man ang tao magmove on, tama ka ang dahilan kc is umaasa pa cya sa mga bagay na nangyari na.. indenial, iniisip nya pa na ba may chance pa, baka may magawa pang paraan..
sakin kase proseso yan at oo matagal na proseso ito.. hindi madali dahil utak at damdamin ng tao ang involve.. sakin tingin ko kailangan muna matangap ng isang tao ang kasalukuyan.. kung ano meron ka ngayon, kung hindi mo matatangap na wala na kayo or hanggang dun na lang talaga, maiipit ka nga sa past na un.. pagnatangap mo na un susunod na dun ang pagmove on.. moving on means learning that the the two of you wont be together but the feeling remains while letting go means accepting the fact that you just have to keep those memories which remains..
pero un nga mahirap yan, matagal, just allow your self to feel the pain, umiyak ka kung gusto mo hindi masama un.. pero eventually kailangan mo marealize na hindi nagend ang pagikot ng mundo mo nung nagbreak kayo.. happiness is a choice, hindi pwede ung magmumukmok ka na lang sa isang tabi habang nakikita mo ang ibang tao na pinagpapatuloy ang buhay.. ganon talaga eh, kasama sa pagmamahal ang saya at lungkot.. pero in time kailangan mo na gumising at magsimula ulit..

pov po, feeling ko wala paring sense sinabi ko :rofl:

ang ganda po nito.. huhuhu.. salamat

salamat :)
 
nabasa ko 'to last year pa
unang nobelang sinulat ni Ricky Lee. Nagtaka nga ako bakit nito lang siya nagsulat ng novela, kasi ang galing niyang writer.
Siya ang writer ng Anak ni Vilma Santos, diba?
 
Back
Top Bottom