Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Para kay c


Lahat ng tao nagmamahal at lahat tayo ay nakakaramdam ng tibok ng puso para sa ibang tao. Mahirap manligaw at napakahirap sumuyo ng isang tao kung ayaw nitong magpasuyo sayo. Napakabilis ng panahon na lumipas nung nanligaw ako kay (Itago na lang natin siya sa pangalan na Cha.) Gets mo na ba kung bakit Para Kay C.? Okey, sisimulan ko na ang aking maikling kwento tungkol sa aking panliligaw.

Si Cha ang ikalawang babaing nilagawan ko at nakatawag pansin sa aking damdamin bagama’t mahiyain ang aking puso at walang lakas ng loob na humarap sa mga natitipuhan kong babae eh nagkaroon ako ng lakas ng loob at kumpyansa sa sarili na magagawa kong tanungin siya at ligawan ito. Sabi ko sa sarili ko dati na kung ako ay manliligaw dapat sasabihin ko ito ng harap – harapan hindi yung sa text lamang (thru cellphone) kasi hindi maganda kung sa text ka lang manliligaw kasi noong araw eh nanliligaw yung mga lalaki sa babae sa bahay ng babae mismo at ang ginagawa pa ng mga kalalakihan ay hinaharana ito sa tapat ng kanilang bahay. Di ba mas maganda iyon? Pero , subalit datapwat iba na ang takbo ng panahon natin ngayon at iba na ang nagagawa ng teknolohiya sa ating buhay. Balik tayo sa kwento ko. Noong, nakaraang taon mga Marso 2009, nakilala ko si Cha sa church naming. Umattend sila sa church naming at pumukaw agad ng attensyon ko sa kanya dahil may natatangi siyang kagandahan at gusto ko talaga ang mga uri niya. Morena, mahaba ang buhok, cute ang mukha kaso may kaliitan nga lang. Kahit ganun pa man ang laki niya walang problema sakin yun dahil ang akin lang naman ay hindi naman ako sa panlabas na kaanyuan tumitingin kundi sa panloob na kaanyuan. Saka nakikita ang kagandahan ng isang tao sa loob ng kanyang sarili ang ibig kong sabihin ay sa puso at kilos nakikita ang ganda ng isang tao. Lumipas ang mga araw at nagkausap kami ni Cha sa cellphone at isang araw ay tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang ligawan. Pumayag naman siya at sinimulan ko ng siyang ligawan. Noong una hindi ko alam ang gagawin ko dahil nga wala ako masiyadong alam sa panliligaw at hindi ko alam kung paano manligaw kasi torpe ako. Para paikliin ko ang nangyari noong nanligaw ako sa kanya dati ay hindi ko natapos ang panliligaw ko hindi naman ako na busted at hindi rin naman niya ako sinagot.

Oo, masakit. Sobrang sakit na masugatan ang puso. Noong una hindi ako makapaniwala na tapos na ang lahat akala ko biro lang akala ko pagsubok lang pero ang totoo pala eh wala na tapos na yun na yun wala ka ng magagawa at wala ka ring karapatang magmakaawa pa dahil tapos na ang lahat. Medyo napaluha lang naman ako pero sa loob loob ko eh masakit. Sabi nga nila “move on na.” pero paano ba mag move on? Kung lagi mo naman siyang makikita at hindi mo siya matatanggal sa isip mo kahit anong gawin mo. Naisip mo ba yun? Ikaw ba naranasan mo ba ang naranasan ko? Hindi ko nilalahat ang babae at hindi ko sila jinujudge base sa kanilang panlabas na anyo. Mabait sila pero mahirap na kalaban sa loob ng isip at puso mo once na kinain ka na nila. Ibig kong sabihin ay kapag ang mundo mo ay umiikot na lamang sa kanila.

Di ba kayo nagtataka nagkwe – kwento ako pero parang wala pa ring konek sa title ko ang kwinikwento ko? Kasi ganito un. Kaya nasabi ko na Para Kay C. dahil sa mga ito: una, kailangan kong magbago at kailangan kong maipakita sa kanya na hindi na ako titingin sa ibang babae maliban sa kanya (grabe hirap nun. Haha) kailangan hindi na ako moody, kailangan lagi ko na siyang kakausapin at kailangan sa kanya lang attensyon ko? Meron ba talaga niyan? Haha parang nadagdagan ah. Hahaha. Basta lahat ng yan Para Kay C.

Mahirap baguhin ang sarili sa loob ng maliit na panahon pero kung seryoso ka sa gagawin ko tulad ko eh mabilis mo lang ito mababago pero siyempre kailangan samahan ng prayer. May balak kasi ako uling manligaw kay Cha kaya kailangan maging handa muna at kailangang babad sa prayer. Saka lahat ng bagay kailangang ipinagbibigay alam sa Diyos at dapat ang Diyos ang sentro ng buhay nating lahat. Saka kailangan kasama siya sa mga relationships para magiging strong ito.

Nagplano akong ligawan siya uli nung Pebrero 2010, dun sa bestfriend niya sinabi ko yun para naman kahit papaano eh may paghuhugutan ako ng lakas ng loob at may mapagsasabihan ng mga saloobin. Nakakatuwa mang isipin hindi pala ako naka move on at hindi ko siya naalis sa isipan ko. At nagpapasalamat ako doon.

Sa mga napag aaralan ko tungkol sa salita ng Diyos eh natutunan ko na ang pagmamahal pala ay hindi binabatay sa nararamdaman kundi sa pagdedesisyon mismo kung mamahalin mo ang isang tao o hindi. Kasi kung ibabatay mo lang sa emosyon hindi ito magtatagal at lilipas din ung emosyon na yun pero kung ito ay pinag isipan at pinag pasyahan mo eh magiging mabisa ang pagmamahalan niyo ng taong mamahalin mo.

Sa pagsusulat ko nga nito eh iniisip ko siya kung ano ang ginagawa niya kung ayos lang ba siya. Pero siyempre hindi naiiwasan ng mga tao ang mag expect. Ito dapat ang iwasan ng mga taong nagmamahal dahil kung mag eexpect ka lagi at hindi nabigyan ng katumbas ang ginawa eh masasaktan ka lamang at magdudulot ng pagkamuhi sa isang tao. Pero kung alam mo si Christ at naiintindihan mo ang pagmamahal na pinapakita niya sa atin ay magagawa mo ring mahalin ang isang tao hango sa pagmamahal ng Diyos sa ating lahat. Kahit hindi man sabihin sa atin ng Diyos kung ano ang mga ninanais natin alam na niya ito at alam niya na ang kailangan natin ay pagmamahal at kalinga. Lahat naman tayong mga tao gustong may nagmamahal sa atin at gusto rin nating may minamahal tayo pero kung hahanapin mo ito ay hindi mo ito mahahanap dahil sa aking pagkakaalam at sa aking nararanasan sa mga simpleng bagay na paghahanap ay: “Ang bagay na hinahanap mo ay hindi mo mahahanap pero kapag hindi mo naman hinahanap ay nakikita mo at hindi mo pinapansin.”

Para sa pagtatapos ng aking kwento, kung may oras kang magbukas ng biblia tignan mo ang berso na ito: Psalm 23:6 at basahin mo na rin ang Psalm 23 dahil kung ganyan ang panghahawakan natin sa ating buhay at ganyan tayo mag iisip, sasabihin ko sa iyo na wala tayong proproblemahin at lahat ng pangangailangan natin ay maibibigay ng ating Diyos. Lahat ng ito at lahat ng isinulat ko ay Para kay C. hindi lamang si Cha kundi si Christ at ikaw na nagbabasa nito na umaasa akong napulutan mo ng aral at nabasa mo ang salita ng Diyos at naibahagi ko sayo ang ekpiryensa ko sa buhay pag – ibig. Patuloy akong nasa proseso ng pagbabago para masimulan ko ang bagong umaga para sa aking minamahal. Dati nga hindi ako makasulat ng ganito pero ngayon bulgaran ko pang sinasabi ang mga salitang mahal, minamahal at pagmamahal. Epekto nga lang ng malakas na tama ng pag ibig.



:salute:

Comment Please! :)
 
Last edited:
Good., nakakatuwa naman isipin na may mga kabataan pa na kay Lord humihingi ng advice pati sa lovelife., im a born again christian., kaso hindi ko ma apply yan sa lifestyle ko like you do., kaya :salute: ako sayo.,

anu na pala nangyari dun sa panliligaw mu nung feb?
 
Good., nakakatuwa naman isipin na may mga kabataan pa na kay Lord humihingi ng advice pati sa lovelife., im a born again christian., kaso hindi ko ma apply yan sa lifestyle ko like you do., kaya :salute: ako sayo.,

anu na pala nangyari dun sa panliligaw mu nung feb?

Wala pa rin po, still i'm building a good relationship through friendship po. Churchmate ko po siya. hehe.

ganun po ba? gusto mo po bang bigyan din kita ng mga advice from God? hehe. :D Waw, that's nice to know na Born Again Christian ka din po! :) :yipee:
 
Last edited:
walang pinagpago, torpe ka pa din kapatid:lol:

kung ganyan ka ng ganyan pano mapupunta sayo ang babaeng gusto mo?aba!kayod marino!:Dwag kang magpapacute sa babae dahil yun ang gawain nila, suyuin mo sila at itodo mo, pag di umubra di sorry at least tinodo mo, no regrets!

oha napapa comment ako kahit hindi related sa mobile apps :lmao:
 
walang pinagpago, torpe ka pa din kapatid:lol:

kung ganyan ka ng ganyan pano mapupunta sayo ang babaeng gusto mo?aba!kayod marino!:Dwag kang magpapacute sa babae dahil yun ang gawain nila, suyuin mo sila at itodo mo, pag di umubra di sorry at least tinodo mo, no regrets!

oha napapa comment ako kahit hindi related sa mobile apps :lmao:

Hahaha, pero atleast dito po eh nakaligaw na po ako sa kanya Sir. haha. :D di ba? may progress din po kahit papano.

Maraming Salamat po at napapacomment ka po sa mga post ko kahit hindi related sa mga mobile apps! haha. Isa nga rin po akong masuyong tagasunod sa inyong mga threads sa opera mini. haha. salamat po talaga sa mga mods niyo po, :)
:thumbsup: :salute:
 
@hark awts! Look at my gender sign., lalaki ako!
Siguro alam mu yung "faith without action is dead"

siguro tak0t kang masaktan or ma reject kaya ka ganyan.,

simple lang yan brod.,
masarap magmahal ng walang inaasahang kapalit.,
so pagmahal ka rin niya b0nus na lang yun.,

and an0ther thing.,
wag munang tanungin yung girl na "pwede bang manligaw?" please lang., 2011 na., 19forgoten pa yang mga ganyang style.,
gawin mu., magpakita ka ng sweetness sa girls na ang dating is nililigawan mu na siya., so mas naparamdam mung mahal mu siya through your actions.,
Kaya KUMILOS ka na!
 
@hark awts! Look at my gender sign., lalaki ako!
Siguro alam mu yung "faith without action is dead"

siguro tak0t kang masaktan or ma reject kaya ka ganyan.,

simple lang yan brod.,
masarap magmahal ng walang inaasahang kapalit.,
so pagmahal ka rin niya b0nus na lang yun.,

and an0ther thing.,
wag munang tanungin yung girl na "pwede bang manligaw?" please lang., 2011 na., 19forgoten pa yang mga ganyang style.,
gawin mu., magpakita ka ng sweetness sa girls na ang dating is nililigawan mu na siya., so mas naparamdam mung mahal mu siya through your actions.,
Kaya KUMILOS ka na!


Hahaha, patawad, inedit ko nga po eh haha. inalis ko ung ate haha.

oo naman po alam ko po ung Faith without work is dead. haha

pero alam ko din po ung Action speaks louder than voice! haha. ayun po.

haha okay po hindi ko na po yan sasabihin sa kanya. salamat po sa payo! :) hehe.
 
oo big NO ang tatanungin mo kung pwedeng manligaw:beat:
 
tama ... kasi ikaw na nagsabi ... actions are better than words. .xD
by asking parang in different terms na pagniligawan ba kita may chance ako.?
balik sa pagbabasa,,,
 
tama ... kasi ikaw na nagsabi ... actions are better than words. .xD
by asking parang in different terms na pagniligawan ba kita may chance ako.?
balik sa pagbabasa,,,

Salamat po sa pagtangkilik ng aking kwento. :)

mamaya po may popost po ako updated na kwento ko, haha. :)
 
sabi na nila "we never move on, we just get use to the pain" its a good thing na nagmamahal ka :) mas okay yun kesa sa hindi. okay lang na masaktan, kasama sa pagtanda yan. basta i balance mo lang ang lahat ng bagay. dont get too attached :P
 
sabi na nila "we never move on, we just get use to the pain" its a good thing na nagmamahal ka :) mas okay yun kesa sa hindi. okay lang na masaktan, kasama sa pagtanda yan. basta i balance mo lang ang lahat ng bagay. dont get too attached :P

Naman! Hahahaha. tama ka dyan, :) salamat sa comment. haha. isa kang tunay na kaibigan. haha.
 
Para sa akin.

Syempre asked first for her permission kung manliligaw ka. Applicable lang to kung di mo alam kung commited pa ung girl or kung may pag-asa ka.

Tiyaga lang bro nakakarelate ako sayo. Mas masarap at manligaw ng babaeng mahirap pasagutin kesa sa type ng girl na easy-to-get.

Im courting and dating a girl din ngayon.


Sana sagutin niya na ko. :p
 
Last edited:
Para sa akin.

Syempre asked first for her permission kung manliligaw ka. Applicable lang to kung di mo alam kung commited pa ung girl or kung may pag-asa ka.

Tiyaga lang bro nakakarelate ako sayo. Mas masarap at manligaw ng babaeng mahirap pasagutin kesa sa type ng girl na easy-to-get.

Im courting and dating a girl din ngayon.


Sana sagutin niya na ko. :p

Hahaha strike 2 mga pre. May asawa na rin siya hahahahahahaha
 
Back
Top Bottom