Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"Para sa mga 7th Day Adventist"

Ang maruruming hayop kailan man ay hindi naging malinis, ngunit ang tao ay siyang nilinis ng Diyos pagkapako sa Krus..

Ito ang katuparan ng Simbolismo ng Sanctuario ng makalupa, any tunay na tupa ay si Jesu-Cristo

Mga amino lamang ang Sanctuario sa lupa, at ngayon ay nasa tunay na Sanctuario tayo, yun ay maka langit na Sanctuario..

Si Jesus ang pinakamataas na Pari ng makalangit na Sanctuario.. Ang tunay na Sanctuario.. Heb. 8, Heb. 10..

Mateo 5:17

Col. 2-- anino lamang na ang tunay ay katawan ni Cristo..



Ang susi upang maunawaan ang isyung ito ay ang pangunawa na ang Lumang Tipan ay ibinigay para sa Bansang Israel at hindi para sa mga Kristiyano. Ang ilan sa mga Batas sa Lumang Tipan ay ginawa upang malaman ng mga Israelita kung paano sumunod sa Diyos at kung ano ang nakalulugod sa Kanya (gaya halimbawa ng Sampung Utos). Ang layunin ng ilan sa mga batas ay upang ipakita kung paano sumamba sa Diyos. Ang ilan naman sa mga ito ay upang gawing bukod-tangi ang Bansang Israel kumpara sa ibang mga bansa sa mundo (Gaya halimbawa ng batas sa pagkain at kasuotan). Maraming batas sa Lumang Tipan ang hindi para sa atin ngayon. Nang namatay si Hesus sa krus, tinuldukan na Niya ang mga batas sa Lumang Tipan (Roma 10:4; Galacia 3:23-25; Efeso 2:15).

Sa halip na batas ng Lumang Tipan, nasa ilalim tayo ng batas ni Kristo (Galacia 6:2) na nagsasabing, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong-puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo ng mga Propeta” (Mateo 22:37-40). Kung gagawin natin ang dalawang bagay na ito, sinusunod natin ang lahat ng bagay na gusto ni Hesus na gawin natin, “Ito ang pagmamahal sa Diyos: ang sundin ang Kanyang mga utos. At ang Kanyang mga utos ay hindi mahirap sundin” (1 Juan 5:3).

Siyam sa Sampung utos mula sa Lumang Tipan ay inulit muli sa Bagong Tipan (halos lahat maliban na lamang sa batas tungkol sa Sabbath). Alam na natin na kung buong puso ang pagmamahal natin sa Diyos hindi na tayo sasamba pa sa ibang diyos o mga diyus-diyosan. Kung iniibig natin ang ating kapwa, hindi natin sila papatayin, hindi natin sila pagsisinungalingan, hindi tayo makikiapid laban sa kanila o kukunin ang mga bagay na pag-aari nila. Wala na tayo sa ilalim ng mga batas ng Lumang Tipan. Kinakailangan nating ibigin ang Diyos at ang ating kapwa ng ating buong-puso. Kung susundin natin ng buong katapatan ang dalawang kautusang ito, ang lahat ng bagay ay mapupunta sa kanilang dapat kalagyan.
 
yung maglalasing nga eh di maliligtas yung kumakain pa kaya ng karumaldumal.

Mga kapatid kinasusuklaman ng Dios ang kumakain ng karumaldumal.

Ganito ang sinasabi Sa Mateo 15:11 MB
11Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos."
 
Back
Top Bottom