Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pares ng Sapatos

Pares ng Sapatos


Kung aking susurin at babalikan ang panahon,
Ang aking pares ng sapatos ay parang love natin ngayon,
Nag-umpisa sa magka-parehong ganda ng pag-ibig,
Ngunit nag-bago ito kahit hindi man natin ibig.

Parang sapatos kong araw-araw kong gamit,
Noong bago pa’y ayaw magasgas at laging bit-bit.
Ngunit hindi maiwasan na magkaiba ang kanilang tinahak na daan,
Minsan ang kaliwa ay nasa tubigan, ang kanan naman ay nasa putikan.

Habang tumatagal ang sapatos ko’y hindi na pares tignan,
Magka-iba at hindi na perpektong pagmasdan.
Ang isa’y matingkad pa habang ang isa’y kupas na,
Ang isa’y butas na habang ang isa nama’y pudpud pa.

Iisa man ang destinasyon ng mga sapatos kong ito,
Magkaiba silang hinulma ng panahon.
Sa tagal ng panahong napa sa akin ito,
Ilang beses na rin itong muntik masira at maitapon.

Nakakatuwang isipin na kahit luma na ang mga ito,
Subok itong matibay kahit sa mahabang panahon.
Ibang-iba man na ang mukha ng mga sapatos kong ito,
Alam kong mananatili itong pares sa habang panahon.

Ang paborito kong pares ng sapatos, na parang love ni ikaw at ni ako,
Ay hinding-hindi ko bibitwan hanggang sa huli nating hantungan.
 
Last edited:
miss red me WATTPAD ka ba ???

nakuuu.... hehe.. how are you doing..

ganda naman ng tula.. dedicated sa iyong mahal :dance:
 
ang ganda ng mensahe ng tula..pag ibig:wub:

salamat sa magandang tulang ito:salute:
 


Ang paborito kong pares ng sapatos, na parang love ni ikaw at ni ako,
Ay hinding-hindi ko bibitwan hanggang sa huli nating hantungan.


ganda ng pagkagamit nung shoes sa pag describe ng relationship.

:thanks: for sharing
 
Back
Top Bottom